Buong araw lang akong nakatulala. May mga oras na nirereview ko sa isip ko ang hitsura ng mga letters sa Exam ng White Program pero bukod do'n ay wala na akong magawa.
Gabi na ng dumating si Liam, mukhang nakalimutan nito na may kasama ito sa Unit dahil pagkarating nito ay humilata agad ito sa sofa. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Siguro, makalipas ang ilang minuto ay naramdaman nyang may nagmamasid sa kanya kaya agad syang napabalikwas sa pagkakahiga.
"Sh--," agad itong napatigil sa tangkang pagmumura ng makita ako. Napahilamos pa ito sa mukha bago umayos ng pagkakaupo.
"Sorry," he muttered.
"Kumain ka na ba?" he asked
"Kanina" sagot ko. Napatingin ako sa Bracelet nya.
Napansin naman agad nya iyon kaya tinanong agad ako ni Liam kung bakit.
"May camera?" tanong ko at itinuro ang bracelet.
Tumaas ng bahagya ang kilay nya pero tumango din sya bilang pagsagot sa tanong ko.
"May pipicturan ka?" taka nyang tanong.
Umiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang.
Pero kailangan ko pa ring makita kung anong itsura ko! Hindi ako pwedeng mahiya ngayon!
"Titingnan ko sana kung anong itsura ko?" nahihiya kong sabi.
Napa 'oh' naman sya pero lumapit din sa akin. He opened his palm at doon nagreflect ang hologram na galing sa bracelet. May ilan syang pinindot bago lumabas ang camera.
"Ready?" tanong nya. Tumango lang ako bilang tugon.
He clicked a button at nagkulay red ang bracelet nya bago may lumitaw na malaking reflective screen sa pader sa harap naming dalawa.
Dahil sa liwanag no'n ay hindi ko agad naaninag kaya kinailangan ko pang lumapit. Pero, nang makalapit na ako ng husto ay nanlaki ang mata ko.
Kilala ko ang Shell na ito!
Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang repleksyon ko sa salamin nang bigla akong halos mabuwal sa kinatatayuan ko dahil sa biglang pagkahilo.
Inalalayan naman ako agad ni Liam at tinanong kung ayos lang ba ako pero hindi ko na inabala pang sagutin sya.
Pumikit ako at iminulat muli ang mata ko pero sya pa rin ang nakita ko sa repleksyon.
"Yung babae sa Vault. Yung estudyante ng Oxygen Institute. Sa kanya itong Shell" bulong ko.
Napaurong ako dahil sa hindi malamang dahilan. Akala ko ay may natapakan akong bagay sa sahig dahil ramdam ko ang hindi pagkabalanse ng tinutungtungan ko pero nang sinubukan kong yumuko ay nakaramdam ako ng matinding hilo. Dahil sa sobrang takot ko ay pinilit kong ipikit ang mata ko pero hindi iyon nakabawas sa pagkahilo ko bagkus ay lalo pang sumama ang pakiramdam ko at tuluyan na akong wala nang naalala sa mga sumunod pang pangyayari.
Ali!
Hmm?
Ali, takbo!
Napakunot ang noo ko. Nakatayo ako sa malawak na lugar pero walang kahit ano. Bumaling ako sa kanan para sundan ang boses pero walang nandon.
Ali!
"May tao ba dyan?" sigaw ko.
Walang sumagot. Rinig ko ang pagecho ng boses ko sa malamlam na paligid.
Ali!
Nagsimula na akong makaramdam ng takot kaya napaurong ako. Umurong ako ng umurong hanggang sa bumaling ako sa tumakbo pero nabunggo ako sa isang tao. Napaupo ako dahil sa impact ng pagtama ko.
Tiningala ko iyon para makita kung sino pero halos magyelo ako sa kinauupuan ko ng makitang wala itong mukha. Blurred ito pero ramdam ko ang pagkain ng takot sa buong sistema ko.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natakot ng ganito.
Nangangatal ang mga kamay ko pero pinilit kong tumayo at tumakbo ako sa kabilang gilid paplayo sa bulto. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napagod ako.
Itinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko at sinubukang habulin ang paghinga ko.
Ali!
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ulit ang boses na tumatawag sa akin. Sa posisyon ko ay mas naririnig ko ito kaya alam kong malapit ito sa akin.
Ali, tulungan mo ako!
"Yal?!" sigaw ko
Unti unting naging pamilyar ang boses at sigurado akong si Yal iyon.
"Yal?!" sigaw ko.
Tumakbo ulit ako papunta sa kawalan at sinubukang hanapin ang pinagmumulan ng boses. Napahinto lang ako sa pagtakbo ng may mamataan akong isang Vertical Medical Tube. May kulay asul na likido sa loob nito.
"AH!" napasigaw ako sa gulat nang may biglang humampas na mga kamay sa tube galing mismo sa loob nito.
"Ali!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Yal?"
Ali! Tulong!" sigaw nito.
Mula sa loob ng tube ay lumitaw si Yal. Nakalugay ang buhok nito at ang itsura nito ay hindi ang Shell na nakuha nila ni Tia kundi ang tunay na itsura nito noong Umbra pa ito.
"Yal!" sigaw ko bago akmang hahakbang papunta sa tube ng bigla itong nabasag.
Napaawang ang mga labi ko sa gulat at napaurong ako. Sumabog sa sahig ang lahat ng kulay blue na likido sa loob ng tube pero wala si Yal.
Lumuhod ako at binasa ang kamay ko ng likido at inamoy iyon. Nang makaradam ako ng hilo ay agad kong inilayo ang kamay ko sa ilong ko. Sa pagtingala ko ay nakita ko ulit ang lalaking nabunggo ko kanina. Nakasuot pa rin ito ng Amerikana at may pin ito sa kanang bahagi ng kuwelyo ng suit nito.
Akmang tatayo ako ng bigla akong nawalan ng balanse at nagdilim ang lahat.
"Ali!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Agad namang lumayo sa akin si Liam dahil sa gulat.
Ikinurap ko ang mga mata ko at tumingin sa gilid ko nang may maramdaman akong gumagalaw.
Nabungaran ko ang isang Bot na may ginagawa sa bed side table.
"Water?"
"AYY!" napasigaw ako sa gulat at napasiksik sa gilid ng kama nang magsalita ito.
Wala itong reaksyon at nagsalin lang ng tubig galing sa pitsel. The Bot's hands turned into mechanical claws then gripped the glass of water before handling it to me.
Nakanganga ako dahil sa pagkamangha at nanatiling nakatingin sa Bot. Inilipat ko naman ang tingin ko kay Liam na nakaupo sa paanan ng kama na kinahihigaan ko.
"Bakit nagrenta ka pa ng Bot?" tanong ko.
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sa hiya, May kamahalan ang pagarkila sa mga Bot kaya pakiramdam ko ay nakakaabala lang ako sa kanya.
"Walang doktor na Available. Hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit kaya kumuha na lang ako." balewala nyang sagot.
Buong magdamag ay ganon lang ang set up namin. Nasa kwarto nya si Liam at kasama ko sa loob ang Bot dahil binigay sa akin ni Liam ang Control Panel nito para kung sakali daw na may kailangan ako.
Hindi ko na naman ito nagamit dahil buong gabi akong halos hindi nakatulog dahil sa napanaginipan ko kanina.
"Anong kinalaman ng lahat ng iyon kay Yal? Lalo na sa akin?"