[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] [“First Lieutenant Emerson reporting right now. I already sent the new medical team of US barracks. They are now heading to the military plane. The medical team consists of five doctors and ten nurses. The head doctor will be the military doctor starting today,”] sambit sa akin ni Presley mula sa telepono. “That’s good to hear. Kailangan na rin namin talaga rito ng mga doktor. Bakit hindi ka pa sumabay sa medical team?” tanong ko naman. Ang alam ko kasi ay pupunta rin siya rito. Mukhang nag-aalala siya kay Cade kaya balak niya na pumunta rito. Nagkaroon ng pagbabago sa schedule niya. Dapat ay sa naval base siya ipapadala ngayon ng chief commander, pero narinig ko na nag-request siya na iba na lang ang ipadala roon at siya naman ay dito sa US barracks.

