Chapter 5
Night
“Still no, Cupid.” I smiled again. “Alam kong maganda ako kaya no need to point it out.”
“Ang kapal.”
I burst out laughing. Hindi ko alam kung bakit. Tingin ko kasi ngayon, siya iyong pinaka nabubulyawan ko sa kanilang apat at nag eenjoy naman ako. Sawang sawa na kasi ako doon sa tatlong iyon.
May mga ilang guest kaming nakasabay paalis doon. Nandoon din iyong kahapon pang pinopormahan ni Ares. Mukhang magbabarkada din sila na nagbabakasyon.
“Ang bagal talaga Psy, kahit kalian.” Salubong sa amin ni Priam.
“Atleast, nag toothbrush,” sagot ko.
“Hala, bakit may pag atake?”
Cupid put my things inside. Sumakay na din naman si Priam saka Zeus doon sa likod. Nang makita ko si Ares na wala pang balak sumakay at may gusto pa atang masamang gawin, hinila ko na iyong tenga.
“Tigilan mo, pwede ba?” bulong ko sa kaniya.
“Aray naman, Psy! Itatanong ko lang ‘yong number.”
“Iyong title ng thesis natin muna intindihin mo. Kapag ikaw walang na ipasa bukas, sinasabi ko sa’yo.”
“Grabe? Paano ako makakagawa? Matutulog na ako pagdating natin!”
Tinulak ko na siya doon sa front seat at ako na din ang nasara ng pinto niya. Hihirit pa e, umagang umaga umaalingawngaw iyong bunganga niya.
I sighed and turned to Cupid who motioned me to go inside. Nandoon pa din iyong ngisi niya sa akin na hindi ko alam kung para saan. I rolled my eyes and went inside. Pasalampak akong umupo doon at sumandal.
Hindi pa ata nakakalabas sa resort iyong sasakyan, parang bibigay na iyong mata ko. Unti-unti, nagpahila nalang ako sa antok dahil sayang din iyong oras.
Nag mulat ako ng mata nang tumama iyong ulo ko sa bintana. Ang sakit nang bwisit. Narinig ko pa iyong mahinang tawa ni Cupid.
“Ayos lang iyan, Psyche. Malayo sa bituka,” rinig kong sabi ni Zeus.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumikit na ulit. I moved so I can find a comfortable place. Nakapikit pa din ako noong naramdaman ko iyong pag kalabit sa akin ni Cupid. Actually, parang hindi kalabit iyon. Tinutusok tusok niya iyong braso ko.
“Ginagawa mo?” I asked, eyes half-open.
He tapped his bag that is resting beside him.
“Higa ka dito. Para komportable ka.”
Napakurap-kurap ako. That’s tempting din naman. Bumalik iyong tingin ko sa kaniya na nakatitig pa din sa akin. Marahil nababagalan sa’kin.
“Ikaw?” tanong ko.
“Hindi ako inaantok,” sagot niya sa namumulang mata.
Well, kahit inaantok pa siya bahala siya. Siya naman nag offer. Saka, siya naman iyong pinahiga ko noong papunta kaya quits lang siguro.
“Okay,” mabilis kong sagot saka umaayos na nang higa doon.
Tumagilid ako at pumikit na doon. I heard them talking when they probably woke up pero nakatulog pa din ako. Nagising lang ako noong nakauwi na kami at hindi na ako nakapag paalam nang maayos dahil nagmamadali na akong bumama.
Kahit bumati kay Mama hindi ko na nagawa. Natulog lang ulit ako pagdating at nag kwento lang kay Mama noong nagising ako noong gabi.
“Mamaya na natin pag-usapan ‘pag nandito na lahat,” sabi noong class captain namin na si Cristel.
Siya iyong top one namin dito sa room, at dahil pilot section kami sa strand namin, she’s basically the top one sa ABM.
“Anong kagaguhan ba ‘yan?” sigaw ni Zeus sa mga nagkakagulo naming classmates.
“Kaguluhan ang ibig niyang sabihin, guys. Typo lang,” singit ni Priam.
“Ano?” sabat ni Ares. “May gagawin na namang katarantaduhan?” sigaw pa nitong katabi ko.
Napailing nalang ako at hindi na nagsalita. Hindi na magkamayaw iyong si Cristel sa kaka sagot ng tanong nila saka suggestion.
Iyong finals kasi namin sa PE group dance daw. Ito talaga kahinaan ng buong section. Kahit naman may magaling sumayaw sa room, isang malaking sakit sa ulo kapag ganyan iyong mga requirements. Kaya minsan mas okay kapag individual nalang.
“Sayaw daw amp. Wala na namang mapagawa ‘tong si Sir,” bulong bulong ni Priam.
“Psyche.”
Lumingon naman ako sa kulugong nasa kaliwa ko.
“Nasa’n na pictures ko?”
I made face. Kagabi pa ako kinukulit nitong kupal na ‘to e.
“Utos ka?”
“Sungit naman kasi. I-sesend lang e.”
“Kung ayaw ko?”
“Hindi kita titigilan.”
I groaned and pick up my phone. Nagpunta akong i********: saka isa isang hinanap iyong pictures niya. Ang feeling talaga nito, hindi naman pogi sa pictures.
“Guys, listen! Ito na iyong final announcement sa PE. Wala si Sir mamaya, kaya mamaya sa time niya tayo mag g’group. Pero ang final requirement, wala nang written exam, iyong sayaw nalang. Four groups daw dapat.”
Nagsabay sabay na nga po silang magsalita. Sige, guys, kaya niyo ‘yan.
“Guys wait lang kasi. Mamaya nga pag-uusapan iyong gagawin. Sa groupings mamaya din mag d’decide,” Si Faye naman ngayon iyong nagsalita, best friend ni Cristel.
“Wala pala tayong picture na dalawa,” rinig kong sabi ni Cupid habang tinitingnan iyong ni-send ko sa kaniya.
“Tingin niyo by friends ‘yung groupings?” tanong ni Priam nang humarap samin.
“By friends ‘yan,” sagot ko.
“Pa’no mo nasabi?” nilapit pa sakin ni Ares iyong mukha niya habang nakangiti na parang siraulo.
“Mas gusto ng majority na by friends ‘yan syempre. Para madali.”
“Point taken.” Nag thumbs-up pa sa akin ni Zeus.
“Bakit wala tayong picture?” parang nagtatampo na namang boses ni Cupid na hanggang ngayon nakatutok pa din sa phone niya.
“May hangover ka ba? Kanina ka pa ah.” I moved my body towards him.
“Ito Cupid oh, picture’an ko kayo. Para kang bata diyan,”sabi ni Ares na halos ika palupot ng eyebrows ko.
Wala nang mas mag iisip bata pa sa kaniya. Tinapat niya naman iyong camera sa amin ni Cupid.
“Ayoko ha, mahal ang talent fee ko.”
“Dali na, napaka sungit.”
Hinila na naman ni Cupid iyong sleeves nang uniform ko papunta sa kaniya. Lumipat siya doon sa upuan noong katabi niya na wala doon saka ako hinatak sa kaniya.
Masama ko naman siyang tiningnan habang siya naka ngisi at nakatingin kay Ares. Tumayo naman ako agad saka siya tinuktukan sa kalokohan niya.
“Ay ang pangit! Si Psyche naman KJ.Pinag lihi talaga sa bad organs iyan,” tuloy tuloy na sabi ni Ares noong umalis ako doon.
“Ana!” tawag ko, isa siya sa mga friends ko dito sa room at kasama ko din sa Heart Sparks. “Si Klein?” tanong ko, hinahanap iyong isa ko pang close na Heart Sparks din.
“Nandiyan lang iyon. Ano? Grupo tayo?” tawa niya.
“Syempre. Huwag lang random, kukulot iyong bangs ko.”
“Kukulot pa din dahil sure na kasama sila Ares.” Napalingon ako kay Klein noong dumating.
“Ano, binigay mo na naman iyong ginawa mong assignment ng jowa mo?” masungit na sabi ni Ana kay Klein, ako naman bahagya lang nanlaki ang mata.
“Na naman?”
“Madali lang naman kasi. Saka ako naman nag volunteer.”
“Stop me, girl. ‘Wag ako,” sagot ni Ana. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay napanguso nang tumahimik na si Klein.
May boyfriend iyan na nasa section C, matagal na din sila, one year na mahigit. Ayos naman iyong boyfriend niya kaso ang tamad lang. Si Klein halos gumagawa noong mga projects noon saka assignment.
Hindi ko talaga ma gets. Ganoon ba iyong love? Parang hindi naman.
Noong lunch kami nag-usap usap nila Cupid about sa thesis. Tutal stay strong kaming mag kaka grupo. Wala pa man nakikita ko na mangyayari sa defense namin.
“Mas marami tayong makukuhang data kung ito nalang,” ani Cupid, habang tinuturo iyong papel ko. “Di’ba college accountancy iyong Ate ni Zeus?” tumingin sa akin si Cupid.
I blinked and nodded slowly, iniisip kung mas maganda nga bang topic ito. Tungkol iyon sa effectiveness ng qualifying exam sa mga accountancy students. Every year may qualifying exam ang accountancy at kapag hindi ka naka pasa doon, hindi ka na pwedeng mag tuloy sa course. Ganoon kahigpit.
“Kaya ni Ate ‘yan! Sa section nila tayo kukuha ng data?”
“Gusto ko ‘yan! Katabi ng building ng accountancy iyong tourism di’ba?”
“Ngungudngod kita sa kinakain mo.” I raised my eyebrows to Ares. Nginitian lang naman niya ako.
“Buong third year sana,” sagot ko kay Zeus.
“Ang dami!” sabi naman ni Priam habang ngumunguya.
“Sa statistics lang naman problema diyan. Mag papa stat tayo. May kilala ba kayo?” sagot ni Cupid. Napatingin naman ako sa kaniya at napakunot ang noo.
“Anong stat lang? Sa pag-eexplain?”
He smiled. “Kaya mo na ‘yon.”
Siniko ko naman siya pero nakailag ang kurimaw. Mas umingay naman sa cafeteria kaya tinago ko na iyong notes ko dahil wala naman kaming mararating.
“Basta ako sa survey. Taga abot ng form ang ambag,” proud na sabi ni Ares na akala mo ikakatuwa ko iyon.
“Basta sabihin mo nalang iyong part ko Psy. I will do my best.” Tumango tango pa sa akin si Zeus.
“Napaka mapagpanggap niyong lahat,” basag ni Priam.
Cupid chuckled and I just sighed. Inubos ko iyong tubig ko at nag-ayos na ng gamit.
“Basta, sabihin mo sa akin kung nahihirapan ka.”
I looked at Cupid and he flashed his wide smile. Hindi naman ako nagkamali na isiping masipag talaga siya. Buti nalang. Nang makabalik sa room ay sakto lang kami sa pagdating noong instructor namin sa applied economics.
Ito si sir iyong instructor namin na hindi nakakatapos ng topic dahil ang dami ng chena sa buhay. Parang ang dami nang pinagdaanan sa dami ng input sa topic. Nakakatawa din siya kaya hindi boring iyong subject pero ewan ko ba dito kay Ares at antok na antok pa din.
After applied economics iyong PE time na kaya nasa harap na ngayon si Cristel para ayusin iyon. Nawala na iyong seating arrangement namin dahil nag kaniya kaniya na silang punta sa mga friends nila para mag usap usap.
“Guys, tumahimik nga muna,” sabi ni Ivy, iyong hindi mawawala sa section na kahit hindi naman officer madaming kuda.
“Mag vote nalang tayo. Kung anong majority, iyon nalang sundin natin sa way of groupings.”
Sinulat ni Faye iyong random saka by friends sa board. Sa random, bunutan iyon gagawin para fair sa lahat. Hindi ko alam para saan pa iyan pero sure naman na by friends ang mananalo. Forty students kami kaya ten iyon bawat group.
Iyong apat na kulugo, ako, si Ana, Klein, si V- iyan ang gusto niyang tawag namin pero ang real name niya ay Bartolome, isa sa dalawang binabae sa room namin. Si Kristin na magaling kumanta pero kung sayaw huwag mo nang tanungin. At si Bianca na mahilig sa selfie iyong group namin.
Tolerable naman ito dahil nandito naman si Ana saka Klein. Medyo nakipag away pa ako kay Cristel dahil hindi daw fair na magkakasama kami nila Ana sa isang group since magaling kami sumayaw.
Hello, girl. Paanong magiging fair iyan kung by friends? Hindi ko kasalanan na talented kaming mag f’friends. Pinilit niya pa ako kung pwedeng pagpalit kahit si Klein sa isa sa group nila pero sis, no.
Hindi na by friends iyon kung ganoon. Saka hindi maganda iyong ginagawa niya. Sa harap pa ng klase. Parang sinasabi niya doon sa pinapalit niyang ka group na less talented iyon kay Klein which is kung hindi naman talagang sanay sumayaw, huwag nalang ipamukha.
Degrading iyon. Hindi magandang ugali at asal. Manners 101 ang dapat sinasabuhay.
“Marami naman tayong vacant kapag Friday doon nalang tayo mag practice. Saka ibibigay naman ni Sir iyong time niya satin starting this week,” paliwanag ni Ana.
“Bet. Pero diba may practice kayo sa Heart Sparks? Every when ba iyon?” tanong ni V.
“Every Saturday may practice na kami ngayon. Saka Wednesday after class,” sagot ni Klein habang nag c’cellphone.
“Ano palang sasayawin? Ano iyong type ng dance?” ani Tin.
“Selfie muna tayo!” mabilis naman kumilos itong mga kasama ko sa pag pose sa sinabi ni Bianca. No choice nalang ako kundi ngumiti.
“Hiphop tayo!” suggestion ni Ares.
“Marunong ka bang sumayaw?” tanong ko.
“Marunong ka,” sagot sa akin ng walang hiya.
“Iyong may pitik pitik ang gusto ko. Parang ang astig noon.” Si Priam naman ngayon.
Itong mga ito wala naman talent sa pag sayaw, ang feeling.
“Kung ano kaya noong lahat,” matinong suggestion ni Zeus.
“Ay tama! Up here tayo Zeus. Tinikling nalang! Partner tayo!” hinawi pa ni V iyong bangs niya habang tumatawa.
“Evolution nalang.” Napalingon ako kay Cupid nang magsalita siya. Tumingin din naman siya sa akin saka nag shrugged.
“Evolution noong mga dance. Diba madaming sumikat na mga sayaw simula 90’s.”
“Gusto ko ‘yon!” naeexcite na sabi ni Ana. “Remix!”
Tahimik lang naman ako doon at iniisip iyong mga suggestion nila. Wala pa man na stress na ako. Ang dami na naming requirement. Next week, mag aayos na din kami para sa mga kailangan for college.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Cupid noong naglalakad na kami palabas after ng mga klase.
Wala sa sarili naman akong tumango.
“Bakit?”
“Tahimik mo.”
“Ikaw maingay.”
Napa iling naman siya. He nudges my shoulder and I did the same. Ito lang talaga pinagka pareho ng mga kulugong ito, magugulo.
“Ano nga? May problema ka ba?” g**o niya pa din.
“Bukod sa’yo, wala naman.”
“Good.”
My eyebrows knotted. Bukod sa papalubog na araw na tumatama sa mata ko, dahil din sa sinabi niya.
“Good?”
“Gusto ko ako lang,” mabilis niyang sagot saka tumingin sa akin.
Tiningnan ko naman siya na para siyang nahihibang. Narinig ko naman iyong tawanan noong tatlo sa harap namin. Cupid smirked and continued walking with me. Nang madaanan iyong library ay lumiko na ako doon.
“Saan ka?” habol ni Cupid.
Tumingin naman iyong tatlo nang sabay sabay na parang mga tanga.
“May gagawin lang ako saglit. Mauna na kayo.”
“May assignment ba?” takang tanong ni Ares. “Pakopya nalang ako.”
“Oh bobo spotted,” singit ni Priam. “Baka may library date iyang si Psy. Huwag na natin guluhin.”
Sinimangutan ko naman si Priam. Habang si Zeus ay masamang tumingin sa akin.
“Tigilan niyo ako. Kapag si Zeus talaga nagsumbong kay Mama ng mga ganiyan masasapak ko kayo.”
Hindi ko na sila hinintay pang umalis at naglakad na palayo. Madami pang mga side comment iyong mga iyon, hindi nawawalan ng mga ilalabas sa bibig lagi.
Una na akong naghanap nang book na kakailanganin ko. Final requirement namin ito sa 21st century. Matagal pa dahil wala pa ngang midterms pero napag isip isip ko kanina na hangga’t may time ako ngayon, gagawin ko na.
Mahirap magahol lalo na at may Heart Sparks practice ako every week at masisingit pa iyon sa mga fee time ko kapag malapit na iyong date. I need to finish something para gumaan iyong workloads ko.
Madali lang naman iyong final requirement, pipili lang kami ng 21st literature na sa tingin namin ay deep iyong meaning. Iyong tipong kapag binasa mo wala kang maiintindihan pero kapag nilagay mo iyong mind mo beyond what you are reading, you’ll realize there is something hidden between the words.
I picked up different poetic books and even short stories na makita ko doon. I picked about six books, hindi ko alam kung matatapos ko ba ‘to pero hihiramin ko nalang kung hindi. I walked to find a spot after.
Konti nalang naman ang mga students dahil uwian na kaya nakakita naman ako ng sport sa dulo, I silently put the books and my bag doon tapos ay naupo na ako. Nilabas ko iyong pencil ko saka nag start sa poetic books.
Hindi pa ako nakakaisang linya may humila na noong upuan sa tabi ko. Hindi ko na sana titingnan kung hindi lang pamilyar iyong amoy niya. I squint my eyes when it landed to Cupid.
“Hi,” he greeted.
Tinitigan ko lang naman siya hanggang sa makaupo siya doon. Nagtataka anong ginagawa niya.
“Mag-aaral din ako, bakit ang sama mo tumingin?”
“Nakaka duda ka.” I straighten up, “Anong kailangan mo?”
He chuckled faintly. Tapos ay umusog siya papunta sa akin, kaya inatras ko naman iyong ulo ko.
“Ito.” Hinila niya papunta sa kaniya iyong mga books na dala ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Gagawin mo iyong 21st? Hindi ka manlang nagaaya.”
“Hindi ako na inform na studious ka.”
“Minamaliit mo ba ako?”
“Nagsasabi lang ako ng totoo.”
“Well to inform you, Miss Aragon, I’m studious.”
I rolled my eyes at him tapos ay nag focus na ako doon sa librong kinuha ko. Sinimulan ko na iyong basahin at syempre wala din akong maintindihan. Inulit ulit ko pa iyong per words pero hindi ko ma gets kaya nag next na ako.
“Mahilig ka bang magbasa?” tanong nitong katabi ko.
“Medyo.”
“Anong medyo?”
“Depende sa kung anong babasahin.”
“Ah, romance.”
“Ah, mali.” Lumingon ako sa kaniya. “Poems lang. Hindi ako mahilig magbasa ng novel.”
He put his elbow on the table and put his chin on his hand habang nakatingin sa akin.
“Ano palang hilig mo?” dugtong niya, “Bukod sa pag sayaw saka kanta?”
“Hmm, pakialam mo?”
He groaned and slump his head on the table. Sinuway ko naman siya kasi ang ingay nang kupal.
“Bawal maingay dito!” bulong kong gusto kong isigaw.
“Mahilig ako sa korean drama,” he said afterwards na bahagyang kinalaki ng mata ko. I watched korean drama also pero hindi naman ganoon kadalas, kapag may time lang,
“Ako din. Mahilig din akong mag drawing. Pero kung ang tutumbukin mo e kung ano ang hilig ni Thalia, hindi ko alam.” Nakangiti kong sabi sa kaniya dahil napag-isip isip ko na saan tutungo iyong tanong niya.
Alam na alam ko na iyan. Bata palang kasama ko na si Ares kaya sawa na ako sa mga moves na iyan. Natawa si Cupid at napailing.
“Hindi ko naman itatanong.”
“Huwag ka nang mag deny. Sinasabi ko sa’yo wala kang aasahan sa akin.”
“Susubukan ko pa din,” he said softly.
I sighed. “Kung kinausap mo na si Thalia baka friends na kayo. Sayang ang time.”
“Tingin mo?”
Tumingin ulit ako sa kaniya, “Ano?”
“Sayang iyong time?”
Tumango ako ng mabilis. “Sayang. Though, may perfect timing pero di’ba, atleast i’try mo. Sinabi mo na ba kay Ares iyan? Magaling iyon.”
“Wala pa akong pinagsasabihan.”
“Ah talagang sa akin lang? Hindi nga kita tutulungan.”
“Pero…”
I raised my eyebrows. Umiwas naman siya ng tingin. Bago nag inhale saka humarap ulit sa akin.
“Ayos lang.”
Kumunot na iyong noo ko kaya natawa siya. Napalingon naman ako sa kabilang dulo nang may nagtawanan. Tapos ay doon sa librarian na pa bundok iyong kilay habang masamang nakatingin doon sa magbabarkada.
I felt a sudden wind on my bangs kaya napatingin ako kay Cupid na nakanguso.
“Kadiri talaga. Ang baho kaya ng hininga mo?” hinawi ko iyong bangs ko at inayos habang siya naka ngisi lang at tumatawa na walang tunog.
Wala akong magagawa kung nandito itong kulupong na ito. I fixed my bag habang si Cupid ay parang tamad na tamad na naka sandal doon sa table.
“Tapos ka na?”
“Mukha ba akong may natapos na kupal ka?” sinamaan ko siya ng tingin, “g**o g**o mo e.”
“Ginugulo talaga kita. Tara na. Uwi na tayo.”
Napailing nalang ako tapos ay tumayo na.
“Hihiraramin mo ba ‘to?” tanong niya, tinutukoy iyong mga libro.
Tumango naman ako kaya kinuha na niya iyon at nauna nang maglakad. Kinuha ko naman iyong bag ko at sumunod na sa kaniya. I told the librarian about the books tapos ay lumabas na doon.
“May juice nga pala sa bag ko,” mabagal na sabi ni Cupid habang naglalakad kami.
“So?”
He sighed. “Kunin mo. Sa’yo iyan. Binili ko kanina kaso bawal nga pala drinks sa loob.”
“Baka kung anong nilagay mo dito ha.”
“Kung lalasunin kita, ipapakain ko nang diretso sa’yo.”
Sinipa ko iyong likod nang tuhod niya kaya muntik nang tumumba ang loko. Natawa naman ako saka binuksan iyong zipper ng backpack niya habang naglalakd kami. Infairness maayos ang mga gamit, may laman din. Iyong sila Zeus kasi ballpen lang ata ang dala.
Kinuha ko naman iyong can juice doon saka binuksan na.
“Hanggang kailan mo ako susuhulan?” kaswal kong tanong.
Natawa naman siya, “Hangga’t gusto ko.”
“Okay, maganda ‘yan. Bukas gusto ko ano, uhmm…”
“Ah makapal din.”
I laughed and looked at him. Naka ngiti din siya, iyong labas iyong twenty pieces teeth niya. Nang makarating kami sa terminal noong trike sinabayan na niya ako pauwi kasi uupakan ko na talaga siya kung hindi.
Bumaba na din siya noong huminto iyong trike sa harap ng bahay namin, kasi tapat lang din naman iyong kanila.
Nang makaalis iyong trike ay humarap na ako sa kaniya at kinuha iyong hiniram ko na mga books.
“Umuwi ka na.”
He chuckled and nodded.
“Sabay ulit tayong umuwi bukas.”
“Sabay naman talaga ang uwi natin.”
“Good.”
My eyebrows knotted for the nth time. Ngumisi lang ulit siya sa akin.
“Goodnight, Psyche.”
“Walang good kung ikaw lang din naman ang mag g’ggodnight.”
His shoulder slumped.
“Night, Ma’am,” he finally said before saluting to me.