Napaatras ako ng nasiguradong si Rein nga ang kaharap ko. Nanginginig ang kamay 'ko na may hawak na baseball bat. Anong ginagawa niya dito? Kailan siya nakauwi? Anong itsura ko ngayon? "Please put down that baseball bat," malamig na sinabi nito at hinila ang kanyang damit sa maleta. Parang wala lang sakanya. I want to ask him so much questions. Pero umurong ang dila ko dahil sa tindig nito. He is still that tall and white. Pero sa suot niyang fit na polo, kita ko ang matipuno nitong katawan. Lumapad ang balikat nito at nagkaroon siya ng tamang muscles... "Stella?" Nagulat ako sa pagtawag nito at namula. "A-Ano 'yon?" "Put that down," ulit niya at masungit nitong tinignan ang baseball bat. Bigla ko iyong binatawan. Nakakahiya! Napansin niya kayang naglalaway na ako sakanya!? "S-So

