Yasmine PINAKITA NIYA sa akin ang packed ng sigarilyo, “Lahat ng dumadaan ditong babae, kung gustong makaalis… kailangan subukan ito,” utos nito at nagtawanan sila. I bit my trembling lips, nanlalamig na ang buong katawan ko pati na rin ang tuhod ko. “Bitawan mo ako,” pagmamatigas ko sa gitna ng takot. “Ang sabi ko—“ bago pa niya matapos ang dapat sasabihin ay lumipad na ang packed ng sigarilyong hawak nito nang tabigin iyun ni Stan at agad humarang sa gitna. Saglit niya akong sinulyapan at pinanatili sa likod nito. “Wooooah! Ang hambog na Santiago, kumusta kana?” mayabang na usal ng lalaking maraming piercing sa labi at ilong. Mula sa pagkakaupo ay napatayo ito. Tingin ko ay lider ng grupo nila, mukhang may lahi. “What are you doing here?” tanong ni Stan sa akin, hindi pinans

