"Rein! Storm!" Tawag ni Tita Rheina. Mabilis naman akong pumunta sakanya at nakita 'kong hawak nito ang isang camera. "Seniors na kayo. Last niyo ng araw 'to bilang mga Junior students! Magba-bye na kayo sa unifom niyo!" Aniya.
Natawa naman ako 'don.
"Anak!" Napalingon ako kay Mama. "Aba. Magmo-moving up ka na talaga!" Excited na sabi nito. Ilang beses naman ako tumango.
"Pare. Ayos ba?" Nakita ko naman si Papa na rumarampa sa harap ni Tito Spring. Nag-thumbs up lang si Tito sa damit ni Papa bago tumawa.
"Sakin? Ayos ba?" wika ni Tito. Natawa tuloy kami. Nilingon ko si Rein at nakita 'kong nakangisi siya.
"Daddy. Nakakahiya," Suway ni Selena.
Mas lalo kaming natawa. Nakakagulat din talaga ang bibig ng batang 'to!
"Oh siya. Tara na at baka ma-late ang mga bata." wika ni Tito.
Pumunta sila Mama sa bahay ng mga Gabriel para umattend ng Moving up ceremony ko.
Since close ang aking pamilya sa Gabriel, ay napagpasyahan nila na dito na lang mag-celebrate mamaya sa bahay nila Rein. Nakakahiya 'man ay sila Tita at Tito mismo ang nag-pumilit.
Mabilis ang pangyayari. Nagsimula ang ceremony at maraming tao ang inaantok, naiiyak, kinakabahan at iba pang emosyon. Pero ako? Nangingibabaw ang saya sa'kin.
"Stella Ormanda." Inabot sa'kin ang certificate. Pumunta ako sa gitna ng stage at hinanap ng mata si Rein.
At nakita ko siya sa harap. Nakatingin sa'kin. Nginitian ko siya sabay nag-bow at umalis.
Siya ang dahilan kung bakit naging makabuluhan ang apat na taon ko sa paaralan. Noong panahon na akala ko boring talaga ang school. Grade seven ako 'non at magtatapos na ang school year.
Wala na sana akong balak mag-aral at pabagsak na. Pero noong tamaan niya ako ng bola, na-realize ko na siya. Siya ang magandang dahilan.
Tatlong taon na ang nakalipas at hanggang ngayon? Parang bago pa rin ang lahat. Iyong nararamdaman ko, parang hindi nagbabago. Hindi nawawala. Parang lumalala nga!
At akala ko sa tatlong taon na 'yon, hindi niya ako mapapansin kahit todo papansin ako sakanya. Pero kita mo nga naman!
Nakakausap, nahahawakan, natititigan at marami pang iba ang nagagawa ko sakanya!
"Now, with a general average of ninety-seven percent; let's all applaud Ytrium Rein Gabriel for maintaining his academic excellence, highest general average and hold the title of highest honors among this batch!"
Napatayo ako at pumalakpak. I love you, Rein! Ang galing mo! Naluha ako dahil sa saya. Look at him—he is shining on the stage!
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o nagkatinginan talaga kami. Oh my gosh!
"Congrats sa'tin guys!" Bati ko sa mga kaibigan ko. Napapalakpak naman kami at niyakap ang isa't-isa.
"Baka pwedeng sumali sa group hug?" Tanong ni Vane. Tumango naman sila Weng at Tina. Si Tres naman ay umakbay na sa dalawa.
"Senior na tayo. Naks. Parang professional ang tunugan." wika ni Tres. Napangiti naman ako.
Ang bilis talaga ng panahon—ang daming kakaibang nangyari sa'kin na hindi ko inaasahan... At isa na doon is makasama si Rein sa iisang bahay.
Inakbayan ako ni Vane. "Tara, kain!"
"Tara!"
"Stella." Tinawag ako ni Rein.
Nanlaki naman ang mata ko at nilingon siya.
"Tawag ka nila Mommy."
"Pero may pupuntahan—"
"Tawag ka nila Mom."
"Aba't hoy Gabriel--" Pinigilan ko si Vane.
"Sandali lang naman 'ata. Wait lang." Ngiti ko sakanya. Tumango naman ito bago tignan ng masama si Rein.
"Tsk." inis na ata si Rein kakahintay.
Ngumuso ako. "Masyadong mainit ang ulo mo... Ito na nga e, masyado kang hot!".
Tinignan lang ako nito ng masama.
Agad naman akong sumunod sakanya ng talikuran ako nito.
"Storm! May pupuntahan ka pala?" Tumango naman ako at ngumiti. "Okay lang. Magluluto pa naman kami. Be right back after dinner huh? Si Rein ay aalis din." wika ni Tita Rheina.
Napalingon ako kay Rein. "Saan po siya pupunta?"
"None of your business."
Sinuway siya ni Tita sa sagot niyang iyon. Humingi din siya ng sorry kay Mama at Papa. Pero mukhang sanay na ang magulang ko at tinawanan lang ito.
"Parang dati ganyan din sila. Baliktad nga lang," Komento ni Papa.
Napanguso ako. "Dati?"
"Mom. Aalis na ako." Nakita ko sa paligid namin ang mga babaeng gusto magpa-picture sakanya.
Oo nga. Para gusto ko rin siyang ilayo dito. Maraming babae!
"Teka lang." wika ni Tita. "Picture muna!" Tinawag ni Tita ang kaibigan ko--si Vane.
Ngumiti naman ako sa camera at ilang pictures din iyon. Naiirita na nga si Selena. Ganon din si Rein.
May kami-kami lang ni Papa at Mama. Silang mga Gabriel. Kaming lahat. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na makakasama.
"Oh! Kayo namang dalawa!" turo saming dalawa ni Tita.
Ako at si Rein. Sa isang picture after graduation?
Medyo napanganga ako 'don.
Pero gusto ko rin!
Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga babaeng nakapaligid samin.
"Lapit pa." komento ni Papa. Si Vane naman ay masamang nakatingin sa'min.
"Ayusin mo ang pagkuha." Utos ni Rein kay Vane. Parang uusok sa inis ang mukha ng kaibigan ko.
"Lapit pa!" Si Mama naman. "Parang hindi kayo close!"
Ma, hindi naman talaga.
Ngumiti ako sa camera pero nagulat ako ng hilahin ni Rein ang beywang ko kaya napasubsob ako sakanya.
Mabilis naman akong nag-angat ng ulo at nakakangangang tinignan siya. Nakita kong nakangiti ito at parang natutuwa sa nangyari.
Ano 'bang iniisip niya?! Maraming babae! At lalong-lalo na si Mama at Papa! Baka mamaya kung anong isipin nila!
Pero gusto ko ang pwesto namin!
Mabuti na lang at natawa sila sa itsura ko. Para 'daw akong nagulat na kinakabahan. Syempre! Hawakan ka ba naman ni crush sa beywang! Sa harap pa ng magulang mo!
"Gusto ka ba ng Rein na 'yon?!" Nandito kami ngayon sa isang kainan at mukhang inis na inis si Vane sa nangyari.
"Vane. Gusto ko siya," napairap ako kay Vane. Sana nga gusto rin ako ni Rein 'no! Hmpf.
"Alam ko. Suportado naman kita kasi diyan ka masaya. Pero hindi ka ba naguguluhan?"
Umiling ako. Clearly, kung nakita nila ng malapitan ang ngiting 'yon, halatang natatawa lang siya dahil sa reaksyon ko.
Ang lakas kaya ng t***k ng puso ko 'non! At naramdaman kong nag-init yung pisngi ko!
Halatang tuwang-tuwa siya sa mukha ko. Hmpf.
Pero nakakakilig isipin na ganon ang pwesto namin. Kinikilig ako. That moment will be forever in my heart!
"Hay. Si Storm pa? Basta malakas ang t***k ng puso niya pag nandyan si Rein. Iyon ang mahalaga, guys." Wika ni Tina.
Natawa naman kami ni Weng sa sinabi niya. Tama!
"Aambahan ko talaga yan si Rein pag sinaktan ka. Makita lang niya." wika ni Vane.
I laugh on his remark. Grabe naman!
"Huwag mo namang saktan! Masasaktan din ako!" I told him.
"Yuck ang tamis!" Tawa nila Tina sa'kin.
"Bakit kasi hindi na lang ako?" Nguso ni Vane.
"Mag-aral ka muna kaya?" sumbat ni Tres kaya lahat kami ay natawa na lang.
"Storm! Nakauwi ka na!" Salubong ni Tita Rheina. Mabilis kong binati sila Mama at Papa. Ganon din ang mga Gabriel.
"Tamang-tama anak. Tapos na kami magluto." Wika ni Papa. Tumango na lang ako bago magpaalam para umakyat sa kwarto.
Naglinis ako saglit ng katawan at nag-ayos bago bumaba. Syemepre. Kailangan presentable sa harap ni baby Rein.
"Stupid!" Napalingon ako kay Selena. "Bakit ang tagal mo?"
"Sandali lang 'to!"
Pumunta siya sakanyang kama at nagcross-arms. "Ang ingay sa baba. Kailan ba kayo uuwi?" Aniya.
Natawa na lang ako bago tumayo. Manang-mana sa Kuya niya. Masyadong mainit ang ulo!
"Oo na. Tara na." aya ko sakanya para bumaba na. Inirapan lang ako nito bago sumunod.
Nang makababa sa hapagkainan ay naging abala si Tita kay Selena. Samantalang si Papa ay kausap si Tito. Kaming dalawa naman ni Mama ay may sarili 'ding mundo.
Tinitignan ko si Rein. Tahimik talaga siyang kumakain. Napaiwas ako ng tingin ng iangat nito sakin ang mata niya.
Hindi nagtagal ay mga matatanda na ang nag-uusap kaya inaantok na 'rin ako. Tinignan ko si Selena na bored ang mukha. Samantalang si Rein ay naka-cross arms.
Tuwing may celebration, napansin 'kong kailangan ang nakakatanda ang nagdi-dismiss sa hapag. Hindi kami pwedeng umalis. Ganon ang gawain ng Gabriel.
"Rein. Anong ang kukunin mo?" Tanong ni Mama. Medyo nagising ang dugo ko sa tanong niya.
Hindi niya 'ata alam na walang balak mag Senior High ang isang 'to.
"Maybe STEM po."
Ha?
STEM?!
May required na grade 'yon at may entrance exam pa! Paano ko siya makakasama 'don?! Napanguso ako.
Napatingin ako kay Rein.
May balak na siya mag-Senior High?! Nakita 'kong nagulat din sila Tita at Tito pero may ngiti sa labi nila.
Napangiti din ako. Sa wakas! Tinupad ng langit ang hiling 'ko!
"Ito kasing si Storm, hindi alam ang kukunin hanggang ngayon." Kwento ni Papa. Medyo napangiwi naman ako dahil 'don.
"Kuya." tawag ni Selena kay Rein. Dahil nga nag-uusap ang matatanda at wala akong magawa, tinitignan ko sila.
Ngumisi sakin si Selena.
Ano 'yon?
"What?"
"May sulat si Ate Storm para sayo."
Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko si Rein at nakita kong nagulat din siya. Nagtataka. Nagtataka siya kung bakit na kay Selena ang letter!
At seryoso?! Ate Storm?! Pweh!
"Letter para kay Rein?" Kumunot ang noo ni Papa.
Patay.
Ang bata na 'to, kahit kailan pinapahiya ako! Bwisit!
Kahit naman ganito ako, sa tingin ng mga magulang ko, wala akong kaalam-alam sa ganyang bagay! Conservative ang tatay at nanay ko! Kaya lagot talaga ako!
"Selena!" Suway ni Tita.
"Ilang araw ko na po kasing nakikita 'to sa kwarto na pakalat-kalat." Napanguso si Selena. "Siguro po nahihiya si Ate kasi love letter ito para kay Kuya. ..Kaya ako na lang ang magbibigay!" Ngiti niya pa sakin.
Y-You little!
"Love letter?!" Napatingin sa'kin si Mama.
Nagkatinginan sila Tita Rheina at Mama. Sunod noon ay nagbulungan sila.
Si Rein naman ay napaubo ng ilang beses at namula na.
Hinugot ni Rein ang letter. "Selena. Hindi ka dapat nangingialam ng gamit ng iba."
At binuksan niya ito.
Binasa.
"Storm, totoo ba 'yon?"
Napakagat ako ng labi bago tumango.
"Totoo po iyong letter pero hindi makatotohahan iyong nilalaman."
Napanganga ako sa sinabi ni Rein. Anong hindi makatotohanan?
Iyong nararamdaman ko?
Nagbibiro ba siya?
"Bata pa po si Storm," Grabe gaano ka ba katanda para magsalita ng ganyan?! "At halata naman na hindi sincere iyong mga nakasulat. Actually ilang beses na niya ako pinadalhan ng ganito."
Napakagat ako ng labi. Kailabgan ba talagang sabihin iyon...
"Huwag po kayong mag-aalala. Hindi ko po magugustuhan ang anak niyo at papatulan siya sa ginagawa niya."
Gusto kong umiyak. Ano bang ginagawa ko?
Bakit ang sakit ng sinasabi niya? Ang sakit-sakit.
"Are you saying my daughter. .." Nakita ko ang pagkakunot ng noo ni Mama. "Hindi siya perpekto, pero hindi ba siya kagusto-gusto at sabihin mo 'yan?" kalmadong tanong ni Mama.
Hinawakan ko ang kamay ni Ma.
"Hindi ko rin po masasabi. Baka kainin ko rin ang sinasabi ko ngayon. But you can trust me na hindi ko siya—"
"Enough." Wika ni Papa. "Ano 'bang masama kung gusto ni Storm si Rein? Mababaw lang naman iyan. Why making it big?" tawa ni Papa.
Pakiramdam ko, pinagtatawanan ako.
Mababaw? Hindi mababaw iyon!
Tumango naman si Rein. "Hindi po siya seryoso." Ngisi niya.
"Hindi ko alam na gusto mo pala ang anak ko, Storm." wika ni Tito Spring.
Ngumiti na lang ako.
"But my daughter is lovely, right? Hindi malabong magustuhan!" Wika ni Papa. "Kaya Rein. .." banta niya dito.
Tumayo ako. "Inaantok na po ako."
"Ay isa pa pala, Storm." Wika ni Mama. "Mags-summer na. Doon ka na sa bahay. Uuwi ka na."
Napatigil ako. Oo nga pala. Hindi ito ang bahay ko. Ngumisi ako bago tumango.
Tapos na ang celebration. Natutulog na ang lahat. Nakauwi na sila Mama at Papa. Tinignan ko ang orasan.
11 o'clock na ng gabi.
Bumangon ako. Kailangan ko ilabas 'to. Hindi pwedeng tatahimik lang ako. Lumabas ako ng kwarto namin ni Selena.
Ang sakit-sakit.
Nagtungo ako sa veranda at doon may tinawagan.
"Weng. .." Nagsimula bumuhos ang luha ko. Nag-aalala ito sa kabilang linya pero wala akong sinasagot kundi hikbi.
"Stella. .Anong nangyari?" Nag-aalala na ito. "Saan ka? Puntahan ka namin."
"Tingin niya ba, hindi ako seryoso?" napahikbi ako. "Mukha akong m-malaking joke sa buhay niya, pero g-ginagawa ko iyon kasi gustong-gusto ko talaga siya."
"Anong nangyayari, Storm?"
"Alam. ..ko hindi ako kagusto-gusto. He hates me. Pero ang sakit sa pakiramdam na. .. hindi niya ako gugustuhin." muli akong napaluha. "Ang sakit niya magsalita. Bakit ko ba siya nagustuhan?" muli ay umiyak ako.
"Ayoko na, Weng. Pakiramdam ko, pinaglaruan ako sa hapag kanina. P-Parang hindi ako kamahal-mahal ba. .." natawa ako sa'king sinabi. "Bakit kasi hindi ko kayang gustuhin si Vane? Si Vane na lang sana. Sigurado, masaya ako sakanya."
Pero hindi ko alam kung anong klaseng pana ang pinatama sa'kin ni kupido?
"Alam mo naman 'yan umpisa pa lang, Storm. Alam mong masasaktan ka lang diba? Ano bang nangyari? Nasaan ka?"
Alam ko naman. Hindi nga ako nangarap ng sobra e. Akala ko masaya makasama ang crush sa iisang bahay—mukhang hindi pala.
At kahit gaano kagarapal ang ugali niya... Gustong-gusto ko pa rin siya. Sobra.
"Kung si Rein ang gugustuhin ko, baka umiyak lang ako ng umiyak. Ayoko na sakanya. Titigilan ko na siya. Tutal naman ay aalis na ako sa bahay nila. .."
"Talaga lang huh?"
"Oo--"
Naibagsak ko ang aking phone sa gulat. Tinignan ko siya ng masama bago damputin ang telepono.
"Weng, sandali." At ibinaba ko ang tawag. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago nag-angat ng tingin.
"Titigilan?" ngumisi lang siya.
"Oo. Bakit?" Akmang lalagpasan ko ito ng hilahin niya ang braso ko. "Ano ba?! Wag mo akong hawakan!" Tinabig ko siya.
"So you're planning to forget me?" Kunot-noong tanong nito.
"Oo! Tingin mo ba naglalaro lang ako? Tanga ako pero alam ko na totoo iyong nararamdaman ko para sayo!"
Nakita kong ngumisi siya. Napakagat ako ng labi. Mali 'ata iyong nasabi ko.
"Pero hindi mo 'yon nakikita. Sayang lang. Binubuhos ko lahat pero natatapon lang. Kaya kakalimutan kita!" Tinignan ko siya. "Na-realize ko na walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko para sayo, kaya bye! Kakalimutan na kita!"
Hah. Akala niya ah.
Tinignan ko pa siya muli. Mukha siyang pikon na pikon. Wala siyang ma-isagot.
Kasi wala naman siyang pakialam.
Wala siyang nararamdaman.
Nakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong mapa-upo.
. ..sa kandungan niya?!
Tinignan ko ang kamay niya na nasa beywang ko. Nag-angat ako ng tingin.
Napaawang ang bibig ko at nagkatinginan kaming dalawa. My face heat up.
Naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Hinila kita para paupuin sa tabi ko. Hindi diyan. Isang hila ko lang, bumalik ka agad. Sobra pa." ngumiti siya sakin.
Pakiramdam ko, double meaning 'yon! Nakaka-bwisit! Mabilis akong tumayo pero hinawakan niya ang wrist ko.
Anong ginagawa niya? He is so rude to me earlier! Ngayon ay parang nilalaglag na naman niya ako sakanya.
I can't let my heart flutter again. Magmo-move on na ako! At kaya ko!
"Ano 'ba!" Hinila ko ito para makalayo sakanya. Pero hinila niya din ako pabalik sa harapan niya.
Mabuti na lang at nabalanse ko ang sarili ko! Kundi, subsob na naman sakanya!
"You can't just forget me." hinila nito ang wrist ko pababa kaya bahagyang napayuko ako.
At noong nagpantay ang ulo namin ay mabilis na hinila nito ang batok ko gamit ng isa niyang kamay at. ..hinalikan ako.