Hindi siya nag-aaral? Hanggang ngayon di pa rin ako maka-move on! Parang boomerang lang! Paulit-ulit!
Napaka-imposible naman 'non! Paano niya nakukuha iyong 400 na score sa all over exams?! Tao ba talaga iyong nagustuhan ko? Paano niya nagagawa iyon?!
Nakakapanghina naman na nakakakilig! Gusto ko mag-review kasama talaga si Rein! Malay mo ay ma-develop!
Napahinto ako sa iniisip. Hays! Akala ko ba papatunayan ko lang na hindi ako stupid girl?
Pwede rin naman pagsabayin ang kaharutan at pag-aaral!
Linggo na at pabalik na kami sa condo. Pero bago 'yon, tinulungan ako ni Tita Rheina na ayusin ang buhok ko dahil palagi daw itong magulo.
"Tita? Hindi po daw nag-aaral si Rein?" Hindi ko na napigilan itanong.
"Ha?" Napatingin ito sa'kin.
"Iyong exams po ganon. Hindi siya nag-aaral?"
Tumawa ito. "Nako anak. Hindi. May photographic memory ang isang 'yon."
"Photographic?" Ano 'yon? Camera ang utak ni Rein?
"Parang picture. Kung ano mismo ang nasa loob ng litrato, iyon mismo ang pinakamatatandaan niya! Isang tingin lang, parang nakuhaan niya ng litrato. Ganon!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Wow tita! Sobrang talino po pala talaga ni Rein?"
Hindi ko naman inaasahan na may ganon pala talagang tao! Photographic memory? Ako nga nakakalimutan ko pa minsan yung sinaing!
"Oo naman. Pero minsan, hindi ko alam kung maganda nga iyong ganon. .."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi maganda? Ang galing kaya ng may ganong utak!
"Huh. ..? Ano po 'yon?"
"Nako, Storm. Wala." Ngumiti ito.
Si Tita Rheina, sobrang bait nito. Bakit kaya iyong mga anak niya eh hindi? Mabait din naman si Tito!
"Pero iyon nga, kaya hindi nagre-review si Rein... May pagka-ganon ang utak niya."
Tumawa naman ako. "Siguro ang galing na makasama mo sa iisang bubong ang ganong tao. At isa ako sa nakakaranas 'non!" I giggled.
"Lalo na kung gwapo?" Tanong ni Tita Rheina. Nilingon ko siya at tumango-tango.
"Lalo na kung gwapo!" Natawa kaming dalawa. "Ang swerte ko nga po kasi. ..sa dami ng pwede kong puntahan, sa lugar pa mismo ng nag-iisang Rein. .."
"Huh? Ganon ba ka-swerte, Storm?" Tanong ni Tita at parang na-eexcite.
"Opo naman! Alam niyo po ba, maraming nagkakagusto sakanya sa school--"
"Tell her too na isa ka sa mga 'yon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rein. "We're going, Mom. Take care." at umalis ito.
Tinignan ko si Rein ng masama. Ang lalaking 'to—napaka-epal!
"Storm?! Gusto mo ang Kuya?!" Nanlalaking mata na tanong ni Tita.
Napakamot ako ng batok. Kahit kailan, Rein! "G-Ganon na nga po."
Tumili ang Mama niya. "Maganda 'yan hija! Suportado kita!" At tumawa siya.
"U-Uh. ..Salamat po." Kunyari ang awkward.
Pero sa totoo lang, kinilig ako! Ano daw bakla? Suportado? Ibig sabihin, legal na kami?
Legal, putek! Gusto ko matawa pero ayoko naman maging halata sa tuwang-tuwa sa nangyayari!
"Gawin mo ang lahat para maabot din ang puso ni Rein--"
"Ma! Iiwan na namin si Storm kung ayaw niya umalis diyan!" Sigaw ni Selena sa baba na halatang naiinis.
Ano ba 'yan... binibigyan pa nga ako ng speech ni Tita!
"Ah. Mauuna na po kami. Salamat po sa pag-ayos," ngumiti ako at tinignan ang buhok.
"Basta, Storm. Suportado kita. Fighting! Kahit mahirap!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Tita.
"Fighting."
"Oh. Mukhang tao ka!" Salubong ni Selena. "I really like your hair dati kesa ngayon."
Tumingin ako kay Selana. Woah? Pinuri niya ako?
"Mas mukha 'kang stupid sa look na 'yon." Tawa niya.
Nevermind.
"Hey. Donut, please?" Hiling ni Selena kay Rein. "I really miss eating that."
"How about pizza?" Alok ni Rein. Tinignan ako nito saglit bago muling tumingin sa kapatid.
Bigla naman akong natuwa ng marinig 'yon.
Hindi kasi ako basta-basta pwede sa donut.
"What?" nagtatakang tanong nito na parang nagkamali ang kuya niya. "Hmm. That will do."
Nag-take out ang magkapatid ng dalawang box. Isa 'daw iyong akin kasi sabi ni Selena, hindi niya gusto mag-share sakin.
Buti na lang at ma-swerte ako. Nakakain pa rin ako ng ice cream, pizza at iba pang pagkain. Except lang talaga sa pastries na nangingibabaw ang butter.
"Morning." Sabi ko at dumiretso sa CR. Narinig ko naman ang bati ng dalawa.
"Nasasanay ka 'ata ma-late, Storm. Kaya namimiss mo ang klase and that is making you stupid!" Sigaw ni Selena.
Bakit nga hindi ako tinatawag na Ate ng batang 'to?
Sumasakit talaga ang ulo ko sa pag-aaral. Kagabi, noong tinignan ko ang Literature na libro, halos sumabog ang utak ko dahil pilit ko talaga inintindi. Mag-isa.
Inilapag ko ang gatas ni Selena. "Inumin mo. Nang bumait ka."
Hindi ko alam na may iba't-iba pang Genre ang isang simpleng kwento. Ang daming tawag. Terms. Puro basa ang ginawa ko at dictionary ang hawak ko! Argh.
Inilapag ko ang kape ni Rein sa harap niya. Umupo ako katapat nito at nag-isip kung paano ulit paduduguin ang utak 'ko mamaya.
"Bye," wala sa sariling paalam ko. Kailangan ko na pumunta ng school.
"Saan?" Tanong ng bata.
"School."
"Stupid! Hindi ka pa naliligo!" Tawa ni Selena kaya napatingin ako sa sarili.
"Hindi kaya inaapi 'to sa bahay kaya kailangan niya mag-aral, kundi palalayasin siya--!"
"Oh! Vane! Baka! Baka!"
"Kawawa naman si Storm."
"Bakit? Nag-aral?"
"Oo 'eh."
"Kawawa nga."
Tinatamad akong sagutin lahat ng sinasabi nila dahil mabigat talaga ang ulo 'ko. Kaya't pagkauwi ay nakatulog agad ako.
"Where's my milk?" Takang tanong ni Selena.
"Should I make one?" Tanong ng Kuya niya.
"Uhm. ..Hey stupid."
"Hmm?"
"Are you dying?" Tanong sa'kin ni Selena. Tinitignan ako na parang kawawa.
Naaawa na rin ako sa sarili ko! Ayoko ng mag-aral—hindi ako sanay!
"Studying kamo." I sighed. "Oh tama! Ang gatas mo pala."
"Coffee."
Nilingon ko si Rein. "Huh?"
"I want coffee," utos ni Rein.
Napanguso ako. Gusto niya ng kape ko? Medyo sumigla ako sa thought na 'yon. Yie!
Malay mo, sa kape ko pala siya makukuha. Hindi sa 360?
Aish. Stick tayo sa plan, Stella!
Pagkarating ko ng school gate ay sumalubong sakin si Vane.
"S-Sa Astarya Condominium ka nakatira?!"
Paano niya nalaman?!
"Oo. .." Lagot.
"Room 616?!"
Nanlaki lalo ang mga mata ko.
"Ha?! Hindi!"
"Doon ka namin nakita pumasok! At doon din pumasok si Rein!"
"H-Ha? Ano 'bang sinasabi niyo diyan?!" Nakatingin sa'min ang madaming tao. "Baka ma-issue ako. Nakainom ba kayo kahapon?"
"Pero nakita talaga namin!" Pilit ni Tres.
"Doon ako p-pumasok sa Astarya pero h-hindi ako doon mismo nakatira. Sa t-tabi ng Astarya mismo!" Tarantang sabi ko.
Lagot ako kay Rein nito pag may nakaalam.
"Tsaka nakatira kay Rein?" Takang-taka si Tina.
"Oo nga. Imposible namang nakatira kami 'don. Guys--"
"Stella!" May tumawag sa pangalan ko.
Si Rein.
Akala ko ba bawal kami mag-usap sa school?!
May humila sa wrist ko at nagpatianod ako doon.
"R-Rein?!"
"Stupid. Idiot!" Dinala niya ako sa tagong lugar ng school. At ibinigay ang bag niya sakin-- akin 'to ah?
Hinila niya sakin ang bitbit 'kong bag. Omy! Sakanya 'yon?!
"Huwag mo ng uulitin 'to." Aniya at iniwan ako.
Ouch. Wrong move na naman, Storm!
"Storm!" Agad sumugod ang kaibigan ko sa'kin at binomba ako ng mga tanong.
At kalat din sa school iyong pagkapalit namin ng bag ni Rein. Ah. Lagot talaga ako mamaya. Baka sigawan niya ako. Lumalabo talaga ang pagkakalapit naming dalawa!
"Explain what happened."
"Uhm. .." Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Nagkamali ako ng kuha."
"Stupid. Ang layo ng violet sa black!" Kalmado pero halatang inis ang mata nito. Eh! "Ayoko ng may maulit na ganito." at tinalikuran ako nito.
"Rein! Sorry! Hindi ko talaga sinasadya!"
Masama 'bang magkamali? Hmpf.
Lunch na 'non at tahimik akong kumakain sa classroom. Pero nagulat ako ng may dyaryo na lumapag sa kinakainan ko.
"Ano ba--"
Rein?!
Mukhang galit ito kaya tinignan ko ang papel.
Storm Ormanda at Rein Gabriel, nakatira sa iisang bahay at may tinatagong relasyon?
T-Teka. ..School paper ito 'ah?! May picture din na nagpapalitan kami ng bag! A-Ano na naman 'to?! Anong klaseng headline 'yan?!
"Your friends has something to do with that. Didn't I told you na hindi na 'to pwedeng maulit?!"
"T-Teka! Hindi ko naman ginusto 'to! Hindi ko 'to alam!"
"Lagi ka namang walang alam! Tch!"
"Wag mo akong sisigawan! Hindi ko kasalanan 'yan! Kung sabihan mo ako, parang ako ang may pakana!"
"Why? Don't you like the idea being link up with me?" Bored pa rin ang mukha nito. Bakit ang lakas niya maging kalmado sa ganitong oras na sasabog na ako!
"Ang kapal mo naman!" inis na sigaw ko. "Bakit ko gugustuhin ma-chismis sa lalaking may alam pa sakin sa make up?" Bulong ko dito.
Kumunot ang noo nito. "What the?"
"May picture ako dito. Baka gusto mo'ng maalala?" Tanong ko sakanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito bago ako hilahin.
Opz. First time ko siya makita lumaki ang mata! A point for me!
"Give me that."
"Ang?" Itinaas ko ang aking phone. Kukunin niya dapat ito kaya lang mabilis kong isinilid ito sa bulsa. Natigilan siya at tinignan ako.
"Give me."
"Ayoko nga. Ang ganda ng pagkaka-highlight sayo at bagay ang lipstick?" Tawa ko.
"At isa pa. Hindi ako si Storm Ormanda. Dapat Stella 'yon."
"Delete that!"
"Idedelete ko. ..pero tulungan mo ako mag-aral para sa finals at makapasok sa 360s!"
"No." Akmang aalis na ito.
"Sige. Bye. Madali lang naman ipakita 'to or ikalat sa social media. .." dahan-dahan akong naglakad. Imposibleng hindi ako pipigilan ng isang 'to.
May image siyang pinangangalagaan.
"W-Wait!" Hinila nito ang braso ko. "Fine. Fine. Ngayon ang simula 'till before the day ng exam. Don't even try na ipakita 'yan sa iba dahil I won't even hesitate to tell Mom na paalisin ang stupid na katulad mo sa bahay." at umalis siya.
Yey.
I won.
Mag-aaral kami ni Rein! Tuturuan niya ako! Yieee! Kinikilig ako!
"Gagalingan ko!" Pagtatatalon ko. Makakaasa ka, Rein. Fighting!
Ito ang unang gabi ng pagtuturo niya!
"Ano 'bang ginagawa mo sa school?!" Inis na sambit ni Rein sa'kin. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at noong tinanong niya ako kung anong hindi ko alam. ..
Hindi ko 'din alam. Math at Science dapat ang uunahin namin kaya lang hindi ko talaga alam kung nasaan ang range!
Nakakahiya!
Nilipat niya ang page. "Lalabas 'to sa exam so intindihin mo 'to." At nilagyan niya ng highlight ang sinasabi niya. Wala akong ginawa kundi tumango.
May isang buwan. ..Ganito kami kalapit. ...ni Rein!
Halos mawalan na ako ng tulog sa ginagawa namin! Jusme! Galit na galit ba talaga sa'kin si Rein kaya ganito?!
"Are you listening?!"
Napatalon ako sa kinauupuan. "Ang hirap! Ba't kasi nakakaantok tignan 'yan?"
"Uulitin ko. .." at in-explain niya ang hindi ko maintindihan. Pinilit ko talaga sa utak 'ko na pasukin iyong sinasabi niya.
Isang linggo na ang nakalipas pero parang ang layo pa rin ni Rein.
Tinignan ko ang libro na hinahanap ko sa library. "Ito 'ata?"
Pare-parehas silang mukhang libro ng Math! Ano ba 'to!
Nagulat ako ng may umabot ng libro mula sa likod ko at ibinigay iyon sakin.
"Oh--" Ito yung libro!
"Simpleng libro." Parang dismayado talaga ang boses ng kumuha-- Nanlaki ang mga mata 'ko.
Tinignan ko--likod ni Rein iyon! Hindi ba sabi niya wag ko siyang kakausapin--di naman kami nag-usap.
"Salamat." Hindi ko alam kung maririnig niya ba.
Ilang araw na 'rin akong suki sa library. ..At maraming nagtataka sa biglaang pag-aaral ko.
Gusto ko lang naman patunayan kay Rein. ..na. ..hindi ako iyong babae na wala lang. ..at walang alam.
"Huy ano! Nakatira ka ba talaga kela Rein?!" Ilang beses na sakin tinatanong 'yan ng mga kaibigan ko.
Walang naniniwala sa balita na nakatira daw ako kay Rein sa iisang bahay dahil napaka-imposible ito at walang katibayan.
Pwera lang talaga sa picture na nagpapalitan kami ng bag. Ang iba may sari-sariling pinapaniwalaan at siguro, hindi 'rin nagsasalita si Rein.
"Itanggi mo lang." Iyan ang bilin sakin ni Rein pag tinatanong ako tungkol 'don.
"Now, tignan natin kung may naipasok ka sa utak mo." Ibinigay niya sakin ang limang pages--Ano?!
"Ten na!" At kakatapos ko lang mag-aral! Kahit sabado bukas ay gusto ko ng matulog. ..
Tinaasan ako ng kilay nito at sumimsim ng kape na hawak niya. "Your timer starts now."
Napasinghap na lang ako at tinignan ang mga papel-- "Ha?!"
"What?"
"B-Ba't parang. ..alam 'ko yung sagot?!" tuwang-tuwa ako. Parang first time ko lang tumingin sa test paper na hindi inaantok!
Hindi sumagot si Rein kaya nag-angat ako ng tingin. Ngumiti ako sakanya.
"Alam ko 'yung sagot!"
Tinaasan lang ako ng kilay nito--Ay tama. Ba't ko ba sinasabi sakanya? Kailangan ko na mag sagot!
Napatingin ako sa orasan. "Twelve na. ..Ang bilis ko matapos, Rein! First time--"
Tulog na siya.
Iniyuko ko ang aking ulo sa lamesa.
Nakikita 'kong tulog ang taong gusto ko. Nasa harap ko na. Abot na abot.
Gusto 'kong hawakan ang makapal na kilay nito. ..Ang kulot at tila malambot na buhok niya. .Iyong pisngi at panga nito. ..Ang ilong niya. ..labi niya.
Isa 'din 'to sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
Napangiti ako. "Job well done. .."
"Ba't hindi mo ako ginising?" Lumabas mula sa kwarto ko si Rein.
Ah. Parang ang sarap naman sa feeling ng sentence na 'yon. Siya? Galing sa kwarto 'ko? Parang buhay mag-asawa!
"Ano 'yan?" tinignan niya ang kawali. "Itlog?"
"Hah! Buti naman alam mo!" Kasi mukhang hindi na siya itlog! Ayaw kasi matanggal sa kawali kaya ayun. ..hanggang sa nasunog. ..buti nakilala pa ni Rein. ..
"I can even see the shell here." Aniya at umalis.
Nanlaki ang mga mata ko at hinanap ang shell na sinasabi ni Rein.
"Failed na naman!" Napapikit ako.
"Ano 'yan?!" Sigaw ni Selena sa pinggan niya.
"Uh. ..Itlog?"
"You are not even sure? Kuya! Magluto ka ng iba. Baka ma-food poison tayo!"
Food poison agad?! Nakatingin lang si Rein sa plato niya. As usual. Walang emosyon.
Mas mukha siyang itlog at pwedeng kainin.
"Whatever." Kinakain ni Rein ang luto ko! Ohmy!
Napangiwi ito.
"Anong lasa?" Argh. Umaasa ako kahit konti! May lasa siya?
Kumunot ang noo nito. "State the obvious." inis na sabi niya at ibinaba ang tinidor.
Sinubukan ko ang sariling gawa at napaubo ako. "Ang alat!"
Konting asin lang naman ang inilagay 'ko! Ba't ganito?
"Coffee."
"Milk!"
Sabay na utos ng dalawa. Napanguso ako. Iyon lang 'ata ang tamang nagagawa 'ko dito sa bahay. Ang paggawa ng gatas at kape.
Kumunot ang noo 'ko. Mukhang nasanay na silang dalawa sa kape at gatas 'ko! This is a step, diba?! Fighting!
Natapos na ako sa pag-aayos 'non ng mapansin kong sabado ngayon at hindi kami pumunta kela Tita Rheina?
"Ay. Bakit nga pala hindi tayo pupunta sa bahay nila Tita Rheina ngayon?" tanong ko sa nagbabasang si Rein. Nasa sala siya 'eh. Grab the chance!
"Kasi ginabi tayo sa pag-aaral."
Napatango naman ako. "Ganon. .."
Hindi siya sumagot.
"Teka. Anong scores 'ko sa tests pala kagabi?" Nakangiting tanong ko.
"Tignan mo."
Napanguso naman ako. Tignan mo ako. Hmpf. Tumayo ako at tinignan ang test paper ko sa kwarto.
MATH- 33
SCI- 35
ENG- 48
FIL- 45
MAPEH- 39
TLE- 43
EP- 45
GEN INFO- 30
Over all Scores= 318/400
Napatili ako at nagtatatakbo kay Rein. Ang tataas nito!
"Ang taas!"
"Hindi umabot ng 360. But that's fine. May two weeks pa."
Napangiti ako. "Salamat!"
Salamat. May oras pa ako mapalapit sayo!