Memorize
The office was unusually quiet when I went inside. It was very serene. Hindi naman sobrang maingay sa office namin but normally, I could hear silent whispers and conversations pero ngayon ay walang-wala talaga.
They turned their heads to look at me, watching me as I walked to my place.
"Anong meron?" I asked Nikki when I arrived at my desk. "Bakit ang tahimik nila? Tapos ay nakatingin pa sila sa akin."
Nilinga-linga ko pa ulit ang mga ka-officemate ko. Ang iba ay bumalik na sa ginagawa nila ngunit ang iba ay sinusulyapan pa rin ako.
"Sands, sa ayos mo ngayon, talagang mapapalingon sila sa'yo," sabi naman ni Nikki.
Muli na namang nag-init ang aking pisngi. I didn't know if I should be flattered or embarrassed.
Lumayo na ko sa kanya at binuksan ang computer ko. "Ayon lang pala."
Siya naman ang lumapit sa akin. "Hindi lang 'yon."
Napalingon akong muli sa kanya. "Eh ano pa?"
"Si Mr. Sarmiento with a period ay sumobra ng todo ang period niya kaya sobrang init ng ulo tapos ikaw 'tong, nag-grand entrance pa papasok na walang kaproble-problema samantalang 'yong iba dito, nangangatog na sa takot kay Sir," sabi niya. "Kung nandito ka lang kanina at narinig mo ang nakakapanindig balahibong sigaw niya, baka magtago ka na sa ilalim ng desk mo sa sobrang takot."
I deeply sighed.
Kung pwede ko lang sabihin na sanay na ko sa sigaw at pagalit ni Sean. 'Yan ang hindi nawawala sa araw-araw na buhay ko this past five months until now. Kung hindi siya sisigaw o magagalit, magsusungit naman siya o gagawa ng sarili niyang ikakagalit sa akin. Kung hindi ko lang alam ay iisipin kong nagpapapansin siya sa akin. How I wish...
"s**t naman, Warren!" Dinig kong sigaw ng isang baritonong boses. Kahit hindi ko lingunin, alam ko kung kanino ito nanggaling. "It's as simple as that! Is it too hard to understand?!"
Lumapit ulit sa akin si Nikki. "I told you..." she whispered. "Ang lakas ng vocal chords niya, infairness."
Napailing na lang ako at itinuon lahat ng atensyon ko sa trabaho ko nang maramdaman kong may tumayo sa aking gilid.
Tiningala ko siya at nakita ang nakangiting si Sir Viñas.
"I thought you'll be absent today.”
"Na-late po ako nang gising kaya nag half day po ako," I politely reasoned out.
"Well... As it was said yesterday, your sample shoot will be happening today," sabi niya.
Nanlaki ang aking mga mata. Nakalimutan ko na ang tungkol doon!
"Grab your bag. We'll be going to the set right now."
"Bakit naman po kailangan dalin pa 'yong bag?" nagtatakang tanong ko. "Sa 8th floor lang naman po ang studio, 'di po ba?"
"I just wondered kung nandyan ang mga important things mo at medyo matatagalan tayo doon kaya mas mabuti kung dalhin mo na 'yan," he suggested.
Tumango naman ako at sinikop na muli ang aking gamit. Mabuti na lang at hindi ko pa ito masyadong nagugulo.
"Tristan."
Bahagya akong napatigil nang marinig kong muli ang boses na 'yon ngunit nagkibit-balikat na lang ako't nagpatuloy sa ginagawa.
Nagsalita naman si Sir Viñas. "Sean, nandito na siya. I told you, she'll come."
Nang matapos ako ay sinukbit ko na ang aking bag saka tumayo. Nakita ko ang mapanuring tingin sa akin ni Sean. It felt like he was dissecting me from head to toe.
"I don't wanna waste time," sabi na lang niya at binalik ang tingin kay Sir Viñas. "Bumaba na kayo agad."
Tinalikuran na niya kaming dalawa ni Sir Viñas at dire-diretso ang kanyang lakad palabas ng office. Nagsimula namang mag-ingay ang mga ka-officemate ko nang makalabas si Sean ng opisina. Para bang ngayon lang sila nagkaroon ng kalayaan na magsalita.
"Let's go now," pag-aya sa akin ni Sir Viñas nang makitang tapos na ako.
Tumango naman ak at sumunod lang sa kanya nang magsimula na siyang maglakad.
When we arrived in the studio, daig ko pa ang isang nasa free market sa sobrang gulo ng mga staffs doon. Parang lahat sila ay nagpapanic at hindi alam ang dapat na gagawin.
"Pakiayusan na siya as fast as possible. Mr. Sarmiento's in a very, very impatient mood right now," utos ni Sir Viñas sa mga make-up artists and hairstylist. "We don't want him mad, right?"
Tumango naman ang mga staffs at nang tinanguan sila ni Sir Viñas ay walang salita silang nag-umpisang ayusan ako.
The make-up artist didn't put much make-up on my face. It was like natural make-up but she highlighted my face's every feature more.
The hairstylist just made loose curls at the end of my hair and did a slackened half ponytail.
When I received the dress that I'm going to wear, I finally realized why they styled me this way.
I wore a simple but extravagant white dress that's up to my mid-thighs. It wasn't fitted but it was a cocktail kind of dress.
"You're really beautiful..."
Napatalon ako sa sobrang gulat nang may biglang nagsalita at napalingon sa aking likod.
My eyes widened when I saw Brendt standing in front me, wearing a white trousers and white sando topped with an open light blue polo.
"Brendt?" nagtataka kong pagbanggit ng kanyang pangalan.
Ngumiti ito sa akin. "Mas gumanda ka ng nilagyan ng make-up,” sabi niya. "But I like you more without it."
"Why are you here?" I asked instead of thanking him for his praises and adoration.
Brendt's about to answer when the door suddenly opened.
"Oh, Cassandra! I forgot to tell you that it's a pair photoshoot," sabi naman ni Sir Viñas nang makapasok at nakita si Brendt sa loob. "Ang concept kasi ng photoshoot is about falling in love. Na-inlove siya sa'yo dahil sa puti at kinis ng balat mo..." Sir Viñas explained and he immediately massaged his temples. "God! What am I saying? I sounded gay."
Natawa naman kami pareho ni Brendt sa sinabi ni Sir Viñas.
"Anyway, the photographer and the photoshoot director will tell you everything that you need to do during the shoot. All you have to do is to follow," he said while looking straight at me. "So... Lalabas na ako at lumabas na rin kayo in five."
Nang makalabas si Sir Viñas ay nilipat ko ang aking tingin kay Brendt.
"You're a model?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
Well, he's got looks and a nice body fitting pero hindi ko lang talaga ine-expect na model siya lalo na't he's the heir of their family's real-estate business.
"Is it really that surprising?" Ngumisi siya saka ako inakbayan. "Don't worry. I'll take good care of you today. I'll show you that I'm also reliable when it comes to modelling."
Hindi na ako nakapagsalita ulit at dinala na niya ako papalabas ng dressing room. Nakahanda na ang set at medyo hindi na masyadong chaos ang studio kagaya kanina.
Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita. "Magkatabi pa lang sila, bagay na bagay na."
He was holding a camera. Panigurado ay siya ang photographer.
Naramdaman ko naman ang paglingon sa akin ni Brendt kaya naman napalingon din ako sa kanya. He smiled at me and I also smiled back.
"Let's start this." Dinig ang ma-awtoridad na boses ni Sean. "I still have another appointment after this."
Mabilis naman kaming hinila ng mga staffs sa studio patungo sa may plain white set.
Nang humarap kami ay agad na dumako ang mga mata ko kay Sean na nakahalukipkip at pirming nakatingin sa aming dalawa ni Brendt.
I wasn’t sure if he was staring at us like that because he was really judging and evaluating me or... of course, not.
Napailing ako. Ito na naman ako.
"All you need to do is smile, I'll take care of the rest." Naputol ang tingin ko kay Sean nang bigla akong kausapin ni Brendt.
Tinanguan ko naman siya at ngumiti. I can do this!
"Sit down on Brendt's lap, Cassandra," utos ng photographer. "Just keep on posing, I'll just keep on taking shots."
"Look at me," biglang bulong sa akin ni Brendt.
I averted my eyes to him. Halos mapa-atras ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
I stiffened when he moved closer. Pigil na pigil na ako sa paghinga lalo na nung pinagdikit niya ang aming noo. His hand travelled from my arm to my hand.
"Relax..." he whispered to me and smiled.
Pumikit naman ako at huminga ng malalim bago ngumiti.
Nang dumilat ako ay nagkatitigan kaming dalawa. His eyes were shouting thousand of words, feelings and emotions ngunit hindi ko mapangalanan ang lahat ng mga 'yon.
Brendt moved closer at nagkadikit na ang tungki ng aming ilong. It got harder for me to look at him in the eyes sa sobrang lapit namin sa isa't isa. I slightly moved away from him nang mapansin ko kung gaano kalapit ang labi namin sa isa't isa.
"That's enough." Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa tahimik na studio.
Sabay naman kaming napatingin ni Brendt kay Sean.
"That's enough for a sample shoot. I still have things to do. Let's just discuss about this at the board tomorrow," dire-diretso niyang sabi at nilingon ang kanyang secretary. May sinabi lang siya dito bago mabilis na naglakad paalis ng studio.
Parang halos lahat ng nasa studio ay nakahinga ng maluwag nang makaalis na si Sean sa studio.
"Is he really that impatient?" biglang tanong sa akin ni Brendt habang palabas na kami ng studio.
He told me that he wants to escort me to the office.
"Oo. Sanay na ko. Hindi na ko naninibago dun," sagot ko na lang.
"If only I can take you away from him that easily," he whispered but it was enough for me to hear those words.
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo. I narrowed my eyes.
What the hell is he talking about?
He gave me a smile. "I know you're married. I know you're off limits... but I can't just control myself," he said. "Ayokong nakikitang binabaliwala ka lang niya."
His hand slowly reached for my arm. He held it softly but firmly at the same time.
"Kung hindi mo na kaya... call me and I'll run away with you," he seriously said while staring at me. His eyes screamed sincerity and it shouldn't be like that.
I'm already married.
He should just look for someone else who's not committed.
"Miss Talavera."
Nagulat ako nang bumukas ang elevator at si Sean ang bumungad sa aming dalawa ni Brendt. Agad ko namang binawi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.
"S-Sir Sarmiento," I stuttered.
Hinawakan ni Sean ang gilid ng pintuan ng elevator upang hindi iyon magsara. Nakita ko ring tinapunan niya ng tingin si Brendt bago ako muling nilingon.
"Come to my office, immediately," mariin niyang sabi at muli niyang tinignan si Brendt. "I believe that I didn't allow models here."
"Hinatid ko lang siya," Brendt immediately explained. "I just wanted to accompany her safely to her office."
Napakunot ang noo ni Sean sa sinabi ni Brendt ngunit ngumisi lang si Brendt.
"But since nandito na ang boss niya, I believe that you can take good care of your employees, right?" Brendt sarcastically said and looked at me. "Just text me if you need anything, Sandra."
I nodded my head and slightly smiled. "Ingat ka."
Humakbang na ako palabas ng elevator kaya naman napatayo na ng maayos si Sean at tinanggal ang pagkakahawak sa gilid ng nakabukas na pinto ng elevator.
Nilingon ko ulit ang elevator at kumaway sa akin si Brendt bago ito tuluyan na nagsara.
"Follow me," Sean authoritatively stated as soon as the elevator door shut.
Napalunok ako at napahinga ng malalim bago nagpasyang sundan na siya na ngayo'y medyo malayo na sa akin.
It was an awkward entrance in the office dahil lahat ng mga tao doon ay pinagtitinginan kaming dalawa. Nahagip ko pa ang nagtatakang si Nikki. She mouthed something to me but I was too nervous to understand.
"Ayokong magpapasok ka ng iba, understood?" mahigpit niyang bilin sa kanyang secretary at tumango ito kay Sean.
Dire-diretsong pumasok si Sean sa loob ng kanyang office habang ako'y tinitimbang pa ang aking bawat paghakbang papasok sa loob.
Nang makapasok ako sa loob ay nakita kong nakatalikod siya sa akin, ngunit nang maisarado ko ang pintuan ng kanyang opisina'y lumingon siya't bumungad sa akin ang nag-aapoy niyang mga mata nang dahil sa galit.
"S-Sean..." nauutal at natatakot kong pagsambit sa kanyang pangalan.
"Where have you been last night?" galit na tanong niya.
"I-I'm out with a friend..." nag-aalangan kong sagot.
"A friend?" iritadong tanong niya. "Mag-isip ka naman, Cassandra!"
Napapikit ako sa kanyang pagsigaw. Napayuko na lamang ako. I couldn't look at him. Natatakot ako.
"Wala sana akong pakialam kung hindi ka umuwi pero alalahanin mo naman kung paano kapag tumawag sila mommy sa bahay at kamustahin tayong dalawa? Pati na rin ang daddy mo... What would I say to them? Nakipagsleep-over ka kaya hindi ka umuwi?" he sarcastically said. "Sa susunod kasi na makikipaglandian ka, lagyan mo naman ng limitasyon ang sarili mo. Hindi 'yong inaabot ng umaga."
I knew that I was f*****g scared to him but the anger that was rising and flowing in my veins at the moment were enough to fight that scaredness.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kung nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit, paniguradong sa akin ay mas nagliliyab pa.
"How dare you say that to me?!" I shouted at him. "Ako pa talaga ang sinabihan mong lagyan ng limitasyon ang sarili? Are you making me laugh, Sean? Cause it ain't funny! I'm married and I know my limitations as a married woman. Huwag mo akong igaya sa'yo!"
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Sean nang sigawan ko siya. He wasn't expecting me to fight back.
Kinagat ko ang aking labi nang magsimulang tumulo ang aking mga luha. "Gusto kong makalimot... Gusto kong makalimot sa sakit na paulit-ulit mong binibigay kahit isang gabi lang. Ayoko munang masaktan kahit isang gabi lang kaya ako hindi umuwi," I told him. "I'm so tired of our set-up, Sean. Tao rin ako. Babae ako. No matter how hard I try to build my heart whenever you're breaking it down, there's no use. There's just no use dahil paulit-ulit mo lang din itong ginigiba. Sean... Sobrang sakit na."
"You asked for this," he calmly said.
Para akong baliw na napangiti na lang sa sinabi ni Sean. Tama siya. I shouldn't blame him for the pain that I was feeling dahil ako din naman ang gumagawa nito sa aking sarili. I was the one hurting myself.
"You're right... I asked for this," pagod kong sabi. "And I'm also the one who can make this stop."
Naglakas loob akong titigan siya ng diretso, trying to memorize every inch of his face. It might be the last time that I’m going to see him.
Pinalis ko ang aking luha upang makita ko siya ng malinaw at nagsumikap ngumiti.
"Ayoko na, Sean... Ayoko na." My voice broke. "Papalayaan na kita. Tama na..." Umiling ako at tumalikod na bago pa muling bumuhos ang aking mga luha.
"Sandra—" he called but I had already left his office.
Maybe he was afraid that the employees might see me crying. Ipagkakalat ko na lang na sinesante niya ako kapag tinanong nila ako kung bakit ako umiiyak.
Napatayo si Nikki nang makita akong papalapit sa aming lamesa.
"God, Sandra! What happened?" she looked at me, with so much concern.
"I'm fired and I have to go," sabi ko na lang at nagmamadaling lumabas na ng office.