Chapter 1
Eggplant
“Gago ka ba?”
Napapikit siya na hindi alam kung matatawa o maiinis sa sagot ko. Ako, nagulat lang talaga. Pinag sasasabi nitong mokong na ‘to? I show him my annoyed face and walked past him. Sumunod naman siya sa akin.
Nang makarating sa faculty room ay mabilis akong pumasok at nakita si Mrs. Rigor, ngumiti naman ito sa akin as she handed me the papers.
“I’ll meet you in twenty minutes. I-d’discuss ko ito…” sabi nito na nginitian ko nalang at tumango.
Nang makalabas ako ng faculty ay nandoon pa din si Cupid at naghihintay.
“Huwag ka nang magsalita. Ipapakain ko sa’yo ‘to,” sabi ko tukoy sa mga papel kong hawak.
He went to me and I raised the paper ready to smack him, umiwas naman ang luko at iniharang ang kamay. Hindi ko naman inihampas at naglakad na palayo. He called me pero hindi ako lumingon. Isa pang malakas na tawag ay huminto na ako.
“Ingay ng kulugong ‘to!”
He ran and stood in front of me, tumatawa pa. Tinagilid niya ang ulo habang naka ngisi sa akin.
“Hindi mo muna ba tatanungin kung sino?”
“Hindi,” mabilis kong sagot. “Sa’yo nga wala akong pake, sa nililigawan mo pa kaya?”
“Iyang bibig mo talaga,” he hissed, and his shouldered slump back. Parang hindi na alam ano pa ang sasabihin sa akin.
“Bakit ba kasi ako? Hindi naman tayo friends and mind you, kakikilala lang natin kahapon. Isa pa, malay ko sa panliligaw? Doon ka kay Ares!”
Hindi naman niya ako tinigilan hanggang sa makarating kami sa room. Sinimulan ko na iyong pag susulat sa board kahit pa wala pa iyong iba naming classmates.
“Ano ‘yan, Psyche?” tanong nang mga nagsisidatingan.
Sinasagot ko naman sila na para sa PR at thesis ata. Reklamo na naman iyong mga tamad magsulat. Naiintindihan ko naman sila doon dahil kahit ako pagod na pagod na. Isusulat ko ulit ito sa notebook mamaya.
I sat down on my chair after I write everything on the board. Buti nalang ay hindi na sumobra pa iyon sa kaya ng black board namin. Ang hirap kasi iyong wala nang space tapos kailangan nang mag bura. Sabay sabay silang sisigaw ng wait lang. Feeling ko lang ang powerful ko no’n.
“Pst,” I heard Cupid.
Tanda ko na iyang boses niyang nakakadugo nang tenga.
“Ares, palit nga tayo.” Hindi ko na hinintay pa sa Ares at ako na ang lumipat sa upuan niya at saka siya tunilak papunta sa pwesto ko.
Nagtataka naman itong tumingin sa akin mula sa pagsusulat.
“Hindi uso ang excuse me?”
“Excuse me po!” I sarcastically said.
Inirapan naman ako ng walang hiya. Nagtatampo tampuhan pa rin sa akin dahil hindi ko daw siya favorite. Sarap ingudngod noong nguso niya sa table.
I saw Zeus stretch his hands, tapos na siguro. Lumingon siya at inayos ang upuan para nakaharap siya sa amin.
“Ba’t diyan ka nakaupo?” tanong nito sa’kin.
“May ulupong doon sa kabila,” mahina kong sagot.
He chuckled and Priam popped out his head.
“Hoy tayo grupo sa thesis ha!” sabi nito.
Noon ko lang napagtanto na groupings nga pala itong thesis. Wala pa naman sumasakit na ang ulo ko. Kung sila ang makaka group ko? Baka hindi ako maka graduate! Hindi naman siguro masama kung sa iba ako sasali?
“O bakit paring nag-iisip ka pa diyan? Hindi mo kami pwedeng iwan!” singit ni Ares.
“Basta ako, sasama ko sayo kapag lumipat ka ng grupo,” Zeus said while wiggling his eyebrows.
“Psyche, last na naman ‘to so gawin na natin ng sama sama,” mahinahon ang pagkakasabi ni Priam na para bang inuuto ako.
Hindi naman ako uto uto. Sa tagal ko silang kasama kabisadong kabisado ko na sila.
“Sana si Ma’am ang mag group,” sagot ko na ikinalaki ng mata nila.
“Bad ka talaga!” Ares even glared at me.
“Sasabihin kita kay Tita Claire!” Priam said pertaining to my Mama.
Napailing nalang ako. Nang dumating si Ma’am ay natahimik na kami. And as expected, pinaliwanag niya iyong magiging thesis namin. Maririnig naman ang mga mahinang daing noong mga classmates ko, kahit ako naman at lalo na itong tatlong kulugo sa paligid ko.
I glance at Cupid and saw him staring at our instructor while she’s discussing everything. Well, iyon siguro ang ikinaiba niya sa tatlong ito. Mukhang masipag.
Itong tatlong ‘to, hindi naman bobo. Walang gano’n. Ubod nga lang ng tatamad. Walang inatupag kundi mobile games! Pwera kay Ares na hilig may kasamang babae kapag naglalaro kaya sige, lahat dinedate.
“You can group yourselves into five members,” Mrs. Rigor said. My head fell dramatically. Narinig ko naman ang masayang yehey ng mga classmates ko at itong tatlo.
“Ako na mag l’list ng pangalan natin!” masayang sabi ni Priam, “Pahinging one fourth!”
Ares took my bag and get my paper there. Wala na akong nagawa dahil nag-iisip na ako kaagad kung paano ko gagawin ang thesis namin.
“Cupid, sa amin ka ha!” Zeus said na ikinaangat ng tingin ko.
Hmm…
“Syempre!” sagot nito.
I sighed slowly. May pag-asa naman ata kami sa thesis.
Kinabukasan, ganoon pa din naman ang nangyari at wala naman bago. Si Cupid, kinukulit pa din ako. Nakaupo ako sa isa sa mga table malapit sa quadrangle, kakatapos lang ng PE namin at iyong tatlo kong kaibigan ay naglalaro pa ng basketball.
It was a cloudy day. Ang luntiang mga puno ay humahalo sa kulay abong kalangitan. Hindi naman mukhang uulan, sadyang nagtatago lang ang araw sa makapal na ulap. The wind blows, making some leaves fall from the trees.
Dahil unang buwan ng taon, medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Dahilan kung bakit maraming estudyante ang nasa labas ngayon at nag haharutan, o iyong iba nag chichismisan. Kung mainit ngayon, walang mag tatangkang lumabas, mas okay sa room at may aircon.
Napayuko na ako at tinabunan ang mukha ng kamay, hindi pa man nakakaupo si Cupid sa harap ko. Natawa naman siya.
“Bakit ka ba badrip sa mukha ko?” tanong niya at umupo sa harapan ko.
“Ano na naman kailangan mo? Same answer lang ang sasabihin ko sa’yo. Ayoko.”
He smirked and handed me a bottle of soda. Naningkit ang mata ko at hindi iyon inabot.
“Sa’yo yan. Inumin mo,” utos niya.
“Malay ko anong nilagay mo diyan.”
Munting pa niyang mabuga iyong iniinom niya.
“Napaka sama mo talaga,” he said after. “Sige tingnan mo. Hindi pa naman bukas ‘yan!”
I slowly reached for it and opened it while squinting my eyes at him. Okay hindi pa nga nabubuksan.
“Hindi pa din kuta tutulungan,” sabi ko at ininom iyong bigay niya.
Kahit inis ako sa kaniya, libre pa rin ito kaya huwag tatanggi. Nanatili naman ang mata niya sa akin kaya nag taas ako ng kilay. Wala naman siyang sinabi. He tilted his head and looked intently in my eyes.
“Ano?” bulyaw ko.
“Ayaw mo talaga malaman sino muna?”
“Ayaw ko nga.”
“Si Thalia,” sagot niya na kaagad ikinalaki ng mata ko.
Tiningnan ko siya para siyang may dalawang ulo. Nangiti naman siya sa reaksyon ko, hinihintay akong magsalita.
“Infairness may taste ka.” Tinakpan ko iyong iniinom ko at hinawi iyong bangs ko.
Hindi ko alam bakit napabuntong hininga siya.
“Close kayo?” tanong nito.
I licked my lips and looked away. Hindi kaya napapagod itong mga nag s’soccer? Namamangha pa din ako sa mga players noon dahil hindi sila nadadapa kahit paa lang ang ginagamit?
“Mag pinsan kami,” sagot ko at bumaling muli kay Cupid.
Naabutan ko naman siya na bahagyang nanlaki ang mata. Tinitigan ko siya, binabasa ang reaksyon.
“Anong mukha iyan?”
Napailing siya, “Hindi halata,” sagot niya.
Napadiretso naman ako ng upo, “Ano naman ibig mong sabihin?”
He smirked.
“Ibubuhos ko sa’yo ‘tong iniinom ko, ayusin mo.”
He laughed. Umiling pa siya saka nag lean sa table upang mapalapit sa akin.
“Mas okay pala. Kayang kaya mo akong tulungan,” he whispered.
Napairap na ako. Napakakulit naman talaga. Kahit si Thalia pa iyan, wala akong maitutulong!
“Hindi kami close!”
“Magkasama kayo kahapon,” sagot niya, parang hinuhuli ako.
“Kahapon mo lang nakita, liligawan na agad?” tanong ko matapos maalala na tatlong araw palang siya dito.
“Selos ka?”
“Yuck!”
He chuckled, “Kaya nagpapatulong sa’yo. Ano, hindi ko muna liligawan? Tulungan mo muna ako kung anong dapat kong malaman sa kaniya?”
I stared at him while he explains. Nagiisip pa ng kung anong dapat gawin.
“Sabihin mo sa akin kung anong mga gusto niya? Ilang taon na siya, saka ano bang strand niya? Anong tipo niya sa lalaki?”
Magsasalita pa sana siya ng iharang ko ang aking makay sa mukha niya.
“Wala akong sinabing tutulungan kita.”
Umarte naman siya na parang malungkot. Hindi ko alam kung natatawa ba siya, naiinis o nag eenjoy na kulitin ako.
“Mapapapayag din kita!”
“Asa ka,” bulong ko.
I stood up when I saw that it’s almost past our free time. Nakita ko na rin sila Ares na papuntang gym. Mag bibihis na siguro. Sumunod sa akin si Cupid nang tumayo ako at maglakad na kahit pa todo ang iwas ko sa kaniya.
Ang sakit niya sa bangs.
Hindi ko naman maiwasang isipin iyong sinabi ni Cupid kahit maka uwi na ako sa bahay. Thalia is indeed beautiful. Marami ang nag kakagusto sa kaniya sa grade level namin o kahit pa nga iyong lower level.
Isa pa, mabait din iyon at pala kaibigan kaya talagang pumipila ang manliligaw. Hindi ko na masisisi si Cupid kung na love at first sight siya ang kaso, wala talaga siyang mapapala sa akin.
Nakangiti akong pumasok ng bahay lalo na nang salubungin ako ni Asha. Nakababata ko siyang kapatid. She’s only ten, I’m seven years older than her.
“Ate! May uwi ka ba?” nakangisi niyang tanong.
Nakasanayan ko na iyan. Kahit naman bilhan ko lang ng candy sa labas ito ay basta may uwi ako, tuwang tuwa. I ruffled her hair and bring out a chocolate bar I bought at the convenience store near our school.
“Thank you Ate!”
I chuckled, “Si Mama, nasaan?”
“Ah nandoon sa kusina. Kausap si Tita Amelia. Birthdday ni Zeke sa Friday di’ba?” sabi niya habang sinisimulan nang kainin iyong chocolate na hawak.
Ezekiel is Thalia’s brother, matanda ng dalawang taon kay Asha. Magkapatid si Mama ko at Daddy ni Thalia at dalawa lang silang anak. Pero kahit ganoon, hindi naman kami madalas nakakapag kita kita. Kapag may okasyon lang.
I sat at the sofa and put my bag beside me. Napagod ako doon. Iyong PE kasi namin, amazing race. Hindi ko na matandaan ang paliwanag ni Sir kung bakit amazing race ang PE namin ngayong semester.
“Aking unica hija! Nandito ka na pala!” bati sa akin ni Mama.
Napalingon naman ako sa kaniya. I smiled and shook my head. Si Mama yata iyong tipong hindi nawawalan ng energy. Sinasabi naman nila Tita Pia, Ares’ Mom, na hyper na si Mama noon pa man. Siya iyong palakaibigan sa kanila grupo. Iyong laging reason ng katatawanan nila.
Hindi kasi mahiyain si Mama. Kung anong sabihin mo gagawin. Talented din siya na masasabing kong namana ko, hindi naman ako mahiyain, sakto lang. Pero hindi ako kasing confident niya.
“Anong mirienda, Mama?”
“Paborito mo! Double chocolate muffins. Bagong lipat kasi iyong kapit bahay natin diyan kaya naisipan kong bigyan,” masayang kwento ni Mama.
Naka focus naman ako sa muffins na gawa niya. Paborito ko talaga ito. Sa totoo lang, mahilig talaga ako sa matatamis. Kay Mama ko rin siguro na mana iyon. Mahilig din si Mama mag bake and may alam naman ako pero hindi ako kasing galing niya.
“Iyong bagong bahay sa tapat sa bandang kaliwa?” tanong ko sabay kagat doon.
“Oo iyon nga. Kaso iyong maid lang ang nadatnan ko. Wala daw iyong amo niya.”
I helped Asha sat on the high stool and looked at Mama again.
“Sarap ‘Ma!”
“Ako pa ba?”
Natawa ako at hinarap naman siya si Asha. Si Papa ay nasa Manila dahil may project iyong firm nila doon. Engineer kasi si Papa. Noong two years kaming umalis dito, sa Iloilo kami tumuloy dahil iyon ang pinakamatagal niyang naging project, since may bahay naman kami sa Iloilo doon kami muna tumira.
Bumalik lang kami dito Cittá de Lupo sa Batangas nang matapos niya iyon. My mother love Batangas so much kaya noong tinanong niya si Papa kung gusto nalang namin manatili sa Manila, ayaw ni Mama.
“Kamusta iyong school mo? May homework ka ba?” tanong ko kay Asha
“Meron, Ate pero natapos ko na kanina. Madali lang naman.”
Tumango naman ako at kumuha ng tubig sa ref. Madalas kong tinutulungan si Asha kapag may homeworks siya. Ayaw ko naman na si Mama pa ang gumawa noon dahil kaya ko naman at nag eenjoy ako.
Minsan hindi ko na natatandaan iyong mga inaaral niya. Napapaisip ba ako kung tinuro ba iyon sa amin noong nasa grade five ako.
Nang matapos kumain ay pumanhik na ako sa kwarto ko. I took a shower and change my clothes. Nang matapos ay humarap ako sa salamin doon. Iyong wavy kong buhok ay buhol buhol habang sinusuklay ko, gusto kong murahin ang sarili dahil ang sakit noon sa anit.
Nang matapos ay iyong mga rekutitos ko naman sa mukha ang nilagay ko. Hindi na uso ang natural na ganda, inaalagaan dapat iyon. Lalo na sa Pilipinas na talaga namang huhulas ka kahit ano pang ganda mo.
I maintain my hydrator and serum. Iniiwasan ko tamarin dahil baka kung anu ano ang tumubo sa mukha ko, araw araw ko pa namang kaharap ang chalk, mahirap na. Tinapik tapik ko pa iyong mukha ko nang matapos.
I have big eyes at iyong itim sa ilalim noon ay hindi magandang tingnan. Ang dami naman kasing gawain nitong mga nakakaraan. My straight cut eyebrows are to die for. Asa. Pang karaniwan lang iyon. Hindi naman makapal iyon o manipis, ni b’brush ko lang din tuwing pumapasok ako.
Lastly, I put moisturizer on my lips. Iyon talagang masasabi kong asset ko. Intangible sa ngayon dahil wala pa talaga nakakahawak nito kundi ako. They said I have pouty lips. Agree din naman ako, medyo heart shape din iyon dahil malalim iyong hukay noong nasa ibabaw ng lips ko. Hindi ko alam anong tawag doon.
Kinabukasan, hindi ako late. Ten o’clock na kasi ang pasok at nakakahiya naman kung ma lalate pa ako. I sat Beside Ares as usual. Typical day lang naman iyon not until Ares told me something before lunch.
“Sige na Psyche…”
Napapikit nalang ako. Hindi ko alam kung bubulyawan ko pa ba siya pero pare pareho lang naman ang sinasabi ko kapag nangyayari ito at kahit ako ay naririndi na sa sarili.
“Last na ‘to promise!”
“Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo nang sinabi ‘yan. Bwisit ‘to!”
He held my forearm tighter. Hinila hila niya pa iyon.
“Mapapatay na talaga ako ni Mama.”
“Ako rin,” I smiled sarcastically pero ang luko, nag pout lang.
Pinapatawag na naman siya sa guidance. Unang beses para sa second semester at hindi ko naman bilang kung pang ilan ito ngayon school year!
“Ano na naman ba kasi iyang ginawa mo?”
He sighed and groaned a bit.
“Iyon nga. Hindi ko naman kasalanan pero bakit laging ako iyong na g’guidance?”
“Ano nga kasi?” I crossed my arms, “Pwede bang ma-guidance ng walang kasalanan?”
“Iyong babae nga. Iyong last. Habol kasi ng habol. Kahit sinabi kong ayaw ko na. Ayun, pinag tripan ata noong ibang may gusto sa akin.”
Tumaas naman ang aking kilay.
“Tapos?”
“Balita ko, binato ng itlog.”
My mouth opened, and my eyes widen. Napatitig ako sa kaniya. Walang hiya talaga itong hinayupak na ‘to!
“Balita mo?!” hinampas ko siya sa braso, “Parang hindi ka pa interesado ah? Kasalanan mo ‘yon!”
“Hindi nga! Ako ba iyong nang bato?”
Gusto ko nalang mapasabunot sa buhok. Napapatingin na iyong mga dumadaan sa amin pero sinasamaan ko lang ng tingin. Mga chismosa naman.
“Bahala ka diyan!”
Umalis na ako doon at naglakad papuntang canteen. Kawawa naman iyong babae! Kahit medyo nakakainis dahil sinabi nang huwag nang maghahabol kapag ganoon, hindi niya deserve iyon!
Ito namang si Ares, sarili lang din iniisip. Ang gusto niya ngayon, si Mama ang pumunta dito sa school para kausapin iyong guidance councilor dahil pudpod na yata iyong tsinelas ni Tita kapupunta dito.
“Mas kulubot pa dito sa tortang talong iyang mukha mo,” rinig kong sabi ni Cupid nang makaupo kami sa table.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Siraulo.
“Sige, galingan mo.” I smiled at him annoyingly.
“Joke lang. Sige ito, sa’yo na ‘tong pagkain ko. Ano na naman ba ang problema?” malumanay na tanong ni Cupid.
“Hala gago ata to,” bulong ni Priam habang nakatingin kay Cupid na mukhang tanga.
Nilalapit sa akin iyong pagkain niya pati iyong upuan niya na parang bata niyang inuusog palapit sa akin at nakangiti na parang payaso. Unggoy na ‘to.
I smack my handkerchief to his forehead. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya inirapan ko.
“Si Tita Sally nalang!” suhestyon ko kay Ares na nakasimangot. “Hoy Zeus sabihin mo kay Tita pumunta sa guidance dahil kailangan ni Ares!”
“Na naman?” sagot nito.
Natawa si Priam habang ngumunguya nguya doon.
“Kailan ba ‘yan? Kaya pala mukhang tumanda na naman si Psyche nang sampung taon,” pang iinis pa ni Priam.
“Grabe, Priam. Ang ganda kaya ni Psyche?” singit ni Cupid sa tabi ko.
Napapikit nalang ako at napasabunot sa buhok. Lord bakit? Anong powers ba ang mayroon ako at binigyan niyo ako ng apat na problemang may ulo?
Humalakhak na si Zeus sa reaksyon ko. Si Ares ay nakanguso habang nagmamaka awa ang tingin sa akin. Si Priam iniinis si Ares at tinutusok tusok iyong tagiliran.
“Grounded ka na naman mga one month!” sabi nito.
Noong mga bata kami, nag eenjoy pa talaga ako sa kalokohan at kakulitan nila. Lalo na iyong mga katarantaduhan nila pero hang tumatagal, ikinakasakit na talaga ng ulo ko. Pero kahit ganoon, kaibigan ko pa rin sila. Kulugo man sa buhay ko, hindi ko naman matitiis.
“Psyche, huwag mo na pansinin iyang si Ares. Sa akin ka nalang mag focus…” Cupid whispered, giving me innocent smiles.
Pinasak ko sa bibig niya iyong tortang talong.