Give Up We watched an international action–comedy blockbuster film. Sa loob ng sinehan ay si Brendt ata ang may pinakamalakas ng tawa. Naririnig ko pang bumubulong ang mga nasa likod namin na nakakairita daw si Brendt kaya naman ako natatawa. Pagkatapos naming manood ng sine ay sa Karaoke Hub naman kami tumungo ni Brendt. Ilang beses rin kaming nag-extend ng one hour dahil parang kulang pa daw ang kanta namin. Naka-limang kanta lang naman ako at lagi niya akong vinivideohan. The rest of the time inside the hub, puro boses lang ni Brendt ang maririnig mo. Hindi ka naman maiinis dahil maganda naman ang boses niya. Kahit na may aircon sa loob ng karaoke hub ay hindi pa rin nakaligtas si Brendt sa kanyang pawis dahil walang tigil siya ng kakasayaw habang kumakanta. Pakiramdam ko tuloy ay bu

