Chapter 7

2521 Words
Confessed "Hello, Brendt?" tinawagan ko si Brendt. I needed someone to talk to. Someone whom I could trust. Alam kong mapapagkatiwalaan ko siya dahil hindi niya naman kilala si Sean. Ayoko nang madamay pa ulit si Manang sa gulo namin ni Sean. I knew she already had enough. I didn't want to stress her because of our endless tussle. "Is this real? Did you really call me?" hindi makapaniwalang pambungad na tanong sa akin ni Brendt nang tumawag ako. "Ganoon mo ba ko namiss agad?" "I wanna hang-out tonight," sabi ko nang hindi pinapansin ang kanyang biro. "Can you come with me?" simpleng pag-aya ko sa kanya, no more flattery words. "Of course!" He sounded so excited. "Shall I pick you up later?" "Hmm... Okay," sabi ko na lang. I'll just leave my car here again. "6PM ang out ko." "Okay. I'll be there. 6PM sharp or... earlier," he said. "Sige. Thank you," sabi ko na lang at nagpaalam na kami sa isa't isa bago namin pinatay ang tawag. Nagulat naman ako ng biglang sumungaw sa akin si Nikki galing sa kanyang table. "Sinong kausap mo? Anong hang-out, hang-out?" she asked me while her forehead creased. "Bakit hindi mo ako isasama?" "Hindi pwede." Umiling ako. "Nagpromise kasi ako kay Brendt na kaming dalawa lang ang aalis." If only Nikki knows about me and Sean ay siya ang pipiliin kong makasama pero hindi talaga pwede. She quietly squealed. Halatang pigil na pigil siya sa pagtili ng malakas. "Oh my gosh! Magkakalovelife ka na!" she pointed out, looking so happy and excited for me. "Tumahimik ka nga," pagsuway ko sa kanya. "Baka may makarinig sayo, ma-issue pa ko." "Well, may issue ka na nga eh..." she said and crossed her eyes. I felt my heart racing so fast because of the sudden nervousness that I felt. "Ano namang issue 'yan?" I narrowed my eyes as I asked her. Sana lang ay hindi ito tungkol sa aming dalawa ni Sean. Kahit paghihinala lang ay ayokong gawin nila dahil alam kong doon mag-uumpisa ang lahat. Ayokong mawala sa akin si Sean sa oras na malaman na nila ang tungkol sa aming dalawa. Ngumisi ito. "Tungkol sa inyong dalawa ni Sir Viñas," she said at nakahinga naman ako ng maluwag. "Usap-usapan na ang ginawa niyang pagpuri sayo from head to toe doon sa board meeting kanina." she giggled. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at muling binaling ang atensyon sa computer. Akala ko naman kung ano na 'yon. "He just wants me to be Sarto's new model. Iyon lang 'yon. Kaya kung ano man ang kumakalat na issue, bahala na kayo." Nagkibit-balikat na lang ako saka nagpatuloy sa pagta-type. "And he's not my type." "Bakit? Dahil ba kay Brendt?" pang-iinis niya, pinindot-pindot niya pa ang aking tagiliran. "Hindi, okay?" I rolled my eyes at her. "Magtrabaho na nga lang tayo. Baka matambakan pa tayo ng trabaho." Mabuti na lang ay hindi na ulit nang-inis at nangulit si Nikki. Siguro ay naisip niyang baka matambakan nanaman siya ng mga trabaho gaya nang nangyari sa kanya dati noong daldal siya ng daldal. Kinailangan niya pang pumasok ng Sabado para lang tapusin ang mga paperworks na kailangan niyang gawin. "Sabay na tayong bumaba," pag-aya sa akin ni Nikki habang nag-aayos kami ng aming gamit. Tumango ako at nagsimula nang ayusin ang . "Sige. Sandali lang." Ni-check ko ang aking cellphone at nakitang may message na si Brendt na nandoon na siya sa baba. Nakakahiya naman dahil twenty minutes ago pa niya ito tinext. Ngayon ko lang nakita. Ayokong paghintayin siya dahil ako ang nag-aya. Nakakahiya naman. Minadali ko na si Nikki na mag-out at bumaba na. Mabuti na lang at nagpatianod na siya sa akin. Hindi na siya nag-ayang pumunta sa powder room. "OMG, Sandra! Siya ba 'yon?!" nakapatiling tanong sa akin ni Nikki at ang walang hiya'y tinuro pa talaga si Brendt. Nakasandal si Brendt sa kanyang Mazda. He was also wearing a wayfarer. His hands were tucked in his pocket. He looked like a bad boy waiting for her good girl to arrive. But that ain't me. I wasn’t his girl. Why is he wearing wayfarers? The sun’s going down already. Hinatak ko na si Nikki para maglakad na sana patungo kay Brendt nang makita kong nagmamadali siya patungo sa amin ni Nikki. Even if he was brisk walking, he still looked like a model on a runway. He flashed a smile and removed his wayfarers the moment he reached my place. "Hey," he casually greeted. Babatiin ko na sana si Brendt nang nararamdaman kong inaalog ni Nikki ang aking braso. I already know what to do. "Brendt, this is Nikki. My close friend and officemate," pakilala ko kay Nikki. Mabilis namang ilahad ni Nikki ang kanyang kamay na agad ding tinanggap ni Brendt. They both greeted each other. "Anyway... Nikks, aalis na kami. May pupuntahan pa kami," pagpapaalam ko kay Nikki. Agad naman itong tumango habang nangingiti-ngiti. "Go ahead! Have fun," sabi niya at tumingin siya kay Brendt. "Paki-introduce ang friend ko sa real world ah?" Napatawa si Brendt. "Don't worry. Ako na ang bahala sa kanya.” Kumaway na lang si Nikki at nauna pang umalis kaysa sa amin ni Brendt. Nauna na akong maglakad sa patungo sa kanyang Mazda at sinundan niya lang ako. Nang malapit na ako ay agad tumunog ang kanyang sasakyan. Inaya ko si Brendt sa isang low key bars. I didn't bother going to high class and luxurious bars dahil malaki ang chances na nandoon si Sean. And besides, ang gusto ko nga lang ngayon ay uminom. Kung pwede nga lang sa bahay na lang at doon ko siya aayaing uminom but I didn't want Sean to see us. I took a vodka that was in front of me. Without talking and hesitation, I took the shot in one big gulp. Brendt was just quietly watching me with an amused look. I knew that he wasn’t expecting me to drink lalo na't alam niyang hindi ko hilig ang ganoon. Ang akala niya nga'y kakain kami ng dinner sa isang restaurant ngunit nagulat siya nang dito ko siya inaya. Hindi naman siya nagreklamo at sinunod lang ang gusto ko. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang pagkagasgas ng lalamunan ko nang dahil sa alak. When I was already in my fifth shot, Brendt held my hand to stop me from drinking the shot. "Brendt, please... Huwag ka ngang kill joy," nakangisi kong sabi sa kanya ar sinubukang i-angat ulit ang aking kamay ngunit pinigila niya pa rin ako. "No, Cassandra," mahina ngunit mariin niyang sabi. "You're already drunk." "No, I'm not," I argued and pouted. "I want to drink. Please let me drink." Napabuntong hininga naman ako at binitawan ang hawak kong shot glass. My eyes were already getting watery. "I want to forget, Brendt... even just for a while," sabi ko at nagmakaawa sa kanya. "Kahit isang gabi lang na hindi ko maramdaman ang sakit, okay na. Kahit isang gabi lang... So please... let me." I just want my heart to rest and be numb for a while. Feeling ko ay kapag nagtuloy-tuloy pa 'to, I'd only break down. Kahit ngayong gabi lang... Kahit sandali lang ay gusto kong maipahinga ang puso ko sa lahat ng sakit na dinadala niya. Huminga siya ng malalim. He looked so worried for me. "Tell me, Cassandra," he said, his voice soft and soothing. "Tell me what's been hurting you?" Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang marriage ring namin na ako lang ang nagsusuot. Napabuntong hininga ako. Inangat ko ang aking kamay upang makita ni Brendt ang aking singsing. "I'm married, Brendt," I confessed. "I'm five months married." "What?" Bakas sa mukha ni Brendt ang pagkagulat at pagtataka na parang naguguluhan. "You're already married?" "It's purely an arranged marriage... But for me, it was the most memorable day of my life," sabi ko at bahagyang nangiti. "I love the man I got married to because I'm the one who requested it. Mahal ko siya, that's why I did that pero ayaw niya sa akin. Ayaw na ayaw." Binaba ko na ang aking kamay saka pinaglaruan ang shot glass at nagpatuloy na magsalita. "Bawal namin ipagsabi na kasal na kami. Ang pamilya lang namin ang nakakaalam. Our closest friends... hindi nila alam," sabi ko. "They shouldn't know about it. Walang dapat makaalam dahil ayaw ipaalam ni Sean." "Sean?" He narrowed his eyes. "Is that the name of your husband?" Tumango ako. "Sean Jacob Sarmiento." "He's Sarto's president right?" he asked me, looking super shocked. Tumango naman ako saka nagpatuloy na magkwento nang masagot ko ang kanyang tanong. "And when we got married... every night. Every single night, he will get laid with different girls." My voice broke. "At our house, at our room, at our bed and those different girls are always at my place." Kinagat ko ang aking ibabang labi nang magsimulang magsitulo ang aking luha. "But what can I do? I asked for this," sabi ko. "Hiniling ko na maikasal sa kanya kahit binantaan niya na ko that he will never treat me as his wife; that he will just act like he didn't got married." Hinawakan ko ang aking wedding ring at saka napayuko't humagulgol. "Mahal ko siya eh..." I cried. "Mahal na mahal ko siya pero sobrang sakit na. I just can't take the pain anymore. Malapit na akong bumigay--" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong niyakap ni Brendt. His warmth was telling me that I was safe with him. "A beautiful girl like you shouldn't be treated like this. He can't see your worth," sabi niya. "If you were mine, I'll treat you the best. I'll treat you like how you were suppose to be treated... 'Yong inaalagaan, pinoprotektahan, pinapahalagahan at higit sa lahat, minamahal." Hinayaan ko ang sarili kong mapalagay ang loob sa kanya. Siniksik ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pinikit ang aking pagod na mga mata. The next thing I knew, I woke up in an unfamiliar space. Napabalikwas ako sa kama at agad na tiningnan ang aking katawan. I sighed in relief. I'm still fully cloth with the same clothes that I'm wearing last night. "You're awake." Napatingin naman ako kay Brendt na may dala-dalang damit at nilapag sa coffee table bago lumapit sa akin. "Why am I here?" pambungad kong tanong sa kanya. "I brought you here because you suddenly fell asleep last night when we're at the bar. Hindi ko alam na ganoon ka pala kabilis makatulog kapag lasing. I didn't bother to bring you at home dahil hindi ko matandaan kung saan banda ang bahay niyo dun sa subdivision," he explained everything. "Don't worry. Wala akong ginawang masama sa'yo." "Why didn't you wake me up then?" He could just wake me up last night para kahit papaano'y naiuwi niya pa rin ako instead of bringing me to his space. "I was trying to wake you up a few times but you wouldn't wake up," he said. Hindi na ako sumagot at napahilot na lang sa aking sintido. Paniguradong nag-aalala na sa akin si Manang dahil hindi ako nakauwi kagabi. "I bought you a spare of clothes." Tinuro niya naman ang mga damit sa may coffee table. "May undies na rin diyan at may extra towel sa loob ng banyo. Wash up and get dressed, hihintayin kita sa baba," sabi niya at agad nang lumabas ng kwarto. I glanced at his wall clock. It was already 9:30 in the morning. I guess I was going to take a half day again. Bumangon ako at pumunta na sa banyo niya dala-dala ang mga damit. Naligo na ako at halos lumuwa ang mata ko sa damit na pinahiram niya. This wasn't my style. I wasn’t fond of wearing these kinds of clothes. I wore dresses but not a sort of revealing dress like this one. I had no choice but to wear the fitted backless dress that he gave me. Buti na lang at sinamahan niya ng cyclings. Nilugay ko na lang ang buhok ko saka lumabas ng banyo upang kunin ang bag ko para makapag-ayos. I checked my phone. It only had twenty five percent. Mabuti na lang at hindi pa ako nalow-bat, matatawagan ko pa si Manang. "Hello, Manang?" sabi ko nang sagutin ni manang ang tawag. "Jusmiyo, Cassandra!" untag ni Manang at halatang ngayon palang nakahinga ng maluwag. "Saan ka ba nagpunta at bakit hindi ka umuwi? Alalang-alala ako sa'yo. Nakailang tanong sa akin si Sean kung nasaan ka." "T-Tinanong po kayo ni Sean kung nasaan ako?" di makapaniwalang tanong ko. Okay, Sandra. Stop assuming and concluding by yourself again. Wala lang 'yon. "Oo at bahagyang nasigawan pa nga ako dahil wala akong maisagot," dagdag pa ni Manang. I couldn't believe that Sean shouted at Manang. Kahit gaanon sa akin ni Sean ay magalang siya pagdating kay Manang. Ako lang naman ang ayaw niya. "Oo pero agad din namang humingi ng tawad,” sabi ni Manang. “Mainit lang daw kasi ang ulo niya dahil sa kompanya."  "Sige po," sabi ko na lang. "Napatawag lang po ako para sabihing ayos lang po ako. Nasa safe na lugar po ako. Nakitulog po ako sa kaibigan ko. Uuwi na po ako mamaya." "Nasa office ka na ba?" tanong niya. "Papunta pa lang po. Half day po ulit ako. Tinanghali po kasi ako nang gising," sabi ko. "Oh sige. Mag-iingat ka ah," paalala niya sa akin. "Opo. Sige po. Bye po," paalam ko bago pinatay ang tawag. Nilagay ko na sa bag ang phone ko at muling tumingin sa salamin sa banyo bago bumaba. Nakita ko naman kaagad si Brendt na naghihintay sa baba ng hagdan. Napangiti siya nang makita ako. "The dress looks good on you. You look different." Ramdam ko namang uminit ang aking pisngi sa kanya puri. "Uhm... Thank you," sabi ko. "Hindi nga lang ako sanay na ganito ang suot ko." "Oh. I'm sorry," agad niyang paghingi ng paumanhin. Umiling naman ako agad at napangiti. "No, it's okay. Salamat." "Let's get a quick breakfast first bago kita ihatid sa office mo," aya niya sa akin. We just had a quick breakfast. Hindi na siya nagluto ng heavy meal for our breakfast dahil naisip niya ngang nagmamadali ako dahil may pasok pa ako. Brendt was very considerate. "Thanks for last night, Brendt," sabi ko nang makitang malapit na kami sa Sarto. Ngumiti siya. "It's nothing," sabi niya. "I don't like seeing girls crying." Masaya ako na nakilala ko si Brendt. Nang masabi ko sa kanya kagabi ang lahat ng mga kinikimkim ko ay nailabas ko. Nang dahil doon ay guminhawa ang pakiramdam ko. "Do you want me to accompany you to your office?" tanong niya nang maihinto na niya ang sasakyan. Umiling ako at ngumiti. "Huwag na, I can manage," sabi ko na lang. "Thanks. Next time ulit?" Tumawa siya at tumango. "Next time, I'll treat you a real dinner, Cassandra." "Just call me, Brendt. And yes, a dinner would be great," nakangiting sabi ko at kumaway sa kanya bilang paalam bago tuluyang pumasok sa loob ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD