"Ma'am!" Mahabang tawag sa'kin ni Rowie. Tinignan 'ko siya at nakitang may dala na namang bulaklak. Naisip ko na galing iyon kay Quin pero sinabi ni Rowie na walang card. Tumaas ang kilay 'ko doon. Bago 'yon ha? Laging may card 'yon dahil he's proud in everything what he does. Mapilit talaga ang lalaking 'yon. Sabi sakanyang wag magpapadala ng kahit ano dito at ipapaabot 'eh! Tinignan ko ang paligid na mukhang binibigyan na kami ng malisya. Napailing na lang ako at tinignan si Rowie ng masama. "Ma'am mukhang bad vibes na naman oh!'' aniya bago i-abot sakin ang hawak niya. "Baliw ka ba? Ba't sa'kin mo ibibigay 'yan?" "Kanino ba dapat Ma'am? Tuwing may dumadating na bulaklak dito, automatic kay Sir Quin 'yon! Bata ako no'n!" "Ibigay mo ulit kay Manong guard!" Natatawang tulak 'ko pa

