Chapter 6

1602 Words
♥ SIX ♥ IRENE Ibinaba ko ang phone ko matapos maputol ang tawag. Ibinaba ko ito sa mesa saka ako tamad na sumandal sa back rest ng upuan. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kisame. Marifer agreed. Ngayon ay kailangan ko na lamang gumawa ng idadahilan ko kay Dad. Si Oli, hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpaalam sa kanya. Sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi ko inaamin kung saan ako pupunta. Si Dad ay kaya ko pang lusutan kung sakali lalo na ngayong madalas na naman ang mga out of town meetings niya. Nilaro ko ang dulo ng buhok ko. Halos ayaw kong ipikit ang mga mata ko. Sa tuwing sumasara ang mga ito, nagbabalik sa alaala ko ang gabing iyon. Ang gabing sumira sa lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko. I despise that guy. Whoever he is, he's the one to be blamed for all of this. Kasalanan niya kung bakit may isang paslit na lumalaki ngayon sa tiyan ko ng wala man lang kikilalaning ama. Pero aminado rin akong may kasalanan din ako. Nagpakalango ako sa alak at hindi ko kinontrol ang sarili ko. Iyan tuloy at ngayon wala sa planong magiging ina ako. Mawawala na nga ang future ko, siguradong pati si Oliver ay mawawala na rin sa akin. Sino ba kasing tangang lalakeng gugustuhin pa rin ang girlfriend niyang nabuntis ng iba? Walang ganoon. Sa libro lang may ganoong klase ng lalake at hindi ganoon kakitid ang utak ko para isiping mangyayari iyon sa tunay na buhay. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa opisina ni Dad. Nadatnan ko siya roong naninigarilyo habang may binabasang files. Siguro ay reports na naman iyon ng sales. "Dad?" Mahina kong tawag sa kanya habamg nakasilip ang ulo ko sa pinto. Nang makita niya ako ay agad niyang isinara ang folder saka ito ipinasok sa drawer ng kanyang mesa. "Irene. Bakit, anak?" Malumanay niyang tanong. Inilapag niya ang sigarilyo sa ash tray saka niya dinampot ang tasa ng kape sa tabi nito. Napatakip ako sa ilong ko dahil sa amoy ng naghalong usok ng sigarilyo at air freshener. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil sa mabahong amoy. Nang makita ko ang tila nagtatakang itsura ni Dad habang nakatitig sa akin ay pinilit kong umakto ng normal. Hindi siya pwedeng makahalata. Mapapatay niya ako kapag nalaman niya ang kundisyon ko. I gulped, tried my best not to p**e in front of him. I almost sang Frozen's song in my head. Conceal. Don't feel. Don't let him know... "D-Dad, kailangan kong pumunta somewhere. Sasama ako sa fashion caravan ng agency namin." Pagsisinungaling ko. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Dad. "Fashion caravan? At gaano katagal naman iyan?" Pinagsalikop ko ang mga palad ko sa aking likuran. "Ahm, w-we don't know. A year, maybe? Lilibutin namin ang buong bansa." Hindi siya kaagad kumibo. Mayamaya ay sumandal siya sa swivel chair niya saka niya ako tinaasan ng kilay. "Really, huh?" Bigla akong ginapangan ng matinding kaba. Nakagat ko ang ibaba kong labi pero nanatili akong kalmado. Kailangan ko siyang mapapayag. "Dad, para sa career ko 'to. If I'll join the caravan, mas maraming fashion enthusiasts ang makakakilala sa akin. Who knows? Baka pagbalik ko ng Wales, mas kilala na ang pangalan ko sa fashion industry. Please, Dad. Sabi mo sa akin susuportahan mo ang pangarap ko. Pumayag ka na. Isa pa, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko." Untag ko. Bahala na ang mahalaga mapapayag ko siya. Ang tagal akong tinitigan ni Dad na para bang ang lalim ng iniisip niya. Mas lalo tuloy akong natatakot na baka hindi siya pumayag. The longer he keep his silence, the louder my heart beats. Mayamaya ay isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. "May magagawa pa ba ako? Gaya ng sinabi mo, nasa hustong edad ka na. Ayaw kong dumating ang araw na magrebelde ka dahil hindi ko sinuportahan ang pangarap mo." Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa narinig. "T-Talaga, Dad?!" Mahina niyang itinango ang kanyang ulo. Mayamaya ay itinuro niya sa akin ang daliri niya. "But you will call me everyday, Irene or else ako mismo ang kakaladkad sa iyo pauwi ng Wales." Pilit akong ngumiti saka tumango. Sorry, Daddy. I know you love me so much and I hate myself for being such a disappointment. "Thank you, Dad." Naiiyak kong sabi. Why am I so emotional all of a sudden? Magsasalita sana si Dad nang biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ito kaagad kaya wala na akong nagawa kun'di ang magpaalam na lalabas na ng silid. Mabigat ang loob ko habang pina-pack ko ang mga gamit na dadalhin ko. Para bang bawat piraso ng damit na isinisilid ko sa maleta, bumibigat lang lalo ang dibdib ko. Habang inaayos ang mga damit, bigla na namang tumunog ang phone ko. Nang makita ko ang pangalan ni Oli sa screen, parang tinarak ng punyal ang puso ko. I've been ignoring his texts and calls for days. Ayaw kong pahirapan ang sarili ko. Iiwan ko ang Wales. Iiwan ko siya. Sana sa pag-alis ko, makahanap na siya kaagad ng bagong babae sa buhay niya. God knows how much I want to be with him but fate's a real b***h. Nangyari ito at ngayon, wala akong ibang magagawa kun'di ang pakawalan siya. Nang mamatay ang tawag ay isang text naman ang dumating. Hindi na ako nakatiis. Binuksan ko ito at binasa. Halos mamutla ang mukha ko nang mabasa ang text. "You're leaving? Hindi mo man lang sinabi sa akin?" Nabaling ang tingin ko sa ngayon ay tuluyan nang bukas na pintuan. Kanina pa pala siya naroon, nakasilip sa bahagyang nakaawang na pinto. Bumukas ang bibig ko pero ni isang salita wala man lang lumabas. Bakas sa mga mata niya ang sobrang pagtataka at tampo. Hindi ko alam kung kaya ko bang tagalan ang titig na ipinupukol niya sa akin. Mas lalo lang akong nasasaktan. "I-I..." a sigh left my lips. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "I'm sorry..." Unti-unti kong naramdaman ang paghapdi ng gilid ng aking mga mata. Masyadong mababaw ang mga luha ko nitong mga nakaraang araw at isa ito sa mga ikinaiinis ko. Pilit kong kinagat ang ibaba kong labi para kontrolin ang emosyon ko pero hindi ko na kinaya. Unti-unting pumatak ang mga luha ko at kumawala ang mga impit kong hikbi. Ang sakit sa dibdib. Iiwanan ko ang taong ang tagal kong pinangarap maging akin dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Mayamaya ay humakbang siya palapit sa akin. Iniangat niya ang aking ulo hanggang sa tuluyang magtama ang aming mga mata. "Hush now." He murmured softly. He gently wiped away my tears. Mayamaya ay hinapit niya ang aking ulo para dampian ng halik ang aking noo. "Look, sorry if I'm being clingy. I know we both have our separate lives. Natakot lang ako pero hindi sko galit sayo kaya 'wag ka nang umiyak, please. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganito." Malungkot niyang sabi bago ako hinatak para bigyan ng isang mainit at mahigpit na yakap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako pabalik sa kanya saka ako humagulgol sa dibdib niya. Sa tuwing dadampian niya ng halik ang ulo ko, mas lalo lang akong naiiyak. Mahal niya ako pero heto ako, iiwan siya dahil sa isang dahilang alam kong hinding-hindi niya matatanggap. "Bakit hindi mo sinabi sa aking aalis ka?" May bahid ng tampo niyang tanong. I sniffed, trying my best to control myself. "A-ayaw kong mag-alala ka." "Are you kidding me? Mas lalo akong mamamatay sa pag-aalala kung hindi ko alam kung saan ka nagpunta kung sakali." Untag niya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Muli niyang ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad. Hinahaplos ng hinlalaki niya ang basa sa aking pisngi. "Tell me, hon. Saan ka pupunta?" Mahinahon niyang tanong. Lumunok ako saka pilit ngumiti. "D-Dadalawin ko lang s-si grandma. Uuwi rin ako kaagad." "Gusto mo bang samahan kita?" Ngumiti siya. Umiling ako. "H-Hindi na. C-Conservative si grandma. Ayaw niyang nagdadala kami ng boyfriend o girlfriend sa family house." Tumaas ang isang kilay ni Oli ngunit gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. "Talaga?" Tumango ako saka kinagat ang ibabang labi. "Oo." Naging matamis na ngiti ang kanyang ngisi. Mayamaya ay pinaikot niya ako saka siya yumakap mula sa likuran. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. "Hmm. What if...hindi boyfriend ang dadalhin mo? Would she still get mad?" Malambing niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko siya ng may pagtataka. "What do you mean?" A genuine half smile made its way to his lips. Mayamaya ay may dinukot siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Halos tumigil ang pag-inog ng mundo ko nang buksan niya sa harap ko ang isang maliit na kahon. "I think we both know what this means..." He mumbled, now in a more serious tone. Natutop ko ang bibig ko nang magsimulang pumatak ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon. "I know it's too fast but you can't blame me. Ayaw na kitang pakawalan, Irene. I want you to be mine. You have no idea how hard I have fallen in love with you." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya ako pinaharap sa kanya. Bakas ang matinding pagmamahal sa mga mata niya habang hawak ang kahong may singsing. "Just...just say yes, and I promise you, Irene. Papakasalan kita sa lahat ng simbahan. Be mine forever." Untag niya habang nakatitig sa akin. Nagsisimula nang magtubig ang mga mata niya. Hindi ako nakapagsalita. Natutop ko ang bibig ko nang magsimula akong humikbi. Ang sikip-sikip ng dibdib ko at kahit ibuka ko ang bibig ko, parang walang anumang salitang lalabas. Napupuno ng sakit at panghihinayang ang puso ko. Oliver doesn't deserve to get hurt. Paano na 'to ngayon? Oh, God. I am so f****d up...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD