Fifteen

1140 Words
Naalimpungatan ako dahil sa pagsakit ng braso ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at agad bumungad sa akin ang liwanag na nanggagaling sa ilaw sa kwarto kaya agad din akong napapikit. Siguro ay mga ilang segundo akong nakapikit at pinakikiramdaman lang ang paligid bago ko narinig ang pagbukas ng pinto. Tumagilid ako papunta sa direksyon ng pintuan bago iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang kaparehong Bot na nagalaga sa akin no'ng nawalan ako ng malay. May dala itong tray na may lamang bowl at baso. "Hi" bati nito sakin. "Hello" usal ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil sa sakit nito lalo na ng magsalita ako. "Please drink. It will ease the pain" Inabot ko ang basong inilagay nya sa bedside table gamit ang dalawa kong kamay. Bahagya kasi akong nanginginig at ayoko namang mabitawan iyon dahil ayokong makabasag ng gamit sa hindi ko Unit. Ramdam ko ang pagbaba ng tubig sa lalamunan ko pagkatapo na pagkatapos kong lumagok. Nabawasan din kaagad ang sakit niyon. Kinusot ko ang mata ko at sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga pero agad din akong napabalik sa pagkakahiga sa kama ng makaramdam ako ng matindng hilo. "Stay on the bed please" the Bot said. Bakit ba lagi na lang akong nawawalan ng malay? Sakitin yata ang nakuha kong Shell? "Uhm, anong pangalan mo?" naiilang kong tanong sa Bot na ngayon ay nakaupo sa sofa sa isang sulok ng kwarto. "Please do speak in any of these Languages. English, Spanish, Italian, French, Portu--" "What's your name?" ulit ko sa tanong ko. "My name is AI21G. But you can call me Sierra" sagot nya. Napabuntong hininga ako. "Wala naman akong ibang makausap" usal ko. Kinuha ko ang bowl na nasa lamesa at inamoy iyon. Nang matantya ko kung anong lasa no'n ay kinuha ko ang kutsara sa tray at nagsimulang kumain. Mga ilang minuto lang siguro ang lumipas at naubos ko agad ang isang bowl. Hindi ko alam kung gutom ba ako o sadyang masarap lang ang soup. Ngayon lang din naman kasi ako nakatikim no'n. "Sierra?" tawag pansin ko sa Bot. Nakaupo ito habang nakapikit ang mga mata pero nang tinawag ko sya ay agad itong nagmulat. Actually, hindi naman masyadong mahahalata na isa syang Bot. Kulay blonde ang buhok nito at hanggang ibabaw lang ng balikat, medyo maputi ito, hindi kagaya ng mga lumang Bot na makikita talaga ang mga metal frame, singkit din ang mata nito.  Lumapit sya sa akin at naupo sa silya sa tabi ng kama ko. "Do you have any news about the White Program Examinations?" tanong ko. "Analyzing information" Naiilang akong napangiti. Mukha kasi talaga itong tao kung titingnan sa malayo pero masasabi mo pa rin ang pagkakaiba sa kilos at pagsasalita. "The White Program Examination is scheduled tommorow" sagot nito. "HA?!" napasigaw ako. "Bukas?" "Please speak languages i can understand such as Eng-" "Bakit walang sinasabi sa akin si Liam?" taka kong tanong. "Please speak languages--" "Okay! Okay! Sierra, im not talking to you" pagpapanatag ko sa kanya. "But whom are you talking to?" tanong nya "Myself" sagot ko naman "But one cannot talk to them self. Studies have prove-" "It's a thing humans do!" putol ko sa kanya Argh! "Or atleast now that i'm human" usal ko nang marealize ko ang sinabi ko. Agad din akong napatingin kay Sierra. "Sorry" sabi ko sa kanya. "For what?" nagtataka nyang tanong at ipinaling pa ang ulo nya sa kanan. "For shouting at you" i applogetically said. "Shouting means making your point if the one your talking to can't understand it" sagot naman nya. Natunaw ang inis ko at napabuntong hininga ako. "I have several reviewers available. I could download them for you" she suggested. "Yes, please" Napakurap sya bago nagsalita ulit. "Processing" sagot nya. Mga ilang segundo lang ang lumipas bago umilaw ang mata nya at mula do'n at may nagproject na kung ano galing sa mata nya. "Download complete" Napatingin ako sa pader na tinamaan ng projection na nanggagaling sa mata nya. May mga nakasulat do'n gaya ng mga syllabus, trigonometry at kung ano ano pa. "Would you like to transfer the document to your Service tablet?" tanong ni Sierra. "Yes please" "Downloading in Progress" Tumayo ako sa kama at pumunta sa sala para kunin ang tablet ng Unit ni Liam. Bahagya akong nagmadali pabalik ng kwarto at sakto namang pagbalik ko ay natapos na ang pagda-download ng document at pagtatransfer niyon sa tablet. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang control panel ni Sierra. Hinanap ko mula doon ang option na pwede syang makapagpahinga-or makatulog siguro? Hindi naman ako nahirapan at nakita ko agad ang 'Sleep Mode'. Nang mapindot ko iyon ay iniikom nya ang dalawang binti nya at pinagsiklop ang kamay bago pumikit. Inilapag ko ang panel sa bedside at binuksan ang tablet para hanapin ang Document. There were 14 lessons overall. Laking pasasalamat ko na lang at hindi ko kailangang magpaspasan sa pag-aaral nito dahil saulado ko pa rin ang mga letter ng sagot sa examinations.  Napatingin ako kay Sierra at pagkatapos ay sa pinto. Hindi ko alam kung nasaan si Liam at hindi na rin ako nagtanong kay Sierra. Huminga ako ng malalim bago nagsimulang basahin ang unang lesson. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatutok sa tablet pero nang mag-angat ako ng tingin ay madilim na madilim na sa labas. Kinusot ko ang mata ko ng maramdamang naluluha iyon. Napatingin ako sa pinto bago napagdesisyunang bumangon at tingnan kung dumating na ba si Liam. Madilim sa loob ng Unit kaya bumalik ako sa loob ng kwarto para kunin ang tablet at buksan ang mga ilaw. Agad ko namang nakita iyon dahil may mga nakasulat gaya ng 'Pin Light' at 'Main Light'. Nang mabuksan ko ang ilaw ay napadako ang mata ko sa pintuan ng kwarto ni Liam. Lumapit ako doon at kumatok pero walang sumagot. Pinihit ko ang knob ng pinto at nang bumukas iyon ay agad kong sinilip ang loob. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong nakahiga na si Liam sa kama nito. Balak ko pa sanang dalhin ang tablet sa kwarto para magbasa pa ng kaunti pero nakaramdam ako ng pagod at bumibigat na ang mga mata ko kaya inilapag ko na lang sa lamesa sa sala ang tablet at napagdesisyunan na matulog. Nang makapasok ako ng kwarto ay dumeretso ako sa isa pang pinto doon na alam kong banyo. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang Gray at White na kulay ng mga muebles. Sa gilid ay may mga sabon sa bote. Inabot ko ang isa at binasa. Naglagay ako sa palad ko para sana amuyin iyon nang-- "AAHHH!!" Nabitawan ko ang bote at pumatak iyon sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko at pinakiramdaman saglit ang paligid at si Liam kung nagising ko ba ito pero walang gumalaw. Bakit? "Nakakabasa ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD