Pero tuluyan na lang kumagat ang dilim ay walang Loisa na nagpakita sa `kin. Bandang alas siyete ay may natanggap akong text mula sa kanya. Buti na lang talaga at kinuha ni bruha ang number ko kanina. Ayon sa text nandoon daw sa dorm ni Justin ang magaling kong kaibigan. Hindi na lang ako nag-reply ay pinasyang kumain na lang ng hapunan. Pagpunta ko sa cafeteria ay may nakita akong kanya-kanyang grupo ng mga estudyante na kumakain. Ang ilan ay panay chika at meron namang iba na seryosong kumakain habang may nakatabing libro sa plato. Umorder na `ko at pumwesto sa pinakasulok ng café kung saan medyo konti lang ang tao. Nakakailang subo pa lang ako ay naramdaman kong may umupo sa mesang nasa tapat ko. At ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ko si Mr. Sungit. Sinikap kong itu

