Kinakabahan ako! Naglalakad ako ngayon sa hallway para magpakalma. Kinakabahan ako! Paano kung yung pamb-blackmail ko kay Rein ay mapunta sa wala?
Ngayon na ang finals kaya di ako makahinga!
Napahiga ako ng may bumangga sa'kin. "A-Ano ba-" Rein?!
"All the best." Bulong nito bago siya makalagpas sakin.
"Salamat!" Biglang sigaw ko at tumayo para pumunta ng klase. Hindi ako makapaniwala! Kinikilig ako! All the best 'daw?!
Kaya hindi ko talaga hahayaang mabalewala ang pinag-aralan ko dahil sa kaba. Fight! Para kay Rein! Para may mapatunayan!
Pagdating ng test paper ay bahagyang napanganga ako. Iyong. ..parehas! Parehas iyong test paper at test sample na binigay ni Rein!
Ang sagot ay normal 'kong naisusulat! Ah! Ang saya pala sa feeling ng ganito?!
"Storm!" Inakbayan ako ni Vane pagkatapos ng exam. "Ang sakit ng ulo ko." Iyak niya sakin.
Ngumiti ako sakanya. "First day pa lang. May bukas pa!" Ngumawa lang siya kaya natawa ako.
"Tara. Labas tayo!" Aya ni Tres sa gilid ko. Sumunod naman sila Weng at Tina.
"Ayan. Kain lang, Storm."
"Ang sarap talaga dito!" at kumain pa ako.
"Say Storm. Hindi ba maayos ang pag-trato sayo 'doon sa bagong--"
Napa-ubo namam ako sa sinabi ni Weng.
"Anong hindi maayos? Alagang-alaga nga ako." I giggled. Inisip ko iyong halos isang buwan namin na pagsasama ni Rein sa kwarto ko para mag-review. ..
Kaya lang wala pa 'ring progress! Hindi niya nga ako pinapasadahan ng tingin kahit magka-usap kami. Parang wala pa 'rin eh halos madadalawang buwan na akong nakatira sakanya!
"Oh! Storm! Mukhang nalungkot ka?" Wika ni Tres.
"Ha?!"
"Sabi na 'eh! Di talaga maayos ang pag-trato sayo!" Sigaw ni Vane.
"H-Ha?! Hindi iyon! M-May naisip lang ako. .."
"Hmm! Si Rein na naman?" Napatingin ako kay Tina. "See? Si Rein nga!" sabi niya pa.
"Love! Akala ko ba move-on na?" Ngawa ni Vane. Umiling ako at napabuntong hininga.
"Ang hirap 'eh. Para kasing maabot ko siya na hindi. .."
"Ano?!" Sigaw nilang apat.
"Ang lapit na niya. ..pero hanggang ngayon wala pa 'ring progress," I sighed.
Ayaw ba talaga sa'kin ni Rein? Final na 'yon Lord? Siya talaga gusto ko e. Bawal po ba i-mine si Rein? Gawin niyong para sa'kin lang si Rein Lord!
"Anong ang lapit pero walang progress---"
"Nakatira kayo sa iisang bahay 'no?!" Nagising ako sa sigaw ni Vane.
Paano nila nalaman 'yon?! Tumingin ako sakanya at umiling.
"Hindi! Hindi! Pag ano. ..ang lapit niya sa dreamland ko. ..pero sa reality walang progress," Palusot ko at ngumuso. Medyo totoo 'yon.
Sila Tina at Weng ay napailing 'din sa sinabi 'ko. Tinignan nila ako na parang naawa sila sa'kin.
Bwiset talaga 'tong mga to. Parang others kung makatingin!
"Ah! Ang hopeless mo, Storm. Kumain ka na nga lang! Pero tandaan mo, laban lang! Wag panghinaan ng loob!" Napangiti ako sa sinabi ni Tina.
"Tama! Kailangan mo kumain ng marami para lumaban sa pangalan ng pag-ibig!"
"Aww, guys!"
Natapos na ang second day ng test at masaya kaming nagtatawanan ng buong ka-section ko sa isang fastfood chain.
Napatigil ako ng may tumawag sa'kin.
Unknown calling...
"Uy may tumatawag. Sino 'yan, si Rein?"
Bigla akong natawa. Hala sana nga!
"Baliw, hindi ah!" Sagot ko. Kinikilig.
"Grabe kayo guys, parang wala ako dito," simangot ni Vane.
Natawa naman kaming lahat bago ako nagpaalam sa mga kasama at sinagot ang tawag.
Naririnig ko pa ang asar nila Weng sa'kin pero hindi ko sila masyadong pinansin.
Sino 'to? Online delivery ba?
O si Rein?
"Hello po. Pakiiwan na lang sa guard 'yong parcel?"
"S-Stupid!" Sigaw ni Selena ang bumungad sa'kin. "You stupid! B-Bakit ang tagal mo sumagot?!"
Ha? Si Selena?
"Ah. Sorry. Nagce-celebrate
kasi--"
"Idiot! G-Go! I need you!"
"Bakit? May nangyari ba sayo?" Dumiretso ako sa upuan at kinuha ang bag 'ko.
Anong nangyari sa isang 'to? Bakit tunog umiiyak siya?
"Huy! Storm?"
I mouthed; 'Pinapauwi na ako' sakanila. Tumango naman ang mga ito. Nag-sorry ako bago ibalik ang atensyon sa telepono.
"Anong nangyari? Akala ko ba kukunin ka ni Tita Rheina?" I ask Selenium.
Si Rein ay male-late ng uwi para daw sa event ng school. At ako, ganon din. Celebration kasi tapos na ang exam. Kaya napagkasunduan na ihahatid siya kay Tita Rheina.
"Tatawag ba ako kung kinuha ako?! Ah! Bago mahuli ang lahat. Nasa hindi ko alam kung nasaang lugar ako. ..at--"
"Ano?!"
"Nasa isang convenience store ako."
"Ha?! Saan?!"
"Hindi ko alam! Basta I'll try to make it sa bahay. Tinawagan kita kasi kailangan mo akong mahanap. Huwag mong sasabihin kay Kuya! Busy siya!"
"Jusko, Selena!" Sumakit ang ulo ko. Anong responsibilidad ang ibinigay niya sa'kin?! Paano kung may mangyari sakanyang masama?! "M-Mag stay ka diyan sa convenience store, okay? Wag kang aalis. Darating ako!"
T-Teka. Anong convenience store?
I am really stupid! Why did I forget to ask her that? Ang daming convenience store sa Pinas!
Tinignan ko ang number na tumawag sakin. Ilang beses 'kong tinry tawagan ito pero walang sumasagot.
Tatlong oras na ako naghahanap! Mag-aalasyete na! Nagtatanong 'din ako sa mga tao kaya lang ay hindi nila kilala si Selena.
Paano kung may nangyaring masama sakanya? Paano kung may kumuha sakanya at. ..at.. . napakagat ako sa'king kuko.
Napailing ako. Ang sama ko para isipin 'yon. Nilibot ko ulit ang lugar kung saan may convenience store pero wala siya! Nasaan ang batang 'yon? Nagtanong na 'rin ako sa mga cashier pero wala. ..
"O-Oh?! Nakita ko 'to kanina! Mga around 4PM?" aniya matapos makita ang picture sa phone ko.
Sa wakas!
Napakagat ako ng labi. "Talaga? Saan po siya pumunta?"
"Ah. Hindi ko alam. Basta bigla na lang siya umalis."
Nagpasalamat ako at lumabas ng store. Sumalubong sakin si Rein pero nilagpasan ko ito. Patay ako sakanya pag may nangyaring masama kay Selena–maba-badshot din ako kay Rein!
Hala! Teka si Rein!
Napatigil ako sa paglalakad at nilapitan siya. "T-Tapos ka na sa e-exam?" Kumunot ang noo nito.
Argh! Ang bobo ng tanong! "T-Tapos ka na sa ginagawa m-mo?"
"The event?" Tumango ako. Tumango din siya bilang sagot.
Pwede ko naman siguro sabihin na nawawala ang kapatid niya?
"Si Selena. .." Tumaas ang kilay nito at hinihintay ang susunod na sasabihin 'ko. ". ..t-tinawagan n-niya ako. N-Na. ..nawala daw siya. ..nasa convenience store daw siya pero ang d-daming convenience store. I-Itong store na nasa h-harap natin g-galing siya d-diyan pero. ..pero di ko siya n-naabutan. ..ang b-bagal ko. Sorry!" napayuko ako.
Anong kahihiyan pa ang kaya kong gawin? Ang tanga-tanga ko!
"Selena was lost?" Kumunot ang noo nito.
"S-Sorry! H-Hindi ko siya nakita. Hindi ko siya naabutan! Kung n-naging mabilis lang s-sana ako. ..Ang t-tanga ko! Sorry--"
Hinawakan nito ang ulo ko. "Let's go home."
"Si Selena--"
"She's fine." Napaangat ako ng tingin. "You must be tired."
Doon bumuhos ang luha ko. "Salamat naman! G-Grabe ang kaba 'ko. ..doon. ..kanina. .." Tumawa ako. Ang awkward! Pinunasan ko ang aking luha. "Tara na!"
Nagulat ako ng hilahin ni Rein ang aking braso para bumalik sakanya. Nanatili siya sa'king likuran. Nakapatong ang kamay nito sa ulo 'ko.
"Thank you," napahinto ako sa yakap niya.
"N-Natakot ako 'non. .." Humarap ako sakanya. "N-Natakot ako! I feel so stupid kasi nakalimutan ko pa itanong 'yong convenience store!" at yumakap ako dito. Hinaplos lang ni Rein ang buhok 'ko.
"Sorry." aniya.
"P-Paano kung may n-nangyaring masama s-sakanya. .."
"Wala 'kang magiging kasalanan if that happens. And I am really glad walang nangyari. You did a great job today. Let's go?" at nauna itong maglakad. Napatanga ako.
"R-Rein?"
"Don't be too dramatic," maliit na ngumiti ito sa'kin.
At doon. ..Iyon ang gabi na pakiramdam ko, naabot ko na si Rein. Iyong pakiramdam na iisa lang kami. ..iyong hindi siya malayo sa'kin.
Nayakap ko si Rein. Hindi niya ako tinulak. Hinaplos pa nito ang buhok ko at sinabing ang galing ng ginawa 'ko.
Napangiti ako. "Rein! Hintay!" Sigaw 'ko at humabol sakanya.
"Did you eat?" Tanong niya sa'kin.
"Oo. Bakit?"
"Kakain sana tayo—"
"Hindi pa pala ako kumakain," I smiled. Nilingon ako nito at tinignan ng masama.
"Stop that. Let's go home," aniya.
Ngumuso ako. "Hindi pa talaga ako kumakain!"
"Tigilan mo ako," he shut me up.
Gusto ko naman batukan ang sarili sa nangyari. Sayang naman! Date na naging bato pa!
"Oh! You're home!" salubong ni Selena sakin.
"Selenium. What happened."
Nanlaki ang mata ni Selena at tinignan ako. Parang sinasabi niya na lagot ako.
"Selena!" Sigaw ni Rein at itinago ako sa likod nito.
"I just. .take the bus instead of waiting Mommy's car. .."
"What?!"
Napaatras ako sa sigaw ni Rein.
"Nasiraan 'daw sila! So sabi ko pupunta ako kay Mom.. .I didn't see my self getting lost. ..so. .."
"That was only your shameless thought! Paano kung may nangyaring masama sayo?! Who do you think you are?! An adult?!"
"What?! Wala namang nangyari sa'king masama--"
"Selena. ..hindi mo dapat sinasagot ang Kuya--"
"Isa ka pa! Instead of finding me, you end up being lost! Seriously?! Are you that stupid?!"
"Selenium!" Bwisit na inilapag ni Rein ang bag at nilapitan ang kapatid. "You don't have any manners, huh? Cheap. At nagsinungaling ka pa about Stella being lost because she is that stupid. It's the other way around, huh?"
"Argh! I hate you!" Sinipa ni Selena si Rein. She is scratching Rein!
"Selena!" Sigaw ko. Napalingon sa'kin ang dalawa kaya't hinila ko si Rein at itinago sa'king likod. "Hindi mo dapat sinasaktan ang Kuya mo! Pagod siya!"
"Now what?! Tingin mo ba pagkatapos mong sabihin sakin iyang old stuff ay magugustuhan ka ni Kuya?! Never! Masyado kang--argh!" At umalis siya.
Napanganga ako sa mga pinagsasasabi niya.
Tinabig ni Rein ang kamay ko sa braso niya at umalis 'din para pumasok sa kwarto.
"Pagod 'din ako. .." Napa-upo ako sa sahig. "Kasalanan ko na naman. Tanga. Tanga."
Bago matulog ay kinatok ko si Rein sa kwarto nito.
"What?" Bungad niya.
"Oh. Nagamot mo na pala. Masakit ba?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa scratches na binigay ni Selena. Pero binagsakan lang ako ng pintuan nito.
"Selena? May nabaling kuko ka ba?" sigaw ko mula sa pinto. Kasi nangawit lang ako kakakatok.
"Stupid!" Sigaw niya. Napangiwi naman ako.
"Ba't inis na inis 'yon?" Napaluha ako. Hindi ako sanay na ginaganito.
Pero para kay Rein. ..Alam 'kong malapit na ako sakanya. .. naramdaman ko 'yon kanina noong magkalapit kami!
Fight!
Napayuko ako sa harap nila Tita Rheina at Tito Spring. Katabi ko ngayon si Selena at Rein.
Ibig sabihin, napapa-gitnaan ako.
"Rein! Ilang beses ko ba sasabihin sayo?! Stop acting like a child too!"
"Whatever." Matigas na sambit nito at akmang tatayo pero sinigawan siya ni Tito. "Nakakahiya." Rein commented sa ginawa ni Tito.
Napayuko ako.
"Kayo?! Hindi ba kayo nahihiya kay Storm?!" ani Tita Rheina.
"No." sabay pa sila ha?!
Nilingon ako ng magulang ni Rein at Selena. Mukha silang nagsosorry at naaawa. Ngumiti naman ako at umiling.
"Please teach Selena to have some manners, Ma. Take her away from us."
"Right, Mom. Take Storm too. You can't let her stay with err--"
"Hindi ako pumapatol diyan."
"You two--!" Sigaw ni Tita.
Ano 'bang nangyayari?! Gusto ko ng magtago! At punong-puno na ako sa pang-iinsulto ng dalawang 'to!
And the three of us ended up sa bahay ng mga Gabriel. Umupo kami sa mahabang sofa at ako pa rin ang nasa gitna!
Pakiramdam ko mamamatay ako sa pwesto na 'to! Pero katabi ko naman si Rein kaya't. ..ayos lang. Yie. Kilig ako!
"Mags-stay na kayo dito simula ngayon. Mali talaga na iniwan kita sa Kuya mong matalino pero hinahayaan ka at ayaw magpatalo." Sabi ni Tita Rheina.
Napangisi si Selena.
Anong nangyayari?! Ah!
"At Selena. Sinungaling ka na nga, wala ka pang tamang-asal. Ano ang tingin mo? Nakakataas ka sa lahat?!" Sigaw ni Tito Spring.
"At Storm!" Napangiwi ako. Kasama ako?! "Pag mag-aaway sila, bigyan mo ng kutsilyo! Wag mong pigilan!" Sermon ni Tito.
"Opo." Tango ko pa.
So kasalanan ko talaga?!
"Pero sa ngayon, titignan ko kayo. Magbabantay. Kaya be mature! Lalo ka na Rein. At ikaw Selena, don't act like a princess because you are not!"
Napanganga ako.
Ang sakit 'non para kay Selena. Tinignan ko ang bata.
"I am not a princess, of course! Duh! I am the queen!" asar niya kay Tito.
Luh?! Ang unexpected! Tibay talaga ng batang 'to. Na-spoiled siguro masyado?
Napalingon ako kay Rein na umiiling.
Nandito kami ngayon sa kusina ni Tita Rheina. At mukhang down na down siya. Napakagat ako ng labi.
"Sorry po talaga. Dahil sakin, nag-away sila--"
"Hindi hija. Wala 'kang kasalanan!" aniya. "Ganon talaga sila pag nag-aaway. Pasensya na at nakakahiya."
Napatango na lang ako.
"Si Selena. ..Sobrang spoiled sa aming lahat. ..Samantalang si Rein naman, hindi marunong makiramdam at walang pakialam sa kahit ano. Pag may alam siya, sasabihin niya kahit makasakit pa siya. .."
"Nako. Okay lang po. Pasensya na po at makikitira ako dito sainyo!"
"Ano ka ba hija. Narinig namin iyong nangyari sa condo at ginawa ni Selena. Wala pa ito 'no!"
Ngumiti na lang ako bilang tugon.
Umaga na 'non at may pasok.
Hindi ko inaasahang madadatnan 'kong mag-isa na lang ako mag-uumagahan. Napanguso ako.
"Busy pa lang tao ang mga 'yon." Wala akong nagawa kundi kumain bago pumasok sa school. Mabuti na lang at inihatid ako ng driver. Hindi ko kasi alam ang daan.
Nakatulala ako sa kabilang wing ng building. Kung nasaan ang aking sinisinta na hindi ko alam kung maabot ko. ..
"Stella?" Napatingin ako kay Riri. "Iyong upcoming school festival natin. .." tinignan ko siya ng masama.
"Wala akong gagawin! Tutulong pwede pa!"
"Stella naman. Kahit si Yue na lang ang aakyat ng stage."
"Ayos 'ha?! Boses ko tapos iba kikilalanin?"
"Eh bakit kasi hindi na lang ikaw ang gumawa?!" Biglang singit ni Yue.
"Bakit mo ako sinisigawan? Ikaw na nga iyong may kailangan!"
"Eh kasi akala mo kung sino eh!"
"Hindi lang maganda boses mo." Singit ni Tres. Napangisi ako ng bahagya.
"Ikaw!"
"Miss Chua at Ormanda!" Sigaw ng Dean. "Kung tsaka malapit ang school festival, doon kayo namemeste sa office ko!"
Tinignan ko ang galos na nakuha 'ko. Mahapdi! Epal talaga ang Yue na 'yon! Kaya hindi gumaganda ang boses kasi ang pangit ng ugali.
Nandito na ang guardian ni Yue at nakatingin sila sakin ng masama. Hindi pa ba ako nasanay? Three years puro ganito ang nangyayari sa pagitan namin ng Yue na 'to. Well, tuwing nalalapit lang naman ang school festival.
"Taon-taon na lang ganito!" Sigaw ng nanay niya.
"Gabriel? What are you doing here?"
Napalingon ako kay—Rein?! Anong ginagawa niya...dito? Na-guidance din kaya siya?
Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nako, baka kung ano na naman ang isipin niya sa'kin! Hindi ako ang nauna!
Badshot na naman ako!
"Mr. Gabriel, anong ginagawa mo dito? Umalis ka na," ulit pa ng Dean.
"I know her parents. Ako ang tatayong guardian niya."
"Hindi pwede." Wika ng Dean.
"Her parents told me to." Pumunta ito sa likuran ko. "Now let us settle the problems. No harsh words or such."
Nakita ko ang pagka-inis sakin ng pamilya ni Yue. Samantalang ako?
Ipinagtanggol ako ni Rein. Feeling ko ay nasa alapaap ako ngayon.
Talaga bang pumunta siya para sa'kin?