♥ TWELVE ♥ IRENE Magsasalita na sana si Baron nang bigla na lang siyang napahinto. Nagkatinginan sila nina Magnus. Mayamaya ay biglang napamura si Baron. "s**t!" Asik niya. Bigla na lang silang nagtakbuhang tatlo palabas. "Anong nangyayari?" Puno ng pagtataka kong tanong. Tatayo na sana ako nang huminto si Baron sa pagtakbo saka ako binalingan. "Stay there, Irene! It's not safe!" Seryoso niyang sabi bago tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung anong nagyayaro ngunit mukhang seryosong bagay 'yon. Nakarinig ako ng mga kalabog mula sa hallway pero dala ng takog ay hindi ko nagawang kumilos mula sa kinakaupuan ko. Lumipas ang ilang minuto at narinig ko ang mga yapak pabalik ng sala. Si Baron at iyong kamukha niyang lalake na lang ang bumalik. Kaagad lumapit sa akin si Baron. Dinampot

