Walang takot na lumusob ang
Mga ka tribo ni Rudy ngunit
Hindi tulad ng dati, sa mga
Normal na hayop na madali lang
Nilang napapaslang ay kakaiba
Ang isang ito, napaka bangis at
Napaka bilis kung ikukumpara
Sa ibang hayos na naka engkwentro
Nila.
Agad agad nitong nasakmal ang
Dalawang lalaki sa tribo at mabilis
Na nalagutan ng hininga...
Susugod sana si Sami nang biglang
Pinigilan ito ni Rudy..
"Wag mong lalabanan yan! Hindi
Yan basta bastang hayop lamang"
Wika ni rudy kay Sami
"Eh anong gusto mong gawin
Ko? Ang panoorin nalang na
Ubusin ng hayop na yan ang
Lahat ng kasama natin?"
Galit na tugon ni Sami
At hindi nga ito nagpapigil
Kay Rudy hanggang sa lumusob
Ito upang ipagtanggol ang
Lahat ng tao sa tribo bilang isang
Pinuno...
Pag taga ng isang matalim na
Itak, ay mabilis na naiwasan
Ng nilalang na iyon ang pag
Atake ni Sami... Habang nagdadalawang
Isip pa si Rudy kung ano ang
Kanyang gagawin...
At nang mga sumunod na pangyayari
Ay gaganti na ng pag atake ang
Nilalang na iyon, upang paslangin
Si Sami...
Nagulat ang lahat sa kanilang
Nasaksihan... Timilapon ang
Ulo ng isang mabangis na
Nilalang na ito at itoy naglaho
At naging abo...
Kitang kita nila ang bilis ni
Rudy patungo sa Aswang na
Iyon, nang bigla nitong
Hiniwa ang leeg ng aswang gamit
Lamang ang kanyang matatalim
Na mga kuko...
At dahil sa kagustuhan ni Rudy
Na mailigtas si Sami ay
Ipinakita nya ang kanyang tunay
Na anyo, alam nyang hindi na
Sya tatanggapin pa ng mga
Ito, dahil sa nalaman na nila
Ang kanyang lihim..
Agad na lumisan si Rudy gamit
Ang kanyang bilis upang makalayo
Agad agad sa mga kasamahan nya.
Iniwan nya ang nga ito na naka
Tulala at halos di makapaniwala
Sa kanilang nasaksihan.
At nang makalayp na nga
Si Rudy sa mga ito ay makikita
Sa kanyang mga mata ang lungkot at
Luha na tumutulo dito...
Nagpalipas sya ng gabi sa ilalim ng
Puno, at nang pag gising nya ay
Nagulat sya noong makita nya
Si Sami kasama ang buong
Tribo na nakapalibot sa kanya
At naka ngiti ang mga ito.
"Bakit mo naman kami
Iniwan?" Wika ni Sami
"Hindi ba kayo natatakot sa
Akin?" Tanong ni Rudy
"Bakit kami matatakot sayo? Eh
Ikaw nga ang nagligtas sa amin
Mula sa isang mabangis na nilalang
Na iyon"
Wika ng mga kasamahan
Ni Rudy.
At natuwa si Rudy dahil hindi sya
Kinatakutan at itinakwil ng
Mga ito, at dahil nga tanggap
Sya ng mga katribo nila
Ay naging komportable siRudy
At hindi na sya nag aalinlangan
Na ilabas ang kanyang mabangis
Na anyo.
Hanggang isang araw...
At tulad noong nakaraan..
Ay napadpad nanaman
Ang mga masasamang tao
Na nagpalayas sa kanila dating
Lungga.
Agad nanaman nilang kinuha
Ang kanilang pinuno na si Sami
At tinutukan ng b***l sa ulo
At sinabihang papatayin ito
Kung hindi sila lilisan sa kagubatang
Iyon.
"Pinaalis nyo na kami sa dati
Naming tinitirhang kagubatan,
Hindi na kami papayag na
Paalisin nyo ulit kami"
Wika ni Sami
"Aba... Wala ka palang takot...
Sige mga bata... Pumatay kayo
Ng kahit na sino at wag kayong
Titigil sa pag paslang hanggang hindi
Pumapayag ang pinuno nila (Sami)"
Wika ng pinuno ng mga
masasamang loob
At dahil alam nga ng buong tribo
Na may kakaibang lakas itong
Si Rudy, ay hindi sila nasikdak
Sa binitawang salita ng pinuno
Ng mga masasamang loob.