♥ THIRTEEN ♥ BARON I took another bottle of beer, opened it then released a heavy sigh. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang bahagya nang magulo kong buhok. Ikinalso ko ang mga siko ko sa magkabila kong tuhod saka ko tinungga ang bote ng alak. Dama ko ang tinging ibinabato ni Alpha at Hank pero hinayaan ko na lang. "Quinnser is still nowhere to be found. Hindi rin alam ni Ram kung saan ba talaga siya pumunta." Ani Alpha Levi. Umayos ako ng upo at ipinatong ang isang braso ko sa backrest ng sofa. "What about Alpha Pierre? Wala rin ba siyang alam?" Tanong ko. Umiling siya. "He's got no idea where that son of a b***h went. Panay na ang pag-atake sa Tyrain wala pa rin ni bakas niya ang nakikita." Muli kong tinungga ang bote ko saka ako ulit bumuntong hininga. Mukhang hindi na nakatiis

