[FAMILY STORY OF PRESLEY EMERSON AND CADE SAWYER.] “One, two, three, salute!” “Presh, hindi ganiyan ang tamang pagtayo. Dapat ay deretso at magkadikit ang dalawang paa mo. Mali ‘yang ginagawa mo.” “Akala ko ba ay hindi mo gusto ang maging isang sundalo? Pero bakit mas alam mo pa sa akin kung ano ang mga dapat na gawin?” “Naririnig ko lang kay Mommy kapag tinuturuan ka niya tapos natatandaan ko. Kung sabagay, ikaw nga ang may gusto na magsundalo pero hindi mo makuha ng ayos. Magpalit na lang kaya tayo ng gusto?” Natawa naman ako nang marinig ang usapan nina Presh at Pryce. Natupad ang gusto ni Presley noon na magkaroon ng dalawang lalaki na anak. Pero hindi namin inaasahan na kambal na lalaki ang magiging anak namin. Nakakatuwang makita na lumalaki sila ng maayos. Sampung taong gu

