Napaupo ako sa bowl pero napatayo din ako agad ng mabasa ang suot kong pajama dahil lumusot lang ako.
Napangiti ako.
"Nakakabasa na ako!" sabi ko habang nagtatalon.
Yumuko ako para kunin ang bote ng shampoo at binasa ulit ang likod non pero agad ding nawala ang ngiti ko dahil sa pagtataka.
Bakit? Bakit nakakabasa na ako?
As i tried to search my mind, nakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng ulo kaya napahawak ako sa lababo. Then a certain scene just flashed before my eyes.
The dream.
The dream that i had bago ako nagising kanina. About Yal at dun sa lalaking hindi ko kilala. Does it have to do with this?
Lalakad sana ako palabas ng bigla akong napahawak sa tenga ko at napapkikit ako. I heard a defeaning sound and then i saw something.
"Ali!"
Ali no!"
"I deserve that position Mr. President. And the only way i could get it, is to kill you"
Napaupo ako sa tiles ng banyo at diniinan ko ang pagkakatakip ng mg palad ko sa tenga ko. Ilang minuto akong hindi gumagalaw para siguraduhin
Lumabas na ako ng banyo nang hindi nagagawa ang paghihilamos ko sana. I somehow felt uneasy dahil don pero masaya pa rin akong nakakabasa na ako. Sigurado akong nakakabasa ang Shell na ito at kasabay ng pagbalik ng ilang memorya nito ay ang pagbalik din ng kakayahan nitong magbasa.
Humiga na ako sa kama at nagbalot ng kumot. Gusto ko sanang matulog na pero paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang nakita ko, na sigurado akong memory ng Shell.
She must have suffered a lot. I could never stand that kind of loss.
Si Tia pa lang ang nawawala sa akin pero halos hindi na ako magfunction ng maayos, kaya lang ako nagpupursige ngayon ay para kay Yal.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. It's like the responsibility of their death lies upon my shoulder. And i can't. I can because i have so much in my plate already. Hindi ako nandito para tulungan sila o mahuli ang nagaassinate sa President, nandito ako para iligtas si Yal. Pagkatpos no'n babalik na ulit ako sa pagiging Umbra.
"Bukas na ang Exams" usal ko.
Pinilit ko ang sarili ko na matulog at salamat naman dahil ilang minuto pa lang ang lumipas ay hinila na ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Pinilit ko iyong ignorahin pero tuluyan na akong nagising.
Pagmulat ng mata ko ay nabungaran ko agad si Sierra na nagaayos ng damit galing sa closet.
"I didn't wake you up" i said to get her attention.
Tumigil sya sa paghahalikwat sa closet at humarap sa akin.
"Liam did" she said.
"What are you doing?" taka kong tanong sa kanya
"Liam instructed me to prepare you something to wear for the Exams"
Nanlaki ang mata ko.
"s**t! Exam na nga pala ngayon!" sigaw ko
"Please speak languages i can under-"
"Sierra, what time do the exams start?" putol ko sa kanya
"The scheduled time is 9:00 am. You have one hour left to prepare" sagot nya at pinagpatuloy na ulit ang pagaayos ng damit.
Lumabas ako ng kwarto at nabungaran si Liam na nagaayos ng lamesa.
He motioned his head to the table kaya lumapit ako don at umupo na sa silya para kumain. May kinuha pa syang dalawang plato na may lamang pagkain bago umupo sa katapat na silya.
"Paano mo nalaman na magtetake din ako?" tanong ko
Sumandok muna sya ng pasta at kumuha ng isang tinapay at kinagat iyon bago sumagot.
"Bukod sa required iyon sa lahat? Nagsasalita ka kapag tulog." sabi nya habang nginunguya ang tinapay.
Kinuha ko ang plato na may kaparehong pasta na katulad ng kanya at pinuno ang plato ko. Hindi ko alam kung gusto ko ba ng tinapay na katulad ng kanya pero kumuha na rin ako. Kinuha ko pa ang isang bowl na may lamang kulay brown na sarsa at may mga karne at isinabaw iyon sa pasta na nasa plato ko. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakatanga sa akin si Liam habang may nakalawit na dalawang piraso ng pasta sa bibig nito.
Nagkibit balikat na lang ako at nagsimulang sumubo. Napaungol ako dahil sa sarap no'n. Sumasabog ang maraming lasa sa bibig ko. May maalat at matamis. Kinuha ko ang tinapay at kinagatan iyon.
"Alam mo"i paused at nilunok ang tinapay, "ito lang ang matinong pagkain na nakain ko sa ref mo!" singhal ko.
"Maraming pagkain sa ref?" alanganing sabi nya.
"Oo nga! Pero puro naman malamig!" nakasimangot kong sabi.
"Iniinit yon sa ov-- Oh! Hindi ka marunong?"
"Marunong lang akong magsalita pero wala pa rin akong alam sa ibang bagay!" pagdadahilan ko.
"Okay! Okay! You sound like a whining little sister!" Liam said while raising both of his hands in the air.
"We gonna get you ready" he said.
I looked up and saw his serious face.
"You want me to pass?" i asked him.
Hindi agad sya nakasagot.
"Yes and No. Yes because in that way, makakabalik ka kung nasaan ka naman talaga and No because gusto kong nandito ka."
Natahimik ako.
"Dont mind me" he said.
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto. Inabutan ako ni Sierra ng towel at naligo na ako. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Sierra doon at tanging ang damit na pinili nya ang naiwan na nakapatong sa ibabaw ng kama.
Kulay puti iyong knitted sweater at kulay brown na vest. Skirt ang pang ibaba noon na kulay dark brown. Sa ibaba ay isang pares ng medyas at boots na mukhang bago. Kinuha ko ang sapatos at isinukat pero napasimangot ako dahil medyo muwag iyon, siguro ng isang size.
Wala na akong sinayang na oras at nagbihis na ako. Pagbaba ko ay nakatayo na malapit sa pinto si Liam suot ang Uniform nito.
Rinig ko ang dagundong ng dibdib ko nang makalabas kami ng Unit. May ilan pa kaming nakasabay na mga magulang kasama ang mga anak nila na magtetake ng Exam at halos lahat sa kanila ay may mga hawak na tablet o kaya naman nakaproject ang Reviewer.
Sumakay kami ng Elevator pababa at hanggang makalabas ng Building ay hindi kami nag-uusap ni Liam. Sumakay ulit kami sa Bullet Car at bumaba sa isang Building na may pinturang puti at gold.
"Dito ka na" Liam said.
Napatingin ako sa kanya.
"You can do this" he said and then pulled me into a hug. He kissed my head bago ako iginiya papasok ng building.
"Hindi na ako pwede dyan. Hanggang dito na lang ako dahil hindi ako mag-eexam." sabi nya at tumalikod na.
"Liam!" tawag ko sa pangalan nya.
Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Salamat"
Hindi sya nagsalita pero tumango sya.
"Galingan mo" sabi nya at tuluyan nang lumakad paalis.
Let's do this, Ali.