3. Rain

2560 Words
Akala ko makakatakbo ako pagkatapos ng kahihiyang ginawa ko kagabi kay Rein. It's obviously a nightmare! Parang bangungot na nagf-flashback sa utak ko ang lahat! Ayaw matanggal! Ayaw ako tantanan! Sumama ang pakiramdam ko ng makita ang masamang tingin ni Rein. Bumangon ako mula sa kama. Tandang-tanda ko lahat ng sinabi ko! "Ah!" Napasabunot ako saking buhok. Masaya talaga na lilipat ako ng school sa monday. Okay na 'yon. I screamed to let my frustation out. Nagulat ako ng pumasok si Mama sa kwarto at tinignan ako ng masama. "Nasaan ang magnanakaw?!" Sigaw ni Mama sa'kin. Ngumisi lang ako at umiling. "Wala Ma," I awkwardly laugh. Napailing ang aking ina bago padabog na sinarado ang pinto. Isinubsob ko ang mukha sa kwarto unan at inaway ang sarili "Bakit ba kasi ako umamin ng ganon? Kasalanan talaga 'to nila Weng!" I whispered. Okay lang na isipin ng mga estudyante sa eskwelahan na nag-transfer ako dahil sa kahihiyan. Ang desperada pakinggan pero. ..hindi naman totoo 'yon. Nadala lang ako ng emosyon dahil magt-transfer na ako ng school. Ngumawa ulit ako. "Ahhh! Ano ba 'yong ginawa 'ko!" Napasubsob ako sa unan. "Malay ko bang ire-reject niya ako ng ganon? Ha. He is lost not mine!" Pag-alo ko sa sarili. Pero nag-flashback na naman sa'kin ang ginawa ko at nahiya. Ack! Kung nagkataong hindi ako pinagbigyan ng tadhana para lumipat ng school, wala talaga akong mukha na maihaharap! Mabuti na lang talaga! "Anak. .." Napatigil ako sa pagsabunot sa sarili. "Ma?" "Mukha ka talagang nababaliw. Tungkol ba 'to sa paglipat mo ng school?" Marahan akong natawa. Iyong fake na tawa. Ma, iyan nga ang magliligtas sa'kin. "Ah. ..Hindi Ma. Okay na okay nga. Tsaka nakapag-paalaman na kaming lahat kagabi." Tango ko. Napanguso si Mama at ngumiti. "Ah, sige. Bumangon ka diyan at mag-ayos. May sasabihin ang Papa mo!" at masaya siyang lumabas ng kwarto. Hays. Ang saya ng nanay ko. Sana all. Gusto ko na lang magluksa dahil paulit-ulit na nagf-flashback sa'kin ang pag-amin ko! Napahiga ako sa kama at ngumawa. "Eh!" Siguro ay may sasabihin na naman patungkol sa rules o ano. Ah. Kaya ayoko lumipat! Bagong adjustment na naman! Pero mas okay na 'to! Kesa naman. ...kahihiyan! Habang kumakain ay tahimik lang kami. Pero si Mama ay kanina pa tingin ng tingin kaya nagtataka ako. "Anak. .." Napatingin ako kay Papa. "Mukha talagang nahihirapan ka sa paglipat ng school." napabuntong-hininga si Papa. "Hehehe." Mas mahihirapan ako sa lumang school ko. Okay na 'yon! Alam kong ang selfish dahil sa private school nila ako pag-aaralin at may sakit pa si Mama... Pero argh iyong kahihiyan na ginawa ko? Ibinaba ni Mama at Papa ang kutsara nila at tinignan ako. Awang-awa sila sa'kin. Tama, Ma at Pa. Sorry, umamin ako sa crush ko-sa harap ng maraming tao at rejected! "Kaya nga anak, naisip namin kung pwede lang sana. ..Kung sana may bahay tayo doon. .." She sighed. "Kaya lang wala. .." ani Mama. "At ayaw mo mag-dorm dahil nga kinukulang tayo dahil sa paggagamot sa sakit 'ko." Napangiti naman ako ng pagkalaki-laki. Mabuti nga at wala akong bahay doon o pang-dorm! "Ayaw naman talaga namin 'to anak. Kaya lang ang layo talaga ng byahe mo. Baka magkasakit ka." Tumango-tango ako at kumain. "Kaya't humiling talaga kami na sana may himalang mangyari." Tumango ako. "At dumating ang himalang 'yon!" Masayang anunsyo ni Mama. Nabulunan ako. Ano?! Anong gusto nilang iparating?! "Ha? Ma?! Anong himala?!" "Hindi ka na lilipat ng school!" Tumawa sila. Humagalpak sila ng tawa. Tuwang-tuwa. Napanganga ako sa sinabi ni Mama. Ano?! Bigla akong kinabahan at hindi maintindihan ang mararamdaman-matatae? Maiiyak? Bakit... bakit naman ganito ang good news nila? Bad news para sa'kin 'to! "May kaibigan ako na na-kwentuhan ko tungkol sa nangyari sa'ting pamilya! At nag-suggest siya na doon ka tumira kasama ang mga anak niya! Kanina lang sila nag-suggest ng ganoong idea kaya, bakit hindi?!" Bigla akong nanlambot. Tila tinakasan ako ng hangin sa narinig. Hindi pwede. Sa school. ..Iyong school. ..Iyong ginawa ko. .. Wasak na ang dignidad ko.. .Ang buhay ko. .. Sino ba iyong kaibigan na nag-alok? Mukha bang kailangan ko ng tulong ngayon? "M-Ma, hindi ba nakakahiya?" Wala sa sariling tanong 'ko. Ayoko naman tanggihan-oo nagtitipid kami! Pero... pero gusto ko ng mag-transfer! Kahit saan, basta wala si Rein! Oo mami-miss ko siya-aish! Erase! Erase! "Huwag 'kang mag-alala anak. May bayad naman ang pagtuloy mo. Pero dahil magkaibigan nga ang pamilya natin. ..Presyong kaibigan!" Tumawa si Papa. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan. Ngumawa ako. Ano ba 'tong kamalasang nangyayari sa buhay 'ko?! "Oh. Anak? Ba't ka umiiyak?!" "Honey. ..Masaya lang 'yan." Palakpak ni Papa. "Hindi ba, Stella?" Wala sa sariling tumango ako. "Opo. Masayang-masaya kaya naluluha ako." Paano ko haharapin ang lahat ng 'to? Why naman ganito, Lord? Tumawa ang silang dalawa. Kamalasan! Kamalasan itong nangyayari sa'kin! Bukas na daw ako lilipat kaya nag-aayos ako ng mga gamit ngayon. Sasalubungin kami ng pamilyang Gabriel doon sa apartment para magkaroon ng salo-salo. "Sana magkasundo kayo ni Selenium at Ytrium!" Hagikgik ni Mama. "Hay. Magkakasundo kayo ni Ytrium. Magkalaro kayo 'non dati!" Hindi ko talaga alam kung may time pa ako makipagkasundo sa iba. Siguro ay kilala na ako ng Ytrium at Selenium na 'yon. "Diba ikaw yung ni-reject ni Rein Gabriel?" Namutla ako sa narinig ko. Ack! Paano kung tanungin nila ako niyan? Tanungin ako ng lahat? "Ahhh!" Sigaw ko na lang dahil sa sobrang pag-iisip. "Oh, Iris? Anong problema?" Tanong ni Papa. Umiling ako. "E-Excited po ako. Sure na ba 'to? Wala na pong atrasan pa? Okay lang naman kahit lumipat ako-" "Ano ka ba Stella? Naghahanap ka pa ng sakit sa bulsa? Nasabi ko na rin ito sa kumpare ko! Kaya hindi na pwedeng bawiin!" Gusto ko na lang maging d**o. Ang malas-malas ko naman! Paano ko ba haharapin si Rein? Oh my gosh! Kailangan ko magtago ng mabuti sa university! "Nandito na tayo!" Nanlaki ang mga mata ko. Ito yung condo na sampung minuto ang layo sa school! Ang mahal dito?! Itsura pa lang! "Huwag 'kang mag-alala ha? Presyong kaibigan ang binigay sa'min!" Ngiti ni Mama. Wala sa sariling tumango ako. Maybe. ..ito talaga ang nakatadhana sa'kin? Ang malasin ako? Mukha talagang mamahalin ang lugar na 'to kaya't napapaatras ako. Presyong kaibigan? Ah. "Welcome home, Ormandas'!" Nagulat ako ng may pa-confetti. May lumapit sa'king kasing edad ni Mama. "Ako ang kaibigan ng Mama mo! Rheina Gabriel! Pero pwede mo akong tawaging Tita Rheina!" "Ah. Hello po! Ako po si Stella Ormanda. Storm na lang po!" "Your name sounds like a trouble." Nanlaki ang mga mata ko at nilingon iyon. Isang batang babae. "Selena!" Isang batang babae na ininsulto ako?! Ha! Section six lang ako pero kaya ko ang basic english! "Ah. Pasensya ka na sa anak ko. Siya si Selenium Sani. Selena ang itawag mo." Pakilala ng ka-edad ni Papa sa batang nang-insulto sakin. "Ako naman si Spring Gabriel. Call me Tito. You really have a nice nickname, Storm!" "Hello po. Ako po si Storm!" Ngiti ko sa bata at kay Tito. "You don't need to repeat it. I am not stupid," the little girl sneered. Napanganga ako sa sinabi ng bata. Kung wala lang talagang matatanda dito! Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa bata! "Wala dito ang isang anak ko dahil busy sa hindi ko alam dahil ayaw niya sabihin. But anyways! Babalik siya after dinner! A little to late but anyways, magkakilala naman 'ata kayo dahil parehas kayo ng school?" Excited na wika ni Tita Rheina. "Talaga po?! Salamat naman at mukhang may makaka-close ako!" I giggled. Ka-plastikan! Paano kung sabihin sa'kin ng anak niya na... "Hoy kawawa ka naman, rejected ka!" Namutla ako sa naisip. Nako! Huwag naman sana ako makilala ng anak ni Tita! Sana hindi chismakers ang anak niya! "Sana nga at maalala niyo ang isa't-isa. Nagkalaro din kayo noong bata kayo 'no!" "Ah talaga po? Tignan po natin!" Ngiti ko. Nag-usap ang mga matanda at walang katapusang pasasalamat ang ginawa ng pamilya namin. "Yiti won't even like you a bit." Napalingon ako sa bata at napanganga. "Hehe. Ba't naman?" "You look plain and stupid. I thought you're maganda or something. The face and posture says it all." At inilabas nito ang dila niya bilang pang-aasar. "Aba--!" "Mom, Dad. Tapos na po ako!" Sigaw ng batang babae at umalis. Ano 'pang kamalasan ang darating?! Mukhang hindi kami magkakasundo ng batang 'yon! "Storm, ito ang kwarto mo. Ang tagal 'ding bakante nito. Sa wakas naman at may gagamit na!" Masiyahin talaga si Tita Rheina! "Nako. Maraming salamat po!" "Pasensya na, hija. Hindi ko na naasikaso ang design ng kwarto mo kaya't ang plain." Napanganga ako. M-Mukhang pangmayaman ang kwarto 'ko! "Ha?! Hindi po! Ayos na ayos nga ito!" niyakap ko si Tita. "Maraming salamat po." "Nako hija. Anytime!" Humiwalay ito sakin. "Gusto 'man kita tulungan mag-ayos pero. ..kailangan na namin umalis." Malungkot na sabi niya. "Hala! Okay lang po talaga!" Kailangan na 'ding magpaalam ni Mama at Papa dahil ilang oras nga ang byahe. Samantalang sinabihan ako ni Tita Rheina na mamaya uuwi ang anak niya. Pagkatapos mag-ayos ay nahiga ako sa malambot na kama. Ah. This is good! Bigla akong napabangon sa naisip. Hala. Bukas! Ano ba 'yan! "Oh." Napatingin ako sa bintana. "Umuulan." mukhang nakikidalamhati ang langit sa'kin. Natatakot talaga ako bukas. Pero di ko naman pwedeng sabihin sa Mama at Papa ko na bitawan ang offer ng pamilyang Gabriel at i-transfer na ako sa school kasi may kahiya-hiyang ginawa ako. Ah! Nag-ayos ako bago matulog. Pero ng kumidlat ay naisip ko si Selena. Okay lang kaya ang batang 'yon? Itinuro sakin ni Tita ang mga kwarto. Papasok ka pa sa isang maliit na hallway bago matagpuan ang mga pinto ng kwarto. Katapat ko ang pintuan ni Selena. At ang pinagigitnaan naming pintuan ay kay Yiti 'daw. Kinatok ko si Selena. "What!?" Sigaw niya. "Bukas 'yan, stupid!" Nanlaki ang mga mata ko. Ang batang 'yon! Binuksan ko ang pintuan at muling kumidlat. "Anong kailangan mo?!" Ba't ba nakasigaw ang batang 'to?! "Hindi ka ba natatakot sa kidlat?" Tanong ko. Tumawa ito. "You sound stupid!" Tawang-tawa siya. "Huwag mong sabihin na takot ka?!" hagalpak niya pa. Napasimangot ako. "Bahala ka." Sinarado ko ang pintuan. Ayos din ang batang 'yon. Hindi naman ako pinangalanang bagyo para sa wala. Para kidlat lang 'eh. Naalipungatan ako dahil sa lamig. Bukas ang aircon tapos umuulan. Ah. Baka mamaya pumuti at kuminis ako dahil ang buong bahay ay naka-aircon. Uminom ako ng tubig at napansing di pa rin tumitila ang ulan. Sana safe nakauwi sila Mama. Tinawagan ko sila at nakumpirma na okay lang ang mga magulang ko. Tatawagan ko 'rin sana sila Tita kaya lang ay wala akong number ng mga 'to. Tinignan ko ang pintuan ni Yiti. Nakauwi na kaya ang babaeng 'yon? Anong oras na 'rin. I wonder kung kaugali niya ang kapatid niyang maldita. Tsk. Sana wag. "Hey, wake up! Stupid!" Nagulat ako sa kumakalampag na pintuan. Anong hinahampas niya don!? "Selena--" nagulat ako ng may hawak itong kawali. Tinignan ko ang pintuan. Hala?! Iyan ang pinanghampas niya?! "Cook something for me! Male-late na ako!" "H-Ha?!" Napatingin ako sa orasan. 6:30?! "Ba't hindi mo ako ginising?!" "What?! Ano ka? Bata?! Bilisan mo!" Argh. Teka. "Selena. Wala ba ang kapatid mo?" Tinignan ako ng masama nito. "Hindi kita pupuntahan kung nandyan! You're so stupid!" "Hindi ako marunong magluto." "What?!" "Wait. Titignan ko kung may cereals dito." "What?! Ang stupid mo!" Inis na umupo ito. Wala siyang choice. Ah! Pinagtimpla ko ito ng gatas at pinakain ang nakitang cereal. Ang sama ng tingin sa'kin ni Selena kaya't umalis muna ako para mag-ayos para sa school. Malapit lang naman ang school. Ayos lang ma-late. "Hay buhay." Hinayaan ko lang ang buhok ko sa kung anong disenyo matapos maligo. Paglabas ko ay wala na si Selena. Baka pumasok na. Ayos lang kaya ang batang 'yon? Meh. Nakailang stupid nga ang isang 'yon. Binigyan na rin ako ng baon ni Mama. Mas malaki nga lang dahil hindi na niya ako pwedeng bigyan ng baon na pagkain. Mamimiss ko 'yon. Lutong bahay. Late akong nakarating ng school. Konti na lang ang estudyante sa grounds pero gusto ko magpalamon sa lupa. Halatang pinag-uusapan na nga ako! "S-Stella!" Salubong nila Tina at Weng. "Akala ko magt-transfer ka na?!" Niyugyog nila ang balikat ko. "Akala ko din. Hindi ba kayo masaya?" Medyo napangiwi sila. "Kalat na yung ginawa mo kay Rein." Napanguso ako. "Oo nga 'eh! Ba't kasi may paganito pa!" "Stella!" May sumigaw mula sa hallway. "Stella!" "Kanina lang malungkot 'yan." Tukoy ni Tina kay Vane. "Nandito ka na!" Niyakap ako nito. "Akala ko, mawawala ka!" "Ha?!" tinapik ko siya. "Hindi ako mamamatay, Vane!" Tawa ko. "Pero di ko talaga alam. Ang dami mong bashers sa school." Sabi ni Tres. Humiwalay sakin si Vane at sinakal na naman ang kaibigan namin. Ba't hindi matutong tumahimik ang isang 'to? Nasasakal tuloy. "Totoo 'yon friend! Baka may sumabunot sayo diyan bigla--" "Tina, ano ba! Hindi natin hahayaang may sumabunot sakanya!" Sabi ni Weng. "Tama! Ikaw pa lang kasi ang nakakagawa 'non kay Rein kaya mabuhay ka! Kalimutan mo siya! Hindi namin hahayaang magkasalubong ang landas niyo!" "Salamat guys!" Ano na lang ang gagawin ko kung wala sila. "Pero. .." Napanguso si Weng. "Ganon pa 'rin si Rein. Walang pakialam sa babae. Ang matalinong iyon, napaka cold hearted talaga." "Kaya kalimutan mo na siya." Sabi ni Vane. Ang dali lang para sa iba na mang-dikta. Kung ikaw kaya ang magmahal! Itong si Vane, hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ko! Wagas 'to! Wagas! Siguro hindi naman mahirap kalimutan ang isang 'yon. Noong first year ako, March. Doon ko siya nagustuhan. At magtatatlong taon na pala! Ah! Move on! Fighting! "Teka--Bakit hindi ka nga pala lumipat ng school?" Na-ikwento ko sakanila lahat ng nangyari kahapon. Tumango-tango naman sila. "Swerte mo naman kay Tita Rheina." "Swerte ka kamo!" "Swerte ba 'to? Ang daming masamang nakatingin sa'kin." Buntong hininga ko. "Lilipas din 'yan Storm. Hintay lang!" Pag cheer up sakin ng dalawa. "Pero pwedeng pumunta?!" Sabi ni Vane. Tumingin naman sakin sila Weng. Sa lahat ng na-kwento ko, hindi ko sinabi kung saan ako nakatira dahil tiyak, mangungulit ang tatlong 'to at pupunta doon. Naisip ko ang mukha ni Selena. Err. Lalong di pwede magpapunta. Hindi 'din sakin ang bahay. "Ayos lang ako doon. At hindi pwede. Pero try ko ipagpaalam." Ngiti ko. Tumango naman ang mga ito kahit labag sa kalooban nila. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa pag-uwi. Ah. Sa wakas ay naka-survive sa mga matang kinakatay ako. Mabuti ay nasa tabi ko lagi si Vane. "Oh. Tita Rheina?!" "Storm!" Niyakap ako nito. "Hindi ka 'daw marunong magluto sabi ni Selena." Napangiwi ako. "Ha. ..ha. ..ano Tita." Ang batang 'yon! "Kaya nagdesisyon ako na dito ako titira para masaya! Ipagluluto ko kayo!" masayang wika niya. I giggled. "Gusto ko 'yan Tita!" Nagtatatalon kami. "Ma. Hindi na kailangan." napalingon ako at napasigaw. Anong ginagawa nito dito?! OMG! Ma?! Mama?! Mama niya si Tita?! "Storm? Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Tita. Peke akong tumawa. "Magkakilala kayo?" "N-Nagulat lang!" "Ako na po ang magluluto para saming tatlo." aniya. Tinignan ako nito. "Ytrium Rein Gabriel. Nice to see you here. I'm off." At nilagpasan ako nito. "Ayon si Ytrium! Kay gwapong bata ano? Mana sakin! Kaya lang ay iba talaga ang ugali niya kaya't pag-tiisan mo na lang." Peke akong napatawa. Anong nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD