Chapter 2
Phone
“Asha, bilisan mo!” sigaw ko sa kapatid na tinapos po ang paglilip tint saka lumabas ng bahay.
Napabuntong hininga nalang ako. Noong ten years old ako, may uhog pa ata ako noon. It’s Friday, and we’re going to Thalia’s house. Ngayon iyong birthday noong pinsan naming si Zeke, twelve na siya.
“Kaya ba today?” sigaw ni Mama na nasa driver seat na.
Natawa naman ako. Sumakay ako sa front seat matapos tulungan si Asha na makasakay sa likod. Tinabi ko rin sa kaniya iyong regalo namin.
“Gaganda niyo talaga, mana sa akin,” sabi pa ni Mama bago tumingin sa akin at kay Asha mula sa rearview mirror.
I smiled and shook my head. Nakasoot lang naman ako ng simpleng high waisted jeans and semi crop top black shirt. Hindi kita iyong pusod ko syempre. Mas komportable ako sa mga ganitong damit at puro ganito lang din naman talaga ang mga damit ko.
Marami nang bisita ng dumating kami dahil pagabi na iyon. May klase pa kasi ako kanina at hinintay pa ako nila Mama bago pumunta dito.
“Kuya!” bati ni Mama kay Tito Gardo nang salubungin kami nito.
“Buti naman nakarating kayo…”
“Mano po, Tito,” bati ko at lumapit para mag mano. Si Asha din ay ganoon.
Nag-usap agad sila Mama habang papasok kami. Hawak ko naman sa kamay si Natasha habang naglalakad doon. Nang matagpuan ng mata ko si Zeke ay mabilis akong ngumiti.
“Zeke! Happy birthday!” I came and crouched as I ruffled his hair. “Gift namin…”
“Thank you, Ate Psyche!”
Natawa naman ako. Asha greeted him at may hugged pa. Ang cute nila. Hindi na nila ako pinansin at nagyayaan na silang maglaro. Napalinga nman ako at hindi na natagpuan ng mata si Mama.
Saan naman ako ngayon pupunta? Wala naman akong kilala dito at hindi ko rin alam ang salitang sociable. Lalo na at puro bata naman ito. Hindi naman ako pwedeng sumali ng habulan sa kanila.
“Psyche!” someone called.
Nang lumingon sa kanan ay nakita ko si Thalia. Ngumiti ako at ganoon din siya. She’s wearing a sleeveless cream dress na bagay sa kaniya.
“Kadadating niyo lang?”
“Oo. Nasaan si Tita? Si Tito lang iyong nakita ko.”
“Nasa loob. Tara, kumain ka muna…”
Hindi na ako tumanggi dahil gutom na rin naman ako. She lead me in the garden, doon naka set up iyong mga pagkain. Sinamahan niya ako hanggang sa makakuha ako ng pagkain doon. The set-up was actually nice. Mixed of blue and black iyon. Madaming lobo sa paligid na mas nakakaenganyong tingnan para sa mga bata.
“Saan mo gusto? Nasa kitchen si Mama. Baka nandoon din sila Tita.”
Napatingin naman ako sa kaniya, “Sa kitchen nalang?”
Nangiti naman siya at tumango. Our relationship is like this. Nakakapag-usap naman kami kapag nagkikita kami. Hindi lang talaga kami friends. A friend is someone you can call in time of need. Hindi kami ganoong ka close para doon.
Sa mga friends ko, si Zeus na iyong pinakamatino. Kahit pa one fourth lang iyong katinuang taglay kumpara sa normal na tao. Iyong dalawa, mga two percent lang. Hindi pa sure.
Nag mano din ako kay Tita Amelia nang makita siya doon. Tapos ay pumunta siya ng sala dahil nandoon sila Mama.
“Nakabili ka ng ticket? Di’ba may concert si Shawn Mendes?”
Bahagyang nanlaki ang aking mata, “Pa’no mo nalamang crush ko ‘yon?” takang tanong ko.
Natawa naman siya, “Nakita kong wallpaper mo noong nag p’practice tayo para sa Heart Sparks.”
Napatango naman ako at sumubo pa.
“Hindi ako nakabili. Ang bilis na sold out. Pinagipunan ko pa naman ‘yon.”
“Really? Sayang naman…”
Sayang talaga. Inimagine ko pa naman iyon noon gabi gabi na nanonood ako ng concert niya. While he’s singing and smiling, ugh, ang gwapo kasi baka maiyak ako.
“Ikaw? Hindi ka ba fan ng kahit sino?” tanong ko dahil ayaw ko naman na puro lang siya ang nagsasalita.
“Fan ako ni Taylor Swift. Kung sa lalaki…” Bahagya pa siyang nag-isip, “Wala? Koreans siguro. Kilala mo ba iyong EXO? Hindi naman ako avid fan pero kilala ko silang lahat.”
I chuckled and nodded. Taylor Swift is probably everyone’s pick. Kahit ako naman. Iyong kahit hindi ka naman talagang fan na matatagwag, alam mo pa rin lahat ng kanta niya.
“Hindi ko kilala iyang EXO. Pero naririnig ko.”
Ginabi na kami doon dahil ang tagal makipag kwentuhan ni Mama kila Tito. Si Asha naman ang kinulit ko buong oras at nakisama nalang ako sa kanila ni Zeke. Nandoon din naman si Thalia pero ang awkward kung kaming dalawa lang.
Iyong nagiisip ka ng kung ano kaya ang pwede pang sabihin para lang hindi awkward? Ayoko nga ng ganoon. Hindi na dumaan sa antok si Mama pagkadating ng bahay at tulog agad. Natawa nalang ako at sinilip muna si Asha na tulog na din bago pumasok sa sariling kwarto.
I research our thesis the following weekend. Tiningnan ko muna ayoko iyong pwedeng studies kung saan hindi kami mangangapa dahil maraming related articles or studies, saka iyong familiar sa amin para naman hindi nakaka bored.
Nang mag Monday ay hindi ako late, isa sa mga limang beses na hindi ako late sa morning classes. Seven thirty kasi ang pasok at umagang umaga ay naghihintay na sa akin si Ares sa gate. Nakangiti siya sa akin ng malaki at nang makalapit ako ay binigyan pa ako ng hawak niyang sandwich.
“Good morning, Psyche!”
“Ano na naman?” tanong ko at kinuha iyong sandwich.
“Gusto ko lang malaman mo na kahit hindi mo ako favorite, ikaw forever kong favorite.”
Hindi ko nalang pinansin dahil wala naman kwenta ang pinagsasasabi niya. I’m sure kahit iyong mga sasabihin pa niya. Pumayag din naman kasi ako na si Mama ang magpunta sa guidance ngayon. Wala naman akong magagawa, kukulitin lang ako nito.
“Ayusin mo Ares ha. Hindi na talaga ako papayag sa susunod,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papuntang room.
“Oo nga. Kaso hindi ko naman kasi talaga kasalanan? Paano kung may ganoon ulit?”
“Tigilan mo na kasi ang pambabae!”
“Saksakin mo nalang ako,” malungkot niyang sabi.
“Tarantadong ‘to!”
Tumawa siya ng malakas kaya napalingon iyong ibang estudyante sa amin. I sighed and my bangs flew. Inayos ko ulit iyon.
“Good morning Psyche!” bati ni Priam nang makapasok kami ng room.
“Morning mga pre.” Zeus smiled annoyingly.
Naupo naman ako doon at isinabit ang bag sa gilid ng desk. Wala pa si Cupid, wala iyong bag niya sa table kaya malamang wala pa iyon.
“Present!” I heard his voice, “Hinahanap mo ‘ko ‘no?”
He tilted his head in front of me as he crouched. Inurong ko naman iyong ulo ko, muntik ko na siyang kutusan.
“Nahihibang ka ba?”
Tumawa siya bago umupo at humarap sa akin.
“May mga thesis title proposal ako!” He smiled at me.
Para naman pumalakpak ang tenga ko doon pero hindi ko pinahalata.
“Rinig niyo ‘yon mga pre?” lingon ko sa tatlong kulugo. “Kikilos.”
“Ang aga naman niyan Cupid!” reklamo ni Priam.
“Tutulong nalang akong pumili ng title.” Tumawa si Zeus at kumilos na paharap sa board.
Pumasok na kasi si Ma’am. Kumunot ang noo ko nang may ilagay si Cupid sa table ko na chocolate bar. Nanliit ang aking mata nang tumingin sa kaniya.
“Sobra iyong nabili ko,” bulong niya.
“Suhol kamo,” sagot ko na ikinangiti niya.
“Galing.”
“Ayaw ko pa rin.”
Tumango tango lang naman siya at nagpipigil ng ngiti. Napailing nalang ako. Lumingon naman sa akin si Ares mula sa paghahalungkat sa bag niya na wala namang laman.
“Uy chocolate! Kanino to galing?” He snatched it. “Pahingi.”
Napatitig nalang ako habang binubuksan niya iyon at pagkatapos ay kumagat. Nasaan ang manners doon? Hindi naman ako pumayag! Kung hindi ba naman isang malaking buraot ito.
Natahimik lang lahat ng magsimulang mag discuss si Ma’am. Business Finance ang subject kaya nakatitig kay Ma’am lahat. Nakatitig lang, ‘di mo sure kung may naiintindihan. Ako, slight lang.
“Ares, tumigil ka nga!” siniko ko siya habang inaayos ang pagkain na nasa harap ko.
Pagkatapos ng dalawang subjects, lunch na. Kinukulit niya kasi ako sumama sa ise’set-up nilang lakad. Baby shower daw para kay Cupid.
“Sumama ka na kasi Psy. I-s’straight natin iyang nakukulot mong bangs,” Segunda pa ni Priam.
Ang ingay ingay na dito sa canteen, dumadagdag pa sila. Kaliwa’t kanan iyong mga nag sisigawan at nagtatawanan. Isa na iyong grupo namin doon.
“Maganda ba doon?” singit naman ni Zeus.
“Oo nga! Nakita ko iyon online. Madaming reviews saka mura pa,” sagot ni Ares, tinutukoy iyong resort na gusto niyang puntahan namin.
“Sumama ka na,” bulong sa akin ni Cupid na nasa kaliwa ko, nakaupo sa center.
“Gagawin niyo lang akong yayang apat.”
“Hindi ah.” Cupid frown, “Sige, gagawin kitang prinsesa ko.”
Muntik ko nang itusok iyong hawak kong tinidor sa magkabila niyang mata. Sabay sabay naman silang natawang apat. Ni’try ko nalang kumalma dahil kung papatulan ko sila lagi, mamamatay ako sa high blood.
“Tawa ka ng tawa diyan, hindi ko patuluyin si Mama e,” bulong ko kay Ares.
Eksaherada naman siyang tumingin sa akin, “Biro lang!” malakas niyang sabi.
I made a face and rolled my eyes.
“Sama mo talaga!” dugtong niya pa at siniko ako.
Hindi ko naman inaasahan iyon kaya nawalan ako ng balanse. Hawak ko pa iyong kutsara ko at wala sa sariling pumikit, inaantay ang pagbati ng pwet ko sa sahig.
Hindi naman iyon nangyari. Sa halip, may kamay akong naramdaman sa aking braso. Nag-angat ako ng tingin at bumati sa akin ang mukha ni Cupid.
“Ayos ka lang?” nagaalala niyang tanong.
Napapikit naman ako bago umayos ng upo.
“Ares!” malakas kong sigaw.
Tumayo naman siya at lumayo sa akin.
“Hindi ko sinasadya!” sagot niya.
“Pero nakita ko talaga yung bwelo bago ka sikuhin Psy,” sumbong ni Priam.
“Akala ko talaga una mukha mo e. Lakas noong pwera,” ani Zeus.
“Hoy mga gagong ‘to!” dinuro niya pa iyong dalawa, “Sorry na! Hindi ko talaga sinasadya iyon,” nagpaawa face pa ang mokong.
Inirapan ko lang naman siya at hindi na pinansin pa. Kumakain naman ako ngayon pero hindi ko alam bakit feeling ko, nagugutom ako at napapagod? Ang lalakas ng tililing ng apat na ‘to.
Nagawi ang aking mata kay Cupid na mataman akong tinitingnan.
“Ano?”
“Ayos ka lang?” mahina niyang tanong.
Napakurap naman ako, “Oo. Thanks, though.”
I looked down and continued eating my food. Natahimik naman si Ares ng umupo sa tabi ko habang iyong si Priam at Zeus ay nakangisi sa kaniya.
Two subjects after lunch, ay lumabas ako ng room para magpunta ng guidance office. Nauna na doon si Mama at Ares dahil ngayon lang ako natapos sa pagsusulat. Hindi pa naman daw sila hinaharap noong counselor sabi ni Mama sa text.
Sa may pathway ako nagdadaan dahil umaambon. Lahat tuloy ng estudyante ay nasa pathway kaya masikip. Nagsisiksikan pa sa gitna dahil takot sa mga tumatalamsik na tubig na pumapatak mula sa bubong, dulot ng ambon. Mababasa kasi ang mga medyas kapag ganoon. Hindi rin magandang tingnan sa mga nakaputing sapatos.
Lumakas ng mabagya ang ambon hanggang sa naging ulan. Naging parang chocolate tuloy ang daan na hindi nalagay sa ref. Nagtakbuhan iyong mga estudyante na naglakas loob tumawid sa ambon at sumilong sa mga building na madaanan.
Mas lalong nag mukhang berde ang mga halaman, maging ang mga dahoon ng puno, marahil dahil sa tubig. Kapag maaraw kasi, alikabok naman ang pumapaligid sa kanila. Water drops on the plants in the pot making a mess around it. Halos mapuno na iyon na kung nakakapagsalita lang ang lupa, humingi na ng tulong.
“Mrs. Aragon, sinasabi niyo po na matalik ninyong kaibigan ang Mother ni Ares?” mahinahong tanong ng guidance counselor.
“Opo. Pasensya na po kung hindi siya ang nakaharap niyo ngayon. Naku, gustong gusto niya nga po kayong makausap tungkol dito sa anak niya kaya lang busy sa trabaho,” sagot ni Mama.
Medyo nagsisinungaling siya. Medyo, dahil hindi naman totoong busy si Tita pero totoong gustong makausap ni Tita itong guidance para sana kamustahin si Ares. Ayaw lang ni Ares. Mabait naman kausap itong guidance counselor kaya naging maayos naman ang lahat.
Akala mong maamong pusa itong si Ares habang nakikinig kami doon. Nang matapos na ay nauna nang umalis si Mama dahil may klase pa kami.
“Hoy ikaw Ares, mag tino ka ha. Alam kong hindi maiiwasan ang ganyan dahil gwapo ang lahi pero kalmahan mo lang,” huling sabi ni Mama bago umalis na ikina-face palm ko nalang.
Hininintay namin mawala si Mama sa aming paningin bago ako lumiko para bumalik na sa building. Pumunta naman sa harapan ko si Ares.
“I love you talaga!” sigaw sa akin ni Ares nang makaalis si Mama.
Akmang yayakap pa siya pero tinakbuhan ko na.
“Yuck ka!”
Hinabol naman ako ng kulugo. I ran nevertheless. Nang matanaw ang building namin ay nakita ko doon sila Cupid. Sa first floor lang kasi kami kaya madalas, section namin ang nasa labas. Lumingon ako sa humahabol pa rin sa aking si Ares na nakanguso pa.
“Ikikiss kita bilang thank you!” sigaw niya.
Nang makarating sa pwesto ng mga kulugo ay hinablot ko si Cupid doon. I hide behind his back. Lumingon naman siya akin na may ngisi.
“Cupid tayo ang partners!” sigaw ni Ares.
Humihingal naman ako habang nasa likod ni Cupid at nakahawak sa polo niya sa tagiliran. I shook my head to fix my bangs.
“Oh? Tapos na kayo?” rinig kong tanong ni Zeus.
Gumalaw si Cupid kaya sumunod ako.
“Ares sasapakin kita!” sigaw ko na ikinatawa niya.
“Hug nalang kita sige! Para quits na tayo,” sagot niya sa akin.
“Anong quits? Siraulo! Akala mo naman gusto ko iyang yakap mo?”
“Hala, nagkakandarapa nga sila sa’kin?”
“Dugyot mo kaya!”
Natawa si Cupid. Kahit hindi ko iyon nakikita at nararamdaman ko naman. I pinch his side, and he ouch. Ang arte.
“Tulungan mo na ako?” bulong niya sa akin.
“No,” I answered almost immediately.
“Ares, ito na oh.” Hinila ni Cupid iyong braso ko na ikina sigaw ko.
“Cupid!” I tried to get away with him and pulled my arms.
He chuckled. His dimples are showing as I glared at him. Ni try ko siyang sipain pero nakaiwas siya kahit hawak pa ako. Tawa siya ng tawa habang hindi ako binibitawan. Sa huli inikot niya ako habang hawak pa din ang aking kamay.
Nakapalupot tuloy sa akin iyon. I tried to wiggle, but he won’t budge. Tinulak niya ako at inupo sa may tables doon. Noon niya lang ako binitawan. He put his hand on the table and the backrest as he crouched.
He showed me his smirk, creating a perfect line from his nose to his lips. Ang lawak na nang ngiti ngayon.
“Huwag kang magalala, hindi kita ibibigay sa iba,” bulong niya.
Nanliit naman ang mga mata ko. He stared into my eyes. Hindi ko pa inintindi ang sinabi niya dahil bukod sa hinihingal ako natulala lang ako sa mata niya. Nang mapagtanto kung gaano siya kalapit at ang mga salita niya. Inurong ko iyong ulo ko at kumurap.
He noticed that, and he back away a little while he smiles faintly.
“Kailangan kasi kita.” He winked at me and stood straight.
Hinampas ko naman siya sa braso. He just laughed at naglakad na papunta kay Ares.
“Bili tayo!” sabi niya. Si Ares naman ay naka pout at nakaharap sa akin, “Pare parehas tayong mapeperwisyo kapag nainis ‘yan,” dugtong niya.
Napabuntong hininga nalang ako doon at sumandal. Sabay sabay silang nawala sa paningin ko kaya natahimik ako doon. I watched as students passed by me. Binabati ako noong ilan kong kakilala. Dahil member ako ng Heart Sparks, maraming students ang nakakakilala sa akin.
Nginingitian ko naman sila at kumakaway din.
Nang makapabalik iyong apat ay may dala na silang pagkain. Iyong tatlo ay may kausap na hindi ko kilala. Cupid hurriedly sat beside me. Umusog naman ako para magkasya siya kahit pa ayaw ko. Kinuha ko iyong dala niyang cream-o kahit hindi niya pa binibigay iyon sa akin.
Sinamaan niya ako ng tingin.
“Sakin ‘yan,” he said and raised the other food he has. “Ito sa’yo e.” Tukoy na sa lemon square cheesecake.
“Ayaw ko ‘yan.” I ripped the wrapper off the cream-o.
“Mahilig ka sa chocolate? Matamis?” Lumapit pa siya sa akin at tiningnan ako.
Wala sa sarili nalang akong tumango at kumagat noong bigay niya. Nang lingunin ko siya ay naka ngisi na siya sa akin. Iyong perfect set of teeth niya, mukhang pinagmamayabang pa.
“Nakita ko iyong story mo noong Friday,” salita ni Cupid matapos isubo nang buo iyong lemon square cheese cake na hawak niya.
“Hindi ko alam na finofollow mo ako?”
“Alam kong hindi mo lang talaga pinansin.” Masama siyang tumingin sa’kin, natawa naman ako. “I-follow back mo ‘ko!”
“Luh. Who you?”
He nudges my arm. I did the same.
“Sabi mo hindi kayo close?”
“Ni Thalia? Hindi nga. Birthday lang noong kapatid niya.”
“May kapatid siya? Ilang taon?”
“Twelve,” sagot ko. “Bakit ba kita sinasagot? Hindi kita tutulungan.” Pinanlakihan ko siyang mata at sinubo iyong pangatlo kong biscuit.
He opened the bottled water and handed it to me. Kinuha ko naman kaagad iyon at uminom. I made sure wala nang laman ang bibig ko nang humarap sa kaniya.
“Bakit ba kasi hindi mo nalang kausapin? Sakin ka pa nagtatanong?”
Matagal naman siya bago sumagot kaya humarap ako sa kaniya. Nakapatong ang kaniyang siko sa mesa habang nakadantay doon ang kaniyang ulo at nakatingin sa akin.
“Ano?”
He blinked and cleared his throat.
“Gusto ko, madami na akong alam sa kaniya kapag hinarap ko siya. Pa impress, ganoon.”
Napairap naman ako. “Walang maiimpress sa’yo, bulok,” bulong ko nang umiwas ako ng tingin.
“Narinig ko ‘yon!”
“Pinaparinig ko talaga.”
He chuckled, so I looked at him again.
“Nasaan na iyong thesis titles?”
Umaliwalas naman ang ngiti niya at hinugot ang cellphone sa bulsa. He tapped on it and handed it to me after. Nasa notes niya iyon nakalagay.
“May link diyan sa bawat title. Mga other studies na connected.”
I glance at him and back to his phone. Okay, masipag siya. Mukha din matalino. Mabuti na rin at may pang bawi.
“I-sesend ko sa’yo sa i********:,” mahina niyang sabi at maingat na kinuha sa akin iyong phone niya.
Tingnan ko naman siya sa mata. Nangiti siya.
“Dali na!”
“Paraparaan ka din e,” bulong ko at kinuha ang sariling phone. “Huwag mo kong i-chachat dito!” paalala ko sa kaniya dahil iisipin ko palang na pati dito ay mangungulit siya nalalagasan na ‘ko ng buhok.
I opened my i********: account and saw his profile with the username cupid. Finollow back ko iyon at nagpunta na sa messages. Na’send na niya kagaad iyong notes niya at ni copy ko naman at nilagay sa notes ko.
“Hoy ano ba yang pinag-uusapan niyong dalawa diyan?”
Napaangat ako ng tingin kay Zeus. Naniningkit ang kaniyang mata sa amin. I looked behind him and saw Ares and Priam talking to some other boys. Sinamaan ko naman ng tingin si Zeus.
“Secret. Bawal sa’yo.”
“Siguro iyong thesis, ano? Saan tayo lilipat na group?” ngumisi siya.
Napakawalang hiya din talaga nito.
“Hayaan mo na iyang si Priam at Ares. Wala naman silang ambag,” dugtong niya pa.
“Ay wow. Kakahiya sa’yo,” sagot ko.
Natawa naman siya at lumingon ng tinawag ni Ares. Kumindat pa siya sa akin bago umalis sa harapan ko. Tumakbo siya papunta sila Ares at sinutok ito sa tagiliran. Pero biruan lang naman iyon. Papatulan talaga siya si Ares kapag ginawa niya ‘yon.
“Sumama ka na sa Casa Amara.” Lumingon ako kay Cupid at kumunot ang noo.
“Doon ba gusto ni Ares?”
Tumango siya, hindi inaalis sa akin ang tingin. I shifted in my seat and turned to him.
“Hindi ako sasama kapag wala ka,” dugtong niya.