[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Akala ko naman ay hindi na mag-aaway dito ang dalawang ‘yon. Nagugulat din ako sa mga aksyon ngayon ni Cade. Hindi ko inaasahan na ipapahiya niya nang ganoon sa harap ng maraming tao si Presley. Pero mukhang nabastusan nga siya sa ginawa ni Presley sa kaniya kanina. Mas malala na ngayon ang pagbabago ng dalawang ‘yon sa isa’t-isa. Mukhang malabo na talaga silang magkabalikan muli. Gabi na at halos tahimik na ang buong lugar. Pero hindi ko hinahayaan na matulog ang iba kong mga kasamahan. Alternate naman ang kanilang schedule sa pagbabantay sa buong barracks. Narito ako ngayon sa harap ng kwarto ko at nakaupo sa hagdan. May hagdanan kasi rito bago makapasok sa kwarto ko. Magkakatabi lang kami ng kwarto nina Cade, Gunner, at Cannon. “Lumalalim na ang ga

