Chapter 3
Sunset
“Eh ‘di ‘wag kang sumama,” mabilis kong sagot.
He groaned and I looked away. Nang matanaw sila Zeus ay papunta na sila dito. Naka ngisi ng nakakaloko sa akin si Ares habang palapit. Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso nang tumabi siya sa akin.
“Aray naman!”
“Umalis ka nga! Time na, tara na!” Tinulak ko siya paalis para makatayo na ako doon.
Lumakad na ako paalis at sumunod naman sila sa akin.
“Feeling ko gusto talaga ako noon. Pakipot lang,” rinig kong bulong ni Ares kay Priam habang naglalakad kami.
Nasa kanan ko silang dalawa habang si Zeus at Cupid ay nasa kaliwa ko. Humarap ako kila Ares na medyo nahuhuli sa paglakad. Tumahimik naman kaagad ang barubas.
“Tigilan mo Ares ha,” singhal ko na kaagad niyang inilingan.
Nag explain pa, akala mo naman maniniwala ako sa kaniya. Nang makapasok sa room ay ilang minutes nalang din ay dumating sa si Ma’am kaya natahimik na kaming lahat. Nakakaantok iyong ganoong oras kaya medyo slight lang iyong naintindihan ko sa klase.
Matapos ang dalawang subject ay dumiretso na ako sa building kung nasaan iyong room na designated for Heart Sparks members. May studio doon na nilaan talaga para sa amin for practice. Hindi naman kasing pwedeng sa gym dahil madaming tambay doon na students. Bawal nilang makita iyong ni p’practice namin.
“Hi, Psyche!” bati sa akin ni Rose, isa sa mga close friends ko doon.
ABM student din siya pero iba siya ng section. Sa room namin, lima lang yata kaming part nang organization na ‘to. Nasa pilot section kasi ako kaya more on academic ang focus ng mga classmates ko.
“Hello…” sagot ko at lumingon sa iba. “Hi, Franch!”
Bumaling naman ito sa akin at malawak na ngumiti.
“Let’s do this na!” He clapped his hands.
Natawa naman ako. Natanaw ko doon si Thalia, ngumiti siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko. Bawat factions, may iba’t ibang leader. Sa singing, dancing, and acting. Iyong mga leader na iyon ang nag cocoordinate ng schedules dahil hindi naman lahat kami ay isa lang ang faction, gaya ko, na nasa singing and acting.
Ang practice ngayong araw ay para sa dancing. Thalia is part of dancing, iyon lang. Magaling talaga siyang sumayaw noon pa man, pero last year lang siya lumipat dito sa school namin kaya last year lang din siya naging member.
The dance was very tricky. Mahirap sabayan iyong timing kaya hirap din kaming magawa iyon kaagad. The beat of the song is fast and complicated. Sa tagal ko nang member, kahit pa madaming nagsasabi na ang galing ko daw sumayaw, hindi pa din madaling magkabisa at mag-aral ng steps.
Kung alam mo nga iyong mga steps pero hindi mo naman masabay sa tugtog, wala din. Timing is very important. I can somehow relate it to life, kahit gaano ka perfect, gaano mo pinaghandaan iyong isang bagay, kung wala sa oras, hindi magiging maganda.
Or sometimes, akala mo hindi na maayos, hindi na magagawan ng paraan, but with a perfect twist of life, perfect turn of time, you’ll just be amazed at how things would work.
Pero ngayon, mukhang malayo pa kami sa timing.
“Na-s’stress na ko mga girls, ha! Mukha tayong may sari-sariling agenda! Nasaan ang synchronization?!” malakas na sabi ni Franch.
Siya kasi ang nagtuturo ng sayaw, take turn kami doon. Sa ibang sayaw, ako naman iyong magtuturo para hindi ma hassle. Pinag-aaralan namin iyon ahead of time para kapag may practice na ganito, tuloy tuloy na.
I chuckled and looked at my other org mates, hingal na hingal na sila.
“Water break?” I suggested.
Hinawi naman ni Franch ang medyo mahaba niyang buhok at pumayag. Franch tried to teach it slowly at halos isa-isahin na din kami para ma-gets namin. Natapos kami nang wala pa sa one fourth iyong kanta pero ubod na ng daming steps.
I went out after I gather my things. Dumako na ako papuntang locker room para makapagpalit ng damit. Wala nang tao nang magpunta ako doon dahil anong oras na din. I get my spare shirt tapos ay kinuha ko din iyong uniform na soot ko kanina para mauwi na.
Halos napatalon ako nang isarado ang pinto ng locker at bumungad sa akin ang naka ngisi na si Cupid.
“Ano ba!” sigaw ko at pinigilan ang sarili na hampasin siya.
Natawa naman ang hudas at tiningnan lang ako.
“Tapos ka na?”
“Obvious ba?” Inirapan ko siya, “Bakit ka ba nandito? Stalker ka ni Thalia? Creepy mo.”
“Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng admirer?”
“Sa gwapo lang ‘yon,” mabilis kong sagot at tumalikod na. “Kulugong ‘to.”
Sumunod naman siya sa akin pero hindi ko na pinansin at pumasok na sa restroom. I washed my face and changed my clothes. Tinali ko din nang maayos iyong buhok ko bago lumabas doon.
Hindi na ako nagulat na nandoon pa din si Cupid. Napakakulit ng lalaking ‘to.
“Kung kukulitin mo ako kay Thalia, tigilan mo.” I walked passed him, “Nandiyan pa iyon kausapin mo na.”
I heard his faint chuckles. Binilisan ko naman ang lakad ko. Nagulat ako ng mawalan ako ng balanse at dumulas iyong paa ko. I closed my eyes as I listened to my own yell of stupidity. Sumalampak iyong pwet ko sa sahig.
Napapikit ako ng madiin. I groaned as I felt the sting on my butt.
“Huy, ginagawa mo?” rinig kong tanong ni Cupid.
I felt his hand on my arms, holding me up. Masama ko naman siyang tiningnan. Hindi niya alam kung matatawa siya o magtatanong.
“Hindi mo manlang ako sinalo!” malakas na sigaw ko.
Lumabas naman iyong ngisi niya, pinipigil ang tawa.
“Aba malay ko. Nagmamadali ka kasi diyan.” He laughed and cleared his throat. “Nagulat nalang ako nawala ka na sa paningin ko.”
Hinampas ko siya sabraso dahil tawang tawa ang siraulo. Hinawi ko iyong kamay niya sa akin at tumingin sa paligid. Napaka tahimik ng corridor.
“Bakit ba kasi walang wet caution?! Pauwi nalang ako umiinot pa ulo ko!”
Pinagpagan ko iyong soot ko at pinulot iyong paper bag kung nasaan iyong damit ko. Cupid helped me and looked at me for a while after.
“Ayos ka lang ba?”
“Tinawanan mo lang akong gago ka! Tatanong ka pa diyan.”
He smiled wildly, tilting his head a little. Hinintay ko naman siyang magsalita dahil akala ko may sasabihin siyang matino.
“Kain tayong fishball.”
Umirap ako at napa buntong hininga, bago naglakad muli. Sumunod pa din naman siya sa akin ay bahagya pa akong sinisilip.
“Sige na. Sure akong gutom ka,” dugtong niya pa na inilingan ko nalang.
“May pagkain kami sa bahay.”
“Kami din.”
I glared at him and stopped. Nginisihan naman niya ako. Matagal pa akong tumingin nang masama sa kaniya. His polo is now open revealing his white shirt, pa cool masyado.
Naglakad na ako at nang makarating sa gate ay humarang siya sa aking harap. I looked up to lock my eyes with him. The sun is setting behind him. Nag tatalo ang kahel at bughay na kulay. His eyes look darker like the shade of the sky.
“Libre kita!” pang dedemonyo niya.
I twitch my lips, mabilis naman niya akong hinila sa palapulsuhan.
“Huwag ka na mag-isip,” he said.
Tumakbo siya kaya halos makaladkad na ako ng bisugo na ‘to.
Sa kanang bahagi sa labas ng campus ay nag kalat ang mga street foods, marami lagi tao doon pero dahil pa gabi na ay wala na halos estudyante. Cupid get a cup and handed it to me. Pati iyong stick.
“Ano ba gusto mo?” tanong niya bago humarap sa akin.
“Ako na,” I said and moved away.
Kumuha ako ng fishball, hotdog saka kwek-kwek- mi paborito. Nang matapos ay napansin ko ang tingin sa akin ni Cupid kaya nag angat ako ng mata. I raised my brows when he squinted his eyes on me.
“Ayaw mo pa sa lagay na ‘yan ha?” sabi niya, tinutukoy iyong kinuha ko.
I tried to stifle my smile, “Nag rereklamo ka?”
“Hindi.”
He put sauce on my cup, galing iyon sa may container. Ganoon din ang ginawa niya sa kaniya. Kaming dalawa nalang doon at si Manong na nagtitinda ay may pa sounds pa. Umuwi ka na baby- may pagsabay pa siya sa kanta kahit sintunado.
Nang matapos ako ay humarap na ako kay Cupid. Tinapon ko iyong plastic cup sa basurahan.
“Bibili akong soft drinks,” paalam ko habang sumusubo pa siya.
“Wait lang,” namumuwalan niyang sabi.
Sinubo na niya iyong last na dalawang kwek-kwek pa ata iyon. Iyong isa, nahulog at tumama sa polo niya. Muntik na ako matawa.
“Bobo naman,” I whispered.
“Hoy, nakaka offend ha,” sagot niya sa akin. Nanatili ang mata sa may mantya niyang t-shirt.
Natawa naman ako at inilabas iyong panyo ko.
“Oh, punasan mo.”
Ngumiti siya sa akin, iyong nawawala iyong mata. Ang creepy. Muntik ko nang i-smash iyong mukha niya.
“Thank you,” he smiled creepily again kaya umalis na ako doon.
Nagbayad pa siya kaya nauna ako sa sari-sari store doon. I bought two bottles of soft drinks. Nakakahiya naman baka sabihin niya makapal ang mukha ko. He jogged and went to me. Inabot ko na sa kaniya iyong drink nang dumating siya.
“Dugyot mo,” sabi ko nang tiningnan iyong polo niya.
“Bad mo sa’kin!” he sips on his drink, “Ang gwapo ko kaya?”
“Gwapong dugyot.”
“Ganda mo ha?”
“Thanks.”
Napangiti nalang ako nang sumimangot na siya at masama akong tiningnan.
“Gwapong dugyot?” takang tanong ulit niya bago kumunot ang noo. “So gwapo nga ako?” inilapit niya iyong mukha niya sa akin.
Hinarang ko naman iyong kamay ko saka tinulak iyong pagmumukha niya. Umirap nalang ako at nilagpasan na siya doon. Ang siraulo ang lawak ng ngiti habang sinisilip ako at naglalakad.
Siniko ko naman siya ng lumapit siya sa akin.
“Doon ka nga!”
“Gwapo pala ko ha?”
“Yuck ka.”
“Hindi na iyan tatalab sa’kin,” nakangisi niyang sabi.
Nang makarating sa terminal ng tricycle ay doon ko lang siya hinarap. Madilim na ang paligid. The lights around the post were now lit up. Pati iyong buong campus ay maliwanag na ang ilaw ngayon.
The night wind blows, hindi na gaanong mainit hudyat nang pagpapahinga ng araw.
“Una na ko,” mahina kong sabi. “Thanks na rin.”
“Parang napipilitan ka pa?”
Tumango naman ako, “Oo nga.”
He chuckled and guided me to the trike. Napalingon ako sa campus bago ako sumakay at nakita ko doon si Thalia na palabas. I turned my eyes on Cupid, who’s watching me.
“Si Thalia…” mahina kong sabi. Hindi naman nawaglit ang tingin niya. “Lapitan mo na!” I even flicked my fingers in his face.
“Ha?”
“Si Thalia ayun oh. Lapitan mo na.” Lumingon naman siya doon. “Chance mo na ‘yan kasi hindi talaga kita tutulungan.”
Bumaling siya muli sa akin.
“Sumakay ka na,” he whispered.
Napakunot naman ang noo ko.
“Mag b’bus iyon. Saan ka ba? Sabayan mo na,” pilit ko pa habang minamasdan ko si Thalia na naglalakad. Hindi naman kumilos itong nasa harap ko.
Lumingon ako sa kaniya.
“Ano?” tanong ko pa.
He blinked slowly and shook his head.
“Sumakay ka na.”
Hindi naman ako nakakilos dahil sumeryoso siya. Mabagal akong kumurap habang tinitingnan siya.
“Gabi na Psyche, sumakay ka na.”
I cleared my throat and looked around.
“Bahala ka nga,” mahina kong sabi at naglakad na.
I went inside the trike and sighed.
“Manong, ingatan niyo ‘yan ah!” Cupid sneaks a peek inside. Umirap naman ako. Feeling naman nito. “Bye Psyche!” He flashed his annoying smile.
“Umuwi ka na!”
“Yes, Ma’am!”
The following week we focused on the thesis titles proposal. Actually, kami lang ni Cupid and nag focus, iyong tatlo walang ginawa kundi ang mag bardagulan sa harap namin. Kung anu-anong sinasabi, lahat naman walang connect.
“Mama, saan iyong mga sabon nga?” sigaw ko habang binubuksan iyong mga cabinet sa may laundry room namin.
“Hinahanap iyon Psyche, hindi inaamoy!” medyo galit na sagot ni Mama.
Napabuntong hininga naman ako. Kanina ko pa nga hinahanap, Mama. Tumungtong pa ako sa may upuan doon para mahanap ng maayos sa matataas na cabinet.
Ngayon iyong alis namin ni Ares, at oo sasama ako. Buong linggo ako kinulit ni Ares doon at sinumbong pa ako kay Mama na ayaw ko daw silang kasama, kung hindi ba namang kalahating isip bata iyon.
Sa Casa Amara lang naman kami kaya medyo malapit lang din mula dito sa amin, mga two hours siguro. Ang dami naman public beaches dito kaya tinanong ko kung bakit private pa, overnight pala ang gusto ng mga timawa.
Maganda din naman sana itong getaway na naisip niya. Hindi ko nalang sila masyadong papansin para hindi ako ma-stress. Nahanap ko naman iyong sabon, nasa may drawer iyon malapit sa washing na sana kanina ko pa tiningnan.
I packed everything that I will need. Nang matapos ay nilagay ko na iyong bag ko sa sala at pumunta sa kitchen. Ang kinuha ko naman ay iyong isang eco bag ng snacks. Mostly, chocolate pero may junk foods din.
When I hear someone horning outside, hindi ko pinansin, sila lang naman iyon. Nagpakita na sa akin si Mama na galing sa paglilinis ata ng kwarto nila.
“Mag-iingat kayo doon ha! Bantayan mo iyong sila Ares,” paalala niya.
Napasimangot naman ako.
“Parang baliktad naman, Mama,” sagot ko.
Natawa naman siya sa akin.
“Sige na gumora na kayo! Text mo ko pag nandoon na kayo.”
I nodded and lend my hand to her saka ako ngumiti. Napailing naman siya at binigyan ako ng pera. Matapos noon kinuha ko na iyong mga dala ko.
“Bye Asha!” paalam ko sa kapatid na nasa sala at nanonood.
“Bye Ate! Umiwan mo ‘ko!”
Natawa nalang ako at lumabas na. Isang maliit na duffel bag ang dala ko saka iyong eco bag na foods. Si Cupid iyong nasa labas at nag hihintay, ngumisi siya nang makita ako. Pabalang ko namang binigay sa kaniya iyong eco bag na hawak ko.
“Aray ko naman. Ang aga aga, bad mood?” bulong bulong niya.
He opened the door, and I saw my adorable friends. Masayang masaya ang mukha nang mga kulugo. Seven-seater SUV iyong dala nila na pagmamay ari nila Ares, may nag d’drive din sa amin, kila Ares din iyon.
Yayamanin kasi iyang siraulong ‘yan. Siya iyong nasa front seat habang si Priam at Zeus at nasa likod. Kami ni Cupid iyong nasa gitna. Mabigat akong sumalampak doon nang makapasok. Sumunod naman sa akin si Cupid.
“Pahingi akong chichirya!” sigaw ni Priam.
Hinagis ko na sa kanila iyong dala ko. Kakatapos lang ng lunch, napakatakaw talaga.
“Kumain ka na?” mahinang tanong sa akin ni Cupid.
“Pangit ng linya mo,” bulong ko.
“Ha?” tanong niya nang hindi ako marinig.
“Hatdog.”
“Luma na ‘yan.”
“Mukha mo din.”
Napailing nalang siya ay sumandal na. Si Ares naman ay naka tutok sa kaniyang cellphone the whole time. Hindi naman ako nakatulog sa byahe dahil naaaliw ako kakatingin sa labas. Si Cupid iyong tulog, hindi lang ilang beses nahuhulog iyong ulo niya sa akin, gusto ko nang itapon palabas.
“Ano, hindi ka ba natulog magdamag?” irita kong sabi nang mapunta na naman iyong ulo niya sa akin.
He groaned. Ako din. Bwisit na ‘to.
“Dumiretso ka nalang ng higa!” Gusto ko man sumigaw, tulog din iyong nasa likod namin.
“Hindi ako kasya,” mahina niyang sagot. Niyakap niya pa iyong bag niya at umayos ng upo habang nakapikit pa din. “Ulo ako sa’yo?” He opened his eyes.
I rolled my eyes, “Asa ka. Doon ka umulo sa kabila.”
“Yung paa ko sa’yo?”
“Oo na. Wala naman pinagkaiba ‘yon.”
Tumalim ang mata niya. Hindi naman siya nag salita at inilagay iyong bag niya sa kabilang side at humiga. Walang hiya niyang pinatong talaga sa hita ko iyong paa niya. Bigat!
Kinuha ko iyong isang backpack na nandoon, kay Zeus ata ‘to. Nilagay ko iyon sa hita ko at inayos iyong paa nitong siraulong ito. Nang lumingon ako kay Cupid ay nakapikit na ulit siya. Umiling nalang ako at nilagay iyong earphone ko habang nagmamasid sa labas.
Sikat na sikat ang araw sa labas, kahit pa mapuno ang dinadaanan ay tumatagos pa rin iyong liwanag, creating a beautiful effect on sun rays. Maganda iyong resort, napunta na din ako dito noon kaya pamilyar na.
Magkahalong puti at bughaw ang exterior noon. Hindi rin naman siya kalakihan pero classy tingnan. The pool overviews the whole beach, elevated kasi ang lugar ng resort kaya mas lalong maganda iyong view.
Cupid carry my bag until we reach the lobby. Kinuha namin iyong susi ng mga room. Magkakasama silang apat sa isang malaking room at ako ay hiwalay sa kanila. Magkatapat lang din naman iyon.
“Akin na,” sabi ko kay Cupid, tinutukoy ang aking bag.
Nasa tapat na kami ng kwarto namin. He handed it carefully to me. Mabilis naman akong tumalikod at sinara ang pinto sa mukha niya. Natawa ako sa sarili habang iniimagine ang reaksyon niya.
The interior of my room was a mixture of white and caramel brown. Ang malaking kurtina ay lalong nakaganda ng loob, the bed sheets are white while the headboard was brown, may painting din sa taas noon.
May veranda doon na natatanaw ang dagat, sa gilid naman ay iyong pool sa baba. I lie on the bed and close my eyes. Hindi din naman atang masamang desisyon ang sumama. Dahil three pm palang naman, natulog muna ako.
Nang magising ay noon ko lang naalala mag text kay Mama. Nakita ko rin na may text si Ares sa akin na bababa lang daw sila. Pinuntahan daw nila ako kanina pero tulog ako. Napatingin naman ako sa pinto ko na hindi ko pala na-lock.
It’s past five na rin kaya naisipan kong mag shower at magbihis na. Nag soot lang ako ng isang simpleng denim tattered short saka black tank top. Gusto ko man mag t-shirt, kapag naligo ako ay hindi papantay iyong kulay ko sa braso at pangit na iyon kung may occasion na kailangan kong mag sleeveless.
Hinayaan ko lang nakalugay iyong buhok ko at bumaba na. Natagpuan ko sila Ares sa may pool. Nasa may lounge chair naman si Cupid at hindi pa basa. I sat on the chair beside him.
“Sarap tulog ah?”
I made face.
“Hoy Psyche tara na!” sigaw ni Zeus nang makita ako.
Hindi ko naman pinansin dahil nakatingin ako sa papalubog na araw. Hindi na siya masakit sa balat at mata. Unti-unti, ang dilaw na kalangitan ay niyayakap ng kahel. Ang ulap na puti ay humahalo dito.
“Psyche…” I heard Cupid called.
Mabagal kong ibinaling ang mata sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. He stared directly into my eyes, shifting on his seat to take a better look at me.
“Did you ever fall in love?” he asked.
I blinked my eyes at him, slightly amused and bewildered by his question. Suddenly, my heart beats twice its rhythm as I think of whatever love does mean.