Napilitan ngang huminto sa kanyang pag aaral si Bella.Minabuti nyang maghanap ng trabaho pansamantala.Pinangako nya sa kanyang sarili na magtatapos siya.Sa ngayon ay kailangan nyang tumulong sa kanyang ama para unti-unting mabayaran ang perang halaga ng isinangla nilang bahay at lupa.Hindi siya papayag na mawala ito sa kanila basta-basta.Ito na nga lang ang natitirang naipundar ng kanyang ama't ina.
Ngunit sadyang kay lupit ng may ari ng kumpanya,ginigipit sila,lagpas na kase sa taning ang sangla nila.
"Napakawalang puso naman ng taong iyon."Nausal niya habang kausap ng mga magulang ang naniningil sa kanila.
"Gagawa ako ng paraan,hindi maaaring mawala na lang samin basta ang naipundar nila mama."
Isang matamis na halik ang isinalubong ni Natasha kay Nicolai, animo'y pandikit ito kung makadikit sa binata.Matagal din kase bago sila nagkita,kakauwi lang nito galing London.Tulad niya'y doon din ito pinag-aral ng mga magulang nito.Si Natasha ay childhood friends niya.Mayaman din kase ang pamilya nito at kilala ng kanyang mga magulang ang magulang nito kung kaya't maging ang kanyang mga magulang ay boto sa babae.Huwag na lang itqnong sa kanya kung mahal niya ito.Gusto naman niya si Natasha,malambing ito at palaging inaalagaan siya.Dama niyang mahal siya nito.Pero hindi pa din niya masagot kung ano ba talaga ang real score between them.Sopistikada ito at mahilig din sa jamming.
"Uhmm i really miss you babe."Anito bago ipinagpatuloy ang maalab na halik.
Tinugon naman ito ni Nicolai ng maalab na halik, animo'y uhaw na uhaw ang dalawa.Well matagal nga sila hindi nagkasama kaya naman miss na miss nila ang isa't isa.Ang kamay ng binata ay nagsimulang mandama ngunit naputol iyon nang isang katok ang pumukaw sa nag aalab nilang kasabikan.
Muntik na silang makalimot,nasa opisina nga pala sila.
"Come in."Aniya,pagkuway iniluwa ng pinto ang isang may edad nang lalaki.Si Natasha naman ay umalis na mula sa pagkakakandong kay Nicolai at inayos ang damit na nagusot.Halatang yamot ito ng mga oras na iyon.
Nahihiyang pumasok ang matanda sa nadatnang eksena.Pero kinumpas niya ang kanyang kamay senyales na puwede itong pumasok.
"Kumusta ang pinapaayos ko sa inyo mang Kanor?"
"Sir,ayaw po nila umalis,nagmamatigas sila..humihingi sila ng palugit."
"Anong akala nila sa kumpanya ko,5'6?Kung ayaw nilang umalis sa magandang usapan...."Anang binata bago nag isip.Sumilay ang matalim na ngiti nito sa labi.Mukhang may naiisip na siya lang ang nakakaalam.
"Magdala ka ng mga tauhan para idemolish ang kanilang bahay,pagtatayuan natin iyon ng commercial buildings,maganda ang pwestong iyon kaya pumayag kaming magbigay ng pera.Kasalanan nila kung bakit sila mawawalan ng tirahan.Tsk tsk mga mahirap nga naman."Anang binata.
Agad na umalis ang inutusan.Walang namutawing salita ni gaputok man.
"Babe bakit para yatang masyadong mainit ang ulo mo ngayon?Calm down."Ani Natasha sabay lapit sa likod ng kasintahan at hinilot ang noo nito.
"Ang mga mahihirap na yun,matapos makakuha ng pera dahil sa kanilang kamangmangan eh nagmamatigas pa ngayon."Inis na sabi ni Nicolai.Kundangan kase ibinenta ng isang lalaki o mas tamang sabihing ipinambayad sa sugal para lamang makapaglaro.Sa kamalasan nga ay natalo ito.Iyon naman ang magandang pagkakataon nila oara kunin iyon dahil maganda ang pinagtatayuan ng bahay ng mga ito.Pwede pang patayuan ng iba pang bussiness kase malapit ito sa matataong lugar.Kung siguro sa iba-iba kahit ibenta pa ang lahat ay di nila kukunin iyon.
''Huwag mo nang problemahin iyon.Hayaan mo na ang mga tauhan mo dun."Ani Natasha bago gumilid at umupo sa tabi nya.
"Yeah there's more than that."Ani Nicolai habang hinihilot ang sintido.
"And?"Nagtatakang tanong ni Natasha.
"My dad and grandpa kase gusto nilang magpakasal ako at magkaanak agad ng lalaki."
Nanlaki ang mga mata ni Natasha.
"Really?But Nic..i'm not ready yet,marami pa kong pangarap alam mo iyan."
"Ash i know,kaya nga namomroblema ako---"
"----Nic lalo naman akong di papayag na sa iba ka magpakasal."Putol ni Natasha sa sasabihin ni Nicolai.Ang tagal niyang naging acting good girlfriend kay Nicolai tapos kung kani-kanino lamang ito mapupunta.Never,hinding-hindi siya papayag na mangyari iyon.
Maya-maya'y nagliwanag ang mukha ni Natasha.
"How about maghanap ka ng babaeng magdadala ng anak mo,i'm sure di makakatanggi ang dad mo pag nakita nya ito,or a girl na sa papel lang kayo ikakasal then kapag nagkaanak na kayo,pwede mo nang idivorce."
"What?! Are you serious?!"Galit na sabi ni Nicolai.Ano ba ang iniisip ng babaeng ito.Naiinis na ikinunot niya ang kanyang noo at hinilot-hilot iyon.Parang lalong sumakit iyon.
"Nic i know,but we are in an open relationship,tsaka alam ko naman na ako ang nasa puso mo right?And ididivorce mo naman pag nagkaanak na kayo,then we will get marry."
Nasasaktan sya sa isiping hindi ang girlfriend ang makakasama nya sa pagbuo ng anak.Wait,nasasaktan?Siguro nasaling ang ego niya,pero di maikakailang may parte na din sa puso niya si Natasha.Hinahanap-hanap niya ito kapag wala ito sa kanyang tabi.Is it love na ba?Naging kumplikado lahat,lalong nadagdagan pa ang kanyang iniisip.Mas mabuti yatang tumanda na lang siyang binata.Bahagya siyang napatawa sa naisip.
"Nic okay lang..matatanggap ko,at the end tayo pa rin naman diba?And hindi ibig sabihin na porket kasal kasalan ka na,wala na din ako sa buhay mo."
Ayaw pa kasi ni Natasha ikasal at mabuntis,masisira daw ang pigura nito dahil isa itong modelo,ito raw ang puhunan nito.
Napahilamos na lang sya sa mukha,tutol sa sinabi ng kasintahan.
"Hindi kami aalis dito!"Matigas na sabi ng kanyang ama at ina.Habang pinipigilan ang pagdemolish sa kanilang bahay.Umiiyak na nakahawak si aling Celia sa asawa.Wala na silang mapupuntahan,ang mga kamag anak nila'y nasa malayo pang probinsya.
"Sir hindi na ho namin kasalanan iyon."Naiinis nang sabi ng mga nagdedemolish.
Maya-mayay napahawak sa dibdib si aling Celia at nawalan ng malay.Agad nilang dinaluhan ang ina.Napakalupit naman ng may-ari na iyon.Napakuyom ang kanyang kamay,huwag lamang magpakita sa kanya eh baka may kalagyan.Ayaw na ayaw pa naman nyang makita na nasasaktan ang mga magulang niya ng dahil lamang sa ibang tao na hindi naman nila kaano-ano.
Nakita ni Bellang may kausap sa cellphone ang mga magdedemolish sa kanilang bahay.
Narinig niyang pupunta daw ang boss nito doon at ito mismo ang kakausap sa kanila.Napaismid siya.Subukan lang niya talaga at malalaman nito.
Maya-maya pa'y isang magarang sasakyan ang pumarada sa tapat ng kanilang bahay.Bumaba doon ang isang pamilyar na mukha!Si Nicolai!