Napaawang ang labi ko, ang lakas lakas pa rin ng ulan. Nakatitig pa rin sa akin si Stan at hindi niya pa rin ako binibitawan. "Uuwi na tayo. I'm not going to pry about my brother's issue." Kalmado na wika ni Stan at dinala ulit ako sa sasakyan. Hindi ko tuloy alam kung gusto ko pa ring sumakay. Mababasa kasi yung upuan, baka pagalitan pa ako ni Manong Roger. I looked at Stan pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Binuksan niya yung pintuan. No choice, sasakay talaga ako. Umikot ulit siya papuntang driver's seat pagkasakay ko. Walang imikan sa aming dalawa, kahit sa buong biyahe ay wala. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Bumusina siya ng nasa tapat na kami ng bahay. Natataranta namang binuksan ni Mang Kanor ang gate para papasukin kami. Pagka park na pagk

