2

1400 Words
[MAJOR CADE SAWYER’S P.O.V.] Napa-isip tuloy ako ngayon sa sinabi ni Hamza. Ang biro talaga ng isang ito ay madalas na lang na naisisingit ang relasyon ko kay Presley. Palibhasa ay hindi niya alam ang nararamdaman ko dahil wala naman siya sa sitwasyon ko. Lalo na at wala pa rin naman siyang nakaka-relasyon. Kaya wala pa siya masyadong ideya tungkol sa pagmamahal. Hindi naman madali sa akin ang lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. Madalas niya akong asarin dahil sa nangyari sa relasyon namin ni Presley. Minsan nga ay sumasabay na lang ako sa trip niya kahit na ang totoo ay nasasaktan talaga ako. Kung pwede ko lamang patamaan ng bala sa ulo ang isang ito ay matagal ko nang nagawa. Ngunit siya lang din naman ang nag-iisa kong kaibigan at mataas ang respeto ko sa kaniya.       Nagpatuloy lang ang pag-iinuman namin ni Hamza at lumalalim na rin ang gabi hanggang sa marinig namin na may nabasag sa kabilang lamesa malapit sa pwesto namin. Nilingon namin ito at nakitang may isang lalaki na lasing nang nakatayo at masama ang tingin sa isa pang lalaki na nakaupo lang at nakatingin sa kaniya.       “Ano ba ang problema mo, ha?! Ang angas mo masyado!” sigaw ng matandang lalaki na nakatayo saka kinwelyuhan ang kaharap. Iniwas na namin ni Hamza ang tingin at ipinagpatuloy na lang ang pag-iinom.       “Akala ko pa man din ay magiging tahimik ang gabi natin na ‘to,” sambit ni Hamza at iiling-iling pa. Napa-ngisi naman ako, “Huwag na lang natin pansinin. Hindi naman tayo ang kaaway,” sagot ko.       Hindi naman kami mga pulis para umawat sa mga ganoong uri ng sitwasyon. Baka kami pa ang malagot kapag nakasakit kami ng isang sibilyan kaya mas mabuti nang hindi kami mangialam.         “Wala naman akong ginagawa sa iyo at nakatingin lang ako. Ikaw yata ang may problema,” rinig ko na sagot ng isang lalaki. Humina rin ang tugtog sa buong bar kaya ang ibang customer ay nakikinig na sa mga nag-aaway. Nasaan ba ang mga guwardiya rito? Mga takot ba sila sa mga lasing na ‘to kaya hindi nila magawang umawat? May posibilidad pang maging malaking gulo ang mangyari kapag hindi pa nila inagapan kaagad ang mga kaganapan.         “Nakatingin ka lang?! Nakita ko nga na masama ang tingin mo sa akin kanina pa! Halika rito at ibibigay ko sa ‘yo ang hinahanap mo!”       Isang kalabog ng mesa ang yumanig sa buong paligid. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tignan kung ano ang nangyari. Ang lalaki na nakaupo kanina ay nakahiga na ngayon sa lamesa. Bumagsak ang lamesa dahil sa ginawang pagbalibag ng lalaki. Ang mga malapit sa kanila ay nagsitayuan at lumayo na sa pwesto nila. Nakakarami na rin kami ng inom ni Hamza kaya naman parang nag-iinit ang katawan ko ngayon.       “Sigurado ka ba na hindi tayo mangingialam?” tanong sa akin ni Hamza bigla. Kapag ganoon na ang tanong niya ay nanggigigil na rin siya sa nakikita niya ngayon. Ang mga kainuman nila ay hindi man lang nagbalak na awatin sila. Pinagsusuntok ng galit na lalaki ang nakasalampak ngayon sa mesa hanggang sa makita ko nang dumugo ang mukha nito. Ang ibang kababaihan naman na malapit sa kanila ay umiirit na dahil sa kabrutalan ng lalaki. Bigla ay humawak ito ng basag na bote at iyon ang naging hudyat naming dalawa ni Hamza.     Agad siyang tumayo at mabilis na lumapit sa pwesto nila kaya sumunod din ako. Nang akmang ihahampas na ng lalaki ang bote sa ulo ng nakahiga ay mabilis itong nahawakan ni Hamza dahilan para matigilan siya at lingunin niya si Hamza.         Noong lumingon ang lalaki ay mabilis ko itong sinuntok sa mukha para bumalikwas siya at umalis sa pagkakapatong niya sa lalaki. Ibinato naman ni Hamza ang basag na bote sa gilid niya saka inalalayan ang lalaking duguan na ngayon ang mukha at halos hindi na makilala.       “Hoy! Sino kayo para mangialam sa gulo naming dalawa ngayon?!” sigaw ng lalaki saka tumayo. Napansin ko naman na may tinawagan si Hamza, mukhang ambulansya na ang tinawagan niya para madala kaagad ang lalaki. Halos hindi na nga ito makamulat dahil sa natamo. “Nasaan ba ang mga guwardiya sa  bar na ‘to?! Gusto niyo ba na ireklamo ko kayo?!” galit na sigaw ni Hamza.       Mabilis na lumapit ang dalawang bouncer saka inalalayan ang duguang lalaki. “Ibaba niyo na siya dahil susunduin ‘yan ng ambulansya,” maawtoridad na utos ni Hamza sa kanila na agad namang sinunod. May mga bouncers pala sa lugar na ito, ngunit hindi man lang rumesponde kanina pa. Kawawa tuloy ang sinapit ng lalaki na ‘yon. Kung sana ay dumating sila agad, hindi na rin sana kami mangingialam pa sa gulo na ito. Nagsisisi na tuloy ako dahil dito pa kami nag-inom ngayon ni Hamza. Unang gabi sana ng aming bakasyon, pero ito pa ang naranasan namin. Tiyak na pagod pa rin kami bago umuwi mamaya. Hindi chill ang nangyari kung ‘di stress.          “Sinabi nang huwag kayong mangialam sa amin! Gusto niyo ba na basagin ko ang mga bungo ninyo? Hindi naman kayo kasali tapos bigla kayong makikisali sa amin. Humanap kayo ng sarili ninyong gulo! Basagin ko kaya ang bote ng mga alak dito sa bawat ulo ninyong dalawa, ha?! Papatayin ko kayo! Hindi ako natatakot kahit sino pa kayo o kung ilan man ang lalaban sa akin! Ang ayoko sa lahat ay ‘yong bigla na lamang mangingialam sa gulo ng ibang tao!”  Papatayin daw niya kami? Hindi ba niya alam na daig pa namin ang pusa sa dami naming buhay ni Hamza? Hindi kami basta-basta na namamatay. Kahit ilan pang sugat ang matamo namin ay magagawa pa rin namin na manatiling buhay. Marami na kaming mga giyera na dinanas at ang lahat nang ‘yon ay nalagpasan namin. Buo pa rin kami at nagagawa silang labanan. Baka siya pa ang mapatay namin ngayong gabi gamit lamang ang isang bala. Pero hindi kami pumapatay ng mga sibilyan dahil labag ‘yon sa batas. Lalo na at mga nakainom pa kami ng alak ngayon. Maaari na kami ang makulong at mawalan pa ng lisensya bilang isang sundalo.        Hindi naman pinansin ni Hamza ang mga sinasabi ng lalaki. Hinarap kami ng lalaki at ang mga kainuman niya na naglalakihan ang mga katawan ay biglang pumunta sa likuran nito na para bang anumang oras ay handa na silang sugurin kaming dalawa ni Hamza. Ang ibig lang nitong sabihin ay wala talagang kakampi ang lalaki kanina dahil ang mga kasama niya ay kakampi ng kumag na ‘to. Inihanda ko naman ang sarili ko sa posible nilang pag-atake sa amin. Samantalang si Hamza ay walang takot na lumapit sa lalaki. Bakit naman namin katatakutan ang isang sibilyan lamang? Sumasabak kami sa giyera kaya ang mga ganitong laban ay sisiw lamang sa amin. Hindi kami natitinag nang kahit na sino dahil kahit bala ng baril o ‘di kaya ay bomba ay nagagawa naming salubungin. Kita ko ang ngisi sa mga labi ni Hamza nang makalapit siya sa lalaki na para bang nagyayabang pa siya. Bilib din talaga ako sa taglay nitong kayabangan. Palibhasa ay daig pa niya ang pusa kung magkaroon ng napakaraming buhay dahil hindi man lang mamatay-matay sa bawat giyera namin. Sa kaniya talaga ako humahanga. Kaya dapat lang din na siya ang natagurian namin kapitan. Hindi lang ligtas ang kaniyang sariling buhay. Pati na rin ang buhay ng kaniyang mga kasamahan ay ligtas. Bago kami sumabak sa isang giyera ay nag-iisip siya ng ayos sa gagawin namin na plano. At ang plano na ‘yon ay hindi basta-basta. Kung gusto rin namin na makabalik ng buhay sa aming bansa ay kailangan naming sundin ng ayos ang bawat plano ni Hamza. Hindi dapat kami magkamali. Dahil sa oras na magkamali kami ay hindi na aayon sa plano ang lahat.  Hindi gusto ni Hamza na magkamali kami dahil ikapapahamak namin ‘yon. Kaya hangga’t maaari ay ginagawa namin ang lahat upang hindi kami magkamali. Sinisiguro rin naman lagi ni Hamza na alam namin ang bawat plano bago kami gumawa ng aksyon. Katulad na lamang ngayon. Sigurado ako na may naisip na siyang plano kung ano ang dapat naming gawin sa mga panget na sibilyan na nasa harapan namin ngayon.        “I can kill you using just my hand around your f*****g neck, dumbass.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD