bc

One Bullet Away

book_age16+
952
FOLLOW
2.8K
READ
badboy
powerful
doctor
comedy
bxg
captain
soldier
sniper
realistic earth
war
like
intro-logo
Blurb

“Who dares, wins. Who sweat, wins. Who plans, wins.”

Hamza Cameron is the team captain of Team Bullet and he is the one controlling the team. All of the orders were made by him and there are 60 to 200 soldiers who are following his orders. Will he survive and come back alive to his own country after completing every missions? Let’s find out!

chap-preview
Free preview
1
[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] “I appreciate all of your hard works and efforts, Captain Cameron. I would like to show you my gratitude for returning in our country healthy and alive. You will have a one month rest together with your team bullet. Go and have fun with your families, girlfriends, friends and for yourselves. That’s all. Salute.” “Salute!” Itinaas ko ang kanang kamay ko saka ako sumaludo sa kaharap kong si Chief Commander Prant Emerson. Matapos niyang sumaludo sa akin pabalik ay lumabas na ako ng opisina niya para sabihan ang mga kasamahan ko sa magandang balita. Sigurado ako na sobra silang matutuwa sa sasabihin ko sa kanila. Miski ako ay natuwa rin dahil sa wakas naman ay nabigyan na kami ng pahinga. Mahabang panahon na rin ang isang buwan para sa amin, kung tutuusin ay sobrang sapat na ‘yon. Bihira lang din ang mabigyan nang gano’n na katagal na bakasyon sa mga sundalo na katulad namin. Mabuti na lang at may nagawa kaming misyon na sobrang delikado pero naging successful. Kaya naman ay binigyan na rin kami ng isang buwan na bakasyon ng chief commander. Pumasok ako sa locker area kung saan naroon ang mga kasamahan ko na nag-aayos na ng gamit nila dahil kababalik lang namin mula sa isang misyon na ibinigay sa amin. Abala silang lahat na halos ‘di na rin nila agad napansin ang presensya ko. Mukhang mga pagod pa nga sila. Pagkatapos ng biyahe namin ay dito kami dumeretso saka inaayos ang mga gamit namin. Ilang araw din kaming walang pahinga at walang ayos na tulog habang nasa misyon. Kailangan kasi ay alerto kami sa ano mang oras kapag nasa isang misyon. Lalo na at hindi naman namin alam kung kailan ba susugod ang aming mga kalaban sa kuta na kinaroroonan namin. Sa ibang bansa rin naganap ang aming misyon, kaya malayo sa aming bansa. Iilan lang kami na naroon at hindi agad makakahingi ng mga back-up kung sakali man na may mangyari sa amin na hindi maganda. “Attention!” Nang marinig nila ang sigaw ko ay agad silang tumayo ng deretso at humarap sa akin. Ang dalawang kamay ay nasa magkabilang gilid at deretso lamang na nakatingin sa likuran ko. Ang team bullet ay binubuo ng apat na miyembro na may matataas na ranggo. Ako bilang captain nila, ang isa naman ay si Major Cade Sawyer, sumunod ay si Gunner Mace na isang Major Sergent, at ang huli ay si Cannon Florence na isang Command Sergent Major. Tinutulungan nila ako sa pag-eensayo ng 60 hanggang 200 na mga sundalo sa batalyon. Hindi ako nahihirapan sa pagtuturo sa mga sundalo na ‘yon. Lalo na at madali lang sila na turuan dahil madali lang din nila na natututunan. Halos mahuhusay ang lahat ng aking mga sundalo, kaya wala rin akong problema na turuan sila. Hindi katulad sa ibang samahan na nahihirapan sa pagtuturo sa mga baguhang sundalo. “The chief commander in charge gave us the opportunity to have a one month vacation to be with our families, friends, or lovers. Team Bullet, discharged!” Bumakas naman sa mga mukha nila ang tuwa nang marinig ang ibinalita ko. Sabay-sabay silang sumaludo sa akin, “Salute!” “Salute.” Nagpalakpakan pa sila dahil sa sobrang tuwa nila. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Nakabalik kami ng buhay at nabigyan pa ng isang buwan na bakasyon. Matapos no’n ay nagmadali silang ayusin ang mga gamit nila kaya tuluyan na akong lumapit sa kanila para hubarin na ang uniporme na suot ko. Nilingon naman ako ni Cade. Kapag wala kami sa trabaho o ‘di kaya ay bakasyon namin tulad ngayon, hindi na namin kailangan pa na tawagin ang isa’t-isa base sa ranggo namin. “Mabuti naman at naisipan ni Chief Commander na magpa-bakasyon sa atin?” sambit nito. Habang tinatanggal ko ang butones ng suot kong uniporme ay nilingon ko rin siya. “Hindi ko rin inaasahan na ngayon niya tayo bibigyan ng isang buwan na bakasyon,” maiksing sagot ko. “Mukhang mahirap na naman ang misyon na ibibigay sa atin sa susunod ‘pag natapos na ang isang buwan na bakasyon natin,” sabat naman ni Gunner saka natawa si Cannon. “Wala namang hindi mahirap na misyon na ibinigay sa atin ng chief commander. Maswerte lang talaga tayo na nakakabalik pa tayo rito nang buhay at buo pa. Kaya nga dapat kada bakasyon natin ay sinusulit na natin ang bakasyon natin. Sa isang taon ay isa o dalawang buwan lang natin nakakasama ang mga mahal natin sa buhay,” sagot naman ni Cannon. “Isu-surprise ko na lang ang asawa ko mamaya. Hindi niya naman alam na ngayon ang uwi ko,” ani Gunner. Nagkatinginan naman kami ni Cade nang matapos ako sa pagbibihis ng shirt ko. Nanatili lang na suot ko ang pants namin. “Ikaw ba? Kailan mo balak i-surprise ang girlfriend mo?” pang-aasar ko kay Cade kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. Nagtawanan naman ang dalawa pang nasa likuran niya dahil sa sinabi ko. “E ikaw? Kailan ka magkakaroon ng nobya?” Napatahimik ako nang banatan niya ako ng gano’n. Umiwas ako ng tingin dahil ako na ang pinagtawanan nila. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong girlfriend. Hindi ko naman ‘yon kailangan sa buhay ko lalo na at mahirap ang mawalay sa taong mahal mo. Hindi naman normal ang trabaho na mayroon kami kaya kahit gustuhin ko man na magkaroon ako ng girlfriend ay hindi ko kakayanin. Mas mahal ko ang trabaho na mayroon ako at hindi ko gusto na mahirapan ako. Nag-paalam na ang dalawa na mauuna na silang umalis kaya tumango na lang kami ni Cade. Kami naman ang magkasama nito palagi sa mga ganitong klase ng bakasyon. Wala na siyang ibang kamag-anak pa samantalang ako naman ay si Dad na lang ang mayroon. Madalas naman kami na magkita no’n dahil nasa headquarters lang siya nananatili bilang isang chief officer. “Ano? Three nights shot tayo?” aya ko kay Cade. Agad siyang pumayag sa yaya ko. Minsan lang naman namin ito gawin. Ang three days shot ay iinom kami sa isang bar at doon lang kami ng tatlong araw na puro inom lang ang gagawin at doon na rin matutulog habang nagpapahulas kapag nalasing na. Aabutin ng isang buong araw bago kami malasing, ganoon kami kalakas pagdating sa inuman. Ito na rin ang challenge namin sa aming mga sarili dahil hindi naman kami maaari na mag-inom ng alak kapag nasa misyon kami o sa ibang lugar dahil kailangan namin na maging alerto sa anumang oras. Dumeretso kami sa isang paborito naming bar. Mabilis na um-order si Cade ng pagkain at alak naming dalawa. Umupo kami sa madalas naming pwesto. Nakatingin kami sa city lights ng buong lugar. Ang bar kasi na ito ay nasa rooftop ng isang building pero safe naman at sigurado na walang malalaglag. Mas masarap mag-inom sa lugar na ‘to dahil masarap ang simoy ng hangin at maganda sa mga mata ang kabuuan ng lugar. “Sa tuwing nasa misyon tayo, naiisip ko na baka isang araw ay hindi ko na makikita pa ang ganito kaganda na tanawin,” sambit ni Cade. Dumating na rin ang mga in-order namin saka kami nag-simula sa tig-isa naming bote ng beer. ”Hindi ko iniisip ang mga ganiyang klase na bagay. Kung mamamatay man ako sa misyon natin ay ayos lang sa akin. Namatay ako na masaya ako at gusto ko ang ginagawa ko,” sagot ko naman saka tinungga ang hawak kong bote ng beer. “Kung sabagay ay ito naman ang pumili ng propesyon na ‘to. Tayo ang may gusto na isakripsiyo ang buhay natin para sa bayan. Pero may parte sa akin na natatakot na mamatay kaagad.” Nagsisimula na kaagad na maging seryoso si Cade kaya naman naisipan ko na biruin na lang siya para kahit papaano ay maiba naman ang usapan namin. Ayoko muna na pag-usapan ang tungkol sa trabaho namin. Lalo na at halos muntikan na ring matapos ang buhay ko noong huling misyon namin. “Takot ka lang mamatay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo maayos ni Presley,” natatawang sambit ko kaya muli niya akong sinamaan ng tingin. “Hindi na ako umaasa pa na magiging ayos kaming dalawa,” tanging sambit niya saka bumuntong-hininga. Hindi ko makita ang sarili ko na nasasaktan dahil sa taong mahal ko. Isa rin sa dahilan kung bakit wala sa isip ko ang magkaroon ng kasintahan ay dahil hindi lang puro saya ang mararamdaman. Ang isang katulad kong sundalo ay maraming kaaway sa mundong ‘to kaya wala ring kasiguraduhan ang kaligtasan ng taong mamahalin ko. Kung ang sarili ko nga ay muntikan ko pang hindi maprotektahan, paano pa kaya kapag ang mahal ko na sa buhay ang nasa panganib? Hindi lahat ay kaya kong sagipin. Maiksi lang ang buhay at miski ako ay hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal sa mundong ‘to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook