Third person
Isang malamig na paligid ang sumalubong kay Mikzs nang makapasok siya sa silid ng taong halos katakutan na ng lahat. Na siyang ding nagmamay-ari ng mga malalamig at walang emosyong matang sumalubong sa mata nyang pilit tinatago ang kabang nararamdaman.
This is not him, pero sa tuwing kaharap nya ang lalaking nakaupo sa swivel chair nito, para siyang maamong tupa na natatahimik at tumitiklop. Aaminin nya, takot sya sa lalaking ito.
'Tangina yan, Mikzs. Nababakla ka na ba? Hindi ka dapat matakot diyan!' sigaw ng kanyang isipan. Hindi sya maaring maging takot na lamang lagi.
"It's been a long time, Mr. Reid. I guess, the time I gave to you is enough for you to have the money you borrowed? And now, give me back my money." Walang nababakas na emosyon at malamig nitong sabi sa kanya.
Natigilan sya ng maalalang hindi pa sapat ang perang naipon at pinagtrabahuhan mula sa kanyang kumpanya upang mabayaran ang perang hiniram at nagamit nya. Hindi nya alam ang gagawin at sasabihin.
Napalunok si Mikzs sa paraan ng pagtitig sa kanya ng taong kaharap nya, at ikinalulungkot nyang isipin ngunit kahit anong gawin nya, hindi nya mabasa-basa ang kung anong nasa isip ng lalaki. "Answer me. The money, are they enough and ready or not?" Anito.
Agad syang nanginig sa takot nang mapansing nagsisimula ng umiba ang awra ng taong kaharap nya. "M-Mr. Villanor, can you give me some another time to complete the money? Just a little more time..." Sa takot nya, pati ang pagsasalita nya ay utal-utal na.
Natatakot sya sa maaaring mangyari sa kanya o sa pamilya nya. Kilala nya ang lalaki, at alam nya rin kung ano ang mga kaya nitong gawin at halos mabibilang lang sa daliri ang mga hindi nya kayang gawin.
"No!" Para bang niyanig ang kanyang paligid dahil sa mabangis ng sigaw nito sa kanya. At halos nasira rin ang lamesang gawa sa mamahaling kahoy dahil sa ginawa nyang paghampas.
"I want my money tomorrow! And if the money is still not here until tomorrow, you don't have a choice but to give me your lovely wife." Agad nitong dagdag na nagpa-pako sa kanya mula sa kanyang pwesto. Tama ba ang narinig nya? Gusto nitong ang asawa nya ang magiging pambayad kung hindi sya makakabayad hanggang bukas?
'My Trixian? No! Not my wife!' Agad na kontra ng kanyang utak habang nakakunot na ang kanyang noo.
"Wait, Mr. Villanor. My wife isn't involve here. And no, I won't give you my wife. Not mg wife, Mr. Villanor." Matigas nyang sabi habang nakayukom ang kanyang mga kamao at nakatiim-bagang. Hindi sya makakapayag na gawing pambayad ang pinakamamahal nyang asawa. Hindi pwede ang mahal nya.
Kitang-kita nya naman ang biglaang pagbabago ng ekspresyon at awra ng kanyang nasa harapang lalaki. Malamig at madilim na awra ang bumabalot sa lalaki habang sya naman ay halos mawalan na ng kulay ang mukha dahil sa sobrang kaba sa maaaring gawin ng lalaki sa kanya sa mga oras na iyon.
"You don't have a choice. If my money is still not here by tomorrow, you have to give me your wife as your payment. And if you won't bring her here, I'm sorry but not sorry, I'll be the one who's going to get her. Mark my words, Mr. Reid." Madiin nitong sabi sa kanya. Ramdam na ramdam nya ang madilim at malamig na awra ng taong kaharap nya.
Natatakot sya sa ka-seryosohan ng tinig ng lalaking kausap. Alam nyang kapag sinabi nito, ginagawa nito, at natatakot sya na baka kunin nga nito ang asawa nya. Ang mahal nya.
Pero bakit ang pinakamamahal nya pa?
Namayani ang katahimikan sa loob ng silid ng lalaki. At sa kailaliman ng kanyang pag-iisip, hindi nya napansin ang paglisan ng lalaki sa silid at iniwan syang mag-isa habang dala-dala ang kabang ibinigay sa kanya.
Hindi nya lubos maisip. Bakit ang asawa nya pa ang hinihingi nito gayong maaari naman itong kumuha ng napakaraming babae sa isang kurap ng mata? Sa itsura nito, napaka-imposibleng walang babae ang nahuhumaling at naghahabol dito.
Paano kung gawan ng masama ng lalaki ang kanyang asawa? Paano kung harasin nito ang asawa– agarang syang napailing sa kung ano-anong pumapasok sa kanyang isipan. Hindi naman siguro sasaktan ng lalaki ang kanyang asawa kung sakali man.
Pero, itinataga nya sa bato, hinding-hindi nya ipapaubaya ang asawa nya sa lalaki kahit buhay nya pa ang kapalit. Wala ng silbi pa ang buhay nya kung mawawalay lamang sya sa kanyang asawang labis na minamahal.
Daraan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko bago ka nya makuha sa'kin, Trixian.
Hindi mapakaling pabalik-balik nang lakad si Trixian sa sala ng kanilang bahay, dahil sa pag-aalala sa asawang hanggang ngayon ay wala pa. Magmula ng lumabas ito ng kanilang silid noong nakaraang araw ay hindi parin ito nabalik. Dalawang araw na ang lumipas, ngunit ni isang tawag o mensahe ay wala syang natanggap mula sa asawa.
Muli syang umiling at bumalik-balik habang nag-iisip ng posibleng lugar na kinaroroonan ng kanyang asawa. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa asawa nya basta ang tanging alam nya ay may hindi tama.
'Where are you, Hon?' Mahinang tanong sa sarili.
At para naman syang binunutan ng tinik sa lalamunan nang makarinig sya ng isang ugong ng sasakyan. Si Mikzs!
Dali-dali syang lumabas ng bahay upang salubungin ang asawa ng isang yakap. Agad din namang ginantihan ng asawa ang kanyang yakap sabay bumulong sa kanya. "I miss you, Hon."
"I miss you too. Saan ka ba galing ha? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo bang alalang-alala ako sayo ha?" Sunod-sunod nyang tanong sa asawa na sya namang ikinatawa nito ng mahina.
Kinurot nya ito sa tagiliran. "A-aray! Hon, naman!" Nagmamaktol nitong sabi habang nakanguso pa, kaya hindi nya napigilan ang sariling halikan ito sa labi.
"Anong nakakatawa, huh, Mikzs? Pagkatapos mo akong pag-alalahanin, tatawanan mo lang ako riyan?" Sambit nya nang putulin nya ang halik. Mukha namang nabitin ang kanyang asawa sa halik na ibinigay nya kaya lihim syang napangisi. Buti nga sayo!
"Wala po, ma'am." Anito sabay ngiti nang labas ang mga ngipin. "Ang mabuti pa, mag-impake na kayo ng anak natin. Magbabakasyon tayo." Ngiting-ngiting dagdag pa nito na syang ikina-ngunot ng kanyang noo.
"May pasok ah? Saka, bakit? Para saan?" Nakakunot noong tanong nya sa asawa bago tumitig sa mga mata nitong tila isang baul na mayroong tinatagong laman sa loob na hindi mya makita.
"Basta gawin mo nalang. Gusto ko lang naman masolo ang mag-ina ko, masama ba 'yon?" Sa kabila ng simpatsya nya ay nagawa nya pang ngumiti dahil sa ka-sweet-an ng kanyang asawa. Pakiramdam nya, mas lalo syang nahuhulog sa asawa dahil sa ugali nyang iyon.
"Opo, Mister." Ngiting-ngiting sangayon nya na lamang, dahil alam nyang kapag nag-protesta pa sya at sa huli, sya rin ang talo.
Tatlong araw na ang nakalipas nang pumunta sila sa bahay bakasyunan nila sa Baguio at sa loob ng tatlong araw ay mas naging sweet at maalaga ang kanyang asawa sa kanila. At sa loob rin ng tatlong araw na iyon, ay mas lalong tumindi ang sinpatsya nyang may tinatago mula sa kanya ang asawa.
Masyado na itong protective lalo na sa labas o publiko. Lagi rin itong balisa sa tuwing napunta sila sa maraming tao. Magbago ang kanyang asawa sa mga nagdaang araw na hindi nya mawari.
"Hon, saan ka pupunta?" Agad akong natigil sa pagpasok ng sasakyan ko nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Hindi nya pinaalam sa asawa na lalabas muna sya saglit para bumili ng ilang gamit na kailangan sa bahay dahil alam nyang hindi sya hahayaan ng asawa na lumabas mag-isa.
"Dyan lang. May bibilhin lang ako."
"Samahan na kita. Sandali, hintayin mo ako at magbibihis lang ako." Agad nitong sabi bago dali-daling pumasok sa loob ng bahay.
Hindi na nya hinintay pa ang asawa at agaran syang sumakay sa sasakyan bago tinahak ang daan papunta sa mall, naroon kasi panigurado ang mga bagay na kailangan nya.
At nang marating nya ang parking lot ng mall, agad nyang kinuha ang cellphone nya bago pinadalhan ng mensahe ang kanyang asawa. Napahagikhik sya sa isiping napakahaba na ng nguso ng asawa habang binabasa ang mensaheng pinadala nya.
Nang matapos ang pagpapadala ng mensahe sa asawa, ipinagpatuloy nya ang kanyang paglakad papunta sa pintuan ng mall. At habang naglalakad sya, may napansin syang isang gintong kwintas na kumikinang-kinang pa.
Tumigil muna sa sa paglakad at yumuko para kunin ang kwintas na pumukaw sa atensyon nya na sana'y hindi nya nalang ginawa.
Malamayan nya nalang na may nasinghot syang kung ano na naging dahilan para mahilo sya.
And then the next thing she knew ay natumba na sya at may naramdaman syang kung anong sumalo sa kanya. Naramdaman nya rin ang pagtabing ng ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang mukha bago pa nandilim ang paningin nya.