Hindi ko sana alam ang araw ngayon pero nagtaka kasi ako kung bakit hindi maagang umalis si Liam para pumasok. Ang sabi lang nya, sabado daw ngayon at hindi sya ang Hunter na nakaduty sa Headquarters nila.
Ibig sabihin, parehas kaming nakatanga ngayon sa Unit nya.
"Ganito ba kaboring kapag wala ka sa Headquarters?" bigla kong tanong.
"Hindi. Noong magisa lang ako hindi ganito kahit na ako lang dito sa Unit" sabi nya.
Mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa amin bago nya napagdesisyunan na basagin iyon.
"So, anong gagawin mo ngayon? May plano ka na ba?" Tanong nya.
Umiling ako.
"Wala?" hula nya.
"Wala"
"Actually, may nakalimutan akong sabihin sayo" bigla nyang sabi at umayos ng pagkakaupo na paharap sa akin.
"Wala kang dapat ipag alala na may makakakilala sayo bukod kay Jackson" he paused.
"Pero diba dapat kilala ang Shell kasi anak ng President?" Taka kong tanong
"Oo, pero kahapon may nakuha akong information na nakastore sa database ng Headquarters." He paused and then looked at me.
"The Shell is under a special Tube. Kaya naiiba yung pinaglalagyan nya. Other Cylindrical Tubes gaya ng mga nakita mo sa floor na yun ay pampreserve lang but yung kinalalagyan ng Shell na 'yan ay may naiibang system" paliwanag ni Liam.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Hindi ko alam kung mahina ba ako sa Science o sadyang medyo magulo lang ang paliwanag mo" alanganin kong sabi.
Napahilamos naman si Liam sa mukha nya bago huminga ng malalim at nagsalita ulit.
"Ganito, yung sistema sa loob ng tempered bed na kinalalagyan ng Shell hindi sya nagpepreserve lang, para syang life support machine. Tinutulungan nyang magfunction yung Shell even without the basic necessities such as Oxygen." Paliwanag nya.
"So, anong koneksyon no'n sa 'hindi ako makikilala ng iba maliban kay Jackson'?" tanong ko ulit.
"Yung ibang Shell sa cylindrical tube, nakapreserve. Ibig sabihin, hindi nagdedevelop ang katawan nila. Pero yung shell na iyan, tumatanda sya at nagdedevelop dahil nakalagay sya sa isang system sa loob ng tempered bed" sagot nya sa akin habang iminumustra na ang mga kamay nya sa harap ko.
"At kaya si Jackson lang ang makakakilala sayo, dahil sya lang ang nakakakita sayo buwan buwan. Nagbago na ang itsura mo kasi nagmature na ang Shell mo"
Tumango ako habang iniintay na magsink in lahat ng information sa utak ko
"Ibig sabihin, si Jackson lang ang kailangan kong iwasan?"
Tumango si Liam bilang sagot.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil isa iyon sa pinakainaalala ko dahil alam kong imposible na rin na walang makakilala sa Shell na ito.
"Teka lang!" Napasugaw ako ng makitang tatayo si Liam.
"Ano?"
"Bakit nagdevelop ng ganito kamature ang Shell? Ilang taon na bang nakalagay si 'Ali' na nasa loob ng Tempered Bed?" Taka kong tanong.
"2 years" he silently muttered. Kita ko ang pagbakas ng lungkot sa mukha nya. "2 years na simula nang mangyari ang m******e sa Taurum na ikinamatay nya at ng President at ng mga iba pa"
Hindi ko alam pero bigla din akong nakaramdam ng matinding lungkot. Natahimik ako sa mahabang oras hanggang sa nakapasok na si Liam sa silid nya ng hindi ko napapansin.
Wala akong masyadong alam tungkol sa m******e na nangyari 2 years na ang nakakalipas. Sa tantya ko kasi ay 2 years na rin akong Umbra kaya hindi pa ako Umbra ng mangyari iyon kaya naman wala akong alam tungkol do'n. Pero, minsan na namin iyong napagusapan ni Tia at ni Yal noong sa amin pa sya sumasama.
Ayon kay Tia, na mas naunang naging Umbra sa akin kaya nasaksihan nya i'yon, una daw inassasinate ang President dito mismo sa ibaba at sumunod ang mga lower rankng officials na kasama nito. Ang huling napatay ay ang kapatid nito at ang nagiisang anak. Up until now, walang nagawa ang pangalan, pera at kapangyarihan nila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may sala at hanggang ngayon, bakante pa rin ang posisyon ng President.
Bago ito inassasinate, nag-iwan ang namayapang President na si IV President Brett Greyson na walang ibang makakainherit ng posisyon maliban sa anak nya.
At itong shell na ito iyon.
Walang nagtangkang sumubok na angkinin ang posisyon dahil nagsasagawa ng DNA Exams ang pinakamagagaling na doktor sa floating city upang malaman kung ito ba talaga ang anak nito. Maaari daw kasing nagbago ang itsura nito dahil sa naging pagsabog ng elevator no'n noong inassasinate ito.
Pero wala. Up until now, wala pa rin.
Naging open din ang mga ito sa mga Umbra kaya hindi ginawang Umbra Proof ang Examination Hall, marami din sa mga walang memoryang Umbra ang sumubok pero wala pa rin.
Milena has been leaderless for almost 2 years.
Pero kahit ganon, walang magaakala na walang Presidenteng nagpapatakbo sa Milena. Over the years, mas umunlad pa ito pero walang nabago sa sistema. Mahirap pa ring umakyat sa Floating City.
Actually, mayroon ngang kasabihan ang mga tao dito sa ibaba.
"Kapag dito ka ipinanganak sa ibaba, dito ka na rin mamamatay" usal ko.
The life down here is not that bad. But humans will always be humans. We will always want more. Dream and crave for more.
I guessed that what drives people towards success.
Lumapit ako sa bintana ng kusina para tingnan ang labas ng Unit pero agad na kumabog ang dibdib ko ng may makita akong isang pamilyar na pigura.
May mga lalaking nakaitim ang nakapalibot dito. Nakasuot ito ng long sleeve na puti at nakatupi ito hanggang siko. Mahigpit at maayos ang pagkakabit ng necktie nito.
"Jackson" usal ko.
As if na narinig ako nito, napatingin ito sa direksyon ng bintana kung saan ako nakasilip kaya agad akong napayuko. Pero sa pagyuko kong iyon ay tumama ang ulo ko sa dulo ng lababo kaya napasigaw ako.
Humahangos na bumama si Liam galing sa kwarto nito dahil do'n.
"Anong nangyari?" alalang tanong nito
"Nandon sya sa labas" sabi ko habang nakahawak sa noo ko at pnilit na balansehin ang sarili ko kahit na parang umiikot ang paligid.
"Sino?" taka nitong tanong.
Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko pero sigurado akong hindi ito dahil sa kaba o takot.
Its something else.
"Si jackson. Andon sa labas. Baka pumunta sya sa Cent--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang naginit ang mukha ko at nakaramdam ako ng matinding hulo bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.