Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ang pakiramdam ko. Heto nga at parang tangang nakangiti ako habang naka-squat na nag-iinat ako sa ibabaw ng kama. Iyon mismo ang naabutan ni Loisa. “Good morning,” bati niya sa `kin. “Kamusta tulog mo?” “Good,” maikling sagot ko. Nakita kong mukhang masaya rin ang kaibigan ko. “Bihis ka ng pampaligo mo. Magsu-swimming tayo sa pool na malapit dito.” Napatayo na `ko sa kama. “May swimming pool sa loob ng campus na `to?” namamanghang tanong ko kay Loisa. Siya naman ang ngumiti sa `kin. “Yeah, meron,” aniya. “Wait nga, bakit mukhang ang saya-saya mo? May nakilala ka ba habang hindi tayo magkasama?” tanong niya sa `kin habang kumukuha ako ng damit sa bag ko. Sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya habang papaso

