TALLY POV
"Anong name ng parents mo sa social media, baka sakaling may mahanap tayong info kung nasaan sila?" Magkatabi kaming nakaupo ni katty dito sa couch, nakatutok ako sa laptop na nakapatong sa mga hita ko,
"Si papa ay Keit Torrez, Si mama ay Renna Torrez" agad naman akong nag type sa f*******: at madaming lumabas na mga pangalan at ibat ibang tao
"Look sino dito papa mo" iniharap ko sa kanya ang laptop ko
"This one" turo nya sa isang lalaking nakaupo sa isang batong bangko
Pinindot ko agad ang tinuro nyang account at ini-stalk ito. Ngunit wala akong makitang info kung nasaan sila
"3 month ago pa ang last post ng papa mo at wala akong makitang info kung nasaan sila ngayon, nagbasa din ako ng mga comments sa post nila dahil may nagtanong kung nasaan sila ngunit wala itong sagot"
Sunod kung hinanap ang mama nya ngunit mas malabo pa ito dahil sa naka private ang account nya
Naisipan kong i-private message sila ngunit hindi ba weird na sabihin na kasama ko ang kaluluwa ng anak nila baka isipin nila na baliw ako, pero kailangan din sila ng anak nila para sa hustisyang hinihingi nito
Nag message pa din ako sa kanila, kung talagang may paki sila sa anak nila tutulungan nila ito.
*****
'Boogg' agad akong napalabas ng kwarto ng marinig ko ang tunog na parang may nalaglag
"Hey what happen?"
"Sorry" at don ko lang nakita ang mga platong nakakalat sa sahig at mga basag na
"My gosh katty, wala na tayong kakainan nyan"
"May mangkok pa don, pwede naman gamitin muna yon tiyaka ikaw lang naman mga gumagamit nito" pinagpapatuloy muli nya ang mga hugasin nya
"Hindi ka kasi kumakain eh, linisin mo yan pagkatapos dapat walang matirang bubog dyan"
"Okey po kamahalan" pagharap nya sa akin may hawak pala ito baso at muli na naman nalaglag
"Ay sorry" napahawak nalang ang kamay ko sa mukha ko, diyos ko naman
"Alis na nga dyan ako ng tatapos baka wala kanang itira sa gamit ko"
Kumuha muna ako ng dash pan at walis, winalis ko muna ang mga nabasag sa sahig tiyaka ko tinapon sa basurahan, nang masiguro kong wala ng mga bubog, sa lababo naman ako humarap at tinapos ang mga hugasin
Lumabas na ako sa kusina at sa sala naman ako pumunta, wala si katty nang maabotan ko ang sala, saan naman kaya pumunta ang alaga kong pusa
Naglakad ako papuntang balcony, binuksan ko ang glass door at lumabas ako, doon ko naabotang si katty na nakabilad sa araw
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya
"Nagbabakasakaling maramdaman ko muli ang init ng araw, kahit napaka-imposible" sagot nya sa akin na hindi man lang akong binalingan ng tingin
Nilapitan ko sya at nakita ko na nakapikit ang kanyang mga mata
"Bakit?"
"Manhid na ang nararamdaman ko"
"Maski sa lamig?"
"Oo"
so hindi pala sya nilalamig kapag nakabaluktot sya sa sofa ganon lang siguro sya matulog
Lumapit pa ako sa kanya at doon naisip na pinisil ang tainga nya
"Aaaaaarayy anoo baaa bitawan mo nga tainga ko" hahaha kala ko manhid din sya sa kurot
At tiyaka ko binitawan ang tainga nya
"Akala ko ba manhid ka"
"Sa init ng araw at sa lamig lang"
Umalis na ako sa tabi nya, kung sya manhid sa araw pwes ako hindi, sobrang init sa balat, mabilis akong pumasok sa loob ng bahay
Umupo ako sa couch at binuhay ko ang tv, naghanap ako ng pwede kong mapanood sa Netflix, nag decide akong panoodin ang space sweeper mukang maganda ito pogi yung actor eh.
Posible kayang mangyari yun sa totoong buhay na kailangan nang lumipat ng ibang planeta or sa artificial planet dahil sa sirang sira na ang earth
Tutok ako sa pinapanood ko nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko.
"Nainitan ka na ba?" Baling ko sa kanya
"Hindi"
"Bakit ba gusto mong mainitan"
"Gusto kong mafeel lang"
"Sobrang init ng panahon today"
Natapos na ang pinapanood kong movie, maganda naman ang nangyari kaya Worth it panoodin
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa kusina, kumuha lang ako ng 2 piattos at muling bumalik sa sala dala ang favorite kong piattos, sa puwesto ko ulit kanina ako umupo
"Gusto mo?" tukoy ko sa piattos na dala ko
"No thank you, im not into junk food"
"wala ring kwenta ang pag aalaga mo sa sarili mo kung kaluluwa kana"
"Hoy kailangan ipagsigawan, sayo na yan"
"Sure ka ayaw mo?"
"Oo nga"
"Okey, mas okey wala akong kahati"
"Saya ka na nyan"
Sa palabas ko na muli tinutok ang attention ko at sa chips na kinakain ko.
Mayamaya pa ay natapos na ang aming pinapanood.
Nakakasawa na ring manood lang ng mga movies
Naboboring na ako dito, ano kaya pwedeng magawa
Binalingan ko nalang ang katabi ko
"Hey kitty-"
"Its katty"
"Ilan taon kana?"
"Why?"
"Para alam ko kung sino mas ahead sa atin"
"Sa pagkakatanda ko im 18"
"Mas ahead ako sayo ng 1 year, im 19 na"
"Saan ang school na pinasukan mo"
"Sa KR University"
"Ah same pala kayo ng ate ko ng pinasukang school"
"San pala pamilya mo?"
Napatigil ako sa tanong, handa ba akong sabihin sa kanya tungkol sa pamilya
"Its okey lang kung di ka comportable na sabihin"
"No" multo naman sya kaya okey lang
"Si ate nasa cavite, sa mismong bahay namin sya nakatira sa ngayon, may sarili na din kasi syang clinic doon, Yung parents ko hiwalay na sila si papa nasa manila sya, isa syang aerospace engineer sa isang airlines, kaya kung ano man yung status ng buhay ko ngayon sya yung dahilan, si mama nasa canada, kasama ang bago nyang pamilya" nalungkot ako sa mga nangyari sa pamilya, hindi na din ako aasa na mabubuo pa kami
"Ano bang nakita ng mama mo sa bago nyang asawa na wala sa papa mo?"
"Yon yung boyfriend ni mama talaga, base sa kwento nag away daw si mama at yung bf nya non kaya nagpaka wasted si mama sa paginom sa bar, at doon sya nakita ni papa dahil sa kalasingan nila pareho may nangyari sa kanila at nabuntis si mama, dahil nalaman ni papa na buntis ito, pinanagutan nya si mama at nagpakasal nga sila. Si mama isa syang registered nurse, hanggang sa may nag sabi sa kanya na mas malaki ang kita sa canada kaya nag apply ito at natanggap sya, para sa kanya malaking opportunity ito kaya di na nya pinakawalan, highschool pa ako non nang umalis sya, at doon nya muli nakita ang dati nyang boyfriend dahil mas mahal nya pa pala ito iyon ang pinili nya, surgical doctor ang boyfriend nya na asawa nya na ngayon"
"May galit kaba sa mama mo?"
"Nung una galit na galit pero sa ngayon siguro mga tampo nalang, masakit nga yon ginawa nya pero wala naman kaming magagawa eh, si papa jesus nalang bahala sa kanila"
"Namiss ko na lalo si Papa at mama" malungkot na wika ni katty
***************************************