Part 13

2106 Words
"Thank you group 2 for a great group reporting" proud pang sabi ni sir rui sa aming group presentation, kasabay non ang pagpalakpak pa ng classmates namin Ngayon kami nag present ng aming group reporting, Masasabi ko na maayos at maliwanag ang pagde-deliver namin sa aming report, naexplain namin ang mga topic na binigay sa amin, kahit na medyo kinakabahan, basta talaga pinaghandahan at pinag-aralan mo ang iyong mga aralin, asahan mo na maganda ang magiging resulta neto. "Thank you" sabi pa namin at isa isa na kaming bumalik sa kanya-kanya naming mga upuan May sinabi lang na ilang mga bagay-bagay ang aming prof at nagsimula na siyang mag attendance, kakaiba ang style nya ng pag aattendance, pagkatapos ng discussion saka sya nag aattendance para alam nya kung may tumakas ng klase may mga iba kasing estudyante na magpapaalam lang na magccr hindi na bumalik, if may late ima-mark nya lang muna ito. Nang matapos na ang pagaattendance lumabas na din si prof "Tara gala tayo after class" masayang wika ni lury sa amin "Sige gora ako dyan" sang-ayon nitong si harley sa plano nitong isa Natagalan akong sumagot iniisip ko pa kung sasama ba ako, tagal ko na ding hindi nakakasama sa dati nilang mga gala "Hwag mong sabihin na mag papass ka na naman! Subukan mo lang magtatampo na talaga ako sayo!" may hinanakit na kasama sa way ng pagsasalita ni lury "Eh nakakasawa na yang pagmumukha nyo lagi ko nalang nakikita" "Ang harsh mo bes ha" "Hahaha joke lang sige na sasama na ako, baka tuluyang magtampo kayo sa akin" "Yey" haha natawa ako sa reaction ni lury para syang batang nabigyan ng ice cream "Saya mo girl" —— Ako ang ginawa nilang driver, malala pa kotse ko din ang gamit, pambawi daw nila sa akin dahil sa ilang gala nila na hindi ako sumama Sa isang night market ang napagkasunduan namin na puntahan, kaya lang hanggang ngayon nag di-drive pa din ako dahil sa naghahanap kami ng iba pang open na night market, sarado kasi yung gustong puntahan ni lury maganda daw doon madami ka daw talagang mapagpipilian. I don't know kung bakit sarado Itinigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan ko "Nilibot na natin ang buong lugar, road trip ba ito? tuloy pa ba tayo? Yung gasolina ko dumadaing na" "Ito nag chat sakin yung isa kong kalilala, sa may victorina mall katabi lang nito ang night market mas ma-eenjoy daw ang mga pagkain at kung ano ano pang nandoon" sabi sa amin ni harley habang sa cellphone nya pa nakatingin "Okey" Muli kong pinatakbo ang sasakyan ko, sana naman hindi sarado don, dahil kung sarado ay ihahatid ko na itong dalawa sa kani-kanilang bahay Hindi nakasama sa amin sina aizzle at shamie dahil may mga iba silang ganap ngayon pagkadating namin sa victorina mall naghanap lang ako ng pwede kong pag-parkingan mula dito natatanaw na namin ang night market, mabuti nalang at bukas hindi ko maihahatid ng maaga itong dalawa "tara na guys" aya ko sa kanila matapos kong makapagpark tumalima naman agad yung dalawa "oh my G, im so excited" naeexcite na wika ni lury pumasok na agad kami ng entrance, magkakasabay kaming naglalakad, may mga napapansin pa ako na pinagtitinginan kami nong mga kumakain at yong ibang namamasyal lang. Hwag na magtaka, kapansin-pansin talaga kami, magaganda kasi kami ? Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila, nagtingin-tingin nalang ako sa mga tinitinda dito, naghahanap kami ng magugustuhan namin kainin, pagkain lang naman ang pinupunta namin dito, cheap pero superb Madami kaming napili halos hindi na nga magkasya sa table namin, food is life kami pero never tumaba Pinili namin bilihin yung never pa namin nakain pero mukang masarap, nakaka curious ang lasa eh Natatawa nga yung ibang mga tao dito, iniisip siguro nila, kagaganda namin ang lakas kumain haha "Saglit lang ha" nagtaka pa kami kay lury, problema nito "Bakit?" "May gusto pa pala ako bilihin doon" my gosh wala ng paglalagyan sa table namin "Ikaw talaga mas matakaw sa ating tatlo" nakangisi pa ako nong sabihin ko yon kay lury "Che ka dyan" agad naman siyang umalis at pumunta na sya isang vendor doon "Tally" "Hmm" may laman yung bibig ko eh "Sinusundan ka pa din ba nung multo?" Natigilan ako sa tanong ni harley "Hindi na" kasama ko na sa bahay eh "Mabuti naman" muka pa syang nakahinga ng maluwag, sya yung mukang natatakot kesa sa akin "Kasama ko sya sa bahay" sinabi ko na para aware sya "Ah ganon b- WHAT?" Natatawa ako pero pinigilan kong ipakita sa kanya yong itsura nya kasi "Nasa bahay ko nakitira ngayon" "Bakit mo binahay, siraulo kaba? Paano kung bad spirit sya?" "Eh humihingi sya ng tulong eh, pinagbigyan ko na kesa na lagi nya na lang syang sunod ng sunod tapos ginugulo araw ko, para na din matahimik kaluluwa nya" "Ano bang kailangan nya?" Napatingin ako sa may likod ni harley, natanaw ko ang papalapit na si lury dala ang kanyang pagkain "Hinahanap nya pamilya nya at hustisya sa pagkamatay nya" "Tutol ako dyan sa decision mo na yan parang ipinahamak mo na din ang sarili mo" "Sa daya ng dalawang ito, bakit kumain na agad kayo?" Reklamo ni lury sa amin pagkadating nya Tumingin lang ako kay harley, tama naman si harley sa sinabi nya, ewan ko ba kung anong spell ang ginamit sa akin ni katty at napapayag nya ako "Gutom na kami eh" "Nagrereklamo na mga dragon ko sa tiyan" sagot namin kay lury Nagsimula na ding kumain si lury, ngayon galit galit muna kami busy ang bunganga namin sa pagnguya, masarap ang kinakain ko kaya ayaw kong magpaistorbo haha char medyo lang naman Tumigil muna ako saglit nong matapos kong maubos ang dalawang magkaibang klase na pagkain ko, uminom din muna ako ng binili kong lemon juice Napatingin ako kay lury na busy sa cellphone nya, nakangiti ito hanggang may kachat, pasimple kong kinalabit sa may braso si harley kaya napatingin naman ito sa akin, ininguso ko ang labi ko at itinuro si lury na mukang kilig na kilig. "Lury" tawag ni harley "Bakit?" Nakataas pa ang dalawa nitong kilay ng tumingin ito kay harley, "Muka kang siraulo dyan sa pangiti-ngiti mo, hindi bagay sayo" "Hahahaha" hindi ko napigilan ang pagtawa ko sa sinabi ni harley, nahampas ko tuloy ito sa braso nya "Gago ang sama mo kay lury" baling ko kay harley na kakasubo nya ulit "Who's that yummy guy na yan mukang kilig na kilig ka?" Na curious ako sa babaetang to, lumalovelife sya eh "No, its not a guy" mabilis nyang sagot at mabilis din na nagiba ang expression ng mukha nya, nagulat sya na ewan "It's not a guy? So, girl itong nagpapakilig sayo?" Naguguluhan na tanong ni harley "A-ahm -" nahihirapan pa syang sumagot, parang ayaw pa nyang sabihin "Si aizzle ba?" Oops napalakas "Ahmm eh -ehh" "Ayusin mo nga" "Naku naman harley baka hindi pa sya ready, wag mo muna pilitin, atat ka eh" "O-oo siya nga, we're dating, 1 week palang" na shock ako sa confession nya akala ko lang kasi crush palang nya, mas higit pa pala doon, the flash talaga itong kaibigan ko mapa-lalaki man o babae "Tinatanong nya kung kamusta daw ba itong pagni-night market natin, so nag chat lang ako na ayos naman" dugtong nya "How? When naging kayo?" "Girl crush ko na sya dati pa, Mas napalapit lang kami nong nakakasama natin sila nina pres" "Alam na ba ito nina tita?" Her mother is a former beauty queen, and i dont know kung may alam ito sa sexuality ni lury "Hindi pa nga nya alam na BI ako tapos yung may girlfriend pa kaya ako?" "Siguro naman matatanggap nya yung situation mo, mahal ka non" "Sana nga pero hindi pa pwede sa ngayon maybe kapag lumakas na loob ko" "Paano kung hindi?" "Ipaglalaban ko" "Lalo na kapag nasa katwiran ka" "Basta hwag kalang suSOCO" "HAHAHAHAHAHA" nagtawanan nalang kami, gago talaga kami seryusong usapan yun eh, anyare "Support kita kahit anong mangyari" tinapik ko pa ang may balikat ni lury "Yah, kahit pa mag attempt ka mag-suicide ako mismo tutulong sayo" "Hay laki talaga ng galit mo sa akin Harley Quinn" "Hahaha best friend kasi kita" Inubos na din namin ang mga pagkain namin, ayaw namin mag take out kaya ayon satisfied na satisfied ang mga dragon ko ——— Ngayon lang ako nakadating sa apartment matapos kong maihatid yung dalawa sa kanilang mga bahay hindi na kasi sila nagpasundo pa Napatingin ako sa aking cellphone at nagulat ako dahil sa alas dyes y medya na ng gabi Pagpasok ko paloob ay naabutan ko sa kusina ang mga nakakalat na mga sandok, kutsara at iba pang mga gamit sa panluto Lumindol ba dito? "Kattyyy" tinawag ko sya, napapikit na lang ako, ayukong ganito ang kusina ko Naramdaman ko ang paglapit ni katty dito, nakatalikod kasi ako, kaya humarap ako, nakita ko ang takot sa mga mata nya "Anong nangyari dito, bakit ganito kagulo dito?" Matalim pa akong tumingin sa kanya "A-ahm nag try ako kung mahahawakan ko yung mga pangluto, kaya lang ito ang nangyari, matagal kang wala, masyado namang gabi na ng schedule mo ngayon, gusto kitang lutuan baka kasi hindi kapa kumakain" so nangunsensya pa sya, yumuko nalang ako sabay kamot sa ulo "Tulungan mo na lang akong magayos ng mga ito" Nagumpisa na akong kumuha ng mga gamit sa baba, "Sa susunod hwag mo ng gagawin ito kapag wala ako, kumain na ako kasama ang mga kaibigan ko kaya ako ginabi" Wala syang naging sagot sa mga sinabi ko, tahimik lang sya, Mayamaya pa ay naramdaman ko na nasagi ako ni katty nakatalikod sya at nililimut ang sandok sa baba, patuwad kasi ito kung magdampot. Iniipon ko muna ang mga dinampot ko para isang lagay nalang sa lababo, dahil nalaglag ito sa sahig huhugasan na lang ulit. Kinuha ko na lahat ang mga utensils para ilagay sa lababo "Ahhhhh" Hinarap ko si katty dahil sa bigla nitong paghiyaw, ngunit huli na para makaiwas 'bogsh' Nadulas sya at dahil ako ang nasa harap nya, nadamay pa ako sa ka clumsihan nya. And now im lying on the floor and she's on my top Tela namanhid ang aking buong katawan maliban lang sa aking mukha dahil nararamdaman ko ang paglalapat ng mga labi namin sa isat isa At isa pa parang hindi normal ang heartbeat ko Napatingin ako sa mga mata nya at nakita ko sa kanya ang pagkagulat mga ilang seconds din na nasa ganon kaming state 'ring' At dahil sa tunog na nagmula sa aking cellphone ay saka pa kami natauhan mabilis ang pag alis ni katty sa ibabaw ko at agad na tumayo ito Umalis na din ako sa pagkakahiga ko, wala na ang pagmamanhid ng katawan ko Kung sino ka man tumatawag ka, youre my savior, inalis mo ako sa sitwasyon na yon "Hello?" "Hello?" Tiningnan ko kung sino ang caller pero number lang ito "Hello?" Muli kong salita ngunit wala pa ding sumasagot sa kabilang linya 'toot toot toot' yan na lang ang narinig ko sa kabilang linya, pinatay na nya yong tawag, siguro wrong call lang sya Ay nakalimutan kong magpasalamat Next time nalang pagtumawag sya uli Bumalik ako sa ginagawa ko kanina kinuha ko muli ang mga kitchen tools at hinugas na ang mga ito, pagkatapos ng ilang minuto natapos ko na din, Naglakad na ako papunta sa kwarto ko, nadaanan ko ang sala ngunit wala si katty doon, nasaan yon? Pagkapasok ko sa closet na ako dumiretso at kumuha ng t-shirt at pajama kasama na din ang underwear ko, lumabas ako ng kwarto at sa banyo naman ako pumasok, nagtoothbrush muna ako tapos saka nag half bath after that nagbihis na rin ako at lumabas na Wala pa din sya sa sala, gabi na eh kung saan-saan pa nagpupunta Naglakad ako papuntang balcony doon lang naman pwede nya puntahan dito Ini-slide ko ang glass door at lumabas, nakita ko agad sya nakaupo sa isang folding chair "Gabi na pumasok kana" wika ko sa kanya Nagulat pa sya sa pagsasalita ko, tumingin sya sa akin saglit at napansin ko pa na huminga sya ng malalim saka ito pinakawalan bago tuluyan syang tumayo, nagumpisa na din syang maglakad patungo sa direksyon ko, Malapit na ang presensya nya sa akin hanggang sa tuluyan na syang nakapasok sa loob Pumasok na din ako at saka ko na sinara ang glass door Paglapit ko sa sala, nakahiga na patagilid si katty "Good night" sabi ko na lang sa kanya "G-Good night din" mahina nyang salita pero sapat na din yon para marinig ko 'Sweet dreams'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD