Parang kailan lang, maayos ang buhay ko. Walang gulo. Tahimik. Tahimik na humahanga kay Rein. Walang problema. Ayos lang!
Masaya lang ako kasama ang mga kaibigan ko—tamang tawa lang palagi. Pero... hindi ko inaasahan na magiging ganito ang tadhana sa'kin.
Siguro kung maayos pa—tuwang-tuwa ako sa mga nangyayari.
Pinangarap 'kong maabot si Rein.
Pero hindi sa panahong wala akong mukhang maihaharap sakanya! Jusme! Bakit ngayon pa, Lord? Galit ka ba talaga sa'kin? Final na 'yan?
"Ma, Hindi niyo kailangan tumira dito. Kaya ko alagaan ang dalawang bata," si Rein at tinignan ako.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Rein. Dalawang bata?! Counted ba ako sa bata na tinutukoy niya?
Mukha ba akong bata?!
Tinignan naman ako ni Tita Rheina na humihingi ng tawad ang mga mata. Ngumiti naman ako. Ayos lang. Mild pa nga ang pang-iinsulto nito kumpara sa nangyari sa school.
Kung alam mo lang Tita...
"Isang bata lang ang nandito, Kuya Yit." Nagsalita si Selena sabay turo sa'kin. Nakita ko ang pag-ngisi ni Rein.
Anong mangyayari sa'kin dito?! Anong klaseng delubyo 'to?! Jusme! Mukhang kawawa pa ako sa magkapatid na 'to!
Lead me, Lord!
"Hoy! Kayong dalawa! Itigil niyo nga ang pambubully kay Storm. Kumain pa kayo," suway ni Tita.
Hinawakan nito ang kamay ko sabay tingin ulit sa'kin. "Pasensya ka na hija. Medyo... ano lang talaga minsan ang ugali nila."
Tumango naman ako. "Hehe, wala po 'yon."
Seryoso. Ba't nagkaganito? Mukhang mapapahamak ako sa bahay na 'to!
Ilang saglit lang ay muling nagpaalam si Tita.
"Bye, mga anak! Bye Storm! Ingat kayo lagi!" Ngiti ni Tita Rheina.
Ngumiti lang ako at kumaway. How come their mother is so bubbly? Itong dalawang 'to—mukhang masama ang loob sa'kin!
"Bye Ma. Take care." sabi ni Selena. Humalik naman si Rein sa pisngi ng Mama niya bilang paalam.
"Ingat po kayo. Maraming salamat sa pagkain!"
Ngumiti si Tita sa'kin. Pero bago umalis ay tinignan niya si Rein.
"Sabi mo 'yan ha?! Tuwing weekends doon kayo sa bahay!"
"Yeah," maikling sagot ni Rein. Tinignan ako nito at nilagpasan.
Dumiretso na ito sa kwarto niya.
"Bye po!" Paalam ko ulit.
"Alagaan mo sila anak, ha? Babye!" Masayang paalala nito sa'kin.
Namula naman ako sa hiya.
Uhh. Paanong alagaan? Eh mukhang galit nga sa'kin ang isang 'yon!
Hmm. Whatever. Kaya ko 'to! Fighting!
"Hey," si Rein!
Napatalon ako sa tumawag sa'kin. Kinabahan ako. OMG! Si Rein! Hoo. Anong sasabihin niya?
Na ako iyong ni-reject niya? Ipapaalala niya kaya sa'kin? Huwag na sana!
Ngayon lang nag-sink sakin na nakatira kami sa iisang bubuong at. ..makakasama ko siya! Abot na abot ko na!
"Hey!" Nagulat ako ng sigawan ni Rein.
"Ay kabayo!"
"Maglinis ka," iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran ako.
"Sige!" Masayang sagot ko.
"Nang may pakinabang ka."
Nanlaki ang mata ko. Bakit ang rude talaga niya magsalita?! Si Rein at Selena.
Ano bang nagustuhan ko 'don?
Habang naghuhugas ng pinggan ay napabuntong hininga ako. "Malabo talagang makalimutan 'ko siya sa ngayon?" Bulong ko.
Imposible 'yon dahil nakatira kami sa iisang bubuong at. ..natawa ako. Yie. Kinikilig ako!
Mukhang hindi na masama ang paglipat!
Hindi rin naman niya pinaalala iyong nangyari sa school. Siguro limot na niya? Nako! Sana kalimutan na niya!
Pagdating ko ng kwarto ay napahiga ako. Baka pwedeng tumaas ang pag-asa ko? Ito na ang pagkakataon ko para malaman kung sino si Rein!
Napabalikwas ako ng bangon.
Hala. 6:30 na naman ako nagising?! Mabilis akong kumilos at nagtatatakbo sa kusina. Napatigil si Selena sa pagkain at inirapan ako.
What a great morning to start.
"Goodmorning." Ngiti ko.
"Morning," Bati ng dalawang magkapatid.
Umagang-umaga parang badtrip na agad sila. Ganito ba talaga ang dalawang 'to?
Hehe okay lang. Bagay naman kay Rein. Mas gwapo siya pag maypa-mysterious effect!
"Umupo ka sa harap ko at kainin ang pagkain hinanda ni Kuya. Hindi ko pwedeng ulitin ang sinabi ko bukas at sa susunod pa. Huwag 'kang mahihiyang kumain. You look stupid." Irap ni Selena sa'kin.
Tinignan ko ang pancake sa harap. Uh.
"Pwedeng hindi k-kumain?"
Kumunot ang noo ng dalawa.
"Suit yourself."
Napangiti naman ako. Malungkot 'man. .. Luto ni Rein 'to. This is the first time. Siguro naman ay walang butter na halo 'to na ikakamatay ko?
Isang slice ng pancake ang kinain ko at ninamnam iyon. Napangiti ako. Ah! Ang luto ni Rein! Yie! This is the first time na pinagluto ako ng crush ko--Uh kahit obligado lang niya.
"Yah! Storm! You look stupid! Anong ngini-ngiti mo diyan? Ngayon ka lang nakatikim ng pancake?!" Tumayo si Selena. "Salamat sa pagkain, Kuya. Babye!" at tuluyan siyang umalis.
Tsk. Hindi manlang ako tinignan.
Ininom ko ang tubig. Masarap pala talaga ang pancake. Hindi kasi ako kumakain nito dahil sa butter.
"Rein," nilapitan ko siya.
"Hugasan mo 'to mamaya after school."
"Uhh. Gusto ko lang malaman kung may butter ba yung pancake sa mismong ingredients?"
Tumaas ang kilay nito. "Yeah. Selena likes butter."
Napalunok naman ako. Hindi naman marami yung kinain ko. Tinignan ko siya at ngumiti.
"Gusto mo ng kape?" Nakita kong may literal na coffee maker sila.
Kumunot ang noo niya at pumunta ng lamesa para kumain.
Hmm. Gumawa na ako ng kape. Sandali lang naman ito. Binigay ko sakanya ito bago umupo sa harap niya.
Kaming dalawa ni Rein. Breakfast. Napangiti ako.
"Why are you smiling?"
Natigilan ako at mabilis na yumuko para kumain. Nakakahiya!
"You look very stupid," aniya.
Tinignan ko siya. He is busy sipping his own coffe. Parang walang sinabing masama. Alam mo Rein... Ikaw talaga!
Tumingin lang siya sa'kin. I glared on him—para kunwari wala na ang feelings ko sakanya.
Umiling lang ito at inirapan ako.
This is the sweetest! Ininom ko ang kape at nagulat ako sa oras.
"Hala?! Late na ako?!"
Pero si Rein, parang walang pakialam at sumisimsim ng kape. I thought it's... still early!
"Wala ka bang klase?"
Tinignan lang ako nito pero hindi sumagot. Ah! 7:10 na!
"Wait." napatigil ako. "Walang pwedeng makaalam na nakatira tayo sa iisang condo," he sounded like threatening me.
Tumango ako. Okay lang. Baka isipin ng iba na sa sobrang desperada ko—tumira ako sa bahay nila!
"Huwag mo ako kausapin sa school. Kung pwede, dito 'rin."
Napanganga ako. Ha?! Pwede pa sa school—pero bakit hindi ko siya kakauspin dito?
Magsasalita pa lang sana ako pero mabilis niyang itinaas ang palad sa mukha ko.
"That's all. You may go," he wave his hands.
"P-Pero. .."
"You're running late."
Nanlaki ang mga mata ko. Hala! Oo nga pala! Kinuha ko ang aking bag mula sa sofa at nagtatatakbo.
Kahit pala malapit siya. ..habang buhay 'ata kami magkakalayo. Hay, Rein.
So near... yet so far. I sighed.
Nangangati na ako. Nagsisimula pa lang ang klase, pinapantal na ako! Iyong allergy ko!
"Storm?" Tawag ng guro. "Bakit namumula ang mukha mo?"
"M-Ma'am. ..a-allergy!" Tumayo na ako kasi baka hindi na ako makahinga mamaya.
"Ano?!" Sigaw ng mga kaibigan 'ko.
"Samahan niyo sa clinic iyan."
Mabilis naman kaming nakarating sa clinic at may ginawa sa'kin. Ilang oras lang na pahinga at ayos na ako.
"Ano 'bang kinain mo at in-allergy ka?! Alam kong masarap ang cake or ano mang pastries na may butter pero please naman Stella?!"
They started to yell at me. Nagpa-panic na sila.
"Kasi--" Napatigil ako. Pag sinabi kong luto ni Rein ang pancake na 'yon ay magtataka sila. At ayaw nga ni Rein na malaman ng iba na nakatira kami sa iisang bahay.. .
"Kasi?"
"Hindi ko talaga napigilan," napanguso ako sa sariling dahilan. Ngumiwi naman silang lahat at parang gusto akong batukan.
"Ikaw talaga!" Gigil na saad nila.
"Sorry na!" tawa ko. "Hindi ko na uulitin 'no. Baka ikamatay ko pa."
"Dapat lang!"
Nag-unat ako pagkapasok sa pintuan. Ah. Parang suki ako sa clinic ngayon huh? Mabuti na lang at nakawala din agad ako sa lugar na 'yon.
Pero masaya din pala ma-clinic. Walang pangit na teachers at mahihirap na lessons! Hihiga ka lang! Naka-aircon pa!
Nakaupo lang ako 'non sa sofa at nagpapalipas ng oras. Si Selena ay nagkukulong sa kwarto kasi ayaw daw niya ako makita. Ganon 'din ata si Rein.
"Hays. Ang boring."
Naghanap din ako ng lilinisin kanina pero nalinis ko na ang pwedeng linisin.
Nahiga ako sa sofa. Ah. Ang boring. Baka pwedeng maglakad-lakad ako?
Kinuha ko ang susi sa bahay at naglakad-lakad sa baba. Madilim na. Hindi katulad dati. Ganitong oras ay kailangan nasa byahe ako. Ang sarap din pala sa feeling ng maglalalakad-lakad ng ganito.
Bumili ako ng ice cream at kinain sa bench iyon. Paano ako makakamove on?
Huwag na lang. Just go with the flow. At isa pa, ang hirap kalimutan ng isang taong malapit sayo kaya. ..huwag ng kalimutan! Tama. Ba't ko pa siya kailangan kalimutan, ngayon na malapit na siya sa'kin?
Matapos kainin ang ice cream ay umakyat na ako ng condo. Tinignan lang ako ng dalawa kaya't umupo ako sa lamesa kung saan may platong nakataklob.
Kanina. ..breakfast. ..Ngayon ay dinner! Ih! Ang sarap magluto ni Rein. Iyon lang ang masasabi ko kaya hindi ko maiwasang ngumiti ng pagkalaki-laki.
Nakakain ko ang niluto ni Rein. Natapos agad si Selena at sumunod si Rein kaya't naiwan ako mag-isa.
Kahit tatlo kami, parang wala pa 'rin akong kasama. Nagligpit ako at nag-ayos. Papatulog na sana ako ng may kumatok. Sana si Rein 'to!
"Let's talk."
Nanlaki ang mga mata 'ko. Siya nga! At ano? Usap? Tungkol saan? Hindi ko mapigilang magtatatalon habang kinikilig sa posibilidad! Kyaaaa!
"Say. Saan ka allergic at saan ka bawal?"
Interesado siya sa'kin? Anong ibig sabihin nito? Nag-aalala kaya siya?
Kinalampag niya ang lamesa kaya't nagising ako.
"Ano?" tanong ko ulit dahil hindi makapaniwala.
Napairap ito.
"A-Ah! Allergic? Sa butter. Hindi ako pwede sa cake at pastries na nangingibabaw ang butter sa ingredients."
Tinaasan ako ng kilay nito. "Iyon lang?"
Alinlangan akong tumango. "Iyon lang." Ngumiti ako sakanya.
Akmang aalis na ito pero hindi! Kailangan gumawa ng paraan! "I-Ikaw Rein? S-Saan ka allergic or bawal?" Isa itong step para makilala siya!
"Stupid girls."
"Ha?"
"In short, sayo. Listen. Hindi porket nakatira ka dito, tataas ang pag-asa mo. Not at all."
Ouch! Ang hayop na 'yon! Stupid? Sa'kin siya allergic? Bakit? Wala naman akong ginagawa sakanya!
Hmpf.
Naalala ko ang sinabi niya saming dalawa ni Vane dati. Lebel? Katulad niyo?
Seriously, anong tingin mo sakin, Rein?
Papatunayan 'ko sayo na hindi lang ako simpleng babae! Ha! Akala mo ha?! Kailangan ko patunayan na hindi ako simpleng babae!
Na hindi ako bobo!
Pero paano? Buong buhay ko—bobo 'ata ang tawag sa'kin ng mga teacher!
Argh!
"Storm! Ang lalim 'ata ng iniisip mo?!" Nagulat ako ng may pumalo ng balikat ko.
"Aray, Weng! Tae ka!" I react.
Tumawa lang ito. "Mukhang may binabalak ka. Baka pwede kaming makisali?"
"Hayst." Sumandal ako sa upuan. "Paano ko ba patutunayan kay Rein na hindi ako simpleng babae lang?"
"Ano?!" Sigaw ng dalawa.
"Akala ko ba give up na?!" Napangiwi ako sa tanong ni Tina.
Nag-aabang sila ng isasagot ko. Ngumuso ako sakanila.
"Akala ko 'din eh," I awkwardly laugh.
Napailing silang lahat.
Ilang saglit lang ay nagsalita si Weng.
"Paano 'bang patunayan?"
"Yung ano. ..Hindi ako bobo masyado?"
Kumunot ang noo ng dalawa. Nagkatinginan sila at umiling.
"Mukhang mahihirapan tayo diyan. .."
Nakarinig ako ng tawa. "Baka pwedeng sumali ka sa 360s?" suggest ni Tres.
Tumawa naman sila Weng.
"Finals na pala next month!" sabi ko. "Baka pwede. ..?"
"Ano?!" Biglang sigaw ng apat.
"Darling! Imposible 'yan! Alam nating section one at two ang nag-aagawan sa spot ng 360s?!"
"Bakit kasi 360s? Ang taas masyado. Ano 'yon, perfect lahat dapat?" reklamo pa ni Weng.
"Ang perfect ay 400. Si Rein lang naman ang nakaka-perfect," I defended myself. Ang 360 nga ang pinakamababang score!
"Mamaw talaga ang isang 'yon!" Hysterical ni Tina. "Ikaw? Sasali ng 360s?! Mga section B nga hirap pumasok?! Tayo pa kayang lowest section?"
Napaisip ako sa sinabi nito. Tama siya! Pero wala namang masama kung susubukan ko!
Mahirap, pero kakayanin! Siguro pag nakapasa ako sa 360, baka magbago pa ang paningin sa'kin ni Rein!
Napangiti ako.
"Tama! Dapat sumali ako ng 360s!" Tumayo ako at inihampas ang kamay sa lamesa.
Kailangan ko patunayan kay Rein na may utak ako! Na hindi ako stupid! Argh! Hindi porket nasa last section ako!
Tumawa silang lahat.
"Storm, nagbibiro ka ba?"
"Hindi! Kailangan ko lang mag-aral! May hanggang next month pa ako!" Tama! Kaya mo 'to!
Para kay Rein!
Natulala ako sa libro. "Ano bang ginagawa ko sa classroom?" sinubsob ko sa desk ang aking ulo. Ahhh! Mukhang malabo pag mag-isa lang ako!
"Storm-stupid! Kakain na!" Tawag ni Selena. Ahh.
Nakakainis! Isa 'din yon si Selena! Minsan ang sarap patulan! Kung hindi lang siya kapatid ng my one and only ko!
Tahimik kaming kumakain nang magsalita si Rein.
"Pack your things. Good for one night and a day."
Huh?
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Didn't you heard what Mom said?" Wika ni Rein. Napailing lang ako.
"Storm-stupid!" Inilabas ni Selena ang dila niya.
"Every weekends, sakanya daw tayo." Wika niya. Napatango naman ako.
Umaga pa kami umalis sa condo. Pagkarating namin doon ay agad kaming sinalubong ni Tita Rheina. Hinalikan siya ni Rein sa pisngi bago pumasok. Samantalang si Selena ay niyakap ang nanay.
Hay. Ang bait sakin ni Tito at Tita. May masaya silang pamilya. Masaya siguro maging parte ng mga Gabriel?
Me? Rein? As one happy family?
I giggled. Hindi na masama!
Inayos ko muna ang gamit ko sa binigay sa'king kwarto. Talagang mayaman ang pamilyang Gabriel. Ang laki ng bahay nila. Kaya bakit hinahayaan nila mag-aral si Rein sa public school?
Aish. Di ko dapat isipin 'yan dahil ang mahalaga itinadhana ko siyang makita at magustuhan!
"Storm! Halika!" Nagulat ako ng hilahin ako ni Tita Reina. "May ipapakita ako sayo!" At sumilip kami sa isang kwarto.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Selena! Mine-make up'an si Rein?!
"Pag kasi ako ang mine-make up'an ni Selena, lagi kong sinasabing maganda. Pero pag si Rein, laging nagrereklamo at sinasabi kung anong mali! Kaya tingin niya nag-iimprove siya sa Kuya niya. Ang sweet niya as kuya 'no?!"
Napanganga ako. Inilabas ko ang phone ko. "Pwede po ba kunan siya ng litrato?"
"Ha? Oo naman!"
Natuwa naman ako at isang beses na kinuhanan ang nakabusangot pero may lipstick na si Rein! I giggled. Ang cute-cute mo!
"Ay! Wag mo pala ipagsasabi sa iba! Baka magalit ang Kuya sa'kin."
Ngumiti ako. "Makakaasa kayo!"
"Tara po, Tita! Tulungan ko kayo magluto kahit di ako magaling 'don!" I giggled. Ang saya-saya. May picture ako ni Rein. At hindi lang simpleng picture! With make up pa!
Natawa ako. Mukhang nasakin ang tadhana ngayon. Thank you! Whooo!
Naglalakad-lakad ako sa bahay at napagalaman ko na hindi talaga sila simpleng pamilya. Mga matataas na tao 'ba kung tawagin.
Hay. Ang swerte ko pala at nandito ako sa pamilyang Gabriel?
"Nandito ka lang pala."
"Rein!"
"Kakain na." At tinalikuran ako nito.
"W-Wait!"
"What?" Tanong niya. Ba't walang kaemo-emosyon ang mukha nito? Sana, kaya 'kong lagyan.
"Hmm. Wala." At sumabay ako sakanya sa paglalakad. "Ay! Kailan ka pala mag-aaral para sa finals? Pwede bang sabay tayo--"
"Hindi ako nag-aaral," aniya na nakapagpanganga sakin.
My eyes widened in disbelief and horror! Hindi ko alam kung hahanga ako sakanya o matatakot!
Paano siya naging top notcher kung hindi siya nag-aaral? Ano siya, himala?
Ano daw?! Hindi siya nag-aaral?!