♥ THREE ♥
IRENE
Halos hindi na ako mapakali nang makitang malapit na ang final walk. The event was about to end. Hindi ko alam kung naeexcite ba ako o kinakabahan.
This is practically a dinner date. Hindi man niya directly sinabi, parang gano'n na rin 'yon. I never dated anyone before because of Dad. Papunta pa lang ang manliligaw ko sa bahay, nakakasa na ang hunting rifle niya. Karamihan sa mga nakakakilala sa akin, tinamaan na ng takot kaya kung anumang nararamdaman nila para sa akin, mas pinipili nilang ibaon sa limot keysa sila ang ibaon sa hukay.
Bumalik ako sa dressing room matapos lumabas ang huling modelo. They really slay on the runway especially Oliver. He's wearing his candid smile all throughout the show and I can imagine all the girls watching have their jaws drop and drool over him...just like I did.
Niretouch ko ang sarili ko para masigurong maayos ang itsura ko mamaya saka ko niligpit ang mga gamit ko.
Nang magsipasok na ang mga modelo sa dressing room ay bigla akong nairita. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa amoy nila. Para silang amoy pawis at pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko dahil doon.
Napatakbo ako sa banyo at dumuwal. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng kung sino sa akin.
Binuksan ko ang gripo para hilamusan ang sarili ko. Mula sa repleksyon sa salamin ay nakita ko si Oliver na halatang nag-aalalang pumasok sa loob.
"Hey? You okay, Irene?" He said softly. Marahan niyang hinagod ang likod ko.
Pilit akong ngumiti saka ko pinunasan ang mukha ko. Humarap ako sa kanya bago ako nagsalita. "Sumama lang ang tiyan ko. Baka sa nakain ko kanina. I'm fine now."
"Are you sure?" Kunot-noo niyang tanong.
Tumango ako. "Yeah. Ayos na ako." Kasi nandito ka na.
Ngumiti siya saka niya hinawi ang ilang hibla ng buhok kong dumikit sa aking mukha dahil sa tubig. "Okay. Just tell me if you're not feeling well. Pwede naman na kitang ihatid pauwi."
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa narinig. I never had the chance to hear a guy care for me like this before because of Dad's over reactions about me dating a guy. Maybe that's why I can't make the butterflies in my stomach behave.
"Okay. Thanks, Oliver." I mumbled.
He smiled at me. "I'll just change tapos tara na. Mabilis lang ako."
"Take your time." Maghihintay ako kahit ugatin ako rito.
Nagpaalam na siya ng tuluyan para makapagbihis. Isinara ko naman ang pinto ng banyo saka ko tinitigan ang sarili ko sa salamin. Pulang-pula na pala ang mukha ko kaya pala pakiramdam ko biglang uminit.
Gusto ko sanang tumili kaya lang ay baka marinig nila ako sa labas kaya tinakpan ko na lang ang bibig ko. Mabuti na lang talaga hindi basta-basta natatanggal ng tubig ang make up ko kung hindi baka nagmukha na akong zombie kanina kung sakaling kumalat ang eyeliner ko.
Huminga ako ng maayos bago tumalikod sa salamin para lumabas na sana nang bigla ko na namang maalala ang sexing hudas na 'yon.
Napapikit ako nang makita ko sa isip ko ang nakaigting niyang panga at ang mga mapupula niyang labing mariing magkadikit.
I shrugged the thought away. He's a thief of a precious card. Wala siyang karapatang manatili sa isip ko. Kahit gaano pa kasarap sambahin ang bawat muscle ng katawan niya, hindi ko pa rin siya dapat isipin.
Bakit naman kasi sa dami ng pwede kong matandaan tungkol sa kanya eh talagang 'yong abdominal muscles pa talaga? Doon ba nakatutok ang mga mata ko sa buong gabing kasama ko siya? Nakakaloka, Irene! Buhay mo na nga ang makakita at makahipo ng mga katawan bakit sa kanya ka lang naapektuhan ng ganito? What's so special with his packs?
Muntik ko nang masabunutan ang sarili ko sa asar ko. Huminga na lang ako ng malalim saka ako lumabas ng banyo.
Tahimik lang akong naghintay kay Oliver. Niretouch ko na lang ulit ang sarili ko para magmukha ulit akong presentable.
Halos kakatapos ko lang nagmake up nang makita ko siyang lumapit sa akin. Ang gwapo niya sa gray v-neck sweat shirt at denim jeans niya. Ang mahawk niyang buhok na may linya sa gilid ay dumagdag pa sa kagandahang lalake niya.
May araw kayang panget ka, Oliver?
"Irene, are you sure you're okay?" Kunot-noo niyang tingin.
Bigla akong natauhan. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Bigla tuloy namula ang mukha ko. Ipinasok ko ang lipstick ko sa pouch saka ko nilagay ang pouch sa aking bag.
Humarap ako sa kanya ng nakangiti. "Okay lang ako. 'Wag ka nang mag-alala."
Tumango siya saka ngumit. God, he's so dreamy. I could stare at him forever with no blinking.
Okay, that's too much.
"Oh, first rule..." He murmured. Bigla niyang dinampot ang paper bags ko.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Do you like those clothes? That's for ladies, Oli."
"What?" Bigla siyang natawa. "Geez, Irene. I just want to carry your things para hindi ka mahirapan."
"O-Oh..." Biglang namula ang mukha ko sa hiya. Nakagat ko ang ibaba kong labi.
"You really are crazy sometimes." Nakangisi niyang sabi.
Sumimangot ako dahil sa narinig. Mayamaya ay napawi ang ngisi niya at naging isang matipid na ngiti. Natulala ako nang mahina niyang pinisil ang aking baba habang nakatitig sa mga mata ko.
"That's what I like about you the most..." He mumbled.
Hindi ko nagawang kumibo. I was caught off-guard. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kakapigil ko ng kilig ko.
"So, shall we? Baka gutom ka na." Untag niya.
"Sige. T-Tara." Nahihiya kong tugon.
Sabay kaming lumabas ng dressing room. Nauna na kami sa ilang mga kasama namin kaya naman nang magpaalam kami sa kanila ay gano'n na lang ang naging kantyaw nila.
Dustin even throw his shirt at Oliver. "Sa wakas, pare hindi ka na dinaga." Humalakhak siya at maging ang mga kasama namin ay nagsitawanan.
Pakiramdam ko mukha na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. They are all throwing teasing looks at me and Oliver. Hindi ako sanay sa ganito kaya nakakailang.
Oliver threw back the shirt at Dustin. "Keysa maunahan mo pa, gago." Mahina siyang humalakhak.
Bumaling siya ulit sa akin. Naiwan pa sa labi niya ang ngiting para sa mga mapang-asar niyang kasamahan.
We waved at his co-models before we finally weng out. Dumiretso kami sa parking lot kung nasaan ang mga sasakyan namin.
Dumiretso kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makapasok ako ay saka siya umikot papunta sa driver's seat.
"Do you like seafoods for dinner?" Tanong niya.
Tumango ako. "Sounds great."
"Alright. There's a newly opened resto near the capitol. Do'n na lang tayo kumain." Tugon niya.
Tumango ako. "Sige."
Pagdating namin sa resto nagulat ako nang may nakareserve na palang table para sa amin. Ibig sabihin ay hindi pa man niya ako nayayaya, nakapagbook na siya para sa amin. Gusto ko tuloy magpagulong-gulong sa carpet ng resto sa sobrang kilig.
We've had lobsters for dinner. Natakam ako pero pinili kong kaunti lang ang kainin kahit na pakiramdam ko hindi lang sarili ko ang pinapakain ko.
We had small talks while eating. A few exchange of info's just like in the movies when a girl and a guy goes out on a date. I didn't know it's as perfect as I imagined.
Natapos kaming kumain at pakiramdam ko babagsak na ang mga mata ko. Mukhang napansin niya iyon kaya nang matapos niyang mabayaran ang bill ay inaya na niya akong umuwi.
Habang papunta kami sa parking lot ay bigla akong may naalala. Humarap ako sa kanya at pinigilan siyang maglakad. Kunot-noo naman niya akong tinignan.
"Teka, Oliver. Ano kasi." Nakamot ko ang gilid ng aking ulo at hindi alam paano sasabihin. "You can't drive me home."
Lalong nagsalubong ang kanyang mfa kilay. "Why?"
"Uhm, kasi si Dad. He's too strict. I know this may sound crazy and unrealistic but Dad greets any man who takes me home with his hunting rifle...loaded and ready to shoot." Nahihiya kong tugon.
Hindi siya kaagad nakakibo. Bahagya akong nalungkot. I guess that's it? I just loss another potential lover because of Dad's over-protectiveness.
Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay ko. Pilit na lang akong ngumiti. "S-sige ha? Thank you sa dinner." Mahina kong sabi at tatalikuran na sana siya nang hawakan niya ang aking braso.
Nabaling ang tingin ko sa kanya. Natulala ako nang makita ang matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi.
"I still want to take you home. Let's go." He mumbled.
Nanlaki ang mga mata ko. "S-Sigurado ka? But my Dad--"
"Is a great Dad. If I were him, I might do the same. Sa ganda ba naman ng anak niya." He cut me off and I felt my jaw just dropped on the floor because of what he just said.
Bago pa man ako makapagsalita ay iginiya na niya ako papasok sa kotse niya. Wala na akong nagawa kung hindi pumayag at tahimik na magdasal na sana hindi siya mapatay ni Dad.
Pagkaparada niya ng kotse sa harap ng bahay namin ay lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Bigla kong nakita ang pagsindi ng ilaw sa sala. Ginapangan kaagad ako ng takot. Pinagtulakan ko si Oliver sa loob ng kotse niya sa sobrang taranta ko pero hinuli lang niya ang mga braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Hey, hey. It's okay, Irene. It's okay." He said softly before taking his steps towards the front door. Hawak niya ako sa aking braso kaya wala akong nagawa kung hindi magpatianod.
Para akong hihimatayin nang bumukas ang pinto at bumungad si Dad bitbit ang kanya rifle. Napakasama ng titig na pinupukol niya kay Oliver.
"Good evening, sir." He politely greeted.
"There is nothing good in the evening if I see my daughter with some douche bag." Galit niyang sabi.
"Dad!"
"It's okay, Irene." Ngumiti si Oliver sa akin saka siya muling tumingin kay Dad.
Nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang palad. "I am Franz Oliver Norighan. I know we barely know each other but I jist want you to know that I am not like what you think I am."
He looked at me with a half smile plastered on his gorgeous face. "I want to court your daughter. Gusto ko lang pong malaman ninyong seryoso ako sa kanya..."
Halos himatayin ako sa narinig. The last thing I knew, I heard Dad c****d his rifle then pointed it's mouth on Oliver's forehead. I passed out before I can eve witness Dad pull the trigger.