Matapos ang dalawang ring ay sumagot sa tawag ko si Zach. Unang buka pa lang ng bibig ko ay alam na niyang umiiyak ako. "Hey. What happened?" tanong niya sa 'kin mula sa kabilang linya. "Are you okay?" Kahit hindi niya ako nakikita ay umiling ako. "Nope. Pinalayas ako ni tita. Nalaman kasi nilang umattend ako ng prom." Narinig kong napasinghap si Zach sa kabilang linya. "Okay, where are you now? Pupuntahan kita." Sinabi ko sa kanya na nakaupo ako sa isang waiting shed na malapit lang sa bahay ng tita ko. At kanina pa ako pinapapak ng lamok. "I'm coming. Huwag ka nang umiyak. Everything will be fine." After five minutes ay huminto sa harap ng waiting shed ang sasakyan na modern version yata ng karitela na sinakyan ni Cinderella. Paglapit ni Zach ay hindi ko napigilang yumakap sa kany

