2. Sulat

2018 Words
"Stella?" Napalingon ako kay Mama. "Baka next week ang paglipat mo ng school." Parang nagising ako sa narinig. "Hah?!" "Sigurado na ang Papa. Pasensya na anak. Pero desidido ang Papa mo kaya't pinag-enroll ka niya. .." "Saan?" nag-iwas lang ng tingin sa'kin si Mama. "Pa!" napalingon ito sakin. "Pa, alam mo namang hindi lang ako ang may kailangan ng gastusin! Paano si Mama?" Walang murang school sa paligid! Kaya alam 'kong mahal ito! May sakit si Mama! At kahit sabihing malayo ang byahe ay nakakatipid kami! Wala din akong ginagastusang pagkain dahil laging may pabaon si Mama. Pero ngayon? Sa school na mamahalin? Kung pwede lang mag-scholar kaya lang, hindi ko kaya! "Huwag mong isipin 'yan! Kami ang magulang mo! Kaya dapat, kami ang nag-iisip niyan!" Sigaw ni Papa at umalis. "Pst. Bakit malungkot ang bagyo?" "Naisip na niya 'atang si Rein ay masyadong mataas para sakanya?" "Shh!" Suway ng dalawa kong kaibigan sa mga echoserang kaklase ko. Napanguso ako. Tama naman sila. Masyadong imposible si Rein para sa'kin.. .Pero gusto ko talaga siya! Pero ang pag-transfer ng school. ..Mukhang desidido ang Papa ko ngayon. "Ahh." Ngumawa ako sa desk. Paano na? Aalis talaga akong school na walang nangyayari sa lovelife ko? Sa aming dalawa ni Rein? "Hindi pwede!" Sigaw ko. "Ms. Ormanda!" Gigil na sigaw ng teacher. "Umalis ka dito! Hindi ka na nga nakikinig, sisigawan mo pa ako?!" "Ha?! A-Ah.. .Hindi po--" "At sumasagot ka pa?!" Napanguso ako. Nandito na naman ako sa field. Walang tao kaya't payapa ngayon. Natandaan ko dati. ..Ito. ..dito ko unang nakita si Rein sa lugar na 'to. Freshman pa lang kami pero kung iturin siya ng lahat, parang senior! Matured na talaga siya simula pa noong bata kami. Nakakakilig isipin. .. Kaya lang, ang hirap magkagusto sa taong ang taas. .. hindi maabot. ..hindi makausap. .. "Aray!" Napahawak ako sa ulo ko at tinignan ang bola na nahawakan. "Sorry." Nanlaki ang mga mata ko. Ang taong hindi maabot. ..Nasa harap ko na. ..Ang taong nasa taas. ..abot kamay ko na. ..Ang taong hindi ko makausap. ..nag-sorry sakin. .. "Akin na!" Nagulat ako sa marahang pag sigaw nito. "Huh?" "Malakas ba ang pagkatama?" Hinila niya ang bola mula sakin. "I hope it doesn't make you too stupid." At tinalikuran niya ako. Ha. ...Ano?! "Rein!" Napatigil ito sa paglalakad. Hinabol ko ito at humarang sa harap niya. Abot ko na siya. Nakakausap ko na siya! "Salamat noong nakaraan." Mukha itong naguluhan kaya ngumiti ako. "Doon sa pagtulong sakin makapunta sa clinic. Maraming salamat. Hindi ako nakapag-thank you--" "Okay." At nilagpasan ako nito. Natulala ako. N-Nakausap ko si. ..Rein! Nagtatatakbo ako pabalik ng building habang pinipigilan ang tili. Pero di ko mapigilang ngumiti ng pagkalaki-laki! "Weh?!" Sigaw nilang dalawa. Tumango-tango ako. Pinagsaklop ko ang aking kamay at umikot. "Storm. Kailangan na talaga natin gumawa ng paraan para makilala na niya ang feelings mo!" Tango-tango ni Weng. "Tama! Kailangan natin gumawa ng paraan para may mag-abot sakanya mismo! Hindi na sa locker!" suggestion ni Tina. Napangiti ako ng pagkalaki-laki. Sa wakas! Ito na ang hinihintay ko! Sa dalawang taon na pagkaka-crush! Ngayon lang kami nag-usap ng ganon kahaba! "Pero guys, naisip niyo ba, laging natatamaan si Storm ng bola tuwing naki-kick out siya sa room. ..pero hindi siya nakilala ni Rein?" Napangiwi kaming tatlo. Totoo 'yon. Parang hindi ako nakikilala ni Rein tuwing natatamaan ng bola. Napanguso ako. "Hayaan na natin! Ang mahalaga, nag-usap kayo kahit ininsulto ka niya!" Pag cheer up ni Tina. Hindi ko alam kung cheer up iyon. Napa-iling na lang ako at tumingin sa bintana--Ito na ang simula. .. Lilipat na pala ako ng school. Mayroon na lang akong apat na araw para umamin?! "Ah!" Ngumawa ako. "Hindi!" Iyak ko. "Huh? Storm?!" "Weng! Tina!" Iyak ko at niyakap sila. "Lilipat na ako ng school!" Napasinghot ako. "Ano?!" sigaw nilang dalawa. "Bakit ang malas mo, Storm?" Tanong ni Weng habang kumakain kami. "Kung tsaka gumawa ka ng move, bakit doon ka pa mawawala?" Tulalang tanong ni Tina. Napabuntong-hininga sila parehas. "Tanga lang?" sabay pa nilang sabi. Napanguso ako. Minsan, hindi ko alam kung kaibigan ko sila. "Pero Storm, sure na ba ang pag-alis?" Malungkot na tanong ni Weng. Tumango ako. "Ngayon lang kami nag-away ni Papa ng ganon. ..Hindi ko alam kung bakit ganon siya, pero kaya ko naman! Kaya bakit pa siya magpapakahirap?" Buntong hininga ko. "Sino 'bang tatay iyong gustong nahihirapan ang anak nila?" Tanong ni Tina. Pare-parehas kami umiling. "Kaya sana, intindihin mo ang feelings ng Papa mo." Napatango kami. May sense din si Tina kausap minsan. "Kaya ngayon, enjoyin mo ang masasayang araw mo! Gumawa ka ng paraan para makaabot ang letters mo kay Rein mismo." Napabuntong hininga si Weng. "Kung pwede lang may magbigay sakanya ng letter na kaibigan o close niya 'eh." Napatigil kaming lahat. "Bakit hindi?!" Sigaw naming tatlo. Ito na. Makukuha ko na ang pinapangarap ko! Ibibigay ko lang ang letter sa kaibigan niya at. ..baka. ..pwede. ..kami.. . I giggled. Napangiwi ako. Maraming nakapalibot na babae sa nag-iisang kaibigan ni Rein-- hindi niya pa nga kaibigan 'to. Parang kasa-kasama lang. "Higher than one thousand?!" Walang sumagot mula sa babae kung hindi reklamo. "At siya ang nanalo! Sakanya ang dadalhin kong letter for Rein!" May tumiling babae. Napanganga ako. What the. .. "Malabo sa kaibigan niya." Napatango kami sa sinabi ni Weng. Mukhang pinagbibili niya pa ang serbisyo. Argh. Bakit pakiramdam ko ang layo mo na naman Rein?! "Mga hija, hindi pa ba kayo uuwi? May balak din ba kayo sumali sa pataasan ng bidding ni Luthor?" Mariin kaming umiling. Kahit gustong-gusto ko si Rein, hindi ako magsasayang ng pera para sa swapang niyang kaibigan. "Oh---! Tama! Tama!" Nagtatalon si Tina. "Manong! Pwede ikaw po ang magbigay ng letter ni Storm kay Rein?!" "Ano?!" Napatigil kaming lahat. "Hah? Oo naman. Nasaan ba?" Kahit naga-alinlangan ay ibinigay ko ito. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya. "Makakaasa ka hija." Hiniling ko din sa matanda na pwede ko bang makita na ibigay niya mismo kay Rein. Ah! I can't wait! "Oh? Ano 'to, hija?" "Tinapay po galing sa cafe namin. Sana magustuhan niyo. Bilang pasasalamat na 'rin!" Mukhang nagulat ito at ngumiti. "Nako. ..Salamat hija!" Nakita ko kung paano niya ibigay kay Rein ang aking sulat. Naghintay ako sa room pero wala. As expected. Ba't niya ba ako pupuntahan? Kaya ang ginawa ko, si Manong din ang pinaabot ko. Kaya lang, dalawang letter na. ..Hanggang sa sumunod na araw. ..Tatlo. ..Apat. .. "Hija? May progress ba si Rein?" Malungkot akong umiling. Mukhang nagulat ito. "Pasensya na hija. Mukhang hindi ko pwedeng kainin ang dala mo. Nakakahiya na. Wala 'ring nangyayari--" "Ano ba manong. Ayos lang! Dapat nga ay ako ang mahiya dahil inaabala ko kayo! Kain po!" Ngiti ko pa sakanya. Friday na. Last day ko na. At nakarating nga ang mga sulat. Kaya lang, hindi niya binabasa. Marahil, hindi siya interesado sa'kin kahit mabasa niya. Ahh. Ano bang ine-expect ko? Mata-touch ang genuis na 'yon sakin?! "Storm!" Iyak ni Tina at Weng. "Kailangan mo ba talaga lumipat ng school? Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" reklamo ni Tina. "Oo nga! Malapit naman mag moving up! Sige na!" Sang-ayon ni Weng. "Pasensya na guys. Pero nakita ko na yung bago 'kong uniform at lahat. Entrance fee na lang ang kulang at approval ng both schools kasi mahirap nga iyong moving up na'ko pero lilipat pa." Niyakap ko sila pabalik. "Storm. .." "Stella!" Sigaw ni Vane. "Stella, seryoso ba 'tong paglipat? Hindi ba pwedeng dito ka na lang?! Pwede kang mag-stay sa bahay!" "At gawin siyang asawa? Wag na, Stor--ack!" Wika ni Tres. Sinakal siya ni Vane kaya napangiti ako. I'll miss this. ..Section Six. ..Ilang taon ko din sila nakasama dahil pare-parehas kaming nasa last section lagi. May nadadagdag at nababawas pero karamihan ay simula pa noong grade seven ay magkaka-klase pa 'rin! "Kung pwede ka lang sa bahay, matagal na kitang pinatira! Kaya lang nakikitira lang din ako!" Iyak ni Tina. "Kung wala lang akong maala-cinderella na buhay, doon ka sa'min!" ani Weng. Napangiti naman ako. "Okay lang guys. Pwede naman natin makita ang isa't-isa." Pumikit ako. "Teka--Hindi pa alam ni Rein ang nararamdaman mo! Sincc last day na. ..Ba't hindi ka mag-confess sa harap niya mismo?!" Sigaw ni Weng. Tumayo si Tina. "Tama!" "Ano?!" apila ni Vane. "H-Ha?!" Hinila ako ni Tina at Weng patayo. "Last day mo na! Ito na ang chance para ipaalam mo sakanya ang nararamdaman mo!" "P-Pero uwian na! M-Maraming tao!" "Ano naman!? Last day mo na!" Sigaw ni Tina. Tama. Last day ko na. Dapat maging matapang. Ayun siya. Sa dulo ng pasilyo sa left wing. T-Teka! Kaya ko ba talaga 'to?! Tinignan ko ang aking bag. May isa pang letter. Sasabihin kong gusto ko siya, tapos ay ibibigay ang letter at tatakbo palayo. ..tapos baka habulin niya ako. Napakagat ako ng labi. Yie. "Huy! Anong ginagawa mo?! Lapitan mo na! Aalis na sila!" Sabi ni Weng. Tumango ako. Kayo na po ang bahala sa'kin! "Rein!" Napalingon ang lahat sakin. Tumahimik ang hallway. Narinig ko na naman ang nahimatay issue. Napatigil ako. Hindi ako makahinga kaya't napalingon ako kay Weng at Tina. Sinusuportahan nila ako. Kaya't kailangan ko maging matapang! Last day na 'to! Bahala na ang kahihiyan! "Rein!" Lumapit ako. "Sino 'ka?" Napanganga ako. Kilala ako ng lahat dahil desperada daw ako pero. .. Matalinong tao, tapos iyong taong ilang beses niyang hiningian ng sorry dahil natatamaan ng bola. ..hindi niya namukhaan? Sino ka? Seryoso? Nagulat ako ng malayo na ito sakin. Ang mga tao ay nakatingin lang sakin at parang natatawa. Argh. "Rein! Gusto kita!" sigaw ko. Lalong tumahimik ang lahat. Tumigil ito sa paglalakad at nakakunot ang noong tinignan ako. Nilapitan ko ito at ngumiti. "Ilang araw na ako nagbibigay ng letter sayo kaya lang mukhang busy ka--" "Ikaw iyong nangungulit kay Mang Ronaldo." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?! Ano. .." "Kung may gagawin 'kang katangahan, pwede bang wag ka mandamay ng ibang tao?" Napanganga ako. K-Katangahan?! "Ha? Anong katangahan? Letters iyon--" "Tingin mo talaga, papatol ako sa katulad mo?" At tumalikod ito. Papatol sa katulad 'ko?! Ano bang tingin niya sakin?! Uwian na 'non. Lahat kami ay lugmok sa nangyari. Gusto 'kong umiyak pero. ..Hindi ko magawa! Masakit! Pero. .. "We should drink!" Sigaw ni Weng. "I'll take care of your transportation, Storm." at may tinawagan din ito. "Ako ang magpapaalam sa Mama at Papa niya." Buntong hininga ni Vane. Si Tres ay tahimik lang. Kalat sa school ang nangyari. Mabuti at last day ko na. Pero nakakalungkot na paalam 'to. Maski si Vane ay gustong sapakin si Rein pero sinabihan ko na siya. Ipinasa sakin ni Vane ang telepono. Sabi ko kay Mama ay may farewell party at ihahatid ako ng kotse nila Tina kaya't pumayag siya. Ilang baso na 'rin ang nainom ko. Pero ayoko magpakalasing. Naiinis ako at naiiyak, pero walang lumalabas na luha. Kaya ang bigat sa pakiramdam. "Tara na. Next time na lang tayo mag lasing talaga. Kailangan umuwi ni Storm." "Storm. ..Okay ka lang?" Tanong ni Tina. Napatingin ako sa kawalan. Anong klaseng tao ba ako at parang diring-diri ka sakin, Rein? "Oo naman! Okay siya!" biglang akbay ni Vane! "Ah! Vane!" Nasasakal ako sa akbay niya. "Oh! Rein! Ito yung nag-confess sayo kanina 'ah?" Nanlaki ang mga mata ko. R-Rein. "Mukhang may ka-date ngayong gabi?" Sabi ni Luthor. Argh! Ang sarap niyang sapakin! Hindi ako nakikipag-date! Baka kung anong isipin ni Rein! Tinanggal ko ang kamay ni Vane sa'kin. "Hindi kami nagd-date!" Nakatingin ako kay Rein. Parang gusto ko mag-explain sakanya! "Wala akong pakialam." Nilagpasan kami nito. "Ang mga taong ganyan, dapat magsama." Taong ganyan?! "Hah." Bwisit ang lalaking 'to ha?! "Hoy Rein. Ang kapal naman ng mukha mo na sabihin 'yan? Anong tingin mo sa'min? Hindi tao?" Hinawakan ni Weng ang balikat ko. "Storm. ." Pigil niya. "Ang kapal naman ng mukha mo. Nakaangat ka lang, akala mo kung sino ka. Bobo na nga talaga ako para magkagusto sayo. Tanga. Argh. Hinding-hindi na ako magkakagusto sayo!" Inis na sigaw ko. Nagtuloy-tuloy lang si Rein sa paglalakad na nakapagpa-irita sa'kin. Hah! Mayabang! Titigilan ko na ang pagkagusto sayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD