At nang nagtangkang paslangin
Ng mga masasamang loob ang
Kahit na sino sa mga ka tribo nila
Sami, ay nagulat nalang ang mga
Ito noong nakita nilang hawak hawak
Na ni Rudy ang Ulo ng kanilang pinuno.
"Boss!!.. Anong ginawa mo kay boss?"
Nagulat na wika ng isa sa kanila
"Di ko malilimutan kung paano
Nyo pinaslang si Ka esting"
Nanlilisik ang mga mata
Ni Rudy habang binabanggit ito
"Hindi ka tao!" Wika ng
Mga ito kay rudy
"KAYO ANG HINDI TAO!!
PAANO NYO NAGAGAWANG
PUMASLANG NG TAONG
WALANG KALABAN LABAN?"
Galit na tanong
Ni Rudy.
"takbo na tayo mga kasama.."
Salita nito
"AT AKALA NYO GANUN GANON
NA LANG YON? Mga kaTribo
Wag silang hahayaan maka takas"
Wika ni Rudy
At nang dahil sa binitawang salita
Ni Rudy ay nagkaroon ng
Lakas ng loob ang mga tao sa tribo
Nila, at matagumpay nga nilang
Nawakasan ang mga buhay ng
Mga masasamang loob na
Nagtanggkang paalisin sila
Sa Kagubataan na iyon.
Matapos ng madugong bakbakan
nila laban sa mga masasamang
loob ay nagkaroon nanaman ng
sabi sabi o usap usapan sa Tribo
na kung pwede ay palitan ni
rudy si Sami bilang isang pinuno
ng tribo nila..
Ngunit sinabi ni rudy na wala
syang balak na mamuno sa kanilang
Tribo at mas gugustuhin nya
na lamang na maging kanang kamay
ni Sami..
At ganon na nga ang naging tagpo
ng kanilang pamumuhay, masaya at
halos ligtas na sa kapahamakan
ang mga kasamahan nila sa tribong
iyon at masayang nag hahanap ng
makakain sila Rudy nang biglang...
Humagulgol sa iyak ang isang
ina na kasamahan nila..
"Anong nangyari Ka-Susan (ngalang nito)?"
tanong ni Sami
"Yung anak ko.... Bigka nalang
tinangay ng isang ibon... huhuhu"
patuloy lang na umiiyak si Susan
"Anong klaseng ibon ba iyon?" tanong ni
Rudy
"Hindi ko alam... basta bigla nalang bumaba galing sa punong iyon (sabay turo
sa puno ng Narra) at biglang kinapitan
ng kanyang matutulis na mga paa
ang aking anak, at bigla itong lumipad
patungo sa Bundok na iyon"
wika ni Susan
"Kailangan nating tahakin ang bundok Sami, kailangan natin mailigtas ang
isa aa ating ka Tribo"
wika ni Rudy
"Makakaasa kayo nanay Susan na maibabalik namin sa inyo ang
inyong anak"
wika ni Sami Kay Susan
Noong oras ding yon ay agad na
tumungo sila Rudy at Sami sa
naturang bundok at inabot na sila
ng takip silim sa paglalakbay, nais
man ni Rudy na bilisan ang
kanyang pag punta sa bundok na
iyon ay hindi naman kayang
makasabay ng mga kasama nya.
"Sige na Rudy, kung kaya mong
mag isa ay mauna ka na.. alam
kong gustong gusto mo
nang mauna at mabilis ka lang
makaka tungo roon, asahan mong
susunod kami sayo.."
wika ni Sami
"Pero... paano kung mayroon kayong
makasalubong na mabangis na
hayop sa inyong paglalakad?"
tanong ni Rudy
"Marami kami Rudy, kayang kaya na
namin ang aming sarili, wag mo kaming
intindihin, isipin mo nalang
ang batang ililigtas natin."
sagot ni Sami
"sige... mag ingat kayo, mauna nako"
wika ni Rudy
At mabilis ngang tumakbo si Rudy
na sing bilis ng Kidlat, agad nitong
natungo ang naturang bundok
at tila naguguluhan si Rudy
noong hindi nya malaman
kung saan nang gagaling ang
amoy ng malansang
dugo.
"Mukhang bago pa lamang
ang dugong iyon, ngunit nasaan ito?"
tanong ni Rudy sa isip nya
Haggang sa ilang sandali ay
biglang may sima ng pana ang
papalapit ngunit naiwasan ito
ni Rudy...
Nakita agad ni Rudy na
parating ang Sima... kaya
naman pinuntahan nya agad agad
ang pinang galingan nito.
Nabigla si Rudy noong makita
nyang isa batang lalaki ang
may hawak na pana, at nagtangka ulit
na sya ay panain.
"sino ka?" tanong ni Rudy
"Kailangan mong mamatay!"
sagot nito
Papanain pa lamang ng batang
lalaki si Rudy nang biglang napunta
sa likod nya agad agad si Rudy sa
bilis nito.
Gulat na gulat ang batang lalaki
noong biglang napunta si Rudy
sa kanyang likuran.
"Bata, sino ka? anong ginagawa mo
dito sa bundok na ito? at saka
nasaan ang malaking ibon
na kumukuha ng mga bata?"
tanong ni Rudy sa bata
"Ibig nyo bang sabihin ay tinutugis
nyo rin ang Ibong iyon?"tanong din ng
bata
"Kung saaabihin mo kung nasaan ito
ay papaslangin ko sya, tinangay nya
ang isa sa mga ka Tribo ko.."
sagot ni Rudy
"Hindi kayo ordinaryong tao, mapaka bilis nyo... ipangako mong tutulungan mo
akong matugis ang ibong iyon.."
wika ng bata
"Taga saan ka ba? napaka delikado ng
lugar na ito para sa isang batang
katulad mo.."
tanong ni Rudy
"Doon pa ako nakatira sa susunod na limang bundok, siguro ay nasa
isang buwan na ako sa lugar na ito,
simula noong tinangay ng ibong iyon ang
aking kapatid, magbabayad sya... hindi ko sya mapapatawad!" umiiyak na
salita ng batang lalaki
"May idea ka ba kung saan natin sya makikita?" tanong naman
ni Rudy
"Bago pumutok ang araw... nakikita ko sya palagi na lumilipad at may dagit dagit nanaman na panibagong bata, madalas na dinadahit nya ay ang mga batang nasa limang taon pa lamang pababa.. lagi ko syang pinapana ngunit hindi ko sya matamaan, tulungan mo ako mister! bawiin naten ang kapatid ko.."
umiiyak na wika ng batang lalaki
"Ako nga pala si Rudy.. anong pangalan mo?"
tanong ni rudy