Chapter 4
Ngiti
“Pakialam mo?” sagot ko.
Kumunot ang noo niya at kalaunan ay umirap sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano. Masama niya akong tiningnan pagkatapos.
“Kulang ka talaga sa kagandahan ng loob.” Tumayo siya habang nakatingin pa rin sa akin ng masama at saka tumalon doon sa pool.
Napailing nalang ako. May ilang taong lumabas at tumambay doon kaya tumayo na ako. Lumapit ako sa pool at doon naupo, nakababad ang paa. Nagbabardagulan na iyong mga kulugo doon while I’m watching the sky change its shade every minute.
Isang hila sa paa ko naramdaman ko na iyong pagpasok ng tubig sa ilong ko. Walang hiya talaga. I swam up, hinawi ko ang buhok kong nasa buong mukha ko saka himapas iyong kung sino mang nasa harap ko.
“Gago!” sigaw ko.
Tawang tawa si Ares habang niyuyugyog si Cupid doon. Tinutulak palapit sa akin. I coughed and hold my nose. Ang sakit, mga siraulong ‘to.
“Ganda ng hulog mo doon, infairness,” bulong ni Priam sa likod ko.
“Mas maganda iyong ahon ano ka ba. Muntik na kong tumakbo e.” Sinamaan ko ng tingin si Zeus saka hinila iyong buhok niya palubog sa tubig.
“Bwisit ka ah!”
Hinila niya iyong kamay ko palubog kaya binitawan ko na. Nang tumingin ako kay Cupid ay naka ngisi na ang loko. Akala ata cute, nakakabanas pa.
“Mag banana boat tayo bukas!” Suggestion ni Priam.
Umiling kaagad ako. “Mainit.”
“Alas syete kasi ang gising Psy. Hindi alas diez,” sagot ni Ares at sinabuyan pa ako ng tubig.
Gumanti naman ako at si Cupid lang ang tinamaan. Medyo dumami ang tao sa pool kaya umusog ako palapit kila Ares. May music na din kalaunan. Ang emo nga lang.
Medyo lumamig na din ang simoy ng hangin kaya iyong ulo ko nalang ang nakalabas sa tubig. Malamig rin naman kasi talaga ang panahon ngayon dahil January. Ewan ko ba dito kay Ares kasi maisipan lang umalis.
“Magisa ka lang sa inyo, Cupid?” tanong ni Zeus kaya napalingon ako sa kanila.
“Oo. Wala pa sila Mama,” sagot naman noong kulugo.
Kumunot ang noo ko. “Mag-isa sa bahay? Paano niyo naman nalaman?” singit ko.
“Nagpunta kami doon kanina,”sarcastic na sagot ni Priam.
Lumingon naman ako Cupid, “Saan ka ba nakatira?” mahinahon kong tanong.
“Ah wala talaga to. Balita ko, binigyan pa ni Tita Claire ng cupcake si Cupid. Ikaw ang saan nakatira, Psy?” pangaasar ni Ares na hindi ko naman mapatulan kasi? Ano daw?
Naka kunot ang noo kong nakatingin kay Ares at kalaunan at dumapo iyon kay Cupid.
“Ano?” tanong ko ulit kasi bakit hindi sumasagot? Nagtatanong ako.
Tumawa sila ng bahagya. “Doon sa tapat ng bahay niyo. Bandang kaliwa.”
Sumimangot ako na parang naiinis. “Iyong bagong lipat? Ikaw iyon?”
“Ah alam naman pala niyang may bagong lipat.” Nag thumbs up sakin si Priam na parang bang sinasabing medyo normal pa naman ako.
Umirap ako at humarap ulit kay Cupid.
“Bakit hindi mo pa ako sinasabayang umuwi kung ganoon?” takang tanong ko. Napansin ko na parang nagulat siya. “Ang laking tipid kaya noon sa trike!” I rolled my eyes.
Natawa sila Ares. “Sabay naman tayong umuuwi ah?” sabi ni Zeus.
“Oo nga. Pero pag may practice ako, iniiwan niyo na ‘ko.” Masama ko ulit tiningnan ni Cupid. “Itong kulugong ‘to, hindi ko alam ano pang ginagawa sa school pero gabi na umuuwi. Hindi manlang ako sabayan. Nasaan ang kagandahang loob doon?”
I sarcastically smiled at him. Natawa naman siya. Bahagayng sinasaboy ang tubig sa akin.
“Baka ako lang pagbayarin mo e. Napansin kong mahilig ka pa naman sa libre.”
“Kapal talaga nitong kulugong ‘to.”
Nagyaya na din akong umahon after. Nagugutom na kasi ako. Nagpunta na kami sa kaniya kaniyang kwarto at naligo. Nagkapag pahinga pa ako kasi matagal sila dahil apat sila doon. Tinawagan lang ako ni Ares noong tapos na sila.
Sabay sabay kaming bumama. Naka t-shirt nalang ako ngayon at shorts. Itong si Ares naka todo pa e kala mo naman may pictorial siya dito. Hindi ko talaga saan nagmana ‘to, matino naman si Kuya Peter, iyong kapatid niya.
“Ayoko nga niyan. Ito nalang,” pakikipag away ko sa kanila sa menu.
Si Priam at Ares, parehas ng gusto, ako ayoko noon. Isang set na kasi iyong oorderin namin para tipid and more dish na din.
“Psyche naman ito nalang, please?”
Ako talaga kung hindi lang masama puputulin ko na iyong nguso ni Ares. Naiirita talaga ako sa ganiyan niya.
“Gusto ko iyong kay Psyche,” sabat ni Cupid.
For the first time in this day, nginitian ko siya. Kumindat naman siya sa akin na kahit kadiri pinalampas ko na. Gusto ko sanang sikuhin dahil magkatabi naman kami pero next time nalang.
“Ako din iyong kay Psy,” segunda ni Zeus na nakaupo sa harap ako.
Nag up here pa kaming dalawa at tumawa. Nakasimangot naman si Ares sa kaliwa ko pati si Priam na masama ang tingin sa akin.
“Okay, let’s order na!” masaya kong sabi.
Wala naman silang nagawa doon. Ang aesthetic ng restaurant nila dito kaya nilabas ko iyong phone ko para mag picture. Ang feeling lang. Wala naman akong talent sa pag pipicture saka pag eedit.
Itong siraulong si Cupid naman ang g**o pa.
“Doon ka nga. Nakakasira naman ng view e.”
“Picture’an mo ako. Send mo nalang sa’kin.”
“Ah makapal talaga mukha,” bulong ko.
“Kami din Psy, pa picture,” singit ni Zeus sa harap ko.
“Ako muna! Dali Psyche!”
Napairap naman ako at pinicturan na si Cupid. Ang feeling talaga ng barubas na ‘to, hindi naman gwapo.
“Oh bilisan niyo.” Tinapat ko iyong cellphone ko kila Zeus. Nag pose naman ang mga pa cool.
“Groupie naman!”
Kinuha sa akin ni Cupid iyong phone ko at kinalikot iyon.
“Wala ka bang cellphone na kulugo ka?”
He chuckled and smirked at me. Tinaas niya iyong phone ko para makita kaming lahat. No choice naman ako kundi ngumiti, syempre.
“Itong balikat mo naman!” singhal ko kay Cupid.
Natawa naman siya at umayos ng pwesto. “Ayan na, Ma’am,” bulong niya.
Nag galit galit na kami noong dumating iyong order. Kunwari pang ayaw nitong dalawang siraulong ‘to e ang lakas kumain.
“Bayaran mo na, Ares.” Sumandal na ako sa upuan nang matapos ako.
Nakasimangot na naman siya sa akin. Siya naman iyong nag presinta na mag bayad ng dinner since siya naman kasi ang nag yaya. Ang kinasasama ng loob siya, hindi niya nakain iyong gusto niya.
“Huwag nang masama ang loob pare.” Tinapik tapik ni Zeus iyong balikat niya. “Tandaan mong nakukuba na si Psyche kabubuhat saýo. Pagbigyan mo na ngayong gabi.”
I smiled sweetly to him. Walang kupas na pout lang ang sinagot sa akin saka nagbigay na ng pera.
“Tubig?” tanong ni Cupid nang makitang naubos ko na iyong softdrinks ko.
I nodded warily at him. “Thanks,” sabi ko nang lagyan niya iyong baso ko.
“Mag Netflix muna tayo ha. Bawal matulog,” paninigurado ni Priam at tumayo na.
Hinimas himas pa niya iyong tyan niya na malaki. Ayaw niya pa sa pagkain sa lagay na ‘yan. We decided to walk around the beach, para magpababa muna ng kinain. As usual, nag haharutan lang iyong mga kulugo.
Si Cupid, feeling ko inaantok na dahil pa ngisi ngisi lang.
“Masarap nga pala iyong ni-bake ni Tita na cupcake.” Rinig kong sabi ni Cupid habang naglalakad kami.
Mabagal akong tumingin sa kaniya dahil hinahangin iyong buhok ko.
“Kinain mo?”
“Ano bang ginagawa sa cupcake?”
I rolled my eyes. “Kung ako nagbigay no’n hahampas ko saýo.”
Natawa naman siya. “Pero seryoso masarap. Mahilig si Tita mag bake?”
“Maka Tita ka ah.”
“Oh, edi Mama. Mahilig si Mama mag bake?”
Hinampas ko siya sa braso pero naiwasan niya. Ako lang iyong nahirapan dahil sumabog lang sa mukha ko iyong buhok ko. Tawang tawa naman ‘tong bwisit na ‘to.
“Dito ka kasi.” Siya iyong gumilid doon sa dalampasigan.
Akala mo naman malaki ang katawan kung mag yabang na maharangan iyong hangin.
“Feeling nito,” bulong ko, hinahawi pa din iyong buhok.
“Tigilan mo, Priam.” Rinig kong sabi ni Zeus noong makaabot kami sa kanila.
He was looking at Priam pero itong isa hindi naman siya pinapansin. Ares tapped Zeus back and said something.
“Ano ‘yan?” tanong ko na nakapag palingon sa kanila.
Mabilis umiling si Ares kaya nagtaka ako. Mukhang siraulo. Nang magtama ang mata namin ni Zeus ay ngumisi lang siya sa akin.
“Si Ares may bagong target,” Zeus said. Nanlaki naman ang mata noong kulugo.
“Sinungaling nito!” Lumapit sa akin si Ares at inakbay sa akin iyong braso niya. “Tara na at manood! Bukas banana banana!”
I crossed my arms and wiggled my shoulders. Hindi naman niya tinanggal iyong balikat niya at mas sinikip lang iyon sa leeg ko.
“Aray ko, Ares!”
Tumawa lang siya at tumakbo habang hila pa din ako. Kung hindi ba naman talagang walang modo ‘tong gagong ‘to.
Hinihingal kami pareho nang makarating sa room nila. Si Priam iyong nag kalikot na ng remote at naghanap ng pwedeng panoorin. Ako naman dumiretso sa mini kitchen nila at kumuha ng tubig. Bigatin talaga ‘tong mga ‘to ang ganda ng kwarto.
“Pahingi.” Naglapag ng baso si Cupid sa harap ko habang umiinom ako at hawak iyong pitsel.
I gulped my water down and looked at him.
“Maglagay ka, aba,” sagot ko at tumalikod na doon.
They set everything up. Pinagdikit dikit nila iyong bed nila para magkasiya kaming lahat doon. Sa gilid ako kasi magulo sila at maiinis lang ako kapag nagharutan sila.
“Fear street na! Maganda ‘yan!”
“Napanood mo na?” segunda ni Zeus kay Priam.
“Hindi. Pero nakita ko trailer ‘wag ka nang makulit.”
Tahimik nalang ako doon sa gilid dahil ang lambot ng kama at unan parang gusto ko na matulog.
“Parang tanga naman ‘tong mga ‘to umusog nga doon!” sigaw ni Priam pagkabalik matapos patayin iyong ilaw.
“Ay kalaki kasi. Nag toothbrush kaba? Amoy kang isda,” Ares answered.
“Hala siraulong ‘to. Nag rereklamo ba ako kapag maasim ka ha?”
Natawa ako doon. Sumimangot naman si Ares at inamoy pa iyong underarms niya.
“Maasim ba ako, Psy?”
Umiling nalang ako.
“Masasaktan ka lang Ares, huwag ka nang magtanong.” Hinila na ni Cupid si Ares at inalo.
Hindi siya maasim. Siya kaya iyong laging mabango, palibhasa babaero. Natahimik sila noong nag start na iyong movie. Ako din naman nakatutok lang doon.
“Ares hala ka. Wala pa ngang kalahati tulog ka na diyan,” rinig kong bulong ni Zeus.
“Bigat ng ulo nang ulupong na ‘to.”
Natawa si Cupid at lumipat sa tabi ko. Siniksik niya talaga iyong sarili niya sa gitna namin ni Priam.
“Ay epal. Ang gugulo niyo ha. Naiinis na ko ng slight.” Masamang tumingin sa akin si Priam kahit na si Cupid naman iyong magulo.
Siniko ko iyong tumabi sa akin saka umusog palayo. Natapos namin iyong movie kaya tinuloy na namin sa part two. Natapos din namin iyon pero tulog na si Zeus saka Ares. Nasa gitna na siguro ng part three noong halos umikot na iyong mata ko sa antok.
Nilabanan ko naman iyon kasi maganda iyong movie. Hindi ko na iyan matutuloy sa bahay dahil tamad akong manood. I shook my head, baka effective pampawala ng antok.
Napansin ko naman iyong paglingon sa akin ni Cupid.
“Inaantok ka na?” he whispered.
I nodded at him. “Pero gusto ko ‘tong tapusin,” sagot ko.
Namumula na din iyong mata niya kaya noong humikab siya, napahikab na din ako.
“Huwag kang humikab!”
He groaned, “Pati talaga iyon Psyche?” natawa siya nang umirap ako.
I blinked several times and focused on the movie. Tipong naka pikit na ako pero naririnig ko pa din iyong sinasabi noong nasa movie kaya parang napapanaginipan mo na din. I stayed that way until someone tapped my shoulders.
Mabilis akong nagmulat ng mata. I saw Cupid with his bloodshot eyes na nakatingin sa akin. Kumurap pa ako dahil feeling ko nahihilo ako sa antok.
“Hmmm?” medyo masungit pa iyon.
“Tara na doon sa kwarto mo. Ihahatid kita.” Mga sampung segundo siguro akong nakatitig sa kaniya dahil wala akong naiintindihan.
He ruffles my bangs kaya napapikit ulit ako.
“Tara na.” He pulled me up. Hawak iyong wrist ko. “Hindi ka pwede dito.”
Lumingon ako sa mga energetic kong friends at lahat sila ay nakanganga na at tulog. Tumutulo pa laway ni Zeus.
“Ano nangyari sa movie?”
“Secret.”
Wala na akong energy para umirap pa. He opened the door at ako naman ay kinapa iyong bulsa ko para sa susi. Nang makita iyon ay si Cupid na rin ang nag bukas.
“I-lock mo ‘tong pinto.”
Tumango nalang ako dahil feeling ko tutumba na ako sa antok.
“Psyche,” medyo malakas niyang sabi.
“Ano?”
“I-lock mo.”
“Oo nga. Kulit nito. Matulog ka na.”
Napangisi naman siya at tumango.
“Goodnight, Psyche.”
Sinara ko naman na iyong pinto sa mukha niya. Narinig ko pa iyong pagpihit niya ng doorknob, naninigurado pa.
Parang nagblink lang ako at ngayon may kumakalabog na sa pinto ko. I groaned, kinuha ko iyong unan ko at tinakip sa tenga ko.
“Magigiba natin ‘to hindi magigising ‘yan,” rinig kong sabi ni Zeus. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo iyon.
Mas lumakas pa iyong kalampag kaya mas diniinam ko iyong unan sa tenga ko.
“Ako na. Sige na umorder na kayo ng breakfast. Para mabilis tayo.”
“Ay sure ka Cupid? Nakaka-concern. Magkaka kalyo ka kaka katok diyan.”
Siraulo.
Nagaagaw diwa na naman ako noong may sumigaw ng pangalan ko. Judas nito.
“Psyche!”
I groaned louder.
“Ano?!”
Cupid laughed. “Tara na! Bilisan mo.”
Sumilip ako sa kumot ko at nakita ko siyang nakasilip iyong ulo sa loob ng kwarto ko.
“Bakit naka bukas iyan?!”
Saglit pa akong nag-isip kung paano ako nakarating sa kwarto at kung tama ba iyong natatandaan ko.
Natawa lang naman siya sa akin.
“Dalian mo na. May tulo laway ka pa.”
Mabilis kong naman nitakpan iyong bibig ko. “Bulabog naman ‘to.”
Dumiretso na ako sa banyo after. Wala naman akong tulo laway, bwisit na ‘yon. I brushed my teeth tapos naghilamos na din. I also did my skin care kahit mist lang iyon moisturizer saka sunscreen, matagal pa din ako. Nagpalit din ako ng damit.
I blowed my bangs when I went out. Nagulat naman ako nang makita pa din si Cupid sa pinto na inip na inip na nakatingin sa akin.
“Napaka tagal.”
“Reklamo ‘yan? Sinabi ko bang maghintay ka?”
“Oo na. Tara na, nagugutom na ako.”
“Paano mo pala nabuksan iyong pinto ko?” Pinanliitan ko siya ng mata.
“Pinagsaraduhan mo kasi ako ng pinto kagabi ng hindi kinukuha iyong susi.” He smiled sheepishly.
Matapos naming kumain na syempre puno na naman nang kabungangaan noong mga kupal, nag punta na agad kami sa may activity area. Buti nalang walang tao doon. Ang aga pa naman kasi, sobrang excited nang mga ‘to.
“Zeus ha, iligtas mo ako kapag ako nalaglag.”
“Zeus mas close tayo!” singit ni Priam kay Ares.
Magaling kasi lumangoy iyan si Zeus. Student athlete kung hindi niya naman ipagmamayabang. Swimming. Sponsored iyan ng school mula first year. Kung saan saan sumasali at nanalo naman, kapag hindi, sad kami lahat pero okay lang, nanlilibre pa din naman siya kahit ganoon.
“Si Psyche lang ililigtas ko. Bibigat niyong mga gunggong kayo.”
I stuck my tongue out to Ares. Hinabol naman niya ako kaya hinila ko si Cupid na nasa tabi ko papuntang dagat.
“Ah magaling kang talaga. Ako na naman!” sigaw sa akin ni Cupid.
Hinagis ko na iyong tsinelas ko doon. Huwag lang talagang mawawala iyon, malilintikan sa akin si Ares.
“Aray ko!”
“Ay kalabaw! Cupid!”
Nagkapatid patid na kami doon dahil sa alon, itong si Cupid ang laki laking hambalang.
Nahulog nang patihaya si Cupid at dahil nakahawak ako sa kaniya ni greet lang naman ako nang maalat na dagat sa mukha. Nahirapan pa akong tumayo dahil sa alon. Iyong ilong ko, ang hapdi!
“Dito ka,” rinig kong sabi ni Cupid. Hinawakan niya ako sa braso ko at parang batang hinila sa buhanginan.
Kailangan pa din ba ng thank you nito?
“Wala pa nga, nagbabardagulan na kayo diyan. Dito na tayo!” sigaw ni Priam.
Inayos ko naman iyong buhok ko at tumayo na. Nandoon pa din naman si Cupid sa tabi ko. I looked at him.
“Ayos ka lang?” tanong niya.
“Seryosong tanong ba ‘yan?”
Hindi naman niya ako sinagot at hinila na iyong sleeves ng t-shirt ko papunta kila Priam. Nakakunot noo ko naman siyang tiningnan.
“Oh, hindi na kita hinahawakan, nagagalit ka pa din?”
I hissed and wiggled my shoulder saka siniko siya.
“Doon ka nga.”
Nakinig kami sa instruction noong life guard sa kung paano ang magiging rules and ilang minutes iyong ride. Pagkatapos ay nag decide na kami saan mauupo. Syempre gusto ni Ares sa unang una. Sa kaniya na, walang aagaw.
“Ako sa dulo,” suhestyon ko.
“Hindi pwede,” sagot ni Cupid.
Sabay kaming napatingin ni Zeus sa kaniya, habang iyong dalawa ay busy sa pag susoot ng life vest. He tilted his head and blinked.
“Kapag nahulog ka, walang makakapansin. Baka ‘pag nakita ka namin, palutang lutang ka nalang.”
Inambaan ko naman siya ng hampas.
“Ako sa dulo.” Ngumiti sa akin ng pang inis si Cupid.
“Inaagawan mo lang ako e.”
“Sumunod ka nalang kay Ares, Psy,” suggestion naman ni Zeus.
“Ayoko, dulo gusto ko.”
“Bawal nga. Huwag makulit.”
“Kinakampihan mo ba si Cupid?”
“Obvious ba?” ngisi niya sa akin.
“Sa harap nalang kita. Tapos si Zeus sa harap mo, para safe.”
“Inuto mo pa ako, kulugo,” bulong ko.
Natawa naman siya. Sinigawan na naman kami ni Priam dahil ang bagal daw namin.
“Kung may prayer meeting, isali niyo kami huwag selfish,” parang nagtatampo niyang sabi sa amin na halos batukan ko nalang.
Kung anu-anong kalokohan talaga.
The sky is clear and the sun is blazing pero dahil malamig ang simoy ng hangin, ayos lang naman. Medyo nag karoon na rin nang tao doon matapos naming mag-ayos ng vest. Si Ares saka Priam, bulungan ng bulungan.
Alam ko nang iyong mga babaeng guest ang pinag-uusapan bakit pa kaya tinatago. Babae daw ang ma-chismis pero isa iyong malaking false.
Kung saan saan pa nag aya si Ares pagkatapos kaya noong bumalik kami sa room para maghanda na pauwi, pagod na pagod na ako. Nakaligo na ako at nagaayos na ng gamit pero gusto ko nang humiga at matulog.
Nang may marinig akong katok ay napalingon ako sa pinto. Mabagal akong naglakad doon at binuksan. Sumalubong naman iyong mukha ni Cupid sa akin na nakangisi.
“Ano?”
“Nakapag ayos ka na ng gamit?”
“Hindi pa tapos.”
“Kailangan mo nang tulong?”
“Tutulungan mo ako?” takang tanong ko.
“Hindi, nagtatanong lang.”
I rolled my eyes. “Epal talaga.”
Lumawak naman ang ngisi niya at natawa.
“Tutulungan kita. Baka gusto mo akong papasukin?”
“Tapos ka na ba? Nasaan sila?”
“Si Zeus nasa baba na. Binaba na iyong gamit namin. Si Ares saka Priam nalang nandiyan. Nagaayos ng mukha.”
I opened the door for him. Pumasok naman siya doon. Nagpunta naman akong bathroom para makuha na iyong toiletries ko. Pinagsama sama ko lang iyon sa pouch dahil pagod na akong ayusin pa iyon.
“Kumot moba ‘to? Lalagay ko na sa bag?”
“Oo. Tupiin mo ha!”
“Yes, Ma’am. Nakakahiya naman po.”
Natawa ako. Nang makalabas ako sa bathroom, ni z’zipper na niya iyong duffel bag ko. Nilagay ko naman sa backpack ko iyong pouch ko saka kinuha na iyon.
“Okay na? Lahat na ‘to?”
“Yep.”
“Akin na ‘yan.” Pigil niya sa akin noong palabas na ako.
“Alin?”
“Iyong backpack mo.”
I blinked and my eyebrows knotted.
“Kaya ko na ‘to.”
“Ako na, Psyche.”
Noong hindi ako gumalaw doon, siya na iyong kumuha noong backpack ko sa akin. My eyes squinted noong sinoot niya iyon saka naunang maglakad. Huminto naman siya nang mapansin na hindi ako sumunod.
“May nakalimutan ka pa ba?” tanong niya.
“Hindi pa din ako papayag,” sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya. “Na?”
I tilted my head a bit, pinagmamasdan ang inosente niyang mukha.
“Ako huwag mo akong dinadaan sa ganiyan. Alam ko na iyan.”
“Hindi kita gets.”
Ang walang hiyang ito, ginalingan.
“Kahit ako pa buhatin mo, hindi pa rin kita tutulungan sa pinsan ko,” malinaw kong sabi saka ngumiti at nilagpasan siya doon.
Narinig ko naman ang takbo niya at pag sabay sa akin pagkatapos. Nakangisi na naman ngayon habang naglalakad at nakatingin sa harap. Pinagmamasdan ko lang naman siya. He smiled wickedly when he turned to me.
“Ano?”
“Mas gumaganda ka kapag naka ngiti.”