1. Hakbang

2227 Words
Napatingin ako sa blankong papel. "Ah! Hindi ko alam na ganito pala kahirap magsulat ng loveletter?! Bakit? Bakit ang hirap?!" Eleven na ng gabi, at ilang mamahaling papel na 'rin ang nasira ko. Ahh. Sayang baon. Napailing ako. "Para sa pag-ibig!" Dear Rein, Simula pa lang noong first year, noong napahiga ako dahil natamaan ako ng football sa tyan--na galing sayo, gusto na kita. Kahit walang kaemo-emosyon ang mata mo, naramdaman kong sincere iyong sorry na sinabi mo.  Hindi ko alam na sikat ka sa school, na matalino ka. Na malayo ang agwat natin. Pero gusto ko lang sabihin sayo na nagustuhan kita simula ng makita kita. At ngayon, umaamin na ako para mapansin mo. Sana, magkita tayo. Love, Stella. Naka-sobre na ito pero kumunot ang noo 'ko. "Ah. Parang ang plain naman 'non? Dapat gumawa pa ako ng iba! Tama!" Gumawa ako ng marami. Mayroon pa 'ngang tula. Pero napapangiwi ako kasi hindi nagkakatugma yung words kaya maraming sulat ang ginawa 'ko! "Alis na po ako!" Tinignan ko ang orasan. Alas-tres na ng umaga. Kailangan ko bilisan bago maabutan ng traffic. At para makasilay kay Baby Rein! Para maipuslit ang letter ko sa locker niya! Kailangan maging maaga! 6:30AM. Marami ng tao sa hallway ng left wing building namin. Napasapo ako ng noo. Ang daming tao. Marami 'ding makakakita na ilalagay ko 'to sa locker ni Rein. Sumakit ang ulo 'ko. Kaya huwag muna. Mamayang class hours na lang para wala talagang tao sa left wing mamaya! Tama! "Storm?!" "Ha?!" Napatingin ako sa buong klase namin. "Anong ginawa ko?" "Storm, ayos ka lang?" Sabat ni Tina. "Anong nangyari sayo?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Bakit? Ayos lang ako?" Takang sagot ko. Anong nangyayari? "Love!" Sigaw ni Vane. "Anong nangyari?! Ba't maputla 'ka?" "Ah. ..Ito?" Tumunog ang tyan ko. "Hindi ka kumain?!" Sigaw nilang lahat. "Ha?" "Ano ba, Stella! Ang bahay niyo, malayo ng three hours sa school natin! Tapos hindi ka kumain?!" Sigaw ni Vane. "Nasaan ang pabaon ni Mother mo?" Hinila ako ni Weng at pinaupo. "Ah---hala." "Anong hala?!" sigaw ni Tina. "Naiwan ko!" napasubsob ako sa mesa ng aking upuan. "Sobrang pag-iisip ko kay Rein. .. nakalimutan ko!" "Ano?!" "Naka-sampung letters ako. Kasi baka sa sobrang pangit ng sinabi ko sa isang letter, ma-turn off siya sakin. Basahin niyo guys ha? Tapos pumili kayo ng ibibigay natin." Ngiti ko. Ahh. Sana mapansin na niya talaga ako! "Hoy, Storm. Sabihin mo nga. Anong oras ka natulog?" "Ah?! Twelve?" Hindi ako sigurado dahil. ..di ako tumingin sa orasan at. ..aish. Hayaan na nga. "Ano?! Dapat ten ang tulog mo!" Sigaw ni Vane. "Ang hirap gumawa ng letters." Nguso ko. Mahirap pala maghanap ng tamang salita para sa nararamdaman mo. "Hays! Sinasabi na nga ba. Iyang Rein na 'yan, walang magagawang mabuti sayo Storm. Toxic! Kaya ako na lang ang mahalin mo!" Pilit ni Vane. "May mapapala ka ba dito? Parehas kayong magugutom. At walang magagawa ang pag-ibig mo---" napatili kaming tatlo ng sakalin na naman ni Vane si Tres. "Ikaw! Ang hilig-hilig mong sumabat!" Hays. Napatingin ako sa letters na hawak ko. Anong ibibigay ko? "Akin na!" Hinila nila Weng at Tina ang letters. "Pipiliin namin ang nakasisigurong makaka-antig ng puso ni Rein!" Ngiti nila. "Aw! Guys! Thank you!" "Tutulong ako--" napatingin kaming lahat kay Vane. "Vane. Gusto mo si Storm. Baka mamaya ang piliin mo yung pinakapangit. So no thank you. Nandito kaming dalawa ni Tina. Girl power!" Napangiti ako. Hintayin mo lang ako, Rein my loves! Dear Rein. Gusto kita. Wala na akong masabi. Gustong-gusto. Love, Stella  from; X-6 "Ito?" Napangiwi ako. "Maraming iba diyan--" "Alam mo Storm, impatient si Rein, hindi ba? Hindi niya titignan ang love letter na kay haba. Kaya as much as possible, gawin na nating pinaka-accurate!" "Tama! Para wala ng paligoy-ligoy! At alam mo naman diba? Uso ngayon yung sentences na ang ikli pero meaningful dahil sa nakasulat at nararamdaman? Kaya iyan na!" Napaisip ako sa sinabi ng dalawa. Tama sila! Ha! I am glad na mayroon akong kaibigan na katulad nila! "Thank you guys!" Niyakap ko silang dalawa. Tumawa naman ang mga ito. "Pero Storm, ramdam namin sa mga iba mong sulat yung feelings. Idol ka talaga!" Tawa ni Weng. "Support ka namin sa pagbibigay!" Excited na wika ni Tina. Napahagikgik din ako. Hindi ko maiwasang ma-excite. Ano kayang kalalabasan nito? Makikita na sa wakas ni Rein ang isang katulad ko at. ..at. ..baka maging kami? Napatili ako. "Wag ka munang mag-daydream. Hindi mo pa nga naibibigay ang sulat!" Pinitik ni Weng ang noo ko. "Tama! Wag ka muna umasa! Pero ngayon. ..kailangan na natin maibigay ang sulat!" ani Tina. "Tama!" Napatayo ako. "Tara--" napatigil ako ng kumulo ang aking tyan. Sumakit ang ulo ko. Ano ba 'yan! Ibibigay na nga ang sulat 'eh! "Opps! Ang pagmamahal ay hindi nakakabusog!" wika ni Weng. "Kumain muna tayo, bago ibigay 'yan!" Napanguso ako. Wala namang mangyayaring masama kung kakain ako. Tama! Kumain bago pumag-ibig! "Nasaan ang letter?" tanong ni Tina. "Nandito sa bulsa." "Huwag kang mag-alala, Storm. Tutulungan ka namin ibigay 'yan!" Wika ni Weng. "Tama.. .tapos. ..a--yun! at. ..life. ...mo--" Napatigil ako sa paglalakad. Bakit parang tumitigil ang paligid? At bakit nawawala ang boses ng lahat? At bakit nakikita ko si Rein? "R-Rein. .." "Nandito ako." Sagot niya. "Ah!" Napatili ako at bumangon. "Anong nangyari?!" tumingin ako kay Vane. Pero may naalala ako. Si Rein. ..Kahit malabo ang nangyari. ..Nakausap ko sa panaginip si Rein! Napatili ako! "Anong nangyayari Miss Ormanda?!" Napalingon ako sa nurse. Huh? Tinignan 'ko ang paligid. Bakit nasa clinic ako? Mamamatay na ba ako? "Tsk! Over fatigue lang!" Suway ni Vane sa iniisip ko. Ha? Paano niya nalaman-- "Halata sa mukha mo--Hindi ako manghuhula! Halata sa mukha mo." Napanguso ako. ..Ganon? "STELLA!" Napatalon ako sa sigaw ng dalawa 'kong kaibigan. May bitbit itong mga pagkain at mukhang iiyak sila. "Over fatigue lang daw guys." "Over-over ka diyan! Ngayon lang nangyari ulit sayo 'to! Kahit may periodic exams, hindi ka nag-over over. .." niyakap ako ni Tina. Uhh. "Ba't ka kasi nagpakapagod doon sa letter?! Alam mo namang malayo ang bahay mo at. ..at. .." Sumunod si Weng sa yakap. "Ha?! Si Rein na naman?!" mukhang susugod si Vane kay Rein mabuti at napigilan ko siya. "Ano ba, Vane. Wag mo i-stressin si Storm. Pag sinugod mo 'yon, magtataka siya kung bakit siya ang dahilan ng pagkahimatay ni Storm sa harap niya mismo." "Though kalat na sa school na. .. nahimatay siya dahil sa ka-gwapuhan ni Rein." "Nagpapanggap daw na nahimatay para mabuhat ni Rein--well kung nagpanggap ka, it works!" daldal pa ni Tina. Ano? Kumunot ang noo ko sa sinabi nilang dalawa. "A-Anong sinasabi niyo?!" It works. ..dinala. ..nahimatay sa harap? "Siya ang nagdala sayo dito! Congrats, Storm! May 0.5 percent ka na!" Sigaw ni Weng sa kilig. Habang ako, hindi makapaniwala. Akala ko. ..hindi totoo. ..Panaginip. .. Napatili ako. Hindi panaginip! "Tina! Weng! Positibo ang lovelife ko!" Tili ko. "B-Bakit?!" sigaw nilang dalawa at parang na-eexcite sa susunod na sasabihin ko. "Kanina. ..tinawag ko ang pangalan niya. ..sabi ko; Rein! Tapos.. ." kinagat ko ang ibabang labi ko. "Tapos?" Abang nilang tatlo. "Tapos sabi niya; nandito ako!" Nagtititili ako. "Naramdaman ko sa sinabi niya na parang safe ako sakanya at parang nandiyan siya para sakin, palagi!" Tarantang sigaw ko. "Miss Ormanda! Kung maggaganyan ka lang dito, umalis ka na!" Dumagundong ang boses ng nurse. Opps! "At sigurado, hallucinations ang nangyari sayo. Imposibleng sabihin iyon ni Rein." Nagulat ako sa sumigaw mula sa kabilang kurtina. Napanguso ako. Inakbayan ako ni Weng. "Oh! Wag mo silang pansinin, Teh!" bulong niya at ngumiti. "Support ka namin! Huwag 'kang papatinag sakanila!" segunda pa ni Tina. "Basta, kung saan ka sasaya Storm. .." Yuko ni Vane. "Suportado kita. ..Pero pag sinaktan ka niya!" Inis na sigaw niya. "Ikaw lalaki! Lumayas ka dito!" sigaw ng nurse at hinila niya. "Love!" Sigaw niya pa bago makaalis ng clinic dahil sa paghila ng Nurse. Tumawa naman kaming tatlo. "Ibang klase talaga ang lalaking iyon." "Lalo na pagdating sayo, Storm. Kung di ka sasaluhin ni Rein, si Vane na lang." Wika ni Tina. Sang-ayon ako na ibang klaseng lalaki si Vane. Pero hindi ko 'ata nakikita ang sarili 'ko na magkakagusto sa ibang lalaki. Ah. Habang nagk-kwentuhan ay kumakain kami. Halos ipilit nila sakin lahat ng pagkain. Mabuti na lang at naawa pa sila. "Ito. Kainin mo 'to sa byahe." Bigay ni Weng. "Ito, pag sumakit ang ulo or tyan ito ang sagot!" Bigay niya ng Katinko. Pero teka-- "Byahe?" "Uwian na, kanina pa. Mga isang oras na ang nakalipas--" "Yung letter ko!" Nanlaki ang mga mata ng dalawa. "Hala! Oo nga!" "Kuya, papasukin niyo na kami. Please? Sandali lang. May nakalimutan lang. Baka bumagsak ako sa quiz bukas!" Dahilan ni Tina kay Kuya Manong para buksan ang gate ng Grade X. "Ako na lang ang kukuha. Bawal talaga pumasok. Anong section niyo ba--" "Ay kuya! Hindi na! Ano ba! Kami na lang! Sandali lang naman 'eh!" Apila ni Weng. Napanguso ako. Ah. Ba't ang malas ko ngayong araw? Umuwi kaming luhaan. "Sorry, Storm. Hindi natin mapilit si Kuya. At hindi ka 'rin pwede magpa-late. Gagabihin ka talaga. Kung pwede ako na ang maglagay sa locker. .." napatigil kaming tatlo. Nagtilian kami. "Bakit hindi?!" Sigaw naming dalawa ni Tina kay Weng. "Omg! Ang brilliant ko talaga!" Nagtatatalon kami. "Sige sige! Papasok ako ng maaga, para sayo Storm!" Tili niya. Nagtilian kaming tatlo. Umuwi akong may ngiti sa labi. Ang Mama at Papa ay mukhang galit kaya.. . "Bakit mo iniwan ang baon mo?!" Sigaw ni Papa. "At nahimatay ka pa?!" "Anak. ..napapagod ka na masyado. .." "Dapat lumipat ka na ng school." Deklara ni Papa na ikinalaki ng mata ko. Rein. .. "Ma, Pa! Ayoko po!" "Anak! Napapagod ka na sa byahe at paano kung maulit yung nangyaring 'to? Mao-ospital ka pa?!" Mariin akong umiling. "Ah! Basta! Lilipat ka ng school!" Doon nanlabo ang mata ko. Ang nasimulan 'kong kwento namin ni Rein. ..mukhang lumalabo na naman. "Ha?! Lilipat ka ng school?!" Sigaw ni Tina. Tahimik lang si Weng. "Hindi pwede!" Sigaw ni Vane. "Paano na ang pagmamahalan natin!" Niyugyog niya ang balikat ko. "Ilang months na lang naman bago tayo mag moving up. ..Hindi ba pwede. ..?" Tanong ni Weng. "Galit lang 'ata si Papa. Hayaan na natin. Baka lumipas at maisipan niyang hindi na lang." Ngiti ko. "Stella. .." Wika nila. Mukha silang malungkot kaya ngumiti ako. "Hindi pa sure 'yon! Be positive!" Ngiti 'ko. At ilang beses ko 'ring narinig ang deklara ni Papa na lilipat daw ako ng school. Kaya lang ay. ..hassle. Lahat ng school na malapit sa'min ay may tuition na pagkamahal. Mayroong nag-iisang public kaya lang may standard grades na kailangan i-maintain. ..at ang tataas 'non. At isa pa, hindi ko 'rin mapasa ang entrance exam! Kaya lang kami nandito sa lugar na 'to ay para kay Mama. Mabuti daw sa kalusugan ang lugar na 'yon. Medyo malayo sa syudad. Si Papa naman ay may-ari ng cafe shop dito sa lugar namin, at masasabi kong malaki ang kinikita nito. Pero ayoko na ilaan sakin lahat ng gastos. May sakit si Mama. Dito sa school na 'to ang pinaka-okay para sa'kin. Public. Walang grades na matataas! Ito ang buhay! Nagtataka ako, habang naglalakad ay nakatingin sa'kin ang iba. "Oh. ..Ang nahimatay para mabuhat. How desperate." Sa huli, nalaman ko ang dahilan. At iyan ang pinaka-tagline sa'kin ngayon. Ang dami 'ding nakatingin sa'kin ng masama kaya napapangiwi ako. "Ba't ba ganito?!" Bulong ko. Hindi ko naman sinadya iyon. Kasalukuyan kong hinihila ang mga kaibigan ko palayo. Napapaaway pa talaga sila dahil sa bulungan na iyon. Kasalukuyan kaming naglalakad sa field para magpahangin. Pero may naririnig pa rin akong bulungan. Pero mas okay na 'to. Kesa doon sa loob! "Nakakainis kasi 'teh! Akala mo kung sinong maganda?! Akala mo kung sinong matalino!" Sinipa ni Tina ang bato dahil sa inis. "Akala 'ata nila, hindi ka papalag!" "Hindi pa naman nila ako inaaway directly. Kaya hayaan na natin." napaupo ako sa damuhan. "Mas gusto ko 'pang magbigay ng letter sa harap niya kesa magpanggap na nahimatay. Parang ang sinungaling 'ko 'non kay Rein." "Aww, Storm. Iba ka talaga. .." "But speaking of letter. .." Napatingin kami kay Weng. "Hala! Ngayon niya bubuksan ang locker niya! Tayo kayo! Takbo!" Wala sa sariling napatayo kami at napasunod. "Weng! Paano mo nalaman!?" Tanong ko. "Resources!" Sigaw niya. Napangiti ako. "Ah! Thank you Weng! I love you!" Sigaw ko at nagtatatakbo ng masaya. Ito na. ..Makikilala na niya ako! Sa wakas! Sana makita niya ang letter. ..at. ..magiging. ..kami. .. Nagtititili ako sa kilig. "Eh?" Napatingin ako kay Weng na mukhang nakakita ng multo. Kaya tinignan ko ang tinitignan niya-- "Hah?!" Napatingin ako sa paanan ni Rein. Mukha siyang naiinis kaya padabog niyang sinarado ang locker pagkatapos ay. .. . ..inapakan niya lang ang nagkukumpulang sulat. Gumuho ang pangarap ko. Sa dami ng sulat na 'yan. ..sa dami ng nagkakagusto. ..mapapansin niya kaya yung akin? Ako? "Kayong mga bata kayo! Hindi ba sabi ko, tigilan niyo ang paglagay ng kalat sa locker ng hijo na 'yon? Nasasayang ang papel!" Iling ng janitor. Napanganga ako ng makitang diretso ito sa basurahan. .. "Mukhang. ..hindi lang ikaw ang nasasaktan. .." Bulong ni Weng. Napatingin ako sa paligid. Mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kababaihang nakapaligid sa locker ng class one. Mukhang mahirap talaga. ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD