Pagpasok sa cr ay napasandal si Bella sa hamba ng pinto.Alam niyang ang mayamang binata ang nabangga niya,ni hindi nya ito nagawang tingnan sa tindi ng hiya.Naamoy niya ang very masculine scent nito,at nang mapasandal siya sa dibdib nito ay may ibayong kiliti siyang naramdaman.Pero alam niyang hanggang paghanga lang lahat ng iyon.At imposibleng mapansin sya ng isang binatang kagaya ni Nicolai Montenegro.
Napag alaman niyang magiging founder na ng kanilang eskwelahan ang mga Montenegro,syempre tataas na din ang tuition fee dito,gagawin ng private school iyon.Ipinagbili na kasi ng may ari sa mga Montenegro ng nasabing eskwelahan.
Pasalampak siyang napahiga sa kanyang kama ng makauwi.Hindi nya nadatnan ang kanyang ina,marahil ay namalengke lang ito.Naalala lang may sasabihin nga pala sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid.
Pag baba niya ng hagdan ay saktong nakita niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa sala habang may sinusulat.
"Clarisse,pwede ba tayo mag-usap?"
Mula sa pagkakayuko ay umangat ang ulo nito.
"O ikaw pala ate..bakit po?"
"Diba may sasabihin ka sakin?"Aniya habang tiningnan ang ginagawa nito at hinaplos-haplos ang ulo.
Tumango naman ito.Kaagad siyang umupo sa tabi nito at isinandal ang ulo niya sa balikat nito.
"Ate,narinig ko kasi sina mama at papa na nag uusap,ay nagtatalo pala."
Biglang kumunot ang kanyang noo.Ni minsan ay hindi niya narinig na nagtatalo ang kanyang ama at ina,ano ba talagang nangyayari?Nagugulumihanang isip niya.
"O,ano namang pinagtatalunan nila?"Nagtatakang taning niya sa kanyang nakababatang kapatid.
"Ate,saan na tayo titira kapag kinuha na nila ang bahay at lupa natin?"imbes na sagutin nya ay tanong ng kapatid sa kanya.Biglang may gumuhit na pagkabigla sa kanyang dibdib.Saan naman napulit ng kanyang kapatid ang mga katagang iyon?
"H..haa?Ano yung sinabi mo?Bakit mo naman naisipan yan"natatawang sabi niya.Pilit niyang kinakalma ang sarili.Baka naman pinaprank lang siya ng kapatid.Mahilig kase itong magbiro sa kanya.
"Totoo po ate,narinig ko sina mama at papa,kukunin na daw ng mga Montenegro ang ating bahay at lupa,paano na tayo ate?"Umiiyak nitong tanong sa kanya.Nagulat siya sa sinabi ng kapatid.Mukhang hindi nga ito nagbibiro ng mga sandaling iyon.Kaya pala hindi ordinaryong tampuhan ng kanyang ama't ina na noon lang nangyari sa tanang buhay niya.Ni walang balak sabihin ng mga ito sa kanya.Naaawa siya para sa kapatid.Masyado pa itong bata para maintindihan ang mga seryosong usapan gaya nito.Hangga't maari ay gusto niyang ilayo sa ganuong pangyayari ang kanyang kapatid.Ang dating masayang pamilya anong nangyari at bakit ngayon ay nagkaganito na.
Sakto namang biglang may kumatok sa kanilang pinto.Nagpapahid ang luhang inayos niya ang kanyang sarili at pinagbuksan ang sinumang nagmamadaling kumakatok.
Isang lalaking may katandaan na ang kanyang napagbuksan.Kunot-noong sinipat niya ito ng tingin.Mukhang nagtatrabaho ito sa malaking kumpanya base na rin sa suot at sasakyang dala niti.
"Mam,notary po galing sa kumpanya."Anito sabay abot sa kanya ng sobre.Kaagad naman niyang binuksan ng nanginginig na kamay ang sobreng iniabot sa kanya ng may edad na lalaki.
Nicolai's pov:
Sa kabilang banda ay hindi mapakali si Nicolai habang pabalik-balik sa kanyang opisina.Isa sya sa head ng kumpanya pero ang ama nya ang presidente at CEO ng kumpanya,at kapag nagretire na ito ay siya naman ang hahalili dito.Kung magagawa nya ang kundisyon nito.Maya maya ay nagring ang kanyang cellphone.
"Hello."Tipid niyang sagot.
"Hi baby,i miss you.See you soon."Anang kabilang linya.
Si Natasha,ang kanyang girlfriend.Matagal na din sila,almost 5 years na.They are in an open relationship,no string attached dahil pareho pa nilang ayaw mag asawa.Si Natasha ay ang tipo ng babaeng gustong abutin muna ang kanyang mga pangarap bago lumagay sa tahimik.At siya naman ay ayaw pang matali,kung kaya't hindi sila nagkasundo ng kanyang ama at abuelo sa gusto ng mga ito.
"I miss you too."Sagot niya dito.
"What do you want na pasalubong?"Halatang masayang sabi nito.
Sa London din sila nagkakilala,isa itong modelo at umuusbong ang career ng kunin ng kanilang kumpanya doon bilang endorser ng kanilang produkto.
"You are enough."Bola niya dito na ikipinahalakhak nitong animo'y kinikilig.
"Sabi mo yan ha."Tila sinisilihan ang pwet na sabi nito.
"Ma,pa,ano to,bakit ganito."Umiiyak na tanong niya sa kanyang mga magulang.
Natahimik ang dalawang matanda,wari ba'y walang gustong magsalita.Alam niyang mapipilitan syang huminto muna sa pag aaral .Ngayon pa namang malapit na sya magtapos.Nakakapanghinnayang talaga,andami pa naman niyang pangarap para sa pamilya,pero parang lahat ng iyon ay sa isnag iglap lang naglaho lahat.
"Anak patawarin mo ako,nagkamali ako,kasalanan ko."Nakababa ang ulong sabi ng kanyang ama.Mahal na mahal nya ang mga magulang,alam nyang tao lang ang mga ito at nagkakamali din,pero dapat ay inisip muna ng kanyang ama ang kahihinatnan ng lahat.Wala na siya magagawa.Nangyari na ang nangyari.Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.Gusto niyang mainis sa ama pero hindi niya magawa.
Napalupasay na lang sya sa sahig.Saan sila ngayon pupunta?Paano na ang pag aaral nilang magkapatid?Napahawak sya sa ulo,parang sasabog iyon.Gagawa siya ng paraan.Hindi puwedeng masira ang kinabukasan ng kanyang kapatid.Pipilitin niyang makatapos ito ng pag-aaral.
Umaga na pero tamad na tamad pa rin syang bumangon.Parang nawala lahat ng kanyang gana sa buhay.Gusto niyang magwala,gusto niyang pagsabihan ang kanyang ama,pero hindi niya kayang gawin.Mahal niya ang mga ito at malaki ang respeto niya sa mga ito.Naglandas sa kanyang pisngi ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa kanyang dalawang mata.Edukasyon na nga lang ang kanilang kinakapitan para makaahon sa hirap ng buhay.Hindi rin niya masisisi ang kanyang ama dahil siguro sa kagustuhan nitong biglang umahon sila sa hirap.May humaplos na awa s akanyang dibdib.Masama ba ang mangarap para sa pamilya?Iyon siguro ang naisip ng kanyang ama kaya sinubukan nitong isapalaran ang kanilang bahay at lupa na kay tagal nilang ginawang tahanan.Tahanang punong-puno ng pagmamahalan.Pero sa maling paraan kumapit ang kanyang ama.Hindi man lang nito nagawang sabihan ang kanyang ina.
Sana ay panaginip na lamang ang lahat ng ito para paggising niya ay okay na ulit ang lahat.Inayos niya ang kanyang sarili bago bumba.Hindi niya ipapahalata sa kanyang mga magulang ang sakit ng damdin na nararamdaman niya.Kahit parang tinutusok ng milyun-milyong karayom ang kanyang puso.Muli na namang pumatak ang kanyang luha,hindi na nya daragdagan pa ang pasaning nararamdaman ngayon ng kanyang mga magulang at maging ng kanyang kapatid kahit na maging siya ay ganoon din ang nararamdaman.