Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na pinalayas ako ng tita Soledad ko or what. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon. No, erase that. Hindi lang ako masaya kundi masayang-masaya. Wala nang Jade at Sapphire na nagpapaligsahan sa pag-uutos sa `kin. Wala nang Tita Soledad na hindi yata mabubuo ang araw kapag hindi ako nabubulyawan. So to speak, para akong nakalaya mula sa pagkakakulong sa isang hawla. Ngayon, maayos na ang tinutulugan ko. Laging mahimbing ang tulog ko dahil malambot ang kama at malamig pa dahil may aircon sa kwarto na tinutulugan ko ngayon. Naisip ko ngang huwag na lang singilin si Zach sa kulang niyang limang libo sa `kin. Pero kung maiisipan niyang magbigay, siyempre tatanggapin ko `yon nang buong puso. Masaya rin ako na magaan ang loob sa akin ni Nana Adeng kahi

