[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang utos sa akin ni Cade ngayon o hindi. Tumataas na lalo ang pagpulupot ng ahas sa katawan ni Savannah. Kapag umabot pa ‘yon sa kaniyang dibdib ay maaaring hindi na siya makahinga pa dahil iipitin siya ng ahas. Pinipilit ko rin ang sarili ko ngayon na hindi mataranta. Ayokong pakitaan si Savannah na kinakabahan ako ngayon na i-rescue siya. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Nang sa gayon ay mailigtas ko ang buhay ni Savannah. Tangina, pinagpapawisan na ako ng sobra ngayon. Pakiramdam ko ay ako ang pinupuluputan ng malaking ahas na ‘yon. Ito rin ang unang beses na nakaramdam akong kaba. Dahil lang sa mga mababangis na hayop na nasa harapan namin ngayon ay nakaramdam ako ng takot. Pero kapag nasa giyera kami ay ni ka

