Part 11

1103 Words
TALLY POV Magkaharap kami ngayon ni katty dito sa may kusina, sa katapat kong bangko sya nakaupo Pinapasok ko sya dito sa loob dahil kung sa labas ko sya kakausapin baka mapapagkamalan pa akong baliw ng mga tao sa labas, kasi nga sabi ni harley multo ito pero kailangan ko muna I-confirm kung totoo syang ghost kahit may patunay na multo sya "Maging honest ka nga, sino ka ba talaga? madami namang ibang tao dyan bakit sa akin ka lumalapit?" sunod-sunod ko na tanong sa kanya "Sana hindi ka mabigla, ikaw lang ang malalapitan ko dahil ikaw lang ang nakakakita sa akin, kaluluwa nalang itong nakikita mo tally, multo ako, remember nung una tayong nagkita sa may park hinusgahan mo ako nun dahil hindi ko tinutulungan yung ale, gusto ko syang tulungan pero wala akong magawa, at dahil nakikita mo ako nun nagkaroon ako nang pagasa, gumawa ako ng paraan para makalapit sayo, na kailangan ko pang mag pretend na normal ako, na tao pa ako, lalo na't nahahawakan mo ako sa di ko alam na dahilan, hindi ko din ginusto na magsinungaling, dahil ayaw ko din sa sinungaling at masamang tao" Naalala ko yung sana park, grabe pa ang inis ko sa kanya that time, tama si ate baka may reason kaya nagawa yun at yun nga ang dahilan. "Magkwento ka kung pano ka napunta sa ganyan, pano ka namatay" chismosa ako eh "Alam kong mabigat na pabor ang mahihingi ko sayo, nagmamakaawa ako sayong tulungan mo ako, gusto kong malaman kung nasaan ang pamilya ko gusto ko silang makita, nang magising ako, nasa tabi ako ng kalsada wala akong maalala kung bakit ako nandon, hindi ko maalala kung ano nangyari sa akin, hindi ko din alam na patay na pala ako nun, tanging pamilya ko lang naaalala ko, nung umuwi ako sa bahay wala doon ang mga magulang ko, at doon ko lang nalaman na patay na pala ako noong nakita ko ang picture ko katabi ng ashes jar na may pangalan ko na nakaukit dito, hinanap ko na sila kung nasaan sila pero di ko mahanap, yung mga nakakakilala sa magulang ko di naman ako nakikita at gusto ko din mahanap kung sino ang nakapatay sa akin, gusto kong managot sya sa naging kasalanan nya, katotohanan ang magpapalaya sa alin, kaya siguro hindi matahimik ang kaluluwa ko at nandito pa din ako sa mundong ito" "Paano kung ayaw ko?" "Mumultohin kita lagi, hanggang sa pumayag ka" "Look, Suntok sa buwan ang gusto mong mangyari, magulang mo nga hirap mong mahanap ako pa kaya, tiyaka saan ko naman hahanapin yung pumatay sayo, eh mukang di mo pa ata kilala kung sino, di mo nga alam kung paano ka namatay, ikaw at yung tao lang na yon ang makakalutas nyan, either matandaan mo ang itsura nya at saka palang kita matutulongan dyan, or yung tao mismo na yun ang susuko dahil sa nagawa nyang krimen" "Kung matutulungan mo ako, atleast 1 % na chance magkakaroon" "Ano naman ang magagawa mo para sakin, wala ng libre ngayon" "Maglilinis ng bahay mo, taga laba mo, aalagaan ka pag may masakit sayo" "Sira eh multo ka pano mo yun magagawa aber" "Alam mo, hindi ko din alam kung bakit nangyari yun kapag kasama kita nahahawakan ko ang mga bagay bagay pati nga ikaw, like nung pinatira mo ako dito sa bahay mo, sa way ng pagkain ko, sa pagligo, pero hindi parin talaga sya yung normal tulad nung buhay pa ako, hindi ko yun nagagawa kapag ibang tao ang kasama ko, kaya please tulungan mo ako" "Okey sige na nga" "Talaga!!!salamat, tyaka dito na din uli ako titira" at kasing bilis ng kisap ng mata ang bigla nyang paglapit sa tabi ko at niyakap ako sa sobra nyang katuwaan "Hepp, Eh diba may bahay kang iyo" inilayo ko sya sa akin tyansing din tong multo na ito "Dito na muna ako ang lungkot don" "Malay mo bumalik don parents mo" "Pwede ko naman dalaw dalawin yung bahay namin" "Bahala ka na nga, ay teka about pala don sa pag cocosplay mo" "Hindi totoo yun, nakauniform siguro ako nung namatay ako yun na kasi damit ko pagkagising ko" "Eh bakit di ka nagpalit ng damit nung umuwi ka sa inyo" "Hindi pa kita kilala non, tiyaka Sabi ko nga kapag kasama lang kita saka ako makakahawak sa mga bagay bagay" "May kasalanan kapa sa akin, yung huling pagkain na iniwan ko sayo bakit mo tinapon, bakit di mo kinain, maraming di nakakain sa mundo, pero paano ka pala nakakakain kung multo kana?" " nagpretend lang ako na kumakain non dahil baka magtaka ka pero hindi ko talaga yun nakakain, yung ginawa mo tulad lang ng mga alay na pagkain sa mga nasa sementeryo" "Sayang pala yung mga pagkain" "Pasensya na" "Sa susunod okey lang pala na hindi kita pakainin mas makakatipid pa ako" "Ayos lang sa akin basta tulungan mo lang ako" "Dyan ka padin matutulog sa sofa" at umalis na ako sa kusina matapos namin magusap at pumasok na ako sa kwarto ko saka humiga sa kama, magtutulog na din ako Mga ilang minuto pa ang nagdaan ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok, nagugulo na nga ang bed sheet ko dahil panay ang galaw ko dahil sa humahanap ako ng mas komportabling posisyon para mas mabilis akong makatulog ngunit hanggang ngayon wala pa din. Hay, bumangon ako sa pagkakahiga at muling lumabas ng kwarto, sa paglabas ko napadako ang tingin ko sa sofa, nakahiga ito ng patagid at nakabaluktot, nilalamig din pala ang multo sabi ko lang sa aking sarili, pumasok muli ako sa kwarto ko at kumuha ng extrang kumot at unan tapos lumabas na daladala ang aking kinuha, lumapit ako kay katty at dahan dahan kong inangat ang kanyang ulo saka ko nilagay sa ilalim ang unan na dala ko, maingat kong binaba ang kanyang ulo sa unan, pagkatapos yung kumot naman ang pinatong ko sa kanyang katawan Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin, bakit kita na hahawakan gayong multo ka na, akala ko dati ay parang hangin lang ang mga multo na hindi nahahawakan Anong paraan ang gagawin ko para matulungan si katty sa nais nya, bakit kasi pumayag pa ako sa kanya tuloy na iistress ako ngayon. Pumasok na ako sa kwarto ko at sumampa sa kama ko, sumandal muna ako sa headboard ng kama. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at ear buds, nilagay ko sa tainga ko ang ear buds at kinonect sa phone ko, nagplay ako ng chill music at pumikit Mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng pagkaantok kaya nahiga na ako? ★★★★★
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD