After three years… “Are you really sure about this, Amber?” narinig kong tanong ni Klaus habang palabas ako ng malaking bahay ko na matatagpuan sa Pueblo, Colorado. Si Klaus ang abogado at isa sa pinakamalapit na kaibigan ng namayapa kong asawa na si Shawn. “We’ve already talked about this countless of times, Klaus. Didn’t we? I’m going back to the Philippines and no one can stop me now. Not even you,” medyo iritable nang sagot ko sa kanya. Paano ay ilang beses na naming napag-usapan ang bagay na 'to. And now he’s bringing up this topic again. Pero alam ko rin kung bakit ayaw akong pauwiin ni Klaus ng Pilipinas. The guy likes me. Sinabi niya iyon sa akin isang buwan matapos mamatay ng asawa kong si Shawn. “Don’t worry, I’ll be back soon. I promise. Before you knew it, I’m already here.

