At dahil mabait nga si Rudy
ay hinayaan nya nalang
na kamuhian sya ng mga ito at
nagpakalayu layo nalang sa
bayan na iyon.
Malungkot ang naging buhay nya
dahil lahat nalang ng minamahal
nya ay pinapatay ng mga
aswang..
Lalong nag init ang dugo
ni Rudy sa mga aswang at desidido
na talaga itong ubusin ang
kanilang lahi..
Habang naglalakad sya sa di
kalayuan, ay may naamoy nanaman
syang isang masangsang na
amoy at alam nyang isa
itong aswang.. nakita nya
ang isang aswang na
mabilis na tumatakbo papalapit
sa isang bahay kung saan
mayroong nanganganak
na babae.
Sinundan ito agad ni Rudy
at bago pa man mailabas ng
aswang ang kanyang
dila upang makuha ang
bata sa tyan ng buntis
ay agad agad nya itong tinalunan
sa bubong at agad na
pinaslang ang aswang..
Ngunit noong napansin ng
mga tao sa loob ng bahay
na may kung ano ang
kumalabog ay nakita nila
si Rudy at sya ang napagkamalang
aswang na nagtatangkang
umatake sa buntis na
nandoon sa bahay na iyon.
At dahil nga sa di naman
ganun kalayo iyon sa bayan
kung saan nakatira sila
Ella ay nakilala sya ng
isang myembro ng pamilya
na nandoon sa bahay na iyon.
"Si Rudy yan!! yan yung kargador
nila Ella sa palengke..
Aswang pala yan.. kaya naman
pala ang lakas nya noong pinatumba
nya ang dalawang siga sa palengke"
wika ng isang myembro
ng pamilya doon.
nagpapaliwanag si
Rudy na hindi sya ang
aswang na balak umatake
sa buntis, ngunit hindi sya
pinaniwalaan ng mga ito
bagkus ay pinagbabato sya
ng bato at balak pa
syang paputukan ng
baril.
Agad na tumakas si Rudy
mula sa mga taong iyon at
sinundan sya ng mga ito
upang tugusin.
Ngunit hindi nila kayang
abutan si Rudy sa sobrang
bilis nitong tumakbo,
kaya naman nakalayo ito sa
kanila.
Mula noon ay hindi bumalik
pa si Rudy sa bayan na iyon
ngunit hindi ito naging hadlang
para tapusin ang mga lahi ng
aswang na kanyang kinasusuklaman.
Napadpad naman si Rudy sa
isang kagubatan at meron
ding mga kabahayan dito
at masaya ang bawat isa
hanggang sa di sinasadyang
bago pa lang lumapit si
Rudy sa tribong iyon
ay sinalakay ulit ito
Ng isang mabangis na hayop.
Ngunit hindi pala ito aswang
na inaakala ni Rudy...
At nang tutugisin na
ito ni Rudy para paslangin
ay nabigla sya nang biglang
may isang babae ang biglang
sumaksak sa mabangis na
hayop na ito. Si Sami, isang
Maganda ngunit mabangis ding
Babae ng tribo dahik sa kanyang
Tapang.
Normal nalang pala sa tribo na
iyon ang nilulusob sila ng
ibat iba uri ng hayop,
ngunit napansin ng mga tao
doon ang gagawin sana
ni Rudy kaya naman
nagustuhan din nila
ang binata.
Nagtagal din si Rudy sa bayan
na iyon, at umabot ng
ilang taon.. Balak na nyang
kalimutan ang tungkol sa
mga aswang dahil masaya na
sya sa pamumuhay doon.
Naging masaya na si Rudy na
Nakikipag halubilo sa mga
Tao sa tribo doon, hanggang
Sa isang araw ay nilusob
Sila...
Hindi ng mga aswang, kundi
Mga tao na may mga baril
At balak na palayasin sila
Sa kagubatan...
Ang pinuno ng tribo ay
Si ka Esting na sinusunod
Ng lahat ng mga ka tribo nya
At ni Rudy...
Agad agad na tinutukan ng
Mga masasamang loob si Esting
At pinipilit na lumayas sa
Kagubatan dahil kakahuyin nila
Ang mga puno rito upang
Ibenta sa lungsod.
At nang hindi nga pumayag si
Esting sa balak ng mga
Masasamang loob, ay
Agad agad nila itong pinutukan
Ng b***l sa ulo na dahilan
Ng pagkamatay ni Esting.
Humagulgol ang lahat ng
Ka tribo at si Rudy naman
Ay parang nawala nanaman sa
Sarili noong makita nanaman
Nya sa harapan nya ang isang
Pagkamatay ng taong nalalapit
Sa kanya, ngunit sa kamay naman
Ngayon ng isang tao. At hindi
Isang aswang.
Lahat ng ka tribo nila at maging
Si Rudy ay tinalian ng kamay upang
Hindi makakilos, naunahan si Rudy
Dahil iniisip nya na kapag
Lumaban sya at nakita ng
Mga tao ang tunay nyang
Anyo ay baka itakwil din sya
Ng mga ito.
At nangyari na nga ang
Gustong mang yari ng mga
Masasamang loob, tuluyan
Nilang napaalis ang mga
tao sa kagubatan at pinutol
Ang mga puno doon upang
Ibenta sa lungsod.
Ang buong tribo naman kasama
Si Rudy ay naghanap ng
Panibagong kagubatan na kanilang
Tutuluyan, at sa di kalayuan
Ay may nahanap silang magandang
Kagubatan upang doon na
Sila mamalagi, ngunit may
Kulang... Wala na si Esting na
Pinuno nila..
Kailangan nila ng mamumuno
Sa tribo upang sundin sa
Ano mang hakbang na
Kanilang gagawin.. Nagkaroon
Sila ng paligsahan kung saan
Makikita kung sino ang
Karapat dapat na mamuno
Sa kanilang tribo, si Rudy ay
Walang balak na sumali
Dito ngunit mapilit si Sami, na
Isang nalalapit sa kanyang
Kalooban, ito rin ang dahilan
Kung bakit ayaw ni Rudy na
Umalis sa tribong iyon.
Pinilit ni Sami si Rudy na sumali
Sa gaganaping paligsahan
Kung saan kasali din sya,
Si Sami ay naniniwalang may
Angking lakas si Rudy kaya
Naman gusto nyang makita iyon.
At pumayag nga si Rudy sa
Gustong mangyari ni Sami,
Ngunit natapos ang paligsahan
Nang si Sami ang manalo at
Tila nadismaya ang lahat kay rudy
Sapagkat iniisip nila na kayang
Kaya ni Rudy na maging pinuno.
Ngunit tila wala nang balak
Pa si Rudy na ilabas ang kanyang
Tunay na anyo at gusto nalang
Nito na magpakasaya sa
Isang simpleng buhay...
Hanggang sa isang gabi, may
Kakaibang huni ang narinig ng
Mga tao sa tribo, huni na parang
Kakaibang hayop.. At nang lumabas
Ang lahat sa kanilang mga
Lungga ay nakita nila
Ang isang malaking Hayop na
Kinakain ang isa sa kanilang
Mga ka Tribo...
Alam ni Rudy na hindi ito basta basta
Hayop lamang...