Napangiwi ako nang mamanhid bigla ang aking paa. Damn, hindi nga pala ako sanay na magsuot ng heels! Iika ika akong pumunta sa isang bakanteng silya at umupo. "Dapat pala nagdala ako ng tsinelas." I removed my heels and looked at my foot. Medyo namamaga na iyon. Natakpan ng anino ang paa ko. Nasa harapan ko na pala si Stan, ang pinagtataka ko lang ay may bitbit siyang tsinelas. Nag squat siya para magpantay ang paningin naming dalawa. "Para saan yan?" Nguso ko dun sa hawak niya. Saglit niya itong tinignan. "Para sa'yo? I know you're not used wearing high heels." Kinuha ni Stan sa kamay ko yung isang pares na sapatos na hawak hawak ko tapos yung isa naman ay tinanggal niya sa isa kong paa. Uminit bigla ang pisngi ko. "S-Sige na, ako na yung ano... yung maglalagay." S

