7. 360

2544 Words
Hindi ako mapakali. Nasa likod ko ngayon si Rein! Bigla tuloy akong napaisip—siya ang shining armor ko sa gitna ng laban na 'to! Nakakakilig! Sinong pwedeng mag-akala na siya opo ba "Hindi ko alam na nakikipag-away ka pala." ani Rein pagkalabas ng Office. Ngumiti naman ako sakanya at nagpeace sign. "Uy. Rein. Thank you 'ha?" Napakagat ako ng labi. Tinignan niya lang ako bago ibalik ang tingin sa daan. "Shut up. Sinabi sa'kin ni Mom at Mama mo na ayusin ko ang gulo na mo." Tinignan niya ako ng masama. Napanguso ako. "Oo na. ..Hindi mo kailangan mag-explain." Napangiti ako. Ang saya-saya! "Tsk." Aniya at naglakad palayo sakin. Napangiti naman ako bago magpaikot-ikot sa tapat ng hallway. "Pinagtanggol na naman niya ako!" Napangiti ako ng pagkalaki-laki. "So. ..magkakilala lang ang Mama mo at Mom niya?!" tumango ako sa sinabi ni Tina. "Akala ko nakatira ka sakanila! Magkakilala lang pala family niyo!" Tama siya. Ngunit wala akong sinabi na hindi ako nakatira sakanila. Pero dahil nga ayaw ipaalam ni Rein ay hinayaan ko ang pwedeng tumakbo sa utak nila. "Storm!" Napatalon ako ng may padabog na pumasok sa room. Si Vane iyon, kasama si Tres na nasa likod niya. "Napaaway ka?!" Iyon ang unang tanong niya ng makalapit. Natawa na lang ako bago tumango. "Hoy, Vane! Taon-taon naman nag-aaway 'yang sila Yue at Storm!" Totoo. We are very close before— gusto niya ng atensyon kaya naisip namin na sumali ng singin contest pero siya ang kakanta. Eventually, nagtuloy-tuloy. Hanggang sa ako ang napagod—at noong tumatanggi na ako doon na siya nagalit sa'kin. Kapal muks, Yue. Nagsalubong ang kilay ni Vane, nagdabog ito at lumingon sa pintuan. Parang may aambahan ng suntok. "Lagi na lang! Dapat ba may gawin tayo doon?" Si Vane at pinatunog na ang kamao niya. Natawa ako doon. Kung pwede lang talaga ipasuntok sakanila si Yue! Kaya lang, mapapahamak naman sila at lalaki lang ang gulo! Napasinghap si Tres. "Anong gagawin mo don? Sasapakin mo?" Tumawa si Weng. "Sige, sapakin mo. Hindi ka talaga makaka-moving up," banta ni Weng. "Bakit? May sinabi ba na ako ang gagawa? Tina, sapakin mo nga iyong Yue? Siya na nga lang humihingi ng pabor, galit pa!" Madiing sigaw ni Vane. Napailing na lang ako dahil sa pinagsasasabi nila. Natatawa din ako dahil iyon ang usapan hanggang sa dumating iyong teacher namin. Tulala akong nakatingin sa bintana habang may sinasabi ito. Hindi sa wala talaga akong interest sa pag-aaral. Gusto 'ko talagang matulungan si Papa pero. ..hirap na hirap talaga ako ngayon. Magpapalahi na lang ako kay Rein. Okay lang? Tutal ay matalino siya. Siguro bata pa lang anak namin pipilitin ko na siya ng mga nakakawindang na libro. Pag di siya nagbasa, palo agad. Ayoko lang naman maranasan ng magiging anak namin ni Rein ng ganitong utak. ..walang laman. Napanguso ako sa iniisip 'ko. Halos pandirihan nga ako ng isang iyon. Talaga ba, Storm? Seryoso ka na diyan? Talaga ba? "Miss Ormanda!" Halos yumanig ang classroom sa sigaw ng aming guro. Natural na napatayo ako. "M-Ma'am!" "Ano 'yang tinitignan mo sa baba?!" "Ay wala Ma'am!" Kanina pa ba nandito ang matandang teacher na 'to? Kaloka! Ayoko na talaga mag-day dreaming! "Wala?! Gusto mo ba tumakbo doon?! Bumaba ka doon at tumakbo ng ilang beses! Papanoorin kita!" Galit na sigaw nito. "Class, get one whole sheet of paper! Ilagay niyo diyan kung bakit hindi kayo makapag-focus sa exam?!" Narinig kong napaungot sa inis ang mga kaklase ko. Halatang ayaw gumawa. "Ma'am naman... Bakit kami damay diyan 'e si Storm lang naman ang lutang—" "English!" Dagdag pa ng matandang hukluban. "Ormanda! Baba!" Duro niya saken. Papalag pa sana ako. Kaya lang ayoko naman dagdagan ang pasanin ng mga kaklase 'ko. Hindi pa ako nakakatakbo sa quadrangle ay napagod na ako dahil ang taas ng room namin. Parang ayaw ata kami pababain ng hagdan sa taas ng room! Habang tumatakbo, kamalas-malasan, ay mukhang PE nila Rein. Mabilis akong nagtago sa gilid. Ayokong makita niyang tumatakbo sa harap ng field! Mapapahiya ako! Pero nanonood ang teacher namin! Napasimangot ako at alanganing tumakbo. Nakita ko si Rein na may hawak na raketa, at nagtuturo sa kaklase. Tennis. Ang gwapo talaga nito. ..Nakakainis. Sure ka na ba? Ayaw mo talaga sakin? Tatakbo na sana ako sa banda nila, pero—napaisip ulit ako. Paano kung makita ako ni Rein? Anong iisipin na naman niya sakin? Ang sama na nga ng image ko sakanya, pasasamain ko pa lalo? Ganon? Napailing ako. Hala. Ayokong makita niya ako! Sinubukan 'kong maghanap ng ibang matatakbuhan na pwesto, yung hindi agaw pansin masyado. Doon ako nagtatatakbo. At pasimpleng sinusulyapan si pogi. Nagulat ako ng may tumama saking masakit. Sa tiyan iyon at talagang sapul na sapol. Napatumba ako, namilipit sa sakit. "A-Aray. .." Hinawakan 'ko yung natamaan. Ang sakit-sakit. "Hey miss. .." May humawak sa braso ko pero busy ako kakamilipit. Ang sakit-sakit. "Stella?" Sinubukan 'kong i-angat ang aking tingin. Nang makita 'ko si Rein ay tinago ko agad ang mukha 'ko. Ano na namang iisipin niya sakin. Napamura ako sa inis at iling. Argh, sa lahat ng makakatama, bakit siya pa!? Nakakahiya! Stupid na talaga tingin niya sa'kin. "Okay ka lang? I'm sorry. ..Ano ba ginagawa mo dito?" Aniya at dinaluhan ako. Sumunod naman ang maraming kaklase sa paligid namin at nagbulungan. "Oh! Ito 'yong umamin kay Rein diba?" My eyes widened. Namula ako sa hiya at itinago ang mukha. Kailangan talaga sabihin 'yon? Papansin ka, Kuya. Papansin! Maraming nagtawan at sinabi ang mga tao sa paligid pero di ko maintindihan. Mukhang bola ng tennis ang tumama sakin, ang masama at kay Rein pa galing. Kung minamalas ka nga talaga! "Dadalhin ko muna 'to sa clinic," si Rein at nagulat ng buhatin niya. Nanlamig naman ako. Hindi dahil sa pagkabuhat niya—pero dahil sa sakit na nasa tiyan ko. "Hey, are you all right? What are you doimg here anyway? You're really stupid," aniya. Napanganga naman ako. Hindi talaga ako nakaligtas sa stupid? "Ang sakit ng tiyan ko..." I just said to him. Tumango ito. Mabilis ang lakad niya at halatang nagmamadali. Ito na ata iyong pinakamasayang nasaktan ako. He looks very worried... "Paano kung hindi tayo magka-anak dahil sa ginawa mo?" Wala sa sariling tanong ko at pumikit. Masakit talaga ha. Walang halong pabebe! "You're right... That might be a problem." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko bago tuluyang mawalan ng malay. Pagkamulat 'ko ng mata, sila Weng ang bumungad sa'kin. Napatango na lang ako sa pangangamusta nila. Sabi ay nahimatay ako dahil sa tumama sa'king tiyan. Nagalit pa nga si Ma'am dahil siya ang nanagot sa lahat. Naku. Ako na naman ang pag-iinitan noon. Nabanggit din nila na natamaan ako ng tennis ball, sapul sa tiyan. At si Rein pa ang may gawa noon. Sinasadya na ba 'yon? Ano bang problema non? Gusto ko siya pero hindi ibig sabihin noon ay sasaktan niya ako ng pisikalan! Sinadya niya ba? Ito ba iyong ganti sakin. ..? Teka—si Rein ang nagdala sa'kin sa clinic! Natandaan ko na binuhat niya ako! Hala! Nakakakilig! "Stella. .." Napalingon ako sa pintuan. Si Vane. Hawak nito ang telepono niya. Mukhang tumakbo pa talaga siya para makapunta dito. Nag-aalala ang mukha. Haay. Bakit kasi hindi magawang turuan ang puso? Kung pwede ngang si Vane na lang—kaso hindi ko talaga bet. Nasaan ba si Rein? I mean, siya ang may kasalanan nito! Dapat siya ang nagbabantay sa'kin! "Pasado ka. .." Kumunot ang noo 'ko. "Ha?" "Pasado. ..360. .." "Ha?" Noong una ay hindi 'ko pa siya makuha. Pero nang ma-realize ko ang sinasabi nito... 360? Iyong exam? Ako? Ako ba iyong pasado? Tumawa sila Weng at Tina. "Huwag kang magbibiro ng ganyan—" "Tanga, totoo nga!" Vane shouted. "Ha. ..s-sigurado ka?" Iyong periodical exam? Talagang pasok ako sa 360? Nagsimula na akong maluha. Sila Weng at Tina ay gulat. "Hoy, Vane! Huwag mong paasahin ng ganyan si Storm! Kakagising lang niyan mula sa sakit!" "Oo nga! Tignan mo pa sa bulletin board!" Ulit pa ni Vane. "Congrats honey bunch sugarplum!" Si Vane bago ako yakapin. Totoo? Nakapasa ba talaga ako? Namimilipit, takbo at hawak ang ginawa 'ko sa aking tiyan. Nasa grounds lang naman ang bulletin board pero nahirapan talaga ako dahil sa sakit. Ano ba iyan! May problema ba talaga sakin si Rein? Ang sakit talaga ng pagkatama niya! Sinadya kaya niya 'yon? Maraming tao sa gitnang parte ng bulletin board. Pero iyong nasa unahan, wala. Ito yung mga nasa top one hundred. Usually, mga section A and B ang pumuno. Una 'kong nakita si Rein sa listahan. Top one. Iba talaga! Napangiti ako, dahil kahit kinulit ko ito, talagang hindi ako naging abala sa exam niya. 1. Ytrium Rein Gabriel Napalingon ako sa kabilang dulo ng bulletin board. Nandoon si Rein, nakatayo. May tinitignan. Maraming babae ang nasa likod nito pero walang nagtangkang lumapit. Parang may sarili siyang space doon. Napatalon ako ng magkasalubong ang mata namin. He smirked. Natulala pa ako sa kiming ngiti nito bago siya umalis sa harap ng bulletin. He... smiled on me! A genuine smile! "Storm!" Ang pumalit sa kinatatayuan ni Rein kanina ay si Vane. Tinuturo niya iyong listahan. Samantalang si Weng at Tina ay parehong nagtatatalon. "P-Pasado talaga ako?" Bulong 'ko sa sarili. 360. Stella R. Ormanda Natulala na lang ako. "Pasado talaga ako?!" Tili ko na lang dahil sa tuwa. Napayakap ako kay Weng at Tina. Nakisali si Vane kinalaunan. Parehas kaming nagtatalon-talon. Talaga?! Salamat! Salamat kay Rein! Ngayon, naranasan 'ko rin makasama si Rein sa iisang listahan. Nakakatuwa! Hindi lang ako basta-bastang stupid girl, Rein! Akala mo! "Masaya kami para sayo, Stella!" Talon talon pa ni Weng. "Pero paano?!" "Ah! Dahil kay Rein!" Sigaw ko. I wanted to jump right now and hug him. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito kataas na score! Unti-unti nawala ang ngiti 'ko. Nakita 'kong naguluhan sila. Aish. Itong bibig 'ko! "Rein?" Napaisip sila sa sinabi ko. "Ah. ..Ginawa 'kong inspirasyon!" Mabilis na lusot ko. Natawa naman silang lahat. Pwera lang kay Vane na busangot ang mukha at sinabing tigilan ko na si Rein. Ngumiti na lang ako. Naglalakad kami noon pabalik ng room nang may humarang sa'kin. Si Yue. Bitbit ang dalawang kaibigan niya. "Paano ka nakasama sa 360?!" Hindi 'ko alam kung anong isasagot sakanya. Pero umiling na lang ako at tumawa. "Bakit? Inggit ka?" Halos umusok na ang tenga niya sa simpleng sinabi 'ko. "Ano?! Bakit naman ako ma-iinggit sayo?! Sure ako na may binayaran ka lang kaya tumaas ang scores mo! Ang boba mo kaya!" Halos mapanganga ako sa sinabi nito. "Aba?! Anong pinagsasasabi mo gaga?!" Halos bulyaw ni Tina. "Ang kapal naman ng mukha mo! Mag-aral ka para makasama ka! Hindi iyong naninira ka ng iba!" "Wow, coming from you Storm?! Nag-aral ka ba talaga?! Oh baka naman nagbayad or nandugas ka?!" "Paano naman ako mandurugas, sa tingin mo may mapagkukunan sa classroom namin?!" Ganti ko. Napahinto naman ako. Napatingin kay Weng, Tina, Tres at Vane. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. "Talaga--" "Sus, kaya iyan pumasa dahil kay Rein!" Sigaw ng isang studyante. Napapalibutan na pala kami. May hawak silang kanya-kanya na cellphone. Sabay tingin sa'kin. Yung iba ay tingin na nang-aasar. Tuwang-tuwa. Samantalang yung iba, lalo na ang mga babae ay halos ilibing ako sa tingin nila. "Dahil pala kay Rein ha! Tabi pa kayo natulog!" "Naka-iskor ba?!" "Malandi!" "Ambisyosa, girl?!" "A-Anong sinasabi nila?" Bulong 'ko na lang. "Stella!" Yumanig ang boses nito sa hallway. Si Rein! Hindi 'ko alam kung anong nangyayari, pero bigla na lang ako kinabahan. Walang sabi ay nasa harap 'ko na ang lalaki at hinila ako nito. "R-Rein!" Nasa likod kami ngayon ng gym. naguguluhan ang itsura nito. Galit na galit. Napanguso ako ng wala sa oras. "Ano?" Nagtitimping tanong niya. Kumunot ang noo 'ko. Ano bang problema niya? "Ano?" "Anong ano?!" "Hoy, nababaliw ka ba? Hinila mo ako, tapos tinatanong mo ako ng ano?" Nagkatitigan kami. Ah! Hinihintay ba ako mag-thank you nito? Natawa ako at kinilig. Pero bakit galit siya? "Thank you! Nakapasa ako--" "I see! Pero nakita mo ba ang ginawa mo?" Napahinto ako. "Anong ginawa 'ko?!" "Aish!" Sinipa niya iyong pader. "Ito!" Pinakita niya sakin iyong litrato sa phone. Kaming dalawa. Natutulog. Nakasandal sa libro. Hala mukha kaming couple--nanlaki ang mata 'ko ng makita ang dami ng react at comments. Napagtanto 'ko rin ang nangyari. "Sinong nagkalat?!" Napatili na lang ako. "So hindi ikaw?" Tinignan 'ko siya. "Bakit 'ko naman gagawin iyon? Tsaka sino kumuha niyan?" "Sinong gagawa nito?! Eh nasa bahay lang naman tayo!" "Oo nga. ..Pamilya mo iyong nandon. Wala namang may galit sayo.. ." Napahinto ako. Napatingin kay Rein. Hindi kaya si Selena... ang may gawa nito? "That brat!" Sigaw niya. Tinalikuran na ako nito. Pero bago siya tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang sigaw niya. "Selenium!" He said to his phone. Dahil doon ay nagkaroon ako ng malaking problema. Ang daming nakatingin sakin. Iyong iba ay natutuwa dahil may narating ang pagiging ambisyosa 'ko. Yung fan girls ni Rein ay gusto na akong sabunutan. "Storm!" Mahabang sigaw ni Vane. "Paano nangyari na iisa lang kayo sa bahay?!" "Hoy, Storm! Kaya pala?!" Si Weng. Nakatingin lang sakin si Tina na parang naghihintay ng paliwanag. Si Tres ay nginitian 'ko. Nagpunta kami sa classroom at doon 'ko ipinaliwanag ang lahat. Klinaro 'ko rin na walang namamagitan samin. Kahit gusto 'ko. "Iba ka 'rin Storm! Ang layo ng narating mo!" Tawa ni Weng. Natapos ang klase na sinasabon ako ng lahat. Pero ginawan 'ko ng paraan iyong picture. At huwag silang mag-isip ng mali. At least, sa kaklase 'ko, malinaw na ang lahat. Pero iyong iba? Buong campus? Aish. Nakauwi ako ng bahay. Naririnig ko ang sigaw ni Selena at Rein. "Bakit, masama i-share?!" Sigaw pa ni Selena. "Selena, ano bang problema mo?!" "Kayong dalawa!" Tahan ni Tita Rheina. Bumati ako kay Tita at nilagpasan ko muna sila Rein. Mahirap mapasama sa away. Kinuha 'ko ang aking telepono at tinawagan sila Mama at Papa. Binalita 'ko sakanila iyong results ko sa final exam. "Talaga anak?" Sabi ni Mama. "Baka it's a prank 'to ha?" Natawa ako. "Hindi na Mama. Totoo talaga. Tinuruan po kasi ako ni Rein. Ang galing niya, Mama. Siya pa nga iyong top 1. Iyong una ba, Ma." Humaba pa ang kwentuhan namin ni Mama hanggang sa magpaalam na ako. "I love you, Ma at Pa!" "Oo anak. I love you too." Sagot ni Papa. "Anak, galingan mo diyan ha?" "Mama, g-graduate na nga ako e?" Natawa ang dalawa sa kabilang linya. Napangiti na lang tuloy ako. "Oo anak. Pero galingan sa susunod. Proud kami sayo, anak!" Napangiti ako. "Thank you, Ma!" Natapos pa ang usapan namin nila Mama sa asaran. Babalik na sana ako sa loob ng bahay ng makita 'ko si Rein. Nakaupo sa bench. "Huy. .." umupo ako sa tabi nito. "Mukhang masaya ka?" "Oo. Dahil sayo!" Walang preno na sabi 'ko. Tumaas ng kilay nito. Napalingon sakin. "Salamat. ..nakapasa ako sa listahan na 'yon. Once in a lifetime lang iyon!" Ngiti ko sakanya. "Tss. Pero iyong picture. .." "Hayaan mo na. Ga-graduate naman tayo eh--" "That brat." Inis na sambit niya. "Gustong-gusto mo rin iyong nangyayari?" "Hoy! Hindi kaya--" "Congrats. ..Stella." He said softly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD