10. Pinuyat

2500 Words
Ihiniwalay niya ang labi sa'kin. "Forget me then." at tuluyan akong iniwan nito sa labas. Anong nangyari... Napaupo ako sa sahig. Naramdaman ko ang sobrang panlalambot ng kalamnan ko. Iyong t***k ng puso ko, sobrang bilis. Parang hindi ako makahinga. Napahawak ako sa'king labi. Hinalikan niya ako! Napatili ako at hinawakan ang labi. Nagtatatalon ako at hindi napansin na umakyat si Tita at Tito. "Anong nangyari, Storm? Bakit ka sumisigaw?!" Nag-aalalang tanong nila. Bigla akong natigilan. "Ay wala po... May magandang nangyari lang," I smiled. Nag-sorry ako sakanila dahil nabulabog ko pala sila. Selena is very angry dahil nagulat siya sa sigaw ko. Pero walang makakasira ng mood ko. Hinalikan ako ni Rein! Hinalikan niya ako! Anong ibig sabihin non? May gusto rin kaya siya sa'kin. "Hala..." kinilig ako sa naisip. Para akong baliw na tawa ng tawa. "Ano ba! Kanina ka pa!" Sigaw ni Selena. "Nababaliw ka na ba? Istorbo ka sa tulog ko!" "Hala... sorry!" Tawa ko pa at nginitian siya. Tinignan ako ni Selena na parang ako ang pinaka-weird na tao. Pero okay lang! Tignan niya lang ako ng ganyan! Nagising ako ng may malaking ngisi sa'king labi. Napahawak ako dito at inalala ang nangyari kagabi. I giggled. "Hey!" Nakangiting lumingon ako kay Selena. "Umagang-umaga, you're acting very creepy na naman!" Napalingon ako sa bintana. Ang ganda ng araw ngayon! Parang ang sarap maglakad-lakad! What should I do? "Talaga?" umalis ako sa kama at nginitian si Selena. "Pupunta lang ako ng banyo!" Napatigil ako. Paano ko haharapin si Rein? Pagkatapos ng nangyari kagabi. ..anong mukha ang maihaharap ko matapos niya akong halikan? "Pfft." Natawa ako sa naisip 'kong 'yon. Kinikilig ako. Ang awkward pero ang sarap sa feeling—"Aray!" "Stupid Storm!" sigaw ni Selena. "You're acting like an idiot! Creepy! Creepy! Get out!" Nilingon ko ito at nginitian. "Sige!" Medyo napahinto ako dahil sa naisip. Uuwi nga pala ako... sa'min. Ibig sabihin ay... hindi ko makikita si Rein until the festival! Mami-miss ko siya! Dahil nga aalis kami, inutusan ako ni Papa na mag-ayos na. Hindi ko pa rin nakikita si Rein. Tulog pa kaya siya? Sana mahimbing rin ang tulog niya katulad sa'kin. Ihh! Binuksan ko ang CR at mabilis na napaatras ng sumalubong si Rein. Napaiwas ako ng tingin. Naalala ko talaga iyong nangyayari 'eh! "Move," aniya. Tarantang gumalaw naman ako para hindi harangan ang daan niya. "Storm." Tawag niya pa. "B-Bakit?" Hindi ko siya nilingon. Bahala siya! Naalala ko lang iyong nangyari kagabi eh! Kinikilig lang ako! "Aalis ka na ngayon sa bahay, di'ba?" Mabilis akong napalingon sakanya. "Ano?!" "Hindi ka ba nakikinig?" He sighed. "Sabagay. Hindi ka naman nakikinig." Napanguso ako. Kung tratuhin niya ako parang hindi niya ako hinalikan! Hmpf! "Nandito na mamaya sila Tita. Mag-ayos ka na." at tinalikuran ako nito. "Sa wakas at wala ng magulo." aniya. Napanganga naman ako. Ano daw?! Kung umakto siya parang walang nangyari! Hindi naman fvckboy si Rein—but he is acting like one! Bakit parang wala lang... Ano iyong halik niya kagabi?! Bakit parang wala lang! Napanguso ako. "Bwisit!" Rein, fvckboy! May pa-don't forget me pa siyang nalalaman... Ihuhulog lang pala ako sa bitag niya! Pinaasa ba ako? Ganon ba 'yon? Mabilis nangyari ang lahat. Si Tita Rheina ay parang gusto ako pigilan pero wala, kailangan ko na umuwi. Nakaramdam din ako ng lungkot, pero sabi ni Mama ay baka dito ulit ako manuluyan sakanila sa susunod na school year kaya't hindi ko masyadong dinamdam ang pag-alis. Hindi manlang nagpaalam si Rein at Selena sa'kin. Ang dalawa ay parang tuwang-tuwa na aalis ako sa bahay nila. Lalo na si Selena. Wala na 'daw kasing manggugulo sa kwarto niya. Si Rein kaya? Mami-miss ako? "Ate Storm!" Salubong ni Luis sakin. Napangiti naman ako at lumuhod para yakapin ang bata. "Na-miss kita! Ilang buwan din ako hindi umuwi, ha!" Ngiti ko sakanya. Niyakap lang ako ni Luis at hindi sumagot. "Kamusta ka na?" "Inaaway po ako ni Bea!" Sumbong niya. "Hindi totoo 'yan!" dumating ang batang masungit. "Ang hirap niya kasing turuan! Parang hindi nag-aaral! Diba parehas lang tayo na grade two?! Ba't--" "Bea. .." Tinignan ko ang bata. Inirapan lang ako ni Bea bago tumahimik. Para siyang si Selena. Pero mas spoiled ang isang 'yon kumpara dito. "Sige. Mag-aayos lang ako huh? Wag kayong mag-aaway. Maglalaro pa tayo!" Isang linggo. Isang linggo na akong nakikipaglaro sa mga bata at nakakapagod talaga. Isang linggo na rin walang balita kay Rein! At miss na miss ko na siya! Napanguso ako. Gusto ko siyang puntahan. Miss na miss ko na talaga siya. May ibang babae kaya 'yon doon?! "Hindi!" Umiling ako. Hindi. Hindi pwede. Tinignan ko ulit ang f*******: account ni Rein. Wala manlang update. Para saan pa at gumawa siya ng f*******:?! Kamusta ka na! Online ito pero walang ginagawa sa social media? Minsan ay gusto ko siyang tawagan pero baka ma-istorbo ko siya. Noong enrollment naman ay hindi ko siya nakita. Pumunta pa nga ako sa bahay ng mga Gabriel at naghintay para makita siya pero--wala! Kaya miss na miss ko na siya! Nasaan ka mahal! Nagpapa-miss ka ba? Pwede bang ikaw naman ang lumapit sa'kin? Tinawagan ko ito. Hala--Wait! Hindi! Akmang i-end call ko na ng mabilis niya itong nasagot. "Ano?" napanganga ako. Ang bilis niyang sumagot. Hinihintay niya ba ang tawag ko? "Hello?!" Inis na sabi niya. Meh. Hindi niya hinihintay. "R-Rein. .." Tahimik ito. Isang minuto ang nakalipas pero walang sumagot. "H-Hello. ..Rein? Nandyan ka pa ba?" "Hmm." nai-imagine ko siyang tumatango-tango ngayon. Napangiti ako. "Anong ginagawa mo?" "Reading." "A-Ah. ..Ibaba ko na. Nagbabasa ka pala." "Fine." "B-Bye. .." "Hmm." Muli akong napangiti. Ang cute ng sound na 'yon! Gusto ko siyang makita! Binaba ko ang tawag. Lord. Sana i-accept niya ang video call ko! "Ano--" mukha niya ang nakita ko sandali pero naibagsak niya ang kanyang phone. "Stella. Nakakagulat ang mukha mo." Pinulot nito ang telepono at mukhang nilapag sa table. Ceiling ang nakikita ko! "Huy! Hawakan mo iyong phone!" "Why?" "Wala. Gusto lang kita makita." Humiga ako sa kama. "Dali!" Pero hindi ito sumagot o nagpakita manlang sa camera. Napanguso ako. "May iku-kwento na lang ako." Ikinuwento ko sakanya ang nangyari sakin sa buong araw ko. Hindi ito sumasagot. Pero ang mahalaga ay nakikinig siya sa'kin. Kinikilig nga ako. Para kaming nasa long distance relationship! "Storm?" Nakita ko si Tita sa camera kaya't napatigil ako sa pagsasalita. "Tita!" bati ko at ngumiti. "Tulog na si Rein." Itinapat nito ang camera sa malayong kama ni Rein. Napanguso ako. Tinulugan ako?! May kausap ba ako kanina?! Rein! Mahal! Na-miss lang naman kita! Napanguso ako sa inis. "Pasensya ka na sa anak ko, ha?" Wika ni Tita. "Pero alam mo, bagay na bagay talaga kayo! At nararamdaman ko na gusto ka ni Rein! Kaya fight lang, Storm! Support ka namin ni Tito Spring mo!" Masayang wika niya. Mabilis naman akong nabuhayan ng loob. "Oo nga po! Fighting!" Mabilis naman nagpaalam si Tita dahil may gagawin pa ito. Nag paalam din ako at natulog. "Ate Storm!" Nagulat ako. Anong nangyari?! "Hindi ko po sinasadya!" wika ni Luis. Tinignan ko ang mural painting na ginagawa ko sa isang facility dito sa bayan namin. Patay! Napakagat ako ng labi. "Okay lang. Gawan na lang natin ng paraan!" Ngiti ko. Mabuti na lang at may naisip akong bagay na pwedeng gawin para hindi mag mukhang binaboy ang painting na nasa harap ko. Maganda 'rin naman ang resulta. Sinabihan ko si Luis at Bea na huwag paglalaruan ang mga pintura. Lalo na kung ipapahid nila sa pader. Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Ang pagiging 'painter' kuno. At baby sitter ng dalawang bata. Minsan ay maraming bata na nakikisali sa pagpinta ko kaya't nahihirapan ako suwayin sila. Buti nadadaan sa paki-usapan. Sinabihan ko na lang na may sarili kaming art class. Tuwing gabi naman ay tinatawagan ko si Rein para i-kwento ang mga bagay na nakikita o nalalaman ko. Ikinukwento ko 'rin ang nangyayari sakin araw-araw. At siya? Tinutulugan ako! Kung hindi maikli ang sinasabi, madalas kinokorek niya lang ang mga 'trivia' na sinasabi ko. One week na kaming ganon ang set-up. Pero parang hindi pa 'rin siya sanay na tinatawagan ko siya! Tulog ng tulog! Ilang araw na lang at School festival na kaya't babalik ako kay Rein this week. Dahil doon ay hindi ko na siya tinawagan. Magkikita 'rin naman kami. Konting tiis na lang. Mahirap na, baka magsawa siya sa boses ko. Kailangan magpa-miss! Nagising ako dahil sa isang tawag. "Hello--" "Storm!" "Tita?!" parang may nangyaring masama sakanya. "Ano pong balita?" "Hindi ba, STEM ang kinuha ni Rein?! At may entrance exam iyon?!" "Opo." "Akala namin ay okay na sakanya mag-aral pero mukhang hindi!" "Po?!" Parang gusto ko ng bumyahe papunta sakanila! Hindi ko nagugustuhan ang tunog ng balita! "Ngayon ang entrance exam ng STEM pero hindi siya umattend! Akala ko ay pumasok siya kaninang umaga. ..p-pero--" "Ano po?!" "Tanghaling tapat, natutulog pa rin siya!" "A-Ano po?!" Anong nangyari?! Mabilis akong nagpaalam at tinawagan si Rein pero hindi ito active sa messenger. Wala din akong load. Rein, anong nangyari? :' ( Entrance exam daw ngayon 'ah? I sent the message. Rein! Gising na! O.O Tanghali na! Halos napuyat ako kagabi at inaliw ang sarili sa ibang bagay para hindi siya tawagan! Hindi ko naman siya binulabog? Bakit napuyat siya?! Tumunog ang phone ko. Kanina pa ako gising Bakit sabi ni Tita, hindi ka umattend?! di nga "Argh! Rein!" tinawagan ko siya pero hindi niya inaccept ang tawag. Nag-message ulit ako sakanya pero offline na ito! Tinawagan ko si Tita at mukhang down siya. At galit na galit daw si Tito Spring dahil ang sagot ni Rein sa lahat ay: "Hindi niyo ako ginising ng maaga." Imposible! Hindi naman nagpupuyat si Rein ng sobra! Pero sabi ni Tita ay mukhang nagpuyat ito! At ano namang kinapuyatan niya?! Nag-aral siya? Mas lalong imposible! Baka. .. Baka may kapuyatan siya! Hindi ako nanggulo kagabi sa tawag kaya siguro. ..siguro may kausap siyang iba na babae. Napasimangot ako. Naramdaman ko ang sakit 'don. Wala namang ibang dahilan para mag mukhang puyat siya. Lagi siyang natutulog pag kausap ako. Pero tinitigil ko ang tawag tuwing 12AM. Tapos ngayon, puyat? Hindi pa siya nakapasok para mag entrance exam?! Hindi kaya sinasadya niya iyon? Napailing ako sa inisip. Kahit naman siguro ayaw niya mag-aral, hindi niya paasahin ang magulang sa wala. Nakakainis ka! > : ' (( Sinend ko ang message sabay block sakanya. Puyat-puyat! Eh sakin nga, hindi mo magawa iyon! Ako 'tong nag-eeffort pero. .. Napaiyak na lang ako sa inis. Nasa bahay na ako ng mga Gabriel. Bitbit ang ilang damit para umattend sa School festival ng ilang araw. Sinalubong ako ni Tita at Tito. Si Selena ay inirapan lang ako. Hinanap ng mata ko si Rein pero pinigilan ko ito. Galit ka sakanya! Huwag na huwag mo siyang hahanapin! Nagkulong lang ako sa kwarto at dinner time na ng lumabas ako. Pagkalabas ng kwarto ay sumalubong 'din sa'kin si Rein. Nilagpasan ko siya. Puyat pa more. Naglabas din ng sama ng loob sakin si Tita Rheina kanina. Hindi niya 'daw maintindihan si Rein. Mukhang may pina-plano na wala. Inalo-alo ko na lang ito. Malamang, si Tito Spring ay galit na galit. Ngayon ngang nasa hapagkainan ako, sobrang tahimik ng pamilya. Nakakasakal ang atmosphere! Tinignan ko si Rein. Nag-angat ito ng tingin sa'kin. Kasalanan mo ang lahat! Magsama kayo ng pumuyat sayo! "Storm." Papasok na sana ako ng kwarto namin ni Selena ng tawagin ako ng kumag. "May problema ba?" Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Tumaas din ang kilay nito bago hawakan ang wrist ko para hilahin patungong veranda. "Ano ba!" Binitawan lang ako nito ng nasa veranda na kami. "Anong problema mo?" tanong niya. "Wala! Ikaw ang gusto kong tanungin." Tinignan ko siya ng masama. "Anong problema mo?!" "Wala." "Eh ba't hindi ka umattend ng entrance exam?!" "Late ng gising." "Bakit?!" "Puyat." "Bakit ka napuyat?!" Inis na tanong ko sakanya. Hinintay ko siya sumagot pero wala! "Hindi kita tinawagan noong gabi na 'yon! Bakit ka mapupuyat?! Tsaka kung tatawagan kita, hindi ka naman mapupuyat! Lagi mo akong tinutulugan!" "So?" Napanganga ako. "So mo mukha mo! Puyat dahil saan?! Magsama kayo ng pumuyat sayo! Ako 'tong nag-eeffort palagi. ..pero wala. .. Gaano ba kahalaga iyong kinapuyat mo, kahit alam mo na magte-take ka ng test noon?" "Sobrang mahalaga." Aray. Ang sakit. Kinagat ko ang aking labi. Huwag na huwag kang iiyak sa harap niya! Pero ang sakit pala talaga pag sakanya talaga galing. Mismo. "Anyway. Are you done?" napaangat ako ng tingin sakanya. Done? Saan? Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko? Laro? "Tahimik ka na. Ako naman." Sana mag-explain siya sakin. Sana bawiin niya iyong mga sinabi niya. "STEM is too boring for me. Pero iyon ang gusto ng lahat. Pero dahil napuyat, hindi na." Naupo ito sa upuan na nasa gilid ko. Inangat ko ang aking tingin. Pakiramdam ko maluluha na ako dahil sa inis. "At ang sama ng tingin mo. Blinock mo pa ako sa messenger. Ganon ka ba kainis na hindi ako nakapag-take ng STEM?" "Hindi!" Inis na sabi ko. "Gusto kita makita sa school! Palagi! Bakit--" Napatigil ako. Argh! Inis ka sakanya, Stella! Bakit mo sinabi 'yon?! Narinig kong tumawa ito. Napakagat ako ng labi. He giggled. Peste, pero natutuwa ako dahil napatawa ko siya kahit konti! Pilit kong hindi siya nilingon. Baka kasi mabura ang inis ko sakanya at makalimutan ang lahat. Ang unfair 'non! "Inaantok na ako." Tumayo siya. Nagtungo ito sa harap ko at may inabot na papel. Kinuha ko lang ito para umalis siya sa harap ko. Hindi ko siya tinignan. Bahala siya! Alis! Alis sa harap ko! Inis ako sa'yo! "Night then," malamig na sinabi nito pero kilig na kilig pa rin ako! Nang umalis na ito sa harap ko ay tuluyan akong nakahinga ng maluwag. Iba pa rin talaga sa pakiramdam pag malapit siya sakin! Tinignan ko ang kung anong meron sa papel. Nakita ko ang sulat kamay ni Rein doon. Lazir University Name: Ytrium Rein Gabriel Track Choice: Academic Strand Choice: General Academic √ Enrolled Napanganga ako sa nabasa. Lazir University. School namin 'to.. .At enrolled siya sa. .. General Academic Strand?! GAS?! Tama ba 'tong nabasa ko?! GAS din ang strand ko?! My heart jumped in delight. Naluha pa ako dahil sa saya! "Akin na pala 'yan." Bigla itong hinugot ni Rein. "Hindi pa napipirmahan nila Mom at Dad." Napanganga ako. So, mag-aaral talaga siya! "P-Pero. .." Tinaasan ako ng kilay nito. "Parehas tayo ng strand," I pointed out. Tumaas naman ang kilay nito. "So?" at tuluyan akong tinalikuran nito para bumaba kela Tita. Kagaya ng sabi nito, mukhang ipapapirma niya ang enrollment slip. Halos maglululundag ako sa tuwa dahil sa nalaman. Iyong inis ko sakanya kanina, biglang nawala ng parang bula. Okay lang 'yon! Ang mahalaga, magka-strand kami! Baka posibleng magka-section pa. Hah! Hindi imposible iyon! Hindi by average ang sectioning sa Senior High! Ang sarap umiyak sa tuwa! Hay, Rein. Ano ba talagang gusto mo? Ang hirap mong kalimutan kapag ganito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD